ANG PINAGMULAN NG KAISIPANG FEMINISTA SA PILIPINAS Lilia Quindoza Santiago Ipinasa kay: Gng. Lynn Sarto Ipinasa ni: Delgado, Georgie Anne O. Dablo, Lovely Joy De Jesus, Eunice D. Domingo, Ana Carmela B. Elisan, Mark Joseph Panulde, Gemar A. Nobyembre 11, 2019 Background ng May-akda Lilia Quindoza Santiago Si Lilia Quindoza-Santiago ay anak nina Victorino Quindoza ng Sta. Cruz, Marinduque at Buena Cadanilla ng Solano, Nueva Vizcaya at kabiyak ng makata-mangaawit na si Jesus Manuel Santiago, ina ng apat na anak na sina Haya Pag-asa, Halina Mandala, Balagtas Himigbayan at Daniw Plaridel. Noong nakapagtapos siya ng pagaaral sa lungsod Baguio, nagawa niyang pagsanibin ang kaniyang mga sulatin tungkol sa mga kababaihan kaugnay ng mga katutubo, mga taga-Iloko at iba pang etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas. Nagturo siya ng Panitikang Pilipino at malikhaing pagsulat sa U.P at nagging associate for Fiction sa Likhaan: Sentro ng Malikhaing Pagsulat, U.P Diliman Quezon City. Siya din ay isang assistant professor of Ilokano at the Department of Indo-Pacific Languages and Literatures, University of Hawaii at Manoa. Siya ngayon ay nakabase sa Hawaii, U.S.A Noong 1989, siya ay naging “Makata ng Taon” sa bisa ng kaniyang tulang “Sa Ngalan ng Ina, Anak, ng Diwata’t Paraluman” na kung saan tumutukoy ito sa mga usaping pangkakabaihan katulad ng pagiging depende ng mga babae sa mga lalaki noong mga nagdaang taon sa Pilipinas, ipinahayag din ni Lilia Santiago ang mga naging gampanin ng mga kababaihan sa bahay, sa simbahan, maging sa kanilang mga asawa o pamilya, nilahad din sa tula nito ang pagbubuwag ng katapanagang matagal nang nananahimik sa kanilang sarili at ang transpormasyon ng mga ito mula pagiging mahihina hanggang sa nagging aktibo at metatag sa iba’t-ibang larangan at sa buhay. Feminismo Ito ay tumutukoy sa prinsipyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagkapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Bakit nagsimula ang feminista sa Pilipinas? Nagsimula ito sa feministang kilusan na naglalayong maunawaan ang pinagmulan ng hindi pagkapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagsuri sa mga panlipunang tungkulin at natamong karanasan ng mga babae. Dahilan kung bakit nahirapan maghanap ng impormasyon sa kasaysayan ng mga kababaihan 1. Karamihan sa historyador ay lalaki. 2. Ang danas ng kalalakihan ay maaring pareho sa kababaihan 3. Ang kasaysayan ng mga kababaihan ay nangangailangan ng higit pang pananaliksik at pagsusuri. Mga pangyayari sa kasaysayan ng mga Kababaihan sa Pilipinas noong panahon ng: TRIBU/BAGO ANG KASTILA PAGDAONG NG ESPANYOL IKA-18 NA SIGLO DEKADA BEINTE DEKADA TREINTA Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas Ang mga babae ay nagtataglay ng kagalang-galang at maipagmamalaking posisyon sa komunidad bago dumating ang mga Kastila ayon sa historyador. Ang mga sumusunod ay ang kalagayan ng mga kababaihan noong panahong hindi pa napapasailalim ng Islam ang mga kababaihan: 1. Hindi lamang mga lalaki ang may karapatan sa pagiging pinuno kundi ang babae rin. Makikita ito sa alamat man o katotohanan na katulad na lamang ni Prinsesa Urduja at ang epiko ni Amaya. 2. Katulad ng kababaihan sa Ehipto noong unang panahon, ang mga babae sa tribal bago ang kastila ay maaring magmana ng kayamanan na galing sa kanilang angkan o pamilya. 3. Kung sa Patrisentrik na kultura ay kailangang magpasakop at pagsilbihan ang kanilang asawa, sa panahon ng tribal ay maari silang makipag hiwalay kung nararapat at mamili ng mapapangasawa. 4. Hindi lamang umiikot ang desisyon sa ama ngunit maaring sa ina at buong angkan. 5. May patas na oportunidad ang mayroon sa mga kababaihan at kalalakihan kaugnay sa mga tradisyon at pamamalakad sa komunidad. 6. Nakikitaan na tagapangalaga ng buhay ang kababaihan sapagkat may kakayahan itong mag alaga at mag supling ng tao. 7. Mga babae ang taga pangalaga ng kalikasan ng buhay at espirito kaya’t tinawag silang animista ng mga Kastila. Dalawang Implikasyon sa Posisyon ng Lalaki at Babae 1. May pagkakaisa ang babaylan, datu at panday ngunit paano kung hindi at watak watak? 2. Sa ganito bang pagkahati hati hindi ba nangingialam ang lalaki o walang pakialam? Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas Bago palang sakupin ng mga espanyol ang ating bansa ang mga kabababihan noon ay mayroong pagkapantay pantay na pagtingin. May ekwal na oportunidad sa bawat kalalakihan lalong lalo sa mga kababaihan at masagana ang kanilang pamumuhay. Kaso sa pagdaong ng mga Espanyol ay naging masalimuot ang kanilang pamumuhay dahil nawalan ng karapatan, kalayaan at oportunidad ang mga kababaihan. 1. Dinatnan ng mga kongkistador na Espanyol na walang malinaw na pagkakahati sa papel sa pagitan ng mga kasarian. Dahil doon, ito ay naging indikasyon na walang pagkakaroon ng pagkakahati sa pagitan ng kasarian o tinatawag na sexual bifurcation. Inagaw ng mga Espanyol ang kapangyarihang pampulitika mula sa datu at ang ipinalit ay ang kapangyarihan ng Hari ng Espanya. Sa pamamagitan ng kanyang mga Sugo, tauhan ng gobernador heneral, mga sundalo at mga paring kastila. 2. Naitatag din ang masalimuot na ramipikasyon ng patriarkiya sa buong kapuluan. Naglaho ang mga kapangyarihan ng mga babaylan na maging tagapamagitan dapat ng mga bathala. Natira na lamang sa kanila ang mga panggagamot, sapagkat itinuring sila na bilang mga herbolario o hilot, at tinatawag pa na bruha o mangkukulam 3. Sa ilalim ng kaayusang ito, naging sapin sapin ang pagkaalipin ng mga kababaihan dahil napairal na rin ang pyudal na pakikipagrelasyon sa pamilya bunga ng itinuro ng mga misyonero. Dahil sa pagkakautang ng pamilya, ang mga babae nagsilbing pambayad utang ng kanilang mga magulang at nagresulta ng hindi naging maayos na karanasan ng mga kababaihan sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol sa ating bansa. Sa Panahon ng ika-18 na siglo Sumanib ang kababaihan sa pambansang kilusan na tinatawag na feminista upang makaalis ang mga kababaihan at maging malaya at mabigyan ng sariling karapatan sa lipunan. Sumapi ang mga kababaihan sa masoneriya at nagtatag ng sangay ng kababaihan sa katipunan. Gumawa ang mga kababaihan ng Katipunan dahil sa trato ng mga kalalakihan sa kanila. Naglunsad ng isang kilusan upang matamo ng mas makabuluhang edukasyon ang kababaihan upang magkaroon ng mga karapatan ang mga kababaihan na makapag-aral at hindi pang-gawaing bahay lang ang kanilang mga alam. Sa siglo ding ito ang naging daan upang makabuo ng samahan ang mga kababaihan na tinawag nilang “Feminista”. Ang Asosacion Feminista Filipina na itinatag ni Concepcion Felix ang kauna-unahang samahang pangkababaihan sa Pilipinas na nagtaguyod sa pagpapalaganap ng kagalingang panlipunan at masugid na paglahok ng mga kababaihan sa kapakanang pambayan. Itinatag ito sa Maynila noong ika-30 ng Hunyo 1905 na kung saan si Concepcion Felix ang itinanghal na kanilang unang pangulo ng samahan. Pagkalipas naman ng isang taon, nabuo naman ang Asociacion Feminista Ilonga na tinaguyod ni Pura Villanueva Kalaw. Sama-sama ang mga samahan ng dalawang kababaihan ay nagtanim ng mga buto ng kasalan ng kababaihan, na pumupunta sa buong bansa upang pukawin ang kamalayan ng mga kababaihan bilang pantay na kasosyo ng mga kalalakihan sa pagbuo ng bansa. Sa Panahon ng ika-30 na siglo Nagkaroon ng usapin para sa karapatang bumoto ng mga kababaihan. Isa sa bumatikos nito ay si Perfecto Laguio na isang abogado. Nagbigay siya ng mga argumento laban sa kilusang suffragist o organisasyon ng mga kababaihan, narito ang ilan: 1. Ang mga babae ay para lamang sa tahanan at pagpapamilya dahil mapapabayaan nila ang responsibilidad nila bilang isa. 2. Ang pagpasok ng kababaihan sa politikal na usapin ay magdudulot lamang ng mababang tingin ng mga kalalakihan dahil itinuturing niya na umaangat lang ang katayuan ng babae ay dahil sa paghanga at pagsamba sa kaniya ng lalaki. 3. Huwag ipagkatiwala ang sweldo sa mga kababaihan dahil ito marahil ang batayan ng angat na kapangyarihan o awtoridad sa tahanan. 4. Ang Pilipinas ay maaring maging matriarkal dahil napakaraming “entrepreneural” na babae na nagbigay ng papuri sa bansa. Pero kahit na nagwagi ang kilusang suffragist noong 1937 sa pampulitikal na gawain, naging ilusyon lamang ang pagkapantay-pantay dahil hindi parin nakamit ng mga kababaihan ang kanilang hinahangad. Laganap parin ang dominasyon sa pulitika lalo na sa mga matataas na posisyon tulad ng presidente kahit maging sa senado. Ang Pagkahubog ng Pagkababae Ayon sa pag-aaral ni Pennie Azarcon, hindj parin nawawala ang tradisyonal na papel ng mga babae, kagayaa na lamang ng pagiging tapat, masinop, maganda, makinis ang kutis, mapag-aryga, mapagmahal at kaakit akit. Ang mga imaheng ito ay laganap sa radyo, telebisyon, magasin at sa mga pelikula. Sa paraan ng pagtangkang baguhin ang imahen ng mga babae sa kultura, tinampok ang mga awiting na may kinalaman sa pagkababae. "O babaeng Walang kibo" - kawalang tinig ng babae at humihikayat na labanan ang kahirapan. Ang kanilang mga gampanin na dapat hindi lang sa kanila umiikot ang gawaing pambahay at hindi lang pagiging ina at kasintahan ang kanilang papel. "Babae ka" ni Ananias Montano - panghihikayat na ikaw mismo, bilang babae ang susi upang mapaunlad at mapabangon ang iyong karapatan sa pagiging babae. "Mga babae" - sumisimbolo na maaaring sinimulan o nasisimulan na ang pagbabago sa buhay ng mga kababaihan. Mga Salik sa Pagkabuo ng Pagkababae sa Lipunang Pilipino. 1. Kasaysayan - nagbago ang pamumuhay at posisyon ng mga kababaihan sa pagdating ng mga kolonisador. 2. Naging laganap ang subordinasyon ng mga babae sa maraming larangan ng buhay pambansa. 3. Patuloy na umiiral ng palasak na larawan ng mga kababaihan sa midya bilang pangkusina, pangkama, at pambahay lamang, ngunit ipinaglaban ng mga kilusang kababaihan. Konklusyon Bago dumating ang mga Espanyol, ang mga katutubong Pilipino, lalaki man o babae ay nakaranas na patas na pribelehiyo pagdating sa pag-aasawa, kapangyarihang pulitikal at relihiyong institusyon. Ngunit nagbago ang mga ito nang dumating ang Kastila kasabay ng pagdala ng patriarkal na ideolohiya kasabay ng sinaunang piyudalismo, unti-unting nagbago ang turing sa mga kababaihan bilang sunod-sunuran sa mga lalaki. Ang peministang Filipino ay naghahangad ng pagkakaroon ng pagkakapantaypantay sa kalalakihan at kababaihan ngunit hindi pa din ito natatamo dahil nakatali tayo sa sistemang patriarkal. Napakarami ang lumaban para sa karapatan ngunit walang naganap na pagbabago dahil mahirap ito matanggal ito ang dahilan kung bakit may feminismo at feminista sa Pilipinas.