Uploaded by Edrian Akmad

modyul-sa-SOSLIT

advertisement
KABANATA I
MGA BATAYANG SIMULAIN SA PANUNURING
PAMPANITIKAN
Introduksyon
Kung paanong napahuhusay ang pagtalakay at napapalalim ang
pagsusuri ng isang akdang pampanitikan ay masasabing nakasalalay sa mga
pananaw at teoryang pampanitikan. Mga salalayang paniniwala itong ang hatid
ay kaalaman at kasiyahan, na siyang dalawang pangunahing dahilan ng
panitikan.
Ang pananaw ay tumutukoy sa paniniwala o persepsyon ng isang
indibidwal o isang pangkat. Samantala, ang teorya ay tumutukoy sa simulain o
prinsipyo ng mga tiyak na kaisipang kailangan sa paglikha ng malinaw at
sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ng isang bagay.
Sa pag-aaral ng panitikan, malaking tulong ang nagagawa ng pag-alam
sa kahulugan, kasaysayan at katangian ng iba’t ibang pananaw at teoryang
pampanitikan. Sa pamamagitan kasi ng matalinong pagpili ng angkop na
pananaw o teorya, ang pagtalakay at pagsusuri ng isang particular na akda ay
nagkakaroon ng batayan at direksyon. Nalilimiyihan din ito ang saklaw ng
talakayan at ng panunuri, at dahil may limitasyon ay nagkakaroon ng lalim
(Villafuerte, et al., 2006; Villafurte & Bernales, 2019).
Pangkalahatang Layunin
1. Matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng sapat na kaalaman at
pag-unawa sa mga araling sumusunod gaya ng: kahulugan ng panunuring
pampanitikan, mga sangay ng pagsusuri, simulain at katangian sa
pagsusuri.
Sosyodad at Literatura
1
Introduksyon
Ang pagsusuri ay proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging
mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na
pagkaunawa rito. Ito ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan
lamang ay umunlad. Ang kahalagahan ng pagsusuri ay upang malaman ang
ibig sabihin ng binabasa mo o upang lubos mong maunawaan ang binabasang
teksto.
Mga Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan;
2. Natutukoy ang mga katangian ng mahuhusay na akdang pampanitikang
may kabuluhang panlipunan;
3. Nabubuod ang mahahalagang kaisipan sa akdang binasa; at
4. Napapalalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.
Aralin I: Katuturan ng Panunuring Pampanitikan
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad
ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng
awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may
opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya
mahalagang siya ay maging matapat.
Sosyodad at Literatura
2
Dalawang Sangay ng Pagsusuring Panitikan
1. Pagdulog
Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang
moralistiko. Ang pangatlo ay ang Sikolohikal, at ang huling uri ay
sosyolohikal-panlipunan.
Pormalistiko - Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa
porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong
atensyon ang kaayusan, istilo,o paraang artistiko ng teksto. Iniiwasan nito ang
pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo, tulad ng
histori,politika,at talambuhay.
Halimbawa: Suyuan sa Tubigan
Moralistiko - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit.
-
pinahahalagaan ang moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa
akda.
-
nakatuon sa bisa ng panitikan sa kaasalan, kaisipan, at damdamin ng
tao.
-
binibigyang diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at
iwaksi ang kasamaan.
-
hahamunin ng guro ang mga mag-aaral na matamang magsuri at
magtimbang-timbang ng lakas at kahinaan ng tatag at karupukan ng
tao sa harap ng mga pagsubok sa kanyang pakikipagtunggali sa buhay
Halimbawa: Liwanag at Dilim
Sikolohikal - makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng buhay,
paninindigan, paniniwalaan, pinapahalagahan at mga tumatakbo sa
isipan at kamalayan ng may akda.
-
mainam na gamitin sa pag-aaral at pagsusuri ng panitikan o akdang
pumapaksa sa mga karanasan ng tao sa iba’t ibang kalagayang
panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan
-
binibigyang pansin ang ugnayang sosyo-kultural politikal, kapamuhayan
at damdamin, asal, kilos, reaksyon ng tao dito.
Sosyodad at Literatura
3
-
maituturing na susi sa pag-unawa sa mga paraan ng sining, sa mga
nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa
isang akda.
-
mahalagang masuri ang mga emosyon at makilala ang tunay
nakatauhan ng indibidwal.
-
sa kaisipang Freudian, sinasabing patuloy na hahanap-hanapin ang
nakagawian na o paulit-ulit na kilos o gawi ng tao.
-
sa pagsusuri ng akda tinatalakay ang mga: kaimbihan o dili kaya’y ng
kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao.
-
sa ganitong dulog, ang sistema ngpagpapahalaga sa lipunan ang
binibigyang-pokus.
Halimabawa: Noli me tangere at El Felibusterismo ni Jose Rizal
*Banaag at Sikat ni Lope K.Santos
2. Pananalig
Binubuo ito ng mga teorya at katangian
Teorya
Bayograpikal
Katangian
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas
ang karanasan o kasagsagan sa buhay
ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga
akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya,
pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.
Halimbawa
Ang teoryang ito ay patungkol sa mayakda ng mga akdang pampanitikan, siya
ang nagsusulat o sumusulat ng mga
akdang
pampanitikan
na
ating
nababasa magpasahanggang ngayon.
Ang teoryang ito ay tumutukoy sa
bakgrawnd ng may akda sa kanyang
sinulat na akda, makababasa tayo ng
ilang mga pangyayaring nangyari sa
tunay na buhay ng may-akda upang
masmapaganda pa nito ang paghubog
sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan
din ito ng pilosopiya ng may akda sa
dahilang kababasaan ito ng kanyang
pananaw patungkol sa mga bagay na
nais niyang ihatid sa mga mambabasa.
Sosyodad at Literatura
4
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi
ng kanyang pagkahubog. Nais din
nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Historikal
Klasismo
Ang teoryang ito ay patungkol sa
pinagmulan at pag-unlad ng wikang
ginamit sa mga akdang pampanitikan.
Kakikitaan ang mga akda ng mga
pagbabago sa paggamit ng mga
salitang naaayon sa panahon at sa
kultura na may kinalaman sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating
bayan,
kasama
rito
ang
mga
pagbabagong nagaganap sa ating
lipunan,
ekonomiya,
edukasyon,
agrikultura at higit sa lahat ang ating
pananampalataya.
Ang layunin ng panitikan ay maglahad
ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang
daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga salita at
laging nagtatapos nang may kaayusan.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita
ang tao ang sentro ng mundo;
binibigyang-tuon ang kalakasan
mabubuting katangian ng tao gaya
talino, talento atbp.
Humanismo
na
ay
at
ng
Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa
pananaw
ng
Humanismo,
pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan
ng lahat ng bagay kaya’t kailangang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag
sa
saloobin
sa
pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na
sibilisado ang mga taong nakapag-aaral
dahil kinikilala ang kultura.
Ang humanismo ay nakatuon sa mga
tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga
tao.
"Paalam sa
Aking
Pagkabata" ni
Zantiago
Pepito
Sosyodad at Literatura
5
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas
ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa
akda na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.
Romantisismo
Ang teoryang pampanitikang umusbong
sa Europe noong ikalawang hati ng
ikalabingwalong dantaon. Kasalungat
ng romantisismo ang klasismo sapagkat
ang higit na pinahahalagahan ng
romantisismo ay ang damdamin at
guniguni.
Nagpapamalas
ang
romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan,
pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang
sinilangan, paniniwala sa taglay na
kabutihan ng tao, paghahangad ng
espiritwalidad at hindi mga bagay na
materyal, pagpapahalaga sa dignidad
hindi sa mga karangyaan at paimbabaw
na kasiyahan at kahandaan magmahal
sa babae/lalakeng nag-aangkin ng
kapuri-puri at magagandang katangian,
inspirasyon at kagandahan.
PAG-IBIG ni
Jose Corazon
de Jesus
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang
katotohanan
kaysa
kagandahan.
Sinumang tao, anumang bagay at
lipunan ayon sa mga realista, ay dapat
maging
makatotohanan
ang
paglalarawan o paglalahad. Karaniwang
nakapokus ito sa pakgsang sosyopulitikal kalayaan, at katarungan para sa
mga naapi.
Realismo
Sa teoryang realismo, higit na mahalaga
ang katotohanan kaysa kagandahan.
Hangad
ng
Realismo
ang
makatotohanang
paglalahad
at
paglalarawan ng mga bagay, mga tao at
lipunan, at alin pa mang pwedeng
mapatunayan sa pamamagitan ng pagiisip ng tao. Higit na binibigyang-pansin
ng
Realismo
ang
paraan
ng
paglalarawan at hindi ang uri ng paksa
ng isang akda. Kahit na ang paksa ay
buhay ng mababa o pangkaraniwang
Noli Me
Tangere
Sosyodad at Literatura
6
tao at hindi ng mayayamang tao (gaya
ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa
panitikan. Ang tunay na mahalaga ay
ang pagiging obhetibo ng awtor
Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng
mga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad
ng mga imahen na layong ilantad ang
totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
Mga Tula,
Tulang
Panambitan
Naipapahayag ang kalinawan sa mga
imaheng
biswal,
eksaktong
paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga
ideya.
Pormalismo
Siko-analitiko
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot
gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang
siyang nais niyang ipaabot sa
mambabasa – walang labis at walang
kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa
Banaag at
Sikat ni Lope
K. Santos
Nakatuon sa kalagayan ng isang tao.
Maaaring sa pag-iisip o sa kanyang paguugali.
Pag-aaral sa kilos o gawi ng mga tauhan
at pananalitang ginagamit ng tauhan.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na
may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na
siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
Eksistensyalismo
Hinahanapan
ng
katibayan
ang
kahalagahan ng personalidad ng tao at
binibigyan halaga ang kapangyarihan
ng kapasyahan laban sa katwiran.
Sosyodad at Literatura
7
Dekonstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao
at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang
mga pilosopo at manunulat na walang
iisang pananaw ang nag-udyok sa mayakda na sumulat kundi ang pinaghaluhalong pananaw na ang nais iparating
ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Ito ay teoryang pangpanitikan na pwede
mong baguhin ang katapusan at pwede
ka ding mag dagdag nga mga tauhan
ngunit hindi mo pwedeng buhain ang
mga namatay na sa akda!
Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala
ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag
ang
mabubuti
at
magagandang katangian ng tauhan.
Paalam sa
Pagkabata ni
Nazareno D
Bas
Ang Feminismo ay tumutukoy sa
kalaksan at sa kakayahan ng tauhang
babae sa isang kuwento o akda.
Arketaypal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit
hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na
alamin muna ang kabuuang konsepto at
tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng
simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda
sa mga mambabasa.
"Sa Tabi ng
Dagat" ni
Idelfonso
Santos
Sosyodad at Literatura
8
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan,
seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangan mahusay ang organisasyon
o balangkas ng lahok.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa,
may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad
4. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat
panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad ng damdamin
at lawak ng pangitain nito.
5. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng
kakayahan.
6. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa
teoryang pampanitikan
7. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag
uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko
• Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining.
• Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o
ideolohiya.
• Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong
nagaganap sa panitikan.
• Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy
na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan,
sikolohiya, atbp.
• Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang
sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod
na alituntunin at batas.
Sosyodad at Literatura
9
• Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng
damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng
panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari
nang mga unang taon ng kanyang pamimili.
BUOD NG KABANATA I
Ang panunuring pampanitikan ay isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan
ng tao-ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang
kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan
niya.
Sangay ng pagsusuring panitikan ay una, Pagdulog. Ang mga uri nito ay
pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo
ay ang sikolohikal at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan. Ang
pangalawang sangay ay ang Pananalig. Bimubuo ito ng maraming teorya at
katangian. Ang mga teorya nito ay bayograpikal, historical, klasismo,
humanism, romantisismo, realismo, imahismo, pormalismo, siko-analitiko,
eksistensiyalismo, dekonstruksyon, peminismo, arketaypal, naturalism,
impresyunalismo, ekspresyunalismo at simbolismo.
Ang mga simulain sa panunuring pampanitikan ay ang mga sumusunod:
Ang pagsusuri sa akda ay dapat may angking talino, seryoso at matapat,
mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok, maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad, sa pagsusuri ng tula, dapat
may sikad ng damdamin at lawak ng pangitain nito, napapanahon, may
masinop na pag uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.
Katangiang dapat taglayin ng isang kritiko ay matapat, kilala ang sarili,
laging bukas ang pananaw, iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko,
at matapat na kumikilala sa akda.
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano ang dalawang sangay ng pagsusuring pampanitikanI? Ipaliwanag
ang bawat isa.
2. Ano-ano ang kahalagahan ng mga pananaw at teoryang literari sa pagaaral/pagsusuri ng mga akda? Ipaliwanag ang bawat isa.
Sosyodad at Literatura
10
Mungkahing Gawain
1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni
Amado V. Hernandez.
-
Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang
angkop gamitin sa pagsusuri?
-
Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.
-
Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan
kung bakit mo ito napili.
2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado
Hernandez.
-
Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.
Repleksyong Papel
Pangalan: ____________________________ Taon at PangkaT: __________
Guro: _______________________ Petsa: ____________ Marka: _________
Sumulat ng repleksyong papel hinggil sa iyong mga inaasahan sa pagaaral ng asignaturang ito at hinggil sa iyong mga ipinapangako sa sarili upang
maging matagumpay ang iyong pagsusuri ng mga akdang pampanitikan
tungko sa lipunang Pilipino.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Sosyodad at Literatura
11
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Sanggunian:
Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina,
Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing
House.
Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan:
Trinitas Publishing Inc.
Sosyodad at Literatura
12
KABANATA II
PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN
Introduksyon
Magkaiba ang mukha ng kahirapan. Dahil magkakaiba ang danas sa
penomenong ito na siyang pinakapangunahin at batayang suliranin ng
maraming bansa sa mundo. May kahirapan maging sa mga mauunlad na
bansa, ngunit higit ang kahiran sa mga tinatawag na third world at developing
countries. Magkakaiba rin ang pamantayan sa pagsukat ng kahirapan sa iba’t
ibang mga bansa, bagaman mayroong mga rekomendadong panukat sa
insidente ng kahirapan sa daigdig.
Pangkalahatang Layunin
1. Matalakay ang mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa kahirapan
Introduksyon
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa.
Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa,
pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga
nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang
mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali.
Mga Tiyak na Layunin
Sosyodad at Literatura
13
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibibigay ang kahulugan ng kahirapan
2. Naipaliliwanag ang mga isyu ng kahirapan sa Pilipinas
3. Nasusuri ang mga akdang pampanitikang tumatalakay sa isyu ng
kahirapan,
Aralin I: Depinisyon ng Kahirapan
Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamtan ng
nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw.
Dito tatalakayin ang sanhi ng kahirapan at ang epekto nito sa kabataan na
nakakaranas ng ganitong kalagayan.
Ayon sa United Nations (UN) nasusukat ang
kahirapan bilang absolut o relatib. Ang absolut na
kahirapan (absolute poverty) ay sumusukat sa
kahirapan kaugnay ng dami ng pera o halagang
kakailanganin para matugunan ang mga batayang
pangangailangan tulad ng pagkain, pabahay at
pananamit. Ito ang mga pangunahing bagay na
kailangan ng tao upang mabuhay. Ang relatib na
kahirapan (relative poverty) naman ay nagbibigay-kahulugan sa kahirapan
batay sa ugnayan nito sa ekonomikong kalagayan ng mga mamamayan sa
isang lipunan. Halimbawa, maaaring ituring na mahirap ang isang tao kung ang
kanyang estado ng pamumuhay ay mas mababa kaysa sa itinakdang
karaniwang antas ng pamumuhay sa isang lugar (Habitat, 2019).
Sa Pilipinas, lubha rin ang kahirapang nararanasan ng malaking
porsyento ng mamamayan, bagaman sinasabi ng pamahalaang nalulunasan
at naiibsan na ang insidente ng kahirapan sa bansa. Mula sa pamantayan ng
pagsukat na nakabatay sa kita, nagpanukala ng mas episyenteng pamamaraan
ang Philippine Statistics Authority (PSA) na tinatawag nilang multi-dimensional
poverty index (MPI). ‘Di tulad ng naunang pamamaraan ng pagtaya, apat na
dimension ang sinusuri nito upang tukuyin ang kahirapan sa Pilipinas. Ang apat
na dimension ay 1) edukasyon, 2) kalusugan at nutrisyon, 3) pabahay, tubig at
Sosyodad at Literatura
14
sanitasyon, at 4) trabaho. Nakapaloob naman ang labintatlong (13) indikeytor
sa respektib na dimensyon upang espesipikong matukoy ang antas ng
kahirapabn.
Sa dimensyon ng edukasyon, kasamang tinitingnan ang pagpasok sa
paaralan (school attendance) at ang antas ng edukasyong natamo (aducational
attainment) ng isang tao. Tatlong indikeytor naman ang kasama sa dimensyon
ng kalusugan at nutrisyon. Ang mga ito ay kagutuman (hunger), konsumo sa
pagkain (food comsumption), at seguro sa kalusugan (health insurance). Ang
dimensyon na pabahay, tubig at sanitasyon naman ang siyang may
pinakamaraming indikeytor na kinabibilangan ng pagkakaroon ng ari-arian
(ownership of asset), pagkakaroon ng palikuran (toilet facility), pinagmumula
ng suplay ng tubig (source of water supply), estado ng paninirahan (tenure
status of dwelling), materyales ng tinitirhang bahay (housing materials), at
kuryente (electricity). Samantala, sa dimensyong pagtatrabaho, tinitingnan
naman ang underemployment at working children not in school.
Noong 2016, nasa 23.9% ang insidente ng kahirapan sa bansa at
bahagyang bumaba ito sa 17.3% sa taong 2017. Nangangahulugan itong
gumanda ang kalidad ng pamumuhay ng maraming Pilipino. Subalit ganoon pa
man ang datos mula sa PSA, tila hindi ingklusibo ang datos na ito. Napakarami
pa rin ang nagsasabing hindi nila nararamdaman ang pag-unlad sa ekonomiya
at ang pagbabang ito ng porsyento ng kahirapan ay tila balintuna. Marahil, ang
pakiramdam na ito ay bunsod pa rin ng malalang kalagayan ng bansa kung
titingnan ang iba pang dimensyon ng kahirapan na siya nang nagiging
pamantayan sa paglalarawan sa kalagayang ekonomiko ng bansa.
ISYU NG KAHIRAPAN SA PILIPINAS
1. Korapsyon - Ang pagnanakaw o pagbubulsa ng pera sa kaban ng bayan ng
mga tao sa gobyerno. ito ang
pinakamalupit
at
talamak
na
dahilan ng paghihirap ng bayan,
ang mga pera na para sana sa
kapakanan ng taong bayan ay
napupunta lang sa bulsa ng iilan
Sosyodad at Literatura
15
na mga may kapangyarihan sa pamahalaan.ito ay maaaring maituturing na
kanser sa lipunan.
2. Imperyalismo - Ang pananakop ng
ilang bansa noong mga nakaraang
panahon tulad ng Espanya, Hapon, US
na nagpahirap sa Pilipinas.
Mga dayuhan na nag iwan ng mga mali o masamang impluwensya at kultura
sa bansa.
3.
Ang
Patuloy na
Pakikialam
o
Pagdikta ng US sa pamahalaan ng
Pilipinas. Masasabing ang mga tulong
pinansiyal ng mga malalakas na bansa sa
Pilipinas ay isang suhol upang mapaikot
at madiktahan ang pamahalaan.
4. Mga pera na hindi naman napupunta sa mga tamang proyekto kundi
nahuhulog din sa bulsa ng korapsyon. Mga perang suhol upang mapalakas
ang kanilang mga pansariling layunin na nagbabaon sa kahirapan ng Pilipinas.
Ang halimbawa dito ay ang pagpasok ng “globalisasyon” ay masasabi
din na imperyalismo, kung saan ang mga
dayuhan
at
mayayamang
kapitalista
na
nagmamay-ari ng iba’t ibang kompanya ang
siyang
nagdidikta
sa
pamahalaan
upang
sisikilin ang karapatan ng mga manggagawa.
Halimbawa: mga pabahay
5. Ang Pagsasanib Pwersa ng Pamahalaan
at Kapitalista ang siyang dumudurog sa
unyon na siyang pumapatay sa karapatan ng
mga manggagawa upang magkaroon ng tamang pasahod, benepisyo at
hustisya.
Sosyodad at Literatura
16
Maituturing na isang pang aalipin o “modern slavery” ang pasahod sa
mga manggagawa, kumpara sa kinikita ng mga higanteng korporasyong
dayuhan.
6. Maling Gawain ng mga Pinuno ng Ating Bansa. Ang pagbubulsa sa kaban
ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga
mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes.
Sapat ang sweldo ng mga pinuno
ng ating bansa, ang totoo ay sobra sobra
pa ito para bumuhay ng isang pamilya,
pero patuloy pa rin sila sa maling
gawain nila. Dahil sa maling gawain ng
mga pulitiko, mga simpleng mamamayan
ang ang naaapektuhan dahil mas pinili nilang ibulsa ang malaking pondong
pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking
kamalian sa parte ng mga pinuno. Maling paggamit ng pundo para sa biktima
ng Yolanda
7. Pagiging Iresponsable ng mga Pilipino o ang Kawalan ng Paninindigan.
Kung magigin responsable lamang ang mga magulang ng mga batang kalye
ay malamang walang pakalat kalat na bata ngayon sa lansangan, walang
uhuging bata na nanghihingi ng limos at kaawa-awa na mga mukha ng mga
gutom na bata ang makikita natin.
8. Malalang Pagpapalit ng mga Lupang Agrikultura Upang Gawing
Industriyal, Bahayan at Golf
courses ng mga mayayaman,
kung saan
naagawan
ng
pangunahing lokal na pagkain.
Dahilan upang mag-angkat pa
ng mga pangunahing pagkain
tulad ng bigas sa ibang bansa,
ng mga agrikulturang lupa na ipinagbili para sa mga pabahay.
9. Matinding Kapabayaan sa Likas na Yaman ng Bansa. Ang pagputol ng
mga puno na dahilan ng pagbaha (illegal logging), landslide at erosion.
Sosyodad at Literatura
17
Ang pagdudumi sa ilog at dagat, pag
gamit ng mga nakakalason, paputok at
maling paraan ng pangingisda na
sumisira
sa
yamang dagat.
Ang kapabayaan
ng
gobyerno
at
mamamayan sa likas na yaman ay isang malaking dahilan upang unti unting
mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.
10. Kakulangan sa Edukasyon, Mas lumalaki ang porsyento ng mga walang
pinag–aralan dito sa Pinas. Kaya humihirap ang ating bansa. Sinasabi na "Ang
kabataan ang pag asa ng bayan", ngunit kung walang sapat na kagamitan at
lugar ang mga bata upang matuto ay sa tingin niyo may matututunan pa ba
sila? Mahirap talaga ang buhay kung wala kang pinag – aralan dahil
mahihirapan kang humanap ng trabaho. Karamihan kasi ng mga trabaho
ngayon
ay
pamantayan
matataas
at
ang
hindi
sila
tumatanggap ng mga walang pinag
– aralan. Kung dito pa lang ay
nararanasan na ang hagupit ng
kahirapan, paano pa kaya kapag
ikaw ay hirap na hirap na sa buhay
11. Katamaran, ang pag iwas sa gawain,
hanap buhay o trabaho. Katumbas ito ng
indolensya. Ang
katamaran
ang
nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap
ng mga tao. Wala silang tiyaga na
maghanap ng mga posibleng paraan
kung
paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang
mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa
salat nilang pamumuhay.
Sa kasunod na talahanayan, makikita ang komparatibong paglalahad sa
kalagayan ng kahirapan sa apat na dimensyong nabanggit sa taong 2016 at
2017:
Sosyodad at Literatura
18
Dimensyon
Edukasyon
Taon
Kalusugan
Pabahay,
at
Tubig, at
Nutrisyon
Sanitasyon
Pagtatrabaho
2017
36.9%
27.5%
27.4%
8.3%
2016
36.5%
26.2%
26.4%
10.9%
Mula sa Philippine Statistics Authority, Press Release 2018—187
Ayon sa estadistikong ito, bahagyang gumanda ang lagay ng
pagtatrabaho. Gayon pa man, marami ring pag-aaral ang nagpapakita ng hindi
magandang kalagayan ng paggawa sa Pilipinas. Sa kabila ng pagsusulong sa
pagpapatigil ng kontraktwalisasyon sa bansa, patuloy at ‘di masugpo-sugpo
ang sistemang ito. May mga haing batas at kautusan subalit tila pabor pa rin
naman ang mga ito sa mga mayayaman at nagmamay-ari ng mga negosyo at
hindi nakatuon para sa pangkalahatang kapakanan ng mga maliliit na
manggagawa. Nakalulungkot isipiing kahit
bumaba ang pangkalahatang
kahirapan sa bansa mula 2016 hanggang 2017, ang tatlong mahahalagang
dimensyon na sumusukat sa kahirapan ng mga mamamayan ay lumala. Kapwa
lumala ang kalagayan ng kahirapan sa edukasyon, sa kalusugan, at nutrisyon,
at sa pabahay, tubaig at sanitasyon. Mapapansin sa kasunod na talahanayan:
Dimensyoon
2017
2018
%
%
Pagpasok sa paaralan (school attendance)
3.8
6.3
Antas ng edukasyong naabot (educational attainment)
49.4
59.3
Kagutuman (hunger)
0.6
0.3
Konsumo sa pagkain (food consumption)
21.8
27.3
Seguro sa kalusugan (health insurance)
32.1
36.6
Pagkakaroon ng ari-arian (ownership of asset)
34.3
43.3
Pagkakaroon ng Palikuran (toilet facility)
22.6
26.9
Pinagmumulan ng suplay ng tubig (source of water
14.6
20.8
Edukasyon
Kalusugan at Nutrisyon
Pabahay, Tubig, at Sanitasyon
supply)
Sosyodad at Literatura
19
Estado ng paninirahan (tenure status of dwelling)
4.0
2.4
Materyales ng tinitirhang bahay (housing materials)
21.7
23.9
Kuryenta (electricity)
4.9
8.2
Underemployment
6.6
8.2
Working children not in school
1.3
2.6
Pagtatrabaho
Mula sa Philippine Statistics Authority, Press Release 2018—187
Ayon sa PSA, ipinapakita ng mga datos na ito na konsistent ang
educational attainment bilang pangunahing naipakakait na pangangailangan.
Nangangahulugan ito na anim (6) sa bawat sampung (10) pamilya noong 2016
o lima (5) sa bawat sampu (10) noong 2017 ay napagkaitan ng batayang
edukasyon. Nangangahulugan din ito na anim (6) sa sampung (10) pamilya ay
may isang myembrong edad labinwala (18) pataas ay hindi nakatapos ng pagaaral sa batayang edukasyon. Pinaka-deprived inaman ang mga Pilipino sa
seguro sa kalusugan (32.1%), pagkakaroon ng ari-arian (34.3%), at
employment (6.6%) (PSA PR, 2018, p.2) sa iba pang tatlong dimensyon.
Sa pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) noong 2009 na inilahad
sa Poverty in the Philippines: Causes, Constraints and Opportunities, tinutukoy
ang sumusunod na dahilan ng kahirapan sa Pilipinas: mababa o katamtamang
pag-unlad ng ekonomiya sa nakaraang apatnapung (40) taon; mababang pagunlad ng pagpapababa sa kahirapan; kahinaan sa paggawa ng trabaho at ang
mababang kalidad ng trabahong nabubuo; kabiguang mapaunlad ang sector
ng agrikultura; mataas na implasyon maging sa panahon ng mga krisis
pinansyal; mabilis na pagdami ng tao; malawak na antas ng inekwalidad ng kita
at ari-ariang nagpapawalang-saysay sa pagbuti ng ekonomeya; at pauli-ulit na
pagkakalantad sa panganib sa mga hidwaan, kalamidad at iba pa. Sa pag-aaral
na ito, ilang mahahalgang punto ang natuklasan: 1) Ang pag-unlad ng
ekonomiya sa mga nakalipas na taon ay hindi nangangahulugan ng pagbaba
ng antas ng kahirapan; 2) Malawak na nagkakaiba ang antas ng kahirapan sa
mga rehiyon ng bansa; 3) Nananatiling karaniwang phenomenon ang
kahirapan sa mga lugar na rural kahit pa umuunlad na ang mga nasa lugar na
urban; 4) Mas malalaki ang pamilya ng mahihirap na karaniwang may anim na
Sosyodad at Literatura
20
miembro o higit pa;
at 5) Mahina ang kakayahang magpatupad ng mga
programang pangmahihirap ang mga local na pamahalaan sa bansa.
Dahil dito, mabagal ang pagsugpo at kahirapan at kung gayo’y
kinakailangan ng isang mas espisyenteng pamamaraan upang masolusyunan
ito. Walong (8) taon mula nang Makita ang mga ugat ng kahirapang ito, halos
walang pagbabago sa mga natuklasang dahilan nito. Noong 2017, inisa-isa ng
Nationall Anti-Poverty Commision sa kanilang ulat na Reforming Philippine
Anti-Poverty Policy: A Comprehensive ang Integrated Anti-Poverty Framework
ang mga ugat ng kahirapan at underdebelopment sa Pilipinas. Ayon sa ulat ito,
ang mga ugat ay ang: 1) Agrivultural backwardness and non-industrialization
have not been overcome; 2) Poor development performance is due to
liberalization and market-oriented reforms since the 1980s; 3) Policy making
overlay prioritize foreign investors and organized domestic business interests;
4) Market-oriented social policy and social protection are nsufficient or
ineffective; 5) The poor are the most heavily affected by environmental distress;
at 6) Recent rapid growth points to unsound development fundamentals.
Dahil sa mga nabanggit na tuklas, nagpanukala ang Komisyon ng Mga
Makamahihirap ng pamamaraan sa pagsugpo sa kahirapan. Kabilang sa mga
panukalang ito ang sumusunod: 1) a right-based and social development
approach enables a broad understanding of poverty; 2) agrarian reforms and
national
industrialization
are
necessary
for
poverty
eradication;
3)
macroeconomic policies need to be more balanced, reducing excessive
reliance on market forces; 4) comprehensive, universal, and transformative
social policy isa needed, including the establishment of a social protection floor;
5) reforms are possible with improved governance and greater peoples
participation to build constituency for change. Tinatanaw na sa pamamagitan
ng mga mungkahing ito, magkakaroon ng gabay para sa pagbubuo ng mga
programang kontra-kahirapan na nagsasaalang-alang una sa kapakanan ng
mga mahihirap at hindi ng pansariling interes ng mga may kapangyarihan.
BUOD NG KABANATA II
Sosyodad at Literatura
21
Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamtan ng
nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang arawaraw. Dito tatalakayin ang sanhi ng kahirapan at ang epekto nito sa kabataan
na nakakaranas ng kahirapan.
Ang mga Isyu ng kahirapan sa pilipinas ay mga sumusunod: Corruption,
Imperialismo, Ang patuloy na pakikialam o pagdidikta ng US, Mga pera na
hindi naman napupunta sa mga tamang proyekto kundi nahuhulog din
sabulsa ng korapsiyon, Ang pagsasanib puwersa ng pamahalaan at
kapitalista, Maling Gawain ng mga pinuno n gating bansa, Pagiging
iresponsable ng mga Pilipino o ang kawalan ng paninindigan, Malalang
pagpapalit nang mga lupang agrikultura upang gawing industriya, Matinding
kapabayaan ng likas na yaman ng bansa, Kakulangan sa Edukasyon at
Katamaran.
Sagutin ang sumusunod na Katanungan:
1. Ano ang kaibahan ng absolutong kahirapan at relatibong kahirapan?
Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang mungkahi mo para malutas ang suliranin sa unemployment
dito sa Pilipinas? Magbigay ng limang mungkahi. Ipaliwanag ang bawat
isa.
Mungkahing Gawain
Bumuo ng sariling dayagram tungkol sa antas ng kahirapan ng mga
Pilipino. Ipaliwanag sa nakalaang espasyo ang binuong dayagram.
Sosyodad at Literatura
22
Mayaman
Gitna
Mahirap
Akdang Pampanitikan I
Iskwater
Ni Luis G. Asuncion
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan
Mahigit isang dekada na kaming nakatira sa squatters’ area malapit sa
Batasang Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. Noon ang mga
bahay ay kakaunti pa lang at halos puro
talahiban ang kapaligiran. Nang mga
nagdaang taon ay parang mga kabute na
nagsisulputan ang mga bahay rito. Hindi
lang basta maliliit na bahay kundi mga
naglalakihan na parang mansion.
Ilang beses na rin na nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga
bahay rito pero hindi nagtatagumpay dahil na rin sa pakikipaglaban ng mga
nakatira rito. Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa
pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan.
Pero sabi ko sa sarili ko ay mahihirapan na ang gobyerno na mapaalis na
ang mga tao kahit na ang iba ay gusto nang umalis tulad ko. Ang dahilan
kung bakit hindi kami makaalis ay dahil wala rin kaming maayos na
Sosyodad at Literatura
23
malilipatan. Nangako ang gobyerno na kapag nademolis kami ay may
nakahanda kaming malilipatang lupa sa parte ng Payatas. Pero ang iba
naman ay patuloy paring naghihintay.
Ang alam ko lang, ang iskwater ay ang lugar kung saan ang mga
mahihirap lamang ang naninirahan. Pero bakit ganun, nakikipagsiksikan ang
mga mayayaman pa sa kaibigan ko na nakatira sa Don Enrique Subdivision,
Quezon City.
Ang ilang sa mga kapitbahay naming ay napakalakas magsipagtugtog ng
kanilang mga component na animo’y nagpapasikat sa mga tulad naming
mahihirap.
Minsan, nasilip ko ang loob ng isa sa mga kapitbahay naming dahil
nakabukas ang kanilang geyt at pinto. Nakita ko ang isang putting kotse na
hindi ko alam kung ano’ng tatak pero ang alam ko lang napakamahal ng
ganoong klase ng sasakyan. At ang gamit nila sa loob ay napakarami. Ang
telebisyon nila ay higit pa sa apat na beses ang laki ng Tv naming 14 inches.
Ang karaoke ay dalawang beses ang laki sa karaokeng naming Hanabishi.
At higit na malakas ang dahil nakahiwalay pati ang dalawang naglalakihan
nitong speaker.
At kapag Pasko naman o Bagong Taon ay makikita mo lalo ang kanilang
pagiging galante. Sila pa rin ang pinakamalakas magpatugtog ng mga
pamaskong awitin. At ang kanilang mga handa ay isang buong litsong baboy
o baka at iba pang pagkain ng mga mayayaman.
Tuwing ang isa namang miyembro ng kanilang pamilya ang may
kaarawan, makikita mo na ang kanilang mga handa ay para sa isang pista
ng nayon at ang mga bisita ay halos lahat de-kotse.
Minsan nakita ko ang kapitbahay naming mayamang kolehiyala na tipo
ang itsura, kapag hindi mo kilala, ay di mo aakalain na nakatira sya sa isang
squatters’ area. Matangkad, maganda, maputi, seksi, kaakit-akit lalo na ang
pananamit. Sa aking obserbasyon, iba-iba ang kanyang boypren tuwing
makikita ko siya sa labas. Hindi sya nagpapaligaw sa bahay nila dahil ang
sabi’y nahihiya siya sa lugar na kinatitirikan ng malaki nilang bahay. Bakit
ditto pa sila nagpatayo
ng bahay?
Sosyodad at Literatura
24
Noong wala pang gaanong mga bahay ditto ay Malaya kaming
nakapaghahabulan sa mga talahiban ay nangangamba na madamay rito.
Kung may pera lang sana kami para makaalis na sa lugar na ito ay
matagal na naming ginawa. Sabi ko sa sarili na ipinanganak akong mahirap
ay mamamatay din yata akong mahirap.
Bakit ganun, ang mga mahihirap ay ‘di kalian man makakatira sa lugar ng
mga mayayaman. Pero ang mga mayayaman ay maaaring manirahan sa
lugar ng mga mahihirap ano mang oras nilang gastusin.
Gabay sa Pagsusuri
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng
halimbawa.
3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?
Ipaliwanag.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto
ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng
iskwater? Ipaliwanag.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?
Ipaliwanag.
Mungkahing Gawain
1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.
Sosyodad at Literatura
25
Akdang Pampanitikan 2
Bata, Bata, Ano ang Pangarap Mo?
Ni Ben Beltran
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan, 21
Brasong payat ang unan, banig mo ay karton
Nanginginig ka sa ginaw, sa higaang kariton
Damit mo na gusgusin, hindi na nalabhan
Kahapon pa kumain ng mula sa basurahan.
Mga batang lansangan sa gubat na aspalto
Lahat panay sabog sa solvent o shabu
Ang iba’y nagtitinda ng tsiklet, sigarilyo
O sariling katawan sa dayuhang milyonaryo.
Refrain:
Bata, bata, ano ang pangarap mo?
Paglaki mo kaya ika’y maging ano?
Naglipanan sa kalye, mga musmos na tulad mo
May gatas pa sa labi, nasadlak na sa impiyerno.
Sa lipunanng mga pipi, bulag at bingi
Walang pumapansin sa tahimik mong hikbi
Pag-asa ka ng bayan, tadhana’y malagim
Hinigop ng buhawi, nilamon ng dilim.
Gabay sa Pagsusuri
1. Sino ang persona sa tula? Paano mo ito nasabi?
2. Ano ang larawan ng bata sa akda?
3. Paanong higit na nailalarawan ang kalagayan ng bata sa indayug ng
pagbasa sa tula?
4. Anong hatid sa damdamin ng tugma sa tula? Ipaliwanag.
Sosyodad at Literatura
26
5. Anong mga imahen sa tula ang ginamit na nagpatingkad sa mensahe
nito?
6. Aling taludtud o saknong sa tula ang nagbigay ng pinakamalinaw na
larawan ng kahirapan? Ipaliwanag ang napili.
7. Paano masosolusyonan ang mga ganitong kinakaharap ng lipunan?
Ipaliwanag.
Mungkahing Gawain
1. Sa kasunod na dayagram, ihambing at ikontrast ang binasang tula sa ibang
tulang may katulad na paksa.
1. Sumulat ng sariling maikling tula hinggil sa kahirapan.
Sanggunian:
Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina,
Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing
House.
Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan:
Trinitas Publishing Inc.
https://emersonmactal.wordpress.com/2016/10/17/kahirapan-sa-pilipinas/
Sosyodad at Literatura
27
KABANATA III
PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO
Introduksyon
Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay
mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan
upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao.
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa
sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan
niya tulad ng pagkain. Damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan
ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi
maaaring
mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan.
Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang
pantao ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay
kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao.
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin
ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw
sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan
ay lumabag sa ating karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman
kung sakaling nahahadlanganang ating karapatan.
Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng
iba. Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na
igalang ang karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay
kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan
sa lahat ng aspeto ng ating buhay
sa lipunang Pilipino.
Pangkalahatang Layunin
Sosyodad at Literatura
28
1. Maipaliliwanag ang katuturan, mga uri ng karapatan at mga
dokumentong karapatang pantao.
Introduksyon
Simula nang isilang tayo sa daigdig bilang tao, kasama na ring isinilang
ang ating mga karapatan. Sinisiguro nito na magiging produktibo tayong bahagi
ng lipunan at magiging ligtas ang pananatili saan mang bahagi ng mundo.
Isa sa mga mahahalaga nating karapatan ay ang mabuhay nang tahimik
o payapa. Sinisikap ng bawat pamahalaan sa mundo na mapanitili ang
kaayusan at kapayapaan saanmang sulok ng daigdig. Dapat na mailayo sa
kapahamakan ang bawat isa at makaiwas sa kriminalidad.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa
karapatang pantao;
2. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan tungkol sa
karapatang pantao;
3. Nailalahad ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan
tungkol sa karapatang pantao;
4. Naibubuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa mga akdang
pampanitikan tungkol sa karapatang pantao;
5. Nakasusulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang
panlipunan ng isang akdang pampanitikang hinggil sa karapatang
pantao;
6. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t
ibang isyu ukol sa karapatang pantao;
Sosyodad at Literatura
29
7. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at
ng panitikan
Aralin III: Katuturan ng Karapatang Pantao
Ang karapatang pantao ay ginagamit ng mga tao kapag sila ay
naaabuso o kaya naman kapag ipinaglalaban nila ang kanilang nais.
Mga Uri ng Karapatan
1. Natural - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkakaloob
ng estado.
Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng
ari-arian.
2. Constitutional
rights
-
Mga
karapatang
ipagkakaloob
at
pinangangalagaan ng Estado.
Halimbawa: Karapatang political, Sibil, Sosyo Ekonomiks at karapatan
ng akusado.
3. Statutory - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaring alisin
sa pamamagitan ng panibagong batas.
Dalawang Karapatang Pantao
1. Indibidwal o personal na karapatan - Karapatan na pag-aari ng mga
indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.

Karapatang sibil- ito ang mga karapatan ng mga tao upang
mabuhay na Malaya at mapayapa.

Karapatang pulitikal- ito ang karapatang na makisali sa mga
proseso pagdesissyon ng pamayanan.

Karapatang panlipunan- ito ang karapatang mabuhay ang tao
sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.

Karapatang pangkabuhayan- ito ay mga karapatang ukol sa
pagsusulong ng kabuhayan ng disenteng pamumuhay.

Karapatang kultural- karapatan ng mga taong lumahok sa
buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong
pag-unlad ng pamayanan.
2. Pangkatan/ Pangrupo/ o kolektibong karapatan
Sosyodad at Literatura
30
* Ito ay mga karapatang bumuo ng pamayanan upang isulong ang
panlipunan.
Mga dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao
•
Cyru’s Cylinder – ang karapatang pantao na nakapaloob dito ay may
kinalaman sa hindi pangtangging lahi at kultura o maging ng relihiyon.
Nakasaad ditto na dapat ay pantay-pantay ang tingin sa kahit kaninong
tao. “Ang lahat ng tao ay may karapatang pumili ng relihiyon at marapat
ituring na kapantay ng ibang lahi.
– Maging malaya ang mga alipin,
– Karapatang pumili ng nais na relihiyon
– Pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay
•
Magna Carta - Hindi maaring dakpin, ipakulong at bawiin ang anumang
ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman.
– Magna Carta of Women - isinabatas upang alisin ang lahat ng uri
ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod
ang pagkapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng
bagay,
alinsunod
sa
mga
batas
ng
Pilipinas
at
mga
pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o
CEDAW
•
Petition of human rights- Hindi pagpapataw ng buwis nang walang
pahintulot ng Parliament.
– Halimbawa, kapag ang sistema ng parylamentaryo ay may
ipinatupad na batas o isinagawang regulasyon na marahil ay hindi
kinakikitaan ng patas na hustisya, magkakaroon ng karapatan
ang isa na tumutol dito at muling pag-usapan ang pagpapatupad
nito.
•
Bill of Rights - Karapatang pantao ng lahat ng mamayan at iba pang
naninirahan sa bansa
– Nakasaad dito na hindi maaaring kitilin ang buhay, kalayaan, o
ari-arian ng sinuman nang hindi nabibigyan ng 'due process'. Ibig
Sosyodad at Literatura
31
sabihin, dapat dumaan sa tamang proseso ang sinumang
nanganganib matanggalan ng mga proteksiyong ito. Kasama
diyan ang mabigyan siya ng pagkakataong idepensa ang
kaniyang sarili.
•
Declaration of the rights of man and of the citizen - karapatan ng
mga mamamayan.
– Isang pundamental na dokumento ng Rebolusyong Pranses, na
binibigyan kahulugan ang indibiduwal at kolektibong mga
karapatan ng lahat ng pag-aari ng lupain bilang pangkalahatan.
Naimpluwensiya
ng
doktrina
ng
likas
na
karapatan,
pangkalahatan ang mga karapatan ng Tao: may bisa sa lahat ng
oras at sa kahit saang lugar, tumutukoy sa kalikasan ng tao
mismo.
Mga Karapatang Pantao o Human Rights
1. karapatang mamuhay (right to live)
2. kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech)
3. pagkakapantay-pantay sa harap ng batas (equality before the law)
4. panlipunang karapatan (social rights)
5. pangkalinangang karapatan (cultural rights)
6. pangkabuhayang karapatan (economic rights) (pertaining to livelihood)
7. karapatang makilahok sa kultura (the right to participate in culture)
8. karapatan sa pagkain (the right to food)
9. karapatang makapaghanapbuhay (the right to work for a living)
10. karapatan sa edukasyon (the right to education)
11. karapatan ng tao (rights of man”) rights of human being, rights of people
Kahalagahan ng Karapatang Pantao
Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala rin sa karapatan ng iba.
Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na
igalang ang karapatan ng bawat tao. Kung ang lahat ng mamamayan ay
kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng
kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino.
Sosyodad at Literatura
32
BUOD NG KABANATA III
Ang mga karapatang pantao ay mga prinsipyo o pamantayan ng moral na
naglalarawan ng ilang pamantayan ng pag-uugali ng tao at regular na
pinoprotektahan bilang natural at legal na mga karapatan sa munisipal at
internasyonal na batas. Karaniwang naiintindihan ang mga ito bilang dimabilang, pangunahing mga karapatan "kung saan ang isang tao ay likas na
may karapatan dahil siya o siya ay isang tao" at "mga likas sa lahat ng tao",
anuman ang kanilang bansa, lokasyon, wika, relihiyon, etniko pinagmulan o
anumang iba pang katayuan. Ang mga ito ay naaangkop sa lahat ng dako at
sa bawat oras sa pag-unawa ng pagiging unibersal, at ang mga ito ay
mapagpakumbaba sa kahulugan ng pagiging pareho para sa lahat.
Napapabilang rin dito ang mga uri ng karapatan una, ang natural rights,
constitutional right at Statutory right.
Mga dokumento sa karapatang pantao, ito ay ang Cyru’s Cylinder, Magna
Carta, Petition of human rights, Bill of Rights at Declaration of the rights of
man and of the citizen.
Mungkahing Gawain
1. Mag-interbyu ng Punong Barangay at isang pulis sa iyong pamayanan.
Itanong kung anu-ano ang mga karaniwang kaso sa paglabag ng karapatang
pantao. Itanong din ang kanilang hakbang na ginawa upang mabigyang
proteksyon ang mga naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Isulat sa tsart ang iyong nakalap na datos.
Mga Tinanong
Mga Paglabag
Hakbang na Ginawa
1.
2.
Pulis
3.
4.
5.
1.
2.
Sosyodad at Literatura
33
Punong Barangay
3.
4.
5.
2. Ano ang iyong masasabi sa mga hakbang na ginawa ng:
a. Pulis
b. Punong Barangay
Sosyodad at Literatura
34
Akdang Pampanitikan I
SANAYAN LANG ANG PAGPATAY
Fr. Albert Alejo, SJ
(Para sa sektor nating pumapatay ng tao)
Pagpatay ng tao? Sanayan lang ‘yan pare.
Parang sa butiki. Sa una siyempre
Ikaw’y nangingimi. Hindi mo masikmurang
Tiradurin o hampasing tulad ng ipis o lamok
Pagkat para bang lagi ‘yang nakadapo
Sa noo ng santo sa altar
At tila may tinig na nagsasabing
Bawal bawal bawal ‘yang pumatay.
Subalit tulad lang ng maraming bagay
Ang pagpatay ay natututuhan din kung magtitiyaga
Kang makinig sa may higit na karanasan.
Nakuha ko sa tiyuhin ko kung paanong balibagin ng tsinelas
O pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa aming
kisame
At kapag nalaglag na’t nagkikikisay sa sahig
Ay agad ipitin nang hindi makapuslit
Habang dahan-dahang tinitipon ang buong bigat
Sa isang paang nakatingkayad: sabay bagsak.
Sosyodad at Literatura
35
Magandang pagsasanay ito sapagkat
Hindi mo nakikita, naririnig lamang na lumalangutngot
Ang buo’t bungo ng lintik na butiking hindi na makahalutiktik.
(Kung sa bagay, kilabot din ‘yan sa mga gamu-gamo.)
Nang magtagal-tagal ay naging malikhain na rin
Ang aking mga kamay sa pagdukit ng mata,
Pagbleyd ng paa, pagpisa ng itlog sa loob ng tiyan
Hanggang mamilipit ‘yang parang nasa ibabaw ng baga.
O kung panahon ng Pasko’t maraming paputok
Maingat kong sinusubuan ‘yan ng rebentador
Upang sa pagsabog ay magpaalaman ang nguso at buntot.
(Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit
Patuloy pa rin ‘yang nadaragdagan.) Kaya’t ang pagpatay ay
nakasasawa rin kung minsan.
Mabuti na lamang at nakaluluwag ng loob
Ang pinto at bintanang kahit hindi mo sinasadya
At may paraan ng pagpuksa ng buhay.
Ganyang lang talaga ang pagpatay:
Kung hindi ako ay iba naman ang babanat;
Kung hindi ngayon ay sa iba namang oras.
Subalit ang higit na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob
Ay ang malalim nating pagsasamahan:
Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y nanonood.
Gabay sa Pagsusuri
1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?
2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa
pagpaslang sa tao?
3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
Mungkahing Gawain
Sosyodad at Literatura
36
1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng
kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling
reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.
Akdang Pampanitikan 2
KUNG BAKIT SALBAHE ANG SALITANG "SALVAGE"
Ni: Gregorio V. Bituin Jr
Wikang Ingles ang salitang "salvage" na ang ibig sabihin ay "save" o
isalba, sagipin, iligtas. Ginagamit ito lalo na sa pagsagip ng isang barko. Ngunit
sa wikang Filipino, hindi pagsagip, pagligtas at pagsalba ang ibig sabihin ng
salitang "salvage" kundi ang kabaligtaran nito - pagpatay, pagpaslang,
pagsalbahe sa katauhan at katawan ng isang tao. Sa kahulugang ligal, ang
"salvage" ay "summary execution" o "extrajudicial killing". Sa ating bansa
lamang
masasabi
na
ang
salitang
"salvage"
ay nangangahulugang
pagpaslang.
Sa ating bansa, ang kahulugan ng salitang "salvage" o pagpaslang ay
uminog mula sa salitang Kastilang "salbahe" na ibig sabihin ay masama ang
ginagawa sa kapwa. At dahil maraming salitang uminog na napapaghalo natin
ang salitang Kastila at Filipino, tulad ng salitang "amin" o pag-amin ay naging
"aminado", napasama na rin dito ang salitang Kastilang "salbaje" na naging
"salbahe" sa Filipino na naging "salvage" sa Ingles.
Kaya maraming balita sa radyo, dyaryo at telebisyon ang nagsasabing
may "na-salvage" na naman, na ibig sabihin, may pinaslang na naman. Sa
pambungad na pahina (front page) ng pahayagang tabloid na Pilipino Star
Ngayon (Hulyo 2, 2013) ay nakasulat: 4 KATAO 'SINALVAGE', NATAGPUAN
SA HIGHWAY, at ang kabuuang balita sa pahina 2 ay pinamagatang "4
'sinalvage', natagpuan". Kapuna-puna ang panipi sa salitang "sinalvage" dahil
ginawang Filipinisado ang isang salitang Ingles, na sa katotohanan ay mula sa
wikang Kastila.
Mula sa pahayagang Remate: "Biktima ng salvage, natagpuan sa
Maynila" by Jocelyn Tabangcura-Domenden & Ivan Gaddia, July 19, 2013:
NAKATALI ng nylon cord ang leeg, kamay at paa ng isang lalaki na hinihinalang
Sosyodad at Literatura
37
biktima ng summary execution nang matagpuan ito kaninang madaling araw sa
Sampaloc, Maynila. Inilarawan ang biktima na nasa edad na 25-30, may taas
na 5’4 hanggang 5’5, balingkinitan ang pangangatawan, nakasuot ng T-shirt na
painted at brown khaki short pants. Nauna rito, naglalakad umano sa lugar ang
di nagpakilalang tricycle driver nang mapansin ang biktima na nakabalot sa tela
at may placard na nakapatong sa kanyang dibdib na “Snatcher ako, huwag
pamarisan”.http://www.remate.ph/2013/07/biktima-ng-salvage-natagpuan-sa
maynila/#.UjqEptJmiSo).
Pagpaslang, pagsalbahe sa katawan, pagpapahirap, pagtiyak na wala
nang buhay, itinatapon kung saan. Natatagpuan na lamang na malamig nang
bangkay. Ang mga biktima ay sinalbahe ng kung sino. Sinalvage sila. Biktima
sila ng "summary execution" o "extrajudicial killing".
Sa WikiPedia, ang "summary execution" ay ganito: "Extrajudicial killings
in the Philippines are referred to as salvage in Philippine English."
(http://en.wikipedia.org/wiki/Summary_execution)
Sa artikulong "Philippine English" na nalathala sa The News Today
(Online Edition) ay nakalista ang 61 mga salita o yaong "terms common only to
Philippine English", at ang pang-53 ay "salvage" na ang kahulugan ay "it means
to
deprive
of
life;
kill".
(http://www.thenewstoday.info/2005/03/15/opinion6.htm)
Sa aklat na "The Activist" ng isang Antonio Enriquez, ganito niya
inilarawan ang salitang "salvage": Unknown yet to the public was Davao’s
Killing Fields, where those who opposed Dictator Marcos were “salvaged,” a
coined word meaning executed. Hundreds of student activists, NPAs, and
suspected communists were murdered, after Dictator Marcos’ goons in military
uniform tortured them and they were dumped like so many carcasses in the
Killing Fields—without a tombstone to mark their graves, or coffins.
(http://www.scribd.com/doc/57252924/The-Activist-by-Antonio-Enriquez)
Kahit sa mga dokumento ng iba't ibang human rights organizations, ang
salitang "salvage" ay nangangahulugang "summary execution".
Nasa kamalayan na nga ng masa ang pag-unawa sa salitang "salvage" bilang
pagpaslang, bilang isang gawaing salbahe, pagsalbahe sa kapwa, pagsalbahe
sa pagkatao, na isinagawa ng mga salbahe. Nasa media na rin ito, at nasa
panitikan.
Sosyodad at Literatura
38
Una kong nalaman ang paggamit ng salitang "salvage" bilang
“pagpaslang” noong 1989, pagkabalik ko rito sa Pilipinas mula sa anim-nabuwang pago-OJT sa ibang bansa, nang maging front page sa magasing
Philippines Free Press ang pagkakapatay ng isang Patrolman Rizal Alih kay
Heneral Batalla sa Zamboanga. At nakasulat sa malaking titik: "SALVAGING A
GENERAL". May nabasa rin akong artikulo noon na ganito naman ang
pamagat: "Salvaging Bonifacio" at itinuring ng artikulong iyon na "first
celebrated salvage victim" si Gat Andres Bonifacio. Talagang sinalbahe sila ng
kanilang mga kalaban.
Naghahanap ako ng mga lumang panitikan kung saan ginamit ang
salitang pagsalbahe, sinalbahe, sumalbahe, nanalbahe, bilang paglalarawan
sa nangyaring pagpatay. Halimbawa, ang isang taong nakitang nakahandusay
sa ilog na may tama ng bala ay sinalbahe ng kung sino. Sino ang sumalbahe
sa taong iyon? Mula doon ay maaari nating mahalukay pa ang pinag-ugatan o
pinag-inugan ng salitang "salvage" na alam ng marami ngayon.
Ang salitang "salvage" na pagpaslang ay isang pabalbal na salita o
masasabi nating salitang nauunawaan ng karaniwang tao, ng masa. Pumunta
ka nga lang sa isang lugar na maraming tao at sabihin mo sa isa roon na isasalvage mo siya na ang iniisip mo ay ang kahulugan sa Ingles na “save”, ingat,
dahil baka bugbog sarado ka, buti kung bugbog lang, dahil ang salitang
“salvage” nga ay pagpaslang at hindi pagsagip. Sa mga balitang inilatag natin
sa itaas, mapapansin nating pawang mga dinukot ang mga biktima saka
itinapon na lang kung saan. Kaya bago isinagawa ang "salvaging" sa mga
biktima, maaaring ang mga ito muna'y tinortyur o pinahirapan, saka pinaslang
ang mga ito at itinapon na lamang sa lugar na sa tingin ng mga dumukot ay
magliligaw sa mga imbestigador.
Kaugnay nito, may tatlong batas sa karapatang pantao na naisabatas
nitong mga nakaraan, na may kaugnayan sa pagdukot bago isagawa ang
tortyur o pagpapahirap, at ang pagdukot na hindi na nakita pa ang katawan ng
dinukot. Ang mga batas na ito'y ang Republic Act 9745, o Anti-Torture Act of
2009; ang RA 10353, o Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of
2012; at ang RA 10368, o Human Rights Victims Reparation and Recognition
Sosyodad at Literatura
39
Act of 2013. Gayunman, walang nabanggit na "salvage" o "summary execution"
sa RA 9745 at RA 10353.
Isang beses namang nabanggit ang "salvage" o "summary execution" sa RA
10368. Ayon sa Chapter 1, Sec. 2, 3rd paragraph ng batas na ito: "Consistent
with the foregoing, it is hereby declared the policy of the State to recognize the
heroism and sacrifices of all Filipinos who were victims of summary execution,
torture, enforced or involuntary disappearance and other gross human rights
violations committed during the regime of former President Ferdinand E.
Marcos covering the period from September 21, 1972 to February 25, 1986 and
restore the victims’ honor and dignity. The State hereby acknowledges its moral
and legal obligation to recognize and/or provide reparation to said victims
and/or their families for the deaths, injuries, sufferings, deprivations and
damages they suffered under the Marcos regime."
Ibig sabihin, wala pang batas talaga na nagpaparusa sa mga
nagsagawa ng "salvaging" o "summary execution." Kaya nagsagawa ang ilang
mambabatas ng panukalang batas hinggil dito. Noong Hulyo 2009, nagpasa ng
panukalang batas si dating House Speaker Prospero Nograles. Ito ang House
Bill 6601, na tatawaging "Anti-Salvaging Law". Nito namang Nobyembre 2012,
ipinasa naman ni Kongresista Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City)
ang House Bill 3079 o ang "The Anti-Summary Execution Act of 2012."
Ngunit sa panahong wala pang batas na nagpaparusa sa "summary
execution" ay tiyak na magagamit ang batas hinggil sa "murder" o pagpaslang.
Ngunit dapat mas linawin ang kaibahan ng dalawa. Ang "murder" ay pagpatay
na isinagawa ng sinuman sa kanyang kapwa, habang ang "salvaging" naman
ay isinagawa ng mga ahente ng estado. Paano kung hindi ahente ng estado
ang nagsagawa kundi sindikato? Dapat mailinaw ito sa magagawang batas
hinggil dito. Maraming aktibista ang pinaslang ng walang awa, mga biktima ng
"salvaging", kaya ito'y masasabi nating isang krimeng pulitikal, at hindi lamang
simpleng "murder".
Gayunpaman, dapat matigil na ang ganitong karahasan. Ayon nga sa
International Convention on Civil and Political Rights: "Every human being has
the inherent right to life. This right shall be protected by law. No man shall be
deprived of his life arbitrarily." "[The Death] penalty can only be carried out
Sosyodad at Literatura
40
pursuant to a final judgment rendered by a competent court" – ICCPR Articles
6.1 and 6.2.
Ang "salvage" ayon sa Merriam-Webster Dictionary ay (a) compensation
paid for saving a ship or its cargo from the perils of the sea or for the lives and
property rescued in a wreck; (b) the act of saving or rescuing a ship or its cargo;
(c) the act of saving or rescuing property in danger (as from fire). Ayon naman
sa Oxford Dictionary, ang kahulugan ng "salvage" ay "the rescue of a wrecked
or disabled ship or its cargo from loss at sea". Sa depinisyon ng dalawang
diksyunaryo, tumutukoy ang "salvage" sa pagsagip sa barko at sa mga kargong
dala nito.
Marahil, matatagalan pa bago tumimo sa kamalayan ng masa ang
kahulugang Ingles ng salitang "salvage" (to save or to rescue), pagkat ang
etimolohiya o pinagmulang salita ng paggamit ng mga Pinoy sa salitang
"salvage" ay ang wikang Kastilang "salvaje", mula sa mga mananakop na
salbahe at sumalbahe sa marami nating kababayan. Higit sa lahat, dapat nang
matigil ang "salvaging" o pamamaslang na ito, at idaan sa proseso ng batas
kung sakaling sila'y may kasalanan na dapat panagutan. Kung di'y nararapat
lang sadyang maparusahan ang mga nagsasagawa ng mga "salvaging" na ito
dahil hindi ito makatao, at lalong hindi makatarungan.
Gabay sa Pagsusuri
1. Sa loob ng kahon, gawan ng concept map ang salitang salvage
2. Magbigay ng mga halimbawang gamit ng salitang salvage batay sa
nabasa sa sanaysay.
3. Anong uri ng sanaysay ang tekstong binasa? Ipaliwanag.
4. Bakit sinasabi ng may akda na ang Espanyol na kahulugan ng salvage
ang mas angkop na pinagmulan ng gamit nito sa Pilipinas?
Sosyodad at Literatura
41
5. Ano ang kahulugan ng salvage batay sa gamit nito sa Pilipinas?
6. Kung babalikan sa kasaysayan, kalian unang ginamit ang salitang
salvage sa Pilipinas at paano ito ginamit?
7. Bakit sinasabi ng may-akdang dapat parusahan ang mga nagsasagawa
ng salvaging?
8. Paano maiuugnay ang kasaysayan ng salvaging sa Piipinas at ang
kasalukuyang mga kaso ng tokhang sa bansa?
Sanggunian:
Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina,
Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing
House.
Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan:
Trinitas Publishing Inc.
https://emersonmactal.wordpress.com/2016/10/17/kahirapan-sapilipinas
http://www.ohrc.on.ca/tl/ang-mga-karapatang-pantao-katayuan-ngpamilya
https://medium.com/@kill.list.lit/sanayan-lang-ang-pagpatayb8af2458cc6
KABANATA IV
PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGMANGGAGAWA,
PANGMAGSASAKA, AT PAMBANSA
Introduksyon
Ang mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka ay dapat na
ituring na mga isyung pambansa. Nakasalalay sa mga manggagawa ang
pambansang ekonomiya. Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang
Sosyodad at Literatura
42
pambansang agrikultura. Kapwa may ambag ang dalawang sektor sa arawaraw na buhay ng bawat Pilipino. Kung kaya ang ano mang isyung kinakaharap
ng bawat isa ay nararapat lang maikintal sa kamalayan ng bawat Pilipino.
Pangkalahatang Layunin
1. Matalakay ang mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa isyung
pangmanggagawa, pangmagsasaka at pambansa.
Introduksyon
Sa kasalukuyan maraming isyu at suliranin ang kinakaharap ng ating
mga manggagawang Pilipino, sa mga magsasaka at ang ating bansa, ngunit
ang mga ito ay ginagawan ng paraan ng kasalukuyang administrasyon upang
masolusyunan ang mga problemang ito. May mga programa at proyekto na
ipinatutupad ang pamahalaan upang mabigyan ng suporta ang mga
mangagawang Pilipino gayundin ang mga batas na magliligtas sa mga isyung
ito.
Mga Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan
sa pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa
mga isyung pangmanggagawa;
2. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sangguniang tungkol sa mga isyung pangmanggagawa;
3. Nailalahad ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan
tungkol sa mga isyung pangmanggagawa;
4. Nakasusulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kahalagahang
panlipunan ng isang akdang pampanitikang tungkol sa isyung
pangmanggagawa.
Sosyodad at Literatura
43
Aralin I: Katuturan ng Manggagawa
Ang paggawa ay ang gawain ng mga tao na may layuning bumuo ng
produkto o magbigay ng serbisyo. Maaaring tumukoy ang paggawa sa lahat ng
aspeto ng mga tao na may layong bumuo ng isang bagay o pangyayari.
Sa isinasagawang Labor Force Survey ng Philippines Statistics Authority
noong 2018, may 43.2 milyong katao
mula sa 71.0 milyong kabuuang
populasyon ng lakas-paggawa ang
aktibong nasa estado ng paggawa.
Ang labor force o lakas-paggawang
ito ay kumakatawan sa bahagi ng populasyon na may edad labinlima (15)
hanggang limampu’t apat (54) (The World Bank, 2018). Mula 2007 hanggang
2016, mayroong taunang pagtaas na 2.3% sa bilang ng may trabaho; bumaba
ito ng 1.6% noong 2017. Gayon pa man, noong 2018 nasa 94.6% ang
employment rate ng bansa. Sa kabuuang bilang na ito, makikita sa talahanayan
ang distribusyon ng paggawa base sa iba’t ibang sector.
Taon
Agrikultura
Industriya
Serbisyo
2018
25.0
18.9
56.1
2017
25.4
18.3
56.3
2007
35.1
15.3
49.6
1997
40.8
16.7
42.5
Sa datos na ito, makikita ang patuloy na pagbaba ng paggawa sa sector
ng agrikultura at ang pagtaas naman sa sector ng erbisyo. Sa pagtataya, nasa
lima (5) sa bawat sampung (10) Pilipino ang nagtatrabaho sa sector ng
serbisyo. Ang sector na ito rin ang may pinakamalaking ambag sa domestikong
ekonomiya ng bansa. Ang pagbagsak ng bilang ng lakas paggawa sa
agrikultura ay nagpababa din sa ambag ng sector na ito sa ekonomiya. Sa
katunayan, noong 2016, nasa 9.5% ang ambag nito sa ekonomiya ng bansa,
Sosyodad at Literatura
44
ngunit bumaba ito sa 8.4% noong 2016. Gayondin ang kaso sa manupaktura
na halos walang paggalaw sa kontribusyon na 23.2% noong 2015 at 22.8%
noong 2016 (dela Cruz, 2018). Kung gayon, nakatuon ang paglago sa sector
ng serbisyo. Tila ito ang patuloy na direksyo ng bansa at napapawalang-halaga
ang mga sector na inaasahang maghahatid ng tunay na kaunlaran sa bayan –
ang sector ng agrikultura at industriya. Lalo pang aasahan ito sa
implementasyon ng K-12 na edukasyon na tinatayang mas m abilang
makapagpoprodyus ng murang lakas paggawa upang isuplay hindi lamang sa
local na pangangailangan kung hindi para sa pangangailangan ng malalaking
mga bansa tulad ng Estados Unidos, Canado, mga bansa sa Gitnang Silangan
at maging sa Kalakhang Asya.
Sa masusing pag-aaral ng World Bank at ng Australian AID, tintalakay
ni Rutkowski (2015) sa kanyang Employment and Poverty in the Philippines
ang kalagayan ng paggawa sa bansa at ang relasyon nito sa kahirapan. Sa ulat
na ito, nabanggit ang dalawang namamaying kategorya ng trbaho sa Pilipinas
– ang bad jobs at good jobs. Ang bad jobs ay tumutukoy sa mga impormal at
may mababang pasahod na trabaho. Mababa ang pasahod sa kasong mas
mababa sa 2/3 ng karaniwang pasahod na at napakababa naman kung ito ay
nasa 50% ng karaniwang sahod o median wage. Ang mga ito rin ay hindi sakop
ng labor reglations. Kabilang sa mga ito ang mga trabahong kaswal, pakyawan
at mga involuntary part-time. Samantala, ang good jobs naman ay mga
trbahong pormal at may magandang pasahod. Masasabing pormal ang isang
trabaho kung natutugunan nito ang dalawa sa tatlong pamantayan: 1) may
nakasulat na kontrata ng empleyo, 2) may segurong-panlipunan o social
insurance mula sa employer, at 3) may proteksyon sa arbitraryong
pagkatanggal sa trabaho. ‘Di tulad ng mga bad jobs na may mataas na risk ng
kahirapan, mababa ang panganib ng kahirapan sa mga trbahong nasa
kategoryang ito.
Isa pa sa nakababahalang datos sa ulat ang natukklasang mataas na
porsyento ng kabataang Filipino ay NEET o not in education, employment and
training. Sa may edad na labinlima (15) hanggang dalawampu’t apat (24), 14%
lamang sa NEET ang aktibong naghahanap ng trabaho. Marahil, bunsod ito ng
kawalan ng oportunidad lalo na at marami sa mga kabataan ay kulang din sa
Sosyodad at Literatura
45
edukasyon at kakayahang teknikal. Maliban pa rito, natuklasan din ang mga
sumusunod:
1. Mataas ang inekwalidad o ‘di pagkakapantay ng kita sa Pilipino kumpara
sa internasyonal na standard;
2. Mahirap ang mga tao sa Pilipinas hindi dahil sila nagtatrabaho kung hindi
dahil maliit ang kanilangkinikita;
3. Karamihan sa mga mahihirap na manggagawa ay mga ‘di sahurang
(non-wage) manggagawa;
4. Mass mababa ang panganib na maghirap ang mga manggagawang may
mataas na pinag-aralan;
5. Mas mababa ang poverty incidence sa mga babaeng manggagawa
kumpara sa mga kalalakihan;
6. Mas maiksik ang oras ng trabaho ng mga mahihirap dahil sa kawalan ng
oportunidad ng magkaroon ng regular na trabaho; at
7. Minorya lamang sa mga mahihirap na manggagawa ang tumatanggap
ng minimum na sahod.
Ipinapakita ng kalagayang ito ng mga mangagawa sa Pilipinas, lalo nan g
mga mahihirap na mangagawa, na ang problematiko ang kasalukuyang
paggawa sa Pilipinas. Marami namang mga batas ang nagbabalat-kayong
pumoprotekta sa apakanan ng mga manggagawa, ngunit sa katotohanan ay
nagiging instrumento pa ang mga ito sa lalong pang-aabuso sa mga
manggagawa. Halimbawa, ang pagsasabatas sa RA No. 6727 o Wage
Rationalization Act noong 1989 sa panahon ni Corazon Aquino ay nagbigaydaan upang mabuo ang RTWPs o Regional Tripatite Wages and
Productivity Boards sa mga rehiyon. Ito rin ang nagbigay-daan sa
pagkakabuo ng NWPC o National Wages and Productivity Commission. Sa
kasamaang-palad,
ang
batas ding
ito
ang nagbigay-daan
sa mga
mekanismong kontra-manggagawa. Dahil hindi na nakaangkla sa isang
national wage standard ang minimum wage ng mga rehiyon kung hindi sa
kondisyong ekonomiko sa mga rehiyong ito, napapako sa napakababang
minimum ang sahod ng mga manggagawa sa mga rehiyon. Bunsod ito ng
pagiging market-biased ng mga institusyon na siyang lalong nagpapalala sa
kalagayan ng mga manggagawa (Naguit, 2017). Nasa kasunod na talahanayan
Sosyodad at Literatura
46
ang inilabas ng National Wages and Productivity Commission na urrent Real
Minimum Wage batay sa September 2019 Consumer Price Index.
Current Real Minimum Wage
Region
Agriculture
Non-Agriculture
Plantation
Non-Plantation
NCR
455.08
423.73
423.73
CAR
268.01
268.01
268.01
I
284.52
246.86
235.98
II
295.81
279.38
279.38
III
334.73
309.62
296.23
IV-A
337.27
311.97
300.17
IV-B
259.74
259.74
259.74
V
255.35
255.35
255.35
VI
297.47
240.42
240.42
VII
311.29
296.77
296.77
VIII
252.40
228.37
228.37
IX
255.66
245.15
245.15
X
291.31
281.72
281.72
XI
325.66
321.55
321.55
XII
250.00
233.12
233.12
CARAGA
268.01
268.01
268.01
ARMM
219.44
211.60
211.60
Patuloy naman ang pakikibakang mga labor union o mga grupong
pangmanggagawa para iigit ang higit na makatarungang pasahod sa mga
manggagawa. Kasama rin sa mga hangaring ito na mapabuti ang iba pang
aspekto ng paggawa tulad na lamang ng pagpapataas sa bilang ng mga
trabaho. Bagaman tumaas ang porsyento ng may trabaho, naitala naman ang
mataas na porsyento ng underemployment. Noong 2017, nasa 16.2% ito at
lumubo pa ito sa 17.5% noong 2018 (LFS, 2018). Nangangahulugan lamang
na ang mataas na porsyento ng may trabaho ay hindi nangangahulugang isang
Sosyodad at Literatura
47
magandang kalagayan sapagkat may mga kondisyon pang dapat maisaalangalang.
Maliban pa sa mga nabanggit nang suliranin ng mga manggagawa sa
Pilipinas, ang kontraktwalisasyon ay isa sa pinakamalaking isyung kanilang
kinakaharap sa kasalukuyan. Lalong napag-usapan ito nang ipangako ng
Rodrigo Duterte noong 2016 na kanyang tatapusin ang endo, ang kolokyal na
tawag sa mga pagtatanggal sa mga kontraktwal na manggawa. Sa kasamaangpalad, sa kalagitnaan ng kanyang termino ay hindi pa rin nakausad ang mga
paborableng
batas
upang
mapatigil
na
ang
‘di
makatarungang
kontraktwalisasyon sa bansa. Isa ito sa marami niyang pangakong napako
lamang. Sa isang isyu ng IBON Facts & Figures na Contractualization Prevails,
binalangkas ang mga sistema, batas at kautusang may kinalaman sa
kontraktwalisasyon:
Kronolohikal na Listahan ng mga Batas, Sistema at Kautusan sa
Implementasyon ng Konntraktwalisasyo
Batas, Sistema at mga Kautusan
Panahon/Petsa
Cabo System under the colonial Spanish
Spanish Occupatin
government
System in Labor Relations under the colonial
American Occupation,
American government
early 1990s
Presidential Decree (PD) 442: Labor Code of
May 1, 1974
the Philippines
Policy Instructions 20-76: Stabilizing employer-
1976
employee relations in the construction industry
DO 19-93: Guidelines governing the
April 1, 1993
employment of workers in the construction
industry
DO 10-97: Amending the rules implementing
May 30, 1997
Books III an VI of the Labor Code
DO 03-01: Revoking DO 10-97 to prohibit
May 8, 2001
labor-only contractiong
Sosyodad at Literatura
48
DO 18-1: Rules implementing articles 106 to
February 21, 2002
109 of the Labor Code
DO 18-A: Rules implementing articles 106 to
November 14, 2011
109 of the Labor Code
Do 174: Rules implementing articles 106 to
March 16, 2017
109 of the Labor Code
Sa pinakahuling patakarang inilabas ng pamahalaan, ang Do 174 mula
sa Department of Labor and Employment, sinasabing the order purportedly
seeks to address the problems of “endo” (the slang for end of contract, or the
practice of conrtactualization) by ensuring the regularization of worers upon
hiring by third-party manpower agencies and granting them the same rights and
benefits as regular employees, including the right form unions through stricter
implementation of labor standards and existing laws on permissible
contractiong and subcontractiong (Naguit, 2017. Inaasahan, kung gayon, nab
aka ito na ang magpapatigil sa sistemang endo na nagpapahirap sa mga
ordinaryong manggagawa; na maaaring patigilin nito ang kawalang-seguridad
sa paggawa, mababang pasahod, ‘di pagtanggap ng mga benebisyo at mga
gawaing kontra-unyon. Sa kasamaang palad, lumpias na ang ilang mga taon
at nasa status quo pa rin ang bansa sa usaping ito. Nagpapatuloy pa rin ang
mga nakikibaka at kinkalampag ang pamahalaan para hindi lamang i-regulate
ang kontraktwalisasyon, kung hindi tuluyang tanggalin ang ano mang anyo nito.
Upang matugunan ang malabnaw na argumento ng mga nagmamay-ari ng
mga nagosyong posibleng magsara ang mga negosyo at pagawaan nila,
patuloy ang pakikibaka at pagsusulong ng mga estraktehikong plano para sa
pambansang industriyalisasyong siyang tunay na magdadala ng sustenableng
pag-unlad at trabaho sa mga Pilipino (Naguit, 2017).
Hindi nalalayo sa karanasan ng mga manggagawa ang karanasan ng
mga magsasaka at manggagawang bukid sa mga kanayunan. Bukod sa
atrasadong sistema ng pagsasaka sa bansa, pangunahin pa ring suliranin ng
mga magsasaka ang kawalan ng sariling lupang sinasaka at ang hindi
pagkontrol
sa
importasyon
ng
mga
produktong
agricultural
na
kumukumpetensya sa mga local na produkto at nagiging sanhi ng pagkalugi ng
mga magsasaka.
Sosyodad at Literatura
49
Lumalala ang kahirapan sa bansa at kalakhan sa pinakamahirap na
bahagi ng populasyon sa Pilipinas ay matatagpuan sa mga kanayunan. Sa pagaaral na isinasagawa ng Asian Development Bank (ABD) noong 2014,
natuklasang tumaas nang apat (4) na milyon ang bilang ng naghihirap sa huling
sampung taon at kalakhan ng mga pamilyang ito ay nasa eryang rural. Sa ulat
ng ADB hinggil sa intergrasyong ASEAN, tinutukoy na ang kombinasyon ng
agricultural na produktibidad at pagtaas ng bilang ng trabaho para sa mga
manggagawang bukid ay maaaring makatulong nang malaki sa pagbawas ng
kahirapan. Gayon pa man, sa kabila ng sinasabi ng mga ulat sa pag-aaral,
nananatiling hindi prayoridad ang pagpapalakas at mekanisasyon ng
agrikultura sa bansa. Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa mga bansang kasapi
ng ASEAN sa may pinakamababang produktibidad sa agrikultura.
Kahalagahan ng paggawa o manggagawa
1. Lumilikha ng produkto na kailangan ng ating bansa.
2. Pinoproseso ang mga hilaw na material ng agrikultura.
3. Nagpapaandar at gumagamit ng makinarya at ibang teknolohiya.
4. Lumilinang ng likas na yaman.
5. Nagbabawad ng buwis sa pamahalaan.
6. Konsyumer ng mga produkto.
Uri ng Manggagawa
1. Manggagawang mental —
Higit
na
ginagamit
ang
isip
sa
produksiyon. Ito ay tinatawag na White Collar Job na mas ginagamit
ang kanilang mental na kapasidad at kaisipan.
Halimbawa: Doktor, nars, guro, manager,
2. Manggagawang pisikal
— Higit na kailangan ang lakas ng katawan
sa gawain. Ito ang tinatawag na Blue Collar Job tumutukoy sa mga
gawaing mas higit na ginagamit ang lakas pisikal at enerhiya sa paglikha
ng produkto at serbisyo.
Halimbawa: Karpintero, Kargador,
Sosyodad at Literatura
50
MGA KATAWAGAN SA PAGGAWA:
1. Kita. Ito ay kabayarang tinatanggap ng manggagawa kapalit ng kanilang
serbisyo at paggawa
2. Sahod. Kabayaran sa manggagawa sa oras ng pagtratrabaho -, pirasao o
pakyawang produkto, kontrata, o linguhan.
3. Sweldo. Binabayad sa manggagawa sa bawat buwan.
MGA TEORYA UKOL SA SAHOD
1. Marginal productivity theory— Ito ay nagpapaliwanag na ang sahod
ng mga manggagawa ay katumbas ng halaga ng kanyang kontribusyon
sa paggawa.
2. Wage fund theory — Nagsasabing dapat may nakalaan na pondo
para sa pagpapasahod ng mga manggagawa mula sa puhunan na
ginagamit ng prodyuser.
3. Subssistence theory — Ito ay sahod na dapat ay naaayon sa antas ng
pangangailangan ng manggagawa.
MGA
BATAS
NA
NANGANGALAGA
SA
KARAPATAN
NG
MANGGAGAWA:
1. Commonwealth Act blg. 444 — Ang unang batas ukol sa walong oras
na paggawa.
2. Batas Republika Blg. 1933 — Batas na nagtatadhana ng walong oras
ng paggawa ng mga manggagawa.
3. Republic Act No. 6727 (Wage Regulation Act) — Nagsasaad ng mga
mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o
minimum wage na naaangkop sa iba’t ibang pang-industriyang sektor
na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- hindi pang-agrikultura
- plantasyong pang-agrikultura
- di-pangplantasyon
- cottage/sining sa pagyari sa kamay
- pagtitingi/sebisyo
Sosyodad at Literatura
51
4. Artikulo 94 Holiday pay —
Tumutukoy
sa
bayad
sa
isang
manggagawa na katumbas ng isang araw na sweldo kahit ito ay hindi
pumasok sa araw na iyon.
5. Artikulo 91-92 (Premium Pay) — Karagdagang bayad sa manggagawa
sa loob ng walong oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days.
Halimbawa: Birthday
6. Artikulo 87 (Overtime Pay) — Karagdagang bayad sa pagtratrabaho
na lampas sa walong oras sa isang araw.
7. Artikulo 86 Night Shift Differential — Karagdagang bayad sa
pagtratrabaho sa gabi na hindi bababa sa sampung porsiyento (10%) ng
mkamyang regular na sahod sqa bawat oras na ipinagtrabaho sa
pagitan ng ikasampu ng gabi at ikaanim ng umaga.
8. Artikulo 96 (Service Charges) — Lahat ng manggagawa sa isang
establisyimento o kahalintulad nito na kumokolekta ng service charge ay
may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa kabuuang
koleksiyon. Ito ay kadalasng kinokolekta ng halos lahat ng hotel, kainan,
o restaurant, night club, cocktail lounges at iba pa
SAMPUNG KASALUKUYANG ISYU NA KINAHAHARAP
NG
MGA
MANGGAGAWA:
1. Mababang sahod. Mababa pa rin ang minimum wage lalong-lalo na sa mga
probinsya.
2. Pagiging kontraktwal (contractual) – ito ay ang mga manggagawang
nakasalalay lamang sa kontrata ang itinatagal sa trabaho.
3. Humihina ang suporta sa mga manggagawang nasa agrikultura –
napapasawalang bahala na ang kahalagahan ng mga magsasaka
4. Ang mga kapitalismo ay hindi nagbibigay ng tamang sweldo sa mahirap na
gawaing pinagagawa nila – tamang sahod na dapat ay para sa mga
manggagawa
5. Hindi maayos ang pamamahala ng mga ahensya ng pamahalaan para
maipagtanggol ang mga karapatan ng mga manggagawa laban sa maling
palakad ng mg kumpanya - isang halimbawa ang isyu sa pang-aabuso sa
mga OFW kung saan napapabayaan ng kanilang ahensya
Sosyodad at Literatura
52
6. Hindi maayos ang pakikitungo ng mga kapitalista, mga may-ari ng kumpanya
sa kanyang mga manggagawa – karapatan ng mga manggagawa na
makatanggap ng tamang sahod at makapagpahinga sa trabaho
7. Nasasakripisyo ang kalusugan at seguridad ng mga manggagawang may
kakaibang iskedyul ng pagpasok – tamang benipisyo o insurance ang
nararapat sa mga manggagawa
8. Malaking kaltas ng buwis sa sahod kahit sa bulsa lang naman ng mga korap
napupunta ang mga ito
9. Hindi pagpansin ng pamahalaan sa agrikultura at sa mga manggagawang
ginagawa lamang na kontraktwal.
10. Hindi magandang sistema ng naging edukasyon kaya't hindi makuha ang
gustong trabaho
MGA MAHALAGANG KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA:
Maraming
mahahalagang
karapatang
manggagawa,
subalit
ang
pinakamahalagang karapatang manggagawa na itinataguyod ng International
Labour Organization (ILO) ay ang sumusunod.
1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na
malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang
bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapangaliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang
trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
4. Bawal
ang
pangkabataan.
mabibigat
na
anyo
ng
trabahong
Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga
kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na
suweldo para sa parehong na trabaho.
6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas
sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas.
7. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa
makataong pamumuhay.
Sosyodad at Literatura
53
KARAGDAGANG KAALAMAN PARA SA MGA MANGGAGAWA
Ang mga unyon, o ang kilusan ng mga manggagawa ay pinakamalakas
na puwerang nagitaguyod ng karapatan ng mga manggagawa. Subal’t
ngayon, may pagkakaiba ang batas para sa collective labor at batas para sa
mga karapatan ng indibidwal.
•
Diskriminasyon
•
Kaligtasan At Kalusugan
•
Ang Papel Ng Ilo
•
Minimong Suweldo
•
8 Oras Na Karaniwang Araw
•
Mga Overseas Filipino Workers (OFW)
MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFW)
Ayon sa mga opisyal na bilang, mayroong 11 milyong OFW na nagtatrabaho
sa ibayong-dagat. Sa Estados Unidos mismo, mayroong mahigit na 4 milyong
OFW at Filipinong taga-Amerika.
Ang wikang Filipino (o Tagalog) ay
panglimang sa mga wikang may pinakaraming tagapagsalita sa Amerika.
ILANG MGA KARAPATANG KAILANGANG MALAMAN NG MGA
MANGGAGAWA SA KAHIT ANONG INDUSTRIYA
1. Kaukulang Bayad sa Pagtatrabaho - Karapatan ng isang manggagawa ang
tamang bayad para sa oras ng trabaho. Sakaling mag-over-time ang isang
manggagawa, dapat bigyan siya ng karapat-dapat na pasahod. Kabilang din
dito ang pag tamang pasahod sa mga nag ta trabaho sa gabi mula alas diyes
ng gabi hanggang alas sais ng umaga.
2. Lingguhang Pahinga - Dalawampu’t apat na oras ang kailangang pahinga
pagkatapos ng anim na araw na paggawa, at kailangan din ng konsultasyon sa
mga manggagawa ukol sa kanilang araw ng pasok at pahinga.
3. Patas na Oportunidad - Anuman ang iyong kasarian, relihiyon at lahi
mahalagang nakakamit mo din ang parehong oportunidad katulad ng ibang
manggagawa.
4. Seguridad ng panunungkulan - Hindi maaaring patalsikin ang isang
empleyado nang walang mabuting dahilan at kailangan dumaan muna ito sa
tamang proseso.
Sosyodad at Literatura
54
5. Karapatan ng mga Kababaihan - Hiwalay ng palikuran o banyo, bihisan o
lugar ng pahingahan para sa mga manggagawang babae. Kasama rin dito ang
karapatan ng nagbubuntis na magkaroon ng panahon upang makapanganak.
6. Ligtas na Lugar na Trabaho - Ang bawat trabahador ay may karapatan na
magkapag-trabaho ng walang panganib sa kanilang buhay o kalusugan. Ito ay
dapat siguruhin ng mga employer o amo.
7. Tamang Edad ng Paghahanapbuhay - Ang legal na edad ng paghahanapbuhay ay labing walong taong gulang. Ngunit pinapayagan din naman
ang ilan na may edad na hindi bababa sa labinlimang taong gulang kung may
patnubay ng magulang at hindi mapanganib ang kanilang gawain.
8. Karapatan bumuo o makapag organisa ng isang lehitimong unyon - May
karapatan na makipag-talastasan o makipag-usap tungkol sa kaniyang
trabaho, mga hinaing at mga ninanais matupad sa kanilang trabaho, lugar ng
paggawa at iba pang kaugnay nito.
MATERNITY LEAVE Karapatang aplikable lamang sa mga kababaihan.
Nakapaloob dito ang mga sumusunod:
- 60 araw normal, 78 araw cessarian
- Hindi ang kumpanya ang nagbabayad kundi ang SSS.
- Ina-advance ng employer ang sahod at nire-reimbursesa SSS.
- Kapag walang SSS, wala rin mabibigay para sa maternity leave.
- Kapag walang asawa at nabuntis, entitled pa rin sa maternity
leave.
- Limitado hanggang apat na maternity leave lamang.
- Hindi buong sahod ang matatanggap kundi averagesalary credit
na base sa komputasyon
PATERNITY LEAVE – Ito ay karapatan ng isang manggagawa aplikaple
lamang sa mga kalalakihan
- Pitong (7) araw na leave na may bayad
- Limitado hanggang apat (4) na beses
- Pang-suporta sa anak at asawa
- Buong sahod ang makukuha mula sa employer
- Hindi aplikable kung hindi sariling anak, hindi kasal, at hindi
nagsasama ng asawa.
Sosyodad at Literatura
55
- Pareho lang ang matatanggap na sahod, normal man o cessarian
ang asawa
- Hindi commutable at cumulative
BIRTHDAY LEAVE – Ito ay karapatan ng isang manggagawa na mamahinga
at ipagdiwang ang kaniyang kaarawan.
SOLO PARENT’S LEAVE – layon ng mga nagsusulong na pagkakaroon ng
pitong araw na “parental leave with pay” sa mga solo parent na nakapagtrabaho
ng sobra sa anim na buwan kahit ano pa man ang kanilang employment status;
reduksyon ng paghihintay para magkaroon ng “Solo Parent Identification Card”
mula isang taon tungo sa anim na buwan; at karagdagang 15 araw sa
expanded maternity leave.
Buod ng Aralin
Ang manggagawa ay isang taong gumagawa ng isang partikular na
trabaho. Ito ay buhay at sandigan ng industriya, ginagamitan ng lakas, talino
at kakayahan ng tao upang makatulong sa produksyon.
Ang mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka ay dapat na
ituring na mga isyung pambansa. Nakasalalay sa mga manggagawa ang
pambansang ekonomiya. Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang
pambansang agrikultura. Kapwa may ambag ang dalawang sector sa arawaraw na buhay ng bawat Pilipino. Kung kaya ang ano mang isyung
kinakaharap ng bawat isa ay nararapat lang maikintal sa kamalayan ng bawat
Pilipino.
Ang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng manggagawa ay ang
mga sumusunod: Commonwealth Act blg. 444, Batas Republika Blg. 1933,
Republic Act No. 6727 (Wage Regulation Act), Artikulo 94 Holiday pay
Artikulo 91-92
,
(Premium Pay), Artikulo 87 (Overtime Pay), Artikulo 86
Night Shift Differential at
Artikulo 96 (Service Charges).
Ang sampung kasalukuyang isyu na kinahaharap ng mga manggagawa:
Mababang sahod, Pagiging kontraktwal (contractual), Humihina ang suporta
Sosyodad at Literatura
56
sa mga manggagawang nasa agrikultura, Ang mga kapitalismo ay hindi
nagbibigay ng tamang sweldo sa mahirap na gawaing pinagagawa nila –
tamang sahod na dapat ay para sa mga manggagawa,Hindi maayos ang
pamamahala ng mga ahensya ng pamahalaan para maipagtanggol ang mga
karapatan ng mga manggagawa laban sa maling palakad ng mg kumpanya,
Hindi maayos ang pakikitungo ng mga kapitalista, Nasasakripisyo ang
kalusugan at seguridad ng mga manggagawa, Malaking kaltas ng buwis sa
sahod, Hindi pagpansin ng pamahalaan sa agrikultura at sa mga
manggagawang ginagawa lamang na kontraktwal at hindi magandang
sistema ng naging edukasyon.
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan?
2. Paano nakaaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng mga
manggagawa sa kasalukuyang?
3. Ano ang iskemang sub-contracting? Bakit ito umiiral sa sector ng paggawa
sa bansa? Sino ang mga self-employed without any paid employee at unpaid
family labor?
4. Paano umiiral ang iskemang sub-contracting?
5. Ano-ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng iskemang sub-contracting
sa mga manggagawang Pilipino?
6. Sa mga naitalang programa ng pamahalaan sa kasalukuyan, alin sa mga ito
ang patuloy pa rin sa mga hamong hinaharap ng mga manggagawang
Pilipino?
Ang isyung pang magsasaka ay patungkol sa mga mahahalagang
pangyayari sa ating mga magsasaka, particular sa kanilang mga produkto na
Sosyodad at Literatura
57
mayroong malaking epekto sa ekonomiya ng ating bansa. Nasasakop rin ng
isyung ito ang mga produkto ng ating mga magsasaka na inilalabas at
ibinebenta sa ibang bansa.
Mga Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang mga batas na nauugnay sa mga magsasaka,
2. Nasusuri ang mga akdang pampanitikan na nauugnay sa mga
magsasaka, at
3. Nakapagmumungkahi ng mga solusyon hinggil sa mga suliranin na
kinakaharap ng mga magsasaka.
Introduksiyon
Napakahalaga ang ginagampanan ng mga magsasaka o magbubukid
sa ating lipunan sapagkat sila ang nag susuplay sa mga pangangailangan ng
ating bansa lalong-lalo na sa pangunahing pangangailangan n gating pangaraw-araw na pamumuhay.
Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop,
halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang
mga prudukto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga
tao.
Samantala, ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim
at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay
na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hila na mga
materyales.
Kahalagahan ng Pagsasaka
1. Pinakukunan ng kabuhayan – malaking bahagi ng kalupaan sa Pilipinas ay
nakalaan pa rin sa pagsasaka. At bagamat hindi direktang nakaapekto sa
pangkabuhayan na karaniwang Pilipino ang pagsasaka, mayroon pa rin
itong epekto sa marami. Dahil sa pagsasaka, nabibigyan ng trabaho ang
mga Pilipino sa pagmamaneho, paggawa ng daan, pagtitinda, pagiinventory, at marami pang iba.
Sosyodad at Literatura
58
2. Kontribusyon sa Pambansang kita – sa pambansa scale, nakatutulong ang
pagsasaka sa lipunan dahil nagagawa nitong punan ang isa sa
pinakamalalaking demand sa mundo: ang pagkain, at dahil dito,
nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipinong magsasaka na
makatulong sa paglago ng ekonomiya.
3. Tulong sa International Trade – ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking
eksporter ng bigas, mais, saging, at tabacco sa mundo. Dahil sa mga
pageeksport na ito ay nakakapag-pasok tayo ng dolyar sa bansa, na siya
namang ginagamit natin upang makipagkalakal sa mga iba’t ibang bansa sa
mundo. Dahil dito, nagkakaroon ng mas mataas na tiwala ang mga investor
na mag-impok at gumawa ng negosyo sa bansa.
Mga Gawain ng Isang Mabuting Magsasaka
1. Ang mga magsasaka ang umaani at nagtatanim ng mga palay at nag-aalaga
ng mga ito upang tayo ay makakain ng kanin sa ating hapagkainan.
2. Sila rin ang nag-aalaga ng mga hayop na siyang ating kinakatay upang lutuin
at iulam sa ating hapagkainan.
3. Nagtatanim din sila ng tubo na siyang ginagawang asukal, at pangmatamis.
4. Sila rin ang nagtatanim ng mga halaman na siyang sangkap sa midisina
upang ang mga sakit ay maalis.
5. Malaki rin ang naiambag nila sa paglago n gating Agrikultura sa
pamamagitan ng pagpapalaganap n gating mga produktong pang
Agrikultura sa iba’t ibang bansa sa mundo.
6. Pwede rin silang pagtanungan kung anung nararapat gamiting chemical sa
ating pananim kung ito ay nagkakasakit o inuuod.
7.Sila rin ang nagtatanim ng mga halaman at puno na siyang nagbibigay ng
malinis na hangin upang tayo ay makahinga.
8. Sila rin ang bumubuhay ng mga organismong gagamitin bilang hilaw na mga
materyales.
Sosyodad at Literatura
59
9. Sila rin ang nagtatanim ng mga gulay upang ibinta sa pamilihan na siyang
nagbibigay sa atin ng nutrisyon at enerhiya sa ating katawan.
10. Nagtuturo rin sila kung anong mabuting binhi o butyl ng palay ang mainam
gamitin upang mas malaki ang ani.
Mga Batas Ukol sa Reporma ng Lupa
1. Land Registrtion Act 1902 -ito ay sistemang Torrens sa panahon ng
Amerikano na kung saan ang mga titulo sa lupa ay pinatalang lahat.
2. Public Land Act 1902 – nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupang
pampubliko sa pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay
maaaring magmamay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupa.
3. Batas Republika Blg. 1160 – nakapaloob ang National Resettlement at
Rehabilatation Administration (NARRA) sa pamamahagi ng mga lupain para
sa mga rebelding nagbabalik loob sa pamahalaan. Kasama na ang mga
pamilyang walang lupa.
4. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 – ito ay batas laban sa pang-aabuso,
pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga
manggagawa.
5. Agricultura Land Reform Code – ito ay simula ng malawakang reporma sa
lupa na nilagdaan ng dating Pangulo Diosdado Macapagal na nagsasabing
ang mga nagbubungkal ng lupa ay itinuturing na tunay na nagmamay-ari
nito.
6. Batas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 – pinapatupad ng bats na ito na pinapalaya
ang mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ang
kanilang lupang sinasaka.
7. Batas ng Pangulo Blg. 27 – ang pagsasaka ay binibigyan ng pagkakataong
magmay-ari ng limang ektarya (5) ng lupaing walang patubig at tatlong (3)
kapag may patubig.
8. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 – kilala sa tinatawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Cory
Aquino noong Hunyo 20, 1988 na sinasabing ipinasailalim ng batas ang lahat
Sosyodad at Literatura
60
ng
publiko
at
pribadong
lupang
agricultural
na
napapaloob
sa
Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL).
Mga Dahilan ng mga Problemang Nararanasan ng Sektor ng Agrikultura
Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay nakakaranas pa rin ng
maraming problema at di sapat na programa n gating gobyerno lalo na sa
pagsasaka. Ilan sa mga kadahilanan ay ang mga sumusunod:
1. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya – Ang mga magsaaka
ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka katulad
ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na Gawain kaya’t
bumabagal din ang produksiyon sa agrikultura.
2. Kakulangan ng sapat na impraspaktura at puhunan – Dahil sa kakulangan
ng sapat na imprastraktura at puhunan ay maraming produkto ang hindi
napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok at nalalanta tulad ng gulay at
prutas. Ang pagkasira ng mga produktong ito ay bunga ng kawalan ng pagiimbakan o storage at maayos na transportasyon.
3. Pagbibigay prayoridad sa sector ng industriya – Malaki ring problema ang
pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa proteksiyon at pangangalaga sa
industriya. Sapagkat maraming mga manggagawa at namumuhunan sa
sector ng agrikultura ang nawawalan ng kita at nalulugi kaya’t nagiging
dahilan ito sa pagbaba ng produksiyon.
4. Pagdagsa ng dayuhang produkto sa Pilipinas – Isa rin sa masasabing
pinakamalaking suliranin ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto o
imported goods. Globalisasyon ang nagging susi upang dumami ang
dayuhang produkto sa ating bansa. Isa ito sa suliraning mahirap
masolusyunan dahil na sa dugo na natin ang pagkahilig sa produktong gawa
ng mga dayuhan. Ang suliraning ito ay ngadudulot ng kompetensya sa
pagitan ng local na produkto at dayuhang produkto sa bansa.
5. Pagliit ng lupang pangsakahan – Malaking problema ang paglaki ng
populasyon at pagiging modern n gating bansa dahil maraming mga gusali,
komersyo, at subdibisyon ang pinapatayo kaya’t patuloy na lumiliit ang mga
Sosyodad at Literatura
61
lupa na maaari sanang isaka at ang patuloy na pagkasira n gating
kapaligiran.
Isyu sa Pagsasaka
Ang Pilipinas ay kilala bilang bansa na pinakamaraming likas na yaman
di tulad ng ibang bansa sa Asya. Buhat sa likas na yaman na handog sa atin
ng Maykapal binayayaan din tayo ng Agrikulturanng dapat nating pagyamanin
ngunit hindi natin napapansin ang mga suliraning kinakaharap ng agrikultura.
Samo’t saring isyu na ang kinakaharap ng mga magsasaka sa panahon
ngayon, kabilang na dito ang mga sumusunod:
1. Pagliit ng lupaing pansakahan
2. Paggamit ng teknolohiya
3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
4. Kakulangan sa suporta mula sa iba pang sector
5. Pagbibigay prayoridad sa sector ng industriya
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
7. Climate change
Mga Solusyon sa mga Suliranin ng Agrikultura
Matapos talakayin ang mga isyu sa pagsasaka, narito ang ilan sa mha
solusyon para matugunan ang mga problema sa agrikultura o ng mga
magsasaka.
1. Pagtatakda ng tamang presyo sa produktong pang-agrikultura.
2. Pagbibigay ng subsidy sa mga maliliit na magsasaka.
3. Pagpapatayo ng mga imbakan. Irigasyon, tulay at kalsada.
4. Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa
paggamit ng makabagong teknolohiya.
5. Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultura na pumapasok
sa bansa.
Sosyodad at Literatura
62
Buod ng Aralin
Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop,
halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba
pang mga prudukto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng
mga tao. Ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at
nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay
na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hila na mga
materyales.
Ang kahalagahan ng Pagsasaka ay ang mga sumusunod: Pinagkukunan
ng kabuhayan, Kontribusyon sa Pambansang kita, Tulong sa International.
Mga batas ukol sa reporma ng lupa: Land Registrtion Act 1902, Public
Land Act 1902, Batas Republika Blg. 1160, Batas Republika Blg. 1190 ng
1954, Agricultura Land Reform Code, Batas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972,
Batas ng Pangulo Blg. 27, at Batas Republika Blg. 6657 ng 1988.
Ang Pilipinas ay kilala bilang bansa na pinakamaraming likas na
yaman di tulad ng ibang bansa sa Asya. Buhat sa likas na yaman na
handog sa atin ng Maykapal binayayaan din tayo ng Agrikulturanng dapat
nating pagyamanin ngunit hindi natin napapansin ang mga suliraning
kinakaharap ng agrikultura. Samo’t saring isyu na ang kinakaharap ng
mga magsasaka sa panahon ngayon.
Mungkahing Gawain
1. Mag-interbyu ng dalawang (2) magsasaka at itala ang mga isyu hinggil sa
pagbaba ng palay.
2. Magbigay ng mga suhesyon na maaaring gawin hinggil sa mga isyung
inilahad ng mga magsasaka.
Sanggunian:
Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina,
Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing
House.
Sosyodad at Literatura
63
Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan:
Trinitas Publishing Inc.
Introduksyon
Ang mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka ay dapat na
itinuturing na mga isyung pambansa. Nakasalalay sa mga manggagawa ang
pambansang ekonomiya. Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang
pambansang agrikultura. Kapwa may ambag ng dalawang sector sa araw-araw
na buhay ng bawat Pilipino. Kung kaya ang ano mang isyung kinakaharap ng
bawat isa ay nararapat lang maikintal sa kamalayan ng bawat Pilipino.
Mga Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang mga sari-saring isyu na binigyang-solusyon ng Pangulong
Duterte na nagdulot ng pagbabago sa bansa; at
2. Napahahagahan ang mga pagbabagong naganap sa bansa.
ISYUNG PAMBANSA
“Change is coming,” iyan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte
mula sa kanyang kampanya sa pagkapangulo hanggang sa kanyang
panunungkulan. Ang administrasyong Duterte ay sumisimbolo bilang isang
kamao na maaaring susuntok o pupukol sa napakaraming suliraning
kinakaharap ng bansa.
SAMPUNG ISYU NA BIBIGYANG - PAGBABAGO
Sosyodad at Literatura
64
Mula nang maluklok sa puwesto, malinaw pa sa sikat ng araw ang
matinding laban ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsupil sa ano mang uri ng
problema
sa
Pilipinas.
Narito ang iiliang isyu na
unti-unting nakikitaan ng
pagbabago:
1. Kontraktuwalisasyon
Sumama ang anak ng manggagawa sa martsa para wakasan ang
‘endo’. (Manila Today/Joolia Demigillo)
Pinakamahalagang ipinangako ng Pangulo sa usaping ito ang mismong
pagwawakas ng kontraktuwalisasyon sa loob ng isang taon. Sinabi ng
administrasyon na magiging regular na ang kalahati sa kasalukuyang mga
kontraktwal na manggagawa sa pagtatapos ng taong ito, tapos wala nang
kontraktwal pagdating ng 2017.
Nagpanukala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE)
ng ‘win-win’ solution, na tila mapapawi lang ang pagiging kontraktwal sa
pangalan. Laman ng sinasabing ‘win-win’ solution na bigyan ng mga benepisyo
na mayroon ang mga regular na manggagawa gaya ng leave credits, 13th
month pay, SSS, Philhealth, at iba pa. Kasama rin dito na maaaring maililipat
ang mga manggagawa batay sa pangangailangan. Hindi na rin daw gagamitin
ang agency, pero papayagan ang mga kumpanya na kumuha ng mga
manggagawa o mag-outsource ng seasonal kung ganoon ang panangailangan.
Ang mga mawawalan ng trabaho ay kailangan hanapan ng trabaho sa loob ng
tatlong buwan o kung umayaw na maghintay ang manggagawa ay bibigyan
siya ng separation pay at wala nang obligasyon sa kanya ang kumpanya.
Magkakaroon daw ng mga mahigpit na patakaran sa mga kumpanya
gaya ng hindi pagpayag na magkaroon ng subcontractor ang mga contractor
sa construction, pagkakaroon ng sapat na kapital ng mga kumpanya na kayang
pasahurin at bigyan ng mga benepisyo ang mga manggagawa nito.
Nakabalangkas na ang panukalang ito bilang Department Order (DO) 30, na
Sosyodad at Literatura
65
sinasabi nila DOLE Secretary Silvestre Bello III na papalit sa DO 18-A na
nagliligalisa sa kontraktuwalisasyon at lumampas sa mga probisyon ng mga
batas sa paggawa sa bansa.
Tinawag itong ‘lose-lose solution’ ng mga grupo ng manggagawa,
kabilang ang Kilusang Mayo Uno, Trade Union Congress of the Philippines,
Nagkaisa, Partido Manggagawa, at iba pa. Panawagan ng mga manggagawa
pigilan ang DO 30 at sa halip ay totohanin ng gobyerno na wakasan ang lahat
ng porma ng kontraktuwalisasyon.
2. Trapik sa Metro Manila
Bata, kabataan, matanda, guro, estudyante, doktor, call center agent,
kung ikaw ay taga-Metro Manila, apektado ka sa malalang pagsisikip ng trapik
sa Metro Manila. Mayroong mahigit 520,000 na sasakyan ang bumabyahe sa
EDSA sa parehong direksyon araw-araw. Oras at milyong pera ang
nasasayang araw araw sa paghihintay na makarating sa kani-kanilang mga
destinasyon ang mga mamamayang naiipit sa trapik. Bukod rito maraming mga
kaguluhan tulad ng mga pag-aaway at aksidente ang dulot ng ng trapik. Lalong
malala ang trapik sa pagdaan nitong panahon ng Kapaskuhan. Para namang
na-déjà vu ang mga mamamayan sa binitiwang pahayag ni Department of
Transportation Secretary Arthur Tugade na isa lamang itong ‘state of mind’ ng
mga Pilipino.
Nakabinbin halos mula sa pagbubukas muli ng Kongreso ang
hinihinging emergency powers para sa pangulo para tugunan ang trapik.
Bahagi ng mga panukala na paggagamitan ng emergency power ang mga
proyekto sa kalsada, tren at transportasyong panghimpapawid. Sa kalsada,
nariyan ang plano sa metro bus raid transit line at mga integrated terminal. Sa
tren, planong i-extend ang LRT-1 sa Cavite, ang LRT-2 sa Pier 4 at Masinag,
at ang PNR sa Pampanga at Laguna gayundin ang pagtatayo ng 5 pang linya
ng tren. Sa pamamahala naman, nais na ireorganisa ng pangulo ang Land
Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory
Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sosyodad at Literatura
66
Dumarami pa rin ang mga sasakyan at taong dumadagsa sa
Kamaynilaan. Sapat na nga kaya ang mga proyektong ito para tugunan ang
masahol na karanasan sa trapik sa araw-araw? Made-decongest ba ang trapik
sa Metro Manila kung nananatiling narito lang konsentrado ang “kaunlaran” at
sa iilang urban area sa bansa?
3. Mass Transport System
Matatandaang
binanggit
ni
Pangulong Duterte na isa ang mass
transport system mga prayoridad na
proyekto ng kanyang administrasyon.
Tila nakatali pa sa emergency power
sa trapik ang pagtugon sa inaasam na mass transport system sa bansa.
Habang wala pa ito, ilan sa mga naunang solusyon ng Department of
Transportation ang Communication na point-to-point bus at express connect.
Nariyan din ang bus rapid transit project at modernisasyon ng mga jeep. Ngunit
wala pa ring nagagawa sa pagpapabuti ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3
na tinatangkilik ng mahigit 1.3 milyong pasahero kada araw. Dagdag pa sa
pangit na serbisyo ng tren ay patuloy na lumalalang pagsikip ng trapik sa
bansa, kaya naman hindi maiwan-iwan ng mga pasahero ng tren sa kabila ng
bulok nitong sistema. Lalo sa pagdating nitong panahon ng Kapaskuhan,
lumala ang trapik, lumala ang surge ng Uber at Grab habang hindi sapat at
regular ang mga byahe pa-probinsya, na nagdulot din ng pasakit sa libu-libong
naghintay sa istasyon ng mga bus, na-stranded at hindi nakauwi sa oras para
makapagbakasyon o makapag-Pasko kasama ang mga pamilya.
Malaking bagay para sa mga mamamayang Pilipino na araw araw
bumabyahe gamit ang pampublikong sasakyan kung magkakaroon ng mas
maayos na sistema sa mass transport. Tutunguhin nga ba ng administrasyon
ang paglulunsad ng episyenteng mass transport system? Papatakbuhin na ba
ng gobyerno ang sistema ng transportasyon sa bansa sa halip na ipagpatuloy
ang mga hindi pantay na kontrata sa mga private maintenance contractors nito
na malubha ang kalidad ang serbisyo?
Sosyodad at Literatura
67
4. De-kalidad at Makamasang Edukasyon
Sa simula ng klase ay walang silya at
silid-aralan ang mga Grade 7 na mag-aaral
ng Tondo High School. | Litrato ni Joolia
Demigillo. Unang taon ito ng pagpapatupad
ng Senior High School (SHS) sa programang K to 12 na ipinatupad mula pa sa
nakaraang administrasyong Aquino. Tinatayang 400,000 ang hindi nakapagaral at aabot sa 200,000-400,000 muli ang hindi makaka-enrol sa Hunyo 2017,
kung saan mapupunuan na pareho ang Grade 11 at 12 ng SHS.
Nagpapatuloy pa rin ang mga neoliberal na polisiya sa edukasyon na
naglalayong lumikha ng laksa-laksang semi-skilled labor para sa mga lokal at
internasyunal na kumpanya at nagreresulta sa pagbabansot sa kinabukasan
ng bansa at ng mga kabataan. Bukod sa programang K to 12, nariyan ang
academic calendar shift ng mga unibersidad, ang napipintong GE reform sa
University of the Philippines at higit sa lahat, ang patuloy na pagsusulong ng
libreng edukasyon.
Sa kabila ng napakaraming problemang ito, patuloy pa rin ang hanay ng
mga estudyante sa paggigiit ng kanilang karapatan sa abot-kaya at de-kalidad
na edukasyon. Sa pagtatapos ng buwan ng Disyembre, isang magandang
balita ang bumungad sa mga estudyante nang maaprubahan ang P8 billion na
pondo sa mga state universities and colleges na nakalaan para sa libreng
matrikula ng mga mag-aaral.
Naging maugong ang usap usapan tungkol sa libreng edukasyon para
sa lahat ng mag-aaral sa kolehiyo sa susunod na pang-akademikong taon.
Ngunit nilinaw na ito ay para sa mahihirap na mag-aaral. Ang pondong
nakalaan ay para rin lamang sa iisang taon ng pag-aaral at hindi pa nakatitiyak
sa mga susunod na taon o sa mga susunod na administrasyon. Para sa mga
grupo ng kabataan na matagal nang nakikipaglaban para sa mas mataas na
subsidyo sa edukasyon, isang indikasyon ito na posible at kaya talagang
laanan ng gobyerno ang libreng edukasyon.
Sosyodad at Literatura
68
5.
Pagpapalaya sa mga Bilanggong Pulitikal
Naging malaking usapin ang
pagpapalaya
sa
mga
bilanggong
pulitikal sa loob ng anim na buwan sa
pwesto
si
Duterte,
lalo
na
sa
pagtatapos ng taon kung makailang ulit
na nangako si Duterte at mga opisyal ng administrasyon na palalayain ang mga
bilanggong pulitikal bago sa Human Rights Day, bago mag-Pasko, bago
matapos ang taon, at iba pa. Bago sana ang pangakong ito ng gobyerno, ngunit
gaya ng maraming pagkakataong pagbibigay-hustisya sa mamamayan ay
napako ito.
Napagkasundaan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the
Philippines (NDFP) ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal bilang
confidence building measures sa pagsisimula ng usapan, lalo pa’t ang pagaresto at pagkapiit sa mga ito ay paglabag sa mga nalagdaang kasunduan sa
peace talks gaya ng Comprehensive Agreement for the Respect of Human
Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at Joint Agreement on
Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Isa sa mga pangunahing agenda sa
panunungkulan ni Pangulong Duterte ang pagkakamit ng kapayapaan sa
bansa.
Unang napalaya ang 19 NDFP peace consultants para makalahok sa
unang round ng peace talks noong Agosto sa Oslo, Norway. Matapos noon,
nabinbin na ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal na nilaman pa ng
nilagdaang mga statement at communique matapos ang una at pangalawang
round ng peace talks at nang ilang beses na pakikipag-usap ng mga kinatawan
ng NDFP kay Duterte at pagsasabi ni Duterte na mapapalaya ang mga
bilanggong pulitikal.
Bago mag-Pasko, namatay sa kumplikasyon sa mga sakit at atake sa
puso ang bilanggong pulitikal na si Bernabe Ocasla, samantalang ilan pa ang
napabalitang isinugod sa ospital.
Sosyodad at Literatura
69
Kasalukuyang may 400 na bilanggong pulitikal kung saan 130 ang may
sakit, 103 ang nakakulong ng mahigit sampung taon, 37 ang matatanda at 33
ang kababaihan. Nasa 15 ang inaresto sa ilalim ng panunugkulan ng bagong
pangulo.
6. Tunay na Reporma sa Lupa
Pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ng
Department of Agrarian Reform (DAR) sa
mga
magsasakang
benepisyaryo
sa
Cagayan Vallley noong Disyembre 20, 2016.
Litrato mula sa DAR
Isang positibong pag-usad sa usapin ng tunay na reporma sa lupa sa
bansa ang pagkakatalaga kay Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang Kalihim ng
Kagawaran ng Repormang Argraryo. Pinuri si Ka Paeng, gayundin ang
kanyang boss sa sangay ng ehekutibo si Duterte, sa pagbubukas ng opisina sa
mga magsasaka. Gayundin, nagpatupad siya ng moratorium sa tambyolo land
reform sa Hacienda Luisita at nagpamahagi ng lupa sa Camarines Norte, Cebu,
at Cagayan Valley.
Hinaharap naman ni Ka Paeng at ng mga magsasaka ang nagpapatuloy
na karahasan at paggigiit mga panginoong maylupa, mga goons at iba pang
napapatakbo ng impluwens gaya sa pagsunog sa piket ng mga magsasaka sa
Hacienda Luisita at sa pamamaril sa mga magsasaka ng Lapanday.
Patuloy na nararanasan ng mga magsasaka ang kagutuman. Sa isang
bayang agrikultural kung saan 75% ng populasyon ng bansa ay magsasaka at
kung saan konsentrado sa 1% ang 52% ng lupa, nananatiling isa sa
pinakamalaking hamon ang reporma sa lupa.
Sosyodad at Literatura
70
7. Biktima ng Bagyong Yolanda
Tatlong
taon
na
ang
nakakalipas simula ng hagupitin
ang bansa ng pinamalakas na
bagyong naitala sa kasaysayan.
Mahigit
anim
na
libo
ang
namatay at nasa milyon ang ariariang
nawala
paglipas
ng
bagyong Yolanda. Dagdag pa
rito ang trauma at hirap na dinaranas ng mga naiwang biktima.
Sa kabila nito, tila mailap ang naging suporta ng administrasyong Aquino
sa mga biktima. Maraming naging mga anomalya pagdating sa tulong na
ipinaabot ng mga Pilipino mula sa ibang panig ng bansa maging ang mga
tulong mula sa mga dayuhan. Mula pa lamang sa paunang relief good
hanggang sa mga proyektong pabahay ay hindi lubusang napapakinabangan
ng mga biktima.
Pagdating ng administrasyong Durterte, ayon sa Commission on Audit
report noong Oktubre, nasa mahigit 30 porsyento pa lamang ang nasisimulan
sa programa ng rehabilitasyon, mahigit 30 porsyento rin ang malapit ng simulan
at ang natitira ay wala pang usad. Sa pagpasok ng ikaapat na taon matapos
ang bagyong Yolanda, inaasahan ang mas mabilis at komprehensibong
pagtugon sa rehabilitasyong kinakailangan ng mga biktima.
8. Freedom of Information Bill
Mula pa 2010 hinihintay
ang pagkakaroon ng batas sa
kalayaan sa impormasyon. Bahagi
kasi ito ng mga ipinangako ni
Noynoy Aquino sa pagtakbo sa
pagkapangulo. Pero nang unang
umupo si Aquino, hindi man lang nabanggit ang Freedom of Information (FOI)
bill sa priority bills sa kahit anong State of the Nation Address ng dating
Sosyodad at Literatura
71
pangulo. Hanggang sa huli ay ipinasa na niya lamang sa Kongreso ang
responsibilidad. Sinabi pa ng pangulo na matapat naman ang kanyang
administrasyon kaya’t hindi nakikita ang pangangailangan ng FOI.
Samantala, nang umupo si
Pangulong Duterte ay pinirmahan
noong Hulyo ang isang executive
order sa FOI. Saklaw nito ang
ehekutibong sangay at bukas ang
lahat ng dokumentong ninanais ng mga mamamayan na makita maliban
lamang sa mga itatakda ng Department of Justice. Inaasahan na mas
mapalawig pa ang sakop FOI kung ito ay maisasabatas ng Kongreso upang
masusugan ang karapatan ng mamamayan sa kalayaan sa impormasyon ayon
sa Konstitusyon.
9. Pagresolba sa Problema sa Droga
Ipinakita ni Pangulong Duterte ang listahan ng government at police
officials na umano’y sangkot sa iligal na pagtutulak ng droga. (Presidential
Photo/ King Rodriguez) “My God, I hate drugs.”
Wala ring nakalimot sa pagsambit ni Duterte nito. At ang pagsugpo sa
droga rin ang isa sa naging prayoridad niya, lalo pa’t nagbitaw siya ng salita na
matatapos ang problema sa droga sa loob ng unang tatlo hanggang anim na
buwan ng kanyang panunungkulan.
Pero na-extend na ang deadline ni Duterte sa pagsugpo sa problema sa
droga. At sa halip na inaasahang lahatang-panig na pagresolba sa problemang
ito, ang tumambad sa mamamayan ay libu-libong bangkay ng mga diumano’y
sangkot sa droga o mga nanlaban mula sa pagkaaresto.
Ayon sa ulat ng pulisya, 5,882 na pinatay mula sa pagkakaupo ni
Pangulong Duterte noong Hunyo 30. Nasa 2,041 ang suspek ng ipinagbabawal
na gamot ang napatay mula sa police operations, samantalang 3,841 ang
Sosyodad at Literatura
72
bilang ng napatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek, mga riding-in-tandem
o mga tinuturing na vigilante.
Nakakahindik isiping magpapatuloy ang patayan sa loob ng buong
panunungkulan ni Duterte, lalo’t hindi pa rin hinahayag sa mamamayan ang
lahatang-panig o pangmatagalang solusyon na pagresolba sa usapin ng droga:
ang pagresolba sa malalang kahirapan at kawalang-kaunlaran sa bansa.
Kasama naman sa mga pinapunukala sa pangulo na short-term na mga
solusyon ang rehabilitasyon, edukasyon at programang pangkabuhayan para
sa mga nalulon sa droga. Dapat ding panagutin ang mga malaking pusher at
protektor ng droga, isang bagay din na hindi pa nagagawa sa ngayon
samantalang libu-libong maliliit na pusher o user ang hindi man lang nililitis,
pero agad na napapatay.
10. Pagresolba sa Kahirapan
Si Nanay Lolita ‘Lita’ Delfin ay dating
mangingisda ng Laguna de Bay ngunit
nang humina ang kanyang katawan, siya ay
humuhuli
na
lamang
ng
tulya
para
mabuhay. (Manila Today/Demie Dangla)
Isa sa mga isinusulong ni Pangulong Duterte mula sa kanyang 10-point
economic agenda ay ang mabisang pagsugpo sa kahirapan ng bansa, ngunit
tila hindi pa rin nararamdaman ng mga mamamayan ang mga bunga ng
nasabing plano.
Nanatiling mahigit 70 porsyento ng mga Pilipino ang nasa ilalim ng
poverty line ngayong 2016. Batay ito sa pinakabagong pagsisiyasat ng IBON
Foundation kung saan nagtanong sila sa mahigit 1,500 na residente kung
itinuturing ba nilang kabilang sila sa mahihirap na hanay ng mga Pilipino.
Nakikitang rason dito ay ang kasalukuyang unemployment rate o bilang ng mga
Pilipinong walang trabaho o kulang ang kinikita at mataas na bilang ng
kontraktwalisasyon sa bansa.
Sosyodad at Literatura
73
Patuloy naman ang 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program sa ilalim
ni Pangulong Duterte. Ayon sa bagong pamunuan ng Department of Social
Work and Development (DSWD), pang-ampat lamang ang 4Ps at hindi
solusyon sa kahirapan. Sa direksyon ng bagong kalihim ng DSWD na si Prof.
Judy Taguiwalo, dinagdagan ng 18 kilong bigas ang 4Ps at patuloy na ina-audit
ang listahan ng mga nakakatanggap ng 4Ps at ang paraan sa pagtiyak ng pagaabot ng perang tulong sa mga benepisyaryo.
Inaasahang pagdating ng 2017 ay maging mas maagap ang
pamahalaan sa patuloy na pagsugpo ng kahirapan sa bansa lalong lalo na sa
pagpapatupad ng mga polisiyang tunay na naglilingkod at pinakikinabangan ng
mga mamamayan. Bahagi ng mga hinahapag sa peace talks ng gobyerno sa
NDFP ang mga repormang panlipunan at pang-ekonomya, kasama na ang
pagresolba ng kahirapan at kawalan ng nakabubuhay na trabaho sa
pamamagitan ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.
Patuloy na umaasa ang mamamayang Pilipino na magkakaroon ng
tunay na pagbabago sa bansa. Pero tiyak na hindi naman tayo aasa na lang at
maghihintay, patuloy na itutulak ng mamamayan ang mga makabuluhang
pagbabago para sa bayan.
Iba pang mga Isyung Pambansa
● Korapsyon-
pagnanakaw
ng
mga
pinagkatiwalaang
pondo
na
pampubliko sa pamahalaan
● Polusyon- pagkakaroon o pagdagdag sa kapaligiran ng mga bagay na
nakakarumi nito
● Kakulangan ng mga pasilidad sa iba’t ibang sector ng pamahalaan tulad
edukasyon.
● Pag-implement ng K12 – kakulangan sa mga pasilidad, aklat at
preparayon ang nagging problema sa programang ito
● Pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo
● Bangsamoro – isang political entity na ipinalit sa ARMM. Ang
kasunduang ito ay naglatag ng daan tungo sa pagkakasundo o
Sosyodad at Literatura
74
resolusyon ng historical divide sa pagitan ng Gobyerno at ng
Bangsamoro.
● Pampolitika – hindi maayos na patakaran ukol sa pulitika. Pulitikong
hindi karapatdapat sa kanilang posiyon
● Judicial Killing- mga pagbitay na walang pahintulot ng batas bilang
lehitimong gamot sa kalupitan at krimen ay pinsala sa ating mga pamilya
at lipunan
● Anti-Hazing Law – batas na ipinasa para magilbing gabay at nang
maiwasan ang mga nagdaang karanasan sa isyung ito
● Oplan tokhang – ang pagkatok ng mga awtoridad sa mga bahay ng mga
nasangkot sa ilegal na droga at makiusap na sumuko na at magbagong
buhay
● Pag-aagawan ng Pilipinas at China sa pagmamay-ari ng South China
Sea
● Occupy Pabahay - Kabiguan ng gobyerno sa pagresolba sa kahilingan
ng mahihirap sa Metro manila na mabigyan sila ng maayos at murang
pabahay.
Buod ng Aralin
“Change is coming,” iyan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte
mula sa kanyang kampanya sa pagkapangulo hanggang sa kanyang
panunungkulan. Ang administrasyong Duterte ay sumisimbolo bilang isang
kamao na maaaring susuntok o pupukol sa napakaraming suliraning
kinakaharap ng bansa.
Sampung (10) isyu na nakikitaan ng pagbabago mula nang maluklok sa
puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte: Kontraktuwalisasyon, Trapik sa
Metro Manila, Mass Transport System, De-kalidad at makamasang
edukasyon, Pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, Tunay na reporma sa
lupa, Biktima ng bagyong Yolanda, Freedom of Information Bill, Pagresulba
sa Problema sa Droga, at Pagresulba sa Kahirapan.
Isyung Pambansa: Korapsyon, Polusyon, Kakulangan sa pasilidad, Pagimplement ng K12, Pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo,
Bangsamoro, Pampolitika, Judicial Killing, Anti-Hazing Law, Oplan Tokhang,
Sosyodad at Literatura
75
Pag-aagawan ng Pilipinas at China sa pagmamay-ari ng South China Sea at
Occupy Pabahay.
Sosyodad at Literatura
76
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. 1. Ano-ano ang mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng mga
manggagawa? Ipaliwanag ang bawat isa.
2. Ipaliwanag ang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng
manggagawa.
3. Iista ang sampung isyu sa Pilipinas na binigyang solusyon ng Pangulong
Duterte sa pangako niyang “Change is coming”.
Akdang Pampanitikan 1
TATA SELO
ni: Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo,
ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si
Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad
makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May
nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang
may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang
siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid
ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang
kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa
nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga,
“talagang hindi ko mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa
noo. Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis
ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama
sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang
ang nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba
siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama
Sosyodad at Literatura
77
lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw
kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya
sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi
mo
na
sana
tinaga
si
kabesa,”
anang
binatang
anak
ng
pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunongbayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked.
Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang
naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako
pupunta kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang
kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin,
mapaaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika
niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam
po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang
magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko
pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang
pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man
lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin.
Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako
po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod,
tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata
Selo at lumapit sa isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang
batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang
isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas
ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga
bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
Sosyodad at Literatura
78
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba
sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang.
Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako
pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya
ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo
siya sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang
maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina
Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang
reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi
lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang
dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa.
Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang
hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng maykatabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay.
Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at
mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan.
Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng
istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang
kumuha kay Tata Selo sa istaked.
Sosyodad at Literatura
79
“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang
tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa
silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong
niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko
pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang
po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na
alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may
nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na
mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa
pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako,
Presidente, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng
pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman
pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas
pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako
po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang
magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako.
‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’
Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
“Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang
nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at
gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa
Sosyodad at Literatura
80
pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik,
maalikabok at luyang paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng
kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang
alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang
pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay
Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang
labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa
sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang
tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata
Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng
hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat
ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok,
Sosyodad at Literatura
81
gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may
humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa
itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na
alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag
nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na
tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang
kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel
matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang
kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin.
Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng
tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang
rehas nguni’t pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok
iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa
kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may
kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at
titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon,
bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang
ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang
nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na
itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos,
dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong
napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang
tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis
ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya
ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
Sosyodad at Literatura
82
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit
ka Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang
walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang
nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha.
Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga
nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na.
Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi
nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob
si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling
ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang
rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring
iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na
ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang
kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya
narinig na may tila gumigisang sa kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang
tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang
umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling
bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik,
pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin
iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting,
ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong
harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi
Sosyodad at Literatura
83
nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas
ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi
ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya
pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay
kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...
Gabay sa Pagsusuri
1. Saan ang lunan ng pangyayari? Ilarawan ang setting ng maikling kwento.
2. Sini-sino ang mahahalagang tauhan sa kwento? Ilarawan ang bawat isa at
ipaliwanag ang kanilang papel sa kwento.
3. Bakit nagawa ni Tata Selo ang krimen laban kay Kabesang Tales?
Ipaliwanag ang nagyayari batay sa pagsasalaysay ni Tata Selo.
4. Sa tingin mo ba ay may pagsasamantalang nangyari laban kay Tata Selo?
Pangatwiranan.
5. Makatwiran ba ang ginawa ni Tata Selo kay Kabesang Tales? Ipaliwanag
6. Ano sa tingin mo ang nangyari kat Saling at bakit siya pilit na pinauwi ni
Tata Selo?
7. Sa bandang huli ay ayaw papasukin ang bata sa Opisina ng alkade upang
yayaing umuwi si Saling. Ano kaya ang nais ipahiwatig ng bahaging ito ng
kwento?
8. Bakit sinasabi ni Tata Selo na kinuha na ang lahat sa kanila? Ipaliwanag
ito.
9. Ano-ano pagsasamantala sa mga magsasaka ang naipakita sa kwento
batay sa nagging talakayan sa kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas?
Ipaliwanag.
Mungkahing Gawain
Sosyodad at Literatura
84
1. Sa loob ng kasunod na kahon, ibuod ang kwento gamit ang angkop na
graphic organizer (halimbawa: story sequence, story ladder, story pyramid,
at iba pa).
3. Magsaliksik tungkol sa may-akda ng kwento. Matapos ay hinuhain
kung bakit at paano niya naisulat ang kwentong binasa.
Mga Sanggunian
Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina,
Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing
House.
Borras, S. 2000. Ang Estratehiyang Bibingka sa Implementasyon ng Reporma
sa Lupa: Mga Kilusang Magbubukid na may Otonomiya at mga
Repormista sa Estado ng Pilipinas. Quezon City: Institute for Popular
Democracy.
Sosyodad at Literatura
85
Floresca, E.E. 2000. Dalawang Suliranin. Ani: Panitikan ng Kahirapan, 6, 7073. Franco, J., Borras, S. 2005. On Just Grounds: Struggling for Agrarian
Justice and Citizenship Rights in Rural Philippines. Quezon City:
Institute for Popular Democracy.
IBON Foundation, Inc. 2008. Kabuhayan, Karapatan, Katarungan. Quezon City
Ibon Books.
Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan:
Trinitas Publishing Inc.
Sosyodad at Literatura
86
KABANATA V
PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGKASARIAN
Inroduksyon
Isa sa mga isyung pangkasarian sa lipunang Pilipino ay ang karahasang
batay sa kasarian o gender-based violence o GBV, tinatawag ding gender
violence o gendered violence. Ito ay terminong ginagamit upang tukuyin ang
harm inflicted upon individuals and groups that is connected to normative
understanding
of
their
gender
(https://en.wikipedia.org).
Ayon
sa
https://unhcr.org, ang ganitong karahasan ay mauuring 1) sekswal, 2) pisikal,
3) emosyonal at sikolohikal, at 4) sosyo-ekonomik.
Pangkalahatang Layunin
1. Matalakay at masuri ang mga paksa at akdang pampanitikan na
sumasalamin sa isyung pangkasarian.
Inroduksyon
Ang kasarian o gender ay terminong ginagamit nang mas malawakan
upang tukuyin ang lawak ng identidad na hindi limitado sa mga establisyadong
ideya ng lalaki at babae. Kaiba ito sa terminong sex na bagamat ang salin sa
Filipino ay kasarian din na limitado lamang sa biolohikal na dikotomya ng lalaki
at babae. Sa kabanatang ito, ang kasarian ay tumutukoy sa gender.
Mga Tiyak na Layunin
Sosyodad at Literatura
87
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa
isyung pangkasarian;
2. Natutukoy at nasusuri ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at
kapaki-pakinabang na akda para sa panunuring pampanitikan tungkol
sa isyung pangkasarian;
3. Nakasusulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang
panlipunan ng isang akdang pampanitikang hinggill sa isyung
pangkasarian; at
4. Naisasaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa isyung pangkasarian
Aralin 1. Isyung Pangkasarian
Pagtalakay
Ang mga karaniwang sanhi ng mga karahasang batay sa kasarian at
ang mga karaniwang sagabal sa prebensyon ng ganitong karahasan ay ang
sumusunod:
Sanhi
Mga Pisikal na Salik
Mga
Sosyo-kultural
Politikal na Salik
Sagabal sa Prebensyon
Kakulangan ng pisikal na seguridad Kahirapan
at Mga panlipunan, pangkultura at panrelihiyong
batas, gawi at praktikang diskriminatori
Pagkasira ng mga estrukturang pampamilya,
panlipunan at komyunal
Kakulangan ng tiwala sa mga panlipunan at
publikong institusyon
Mga
Salik
Panghudikatura
na Kakulangan
ng
akses
sa
mga
pangkatarungang institusyon at mekanismo
Kakulangan ng sapat at abot-kayang legal na
payo at representasyon
Kakulangan ng sapat na proteksyon sa mga
biktima
Sosyodad at Literatura
88
Kakulangn ng mga batayang legal
Mga
Indibidwal
Biktimang Salik
na Pagbabanta o takot sa istigma, isolasyon at
ekslusyon sa lipunan
Eksposyur sa higit pang karahasan
Kakulangan ng impormasyon sa karapatang
pantao
Mga Salik ng Programang Pagkabigong
Humanitaryan
matugunan
at
mabigyang-
prayoriti ang GBV
Kakulangan ng mga disenyo at programa sa
sensitibong pangkasarian
Pang-aabusong sekswal ng mga mismong
tagapagpatupad ng batas
Iba pang hamon tulad ng mahinang ugnayan
ng mga tanggapan at institusyon, kakulangan
ng kompidensyaliti, kakulangan ng suporta sa
komunidad at iba pa
Ang kasarian pagkakilanlan ng mga tao ay maaaring naiiba mula sa
kanilang kasarian na itinakda nang sila’y ipinanganak, at maaaring kabilang
dito ang:
Trans: Ang mga tao na ang karanasan sa buhay ay nabubuhay ng mahigit sa
isang kasarian. Maaaring kabilang dito ang mga tao na nakilanlan na
transsexual, at mga tao na naglalarawan sa kanilang mga sarili na nasa
isang “kasarian isprekto” o nakatira sa labas ng mga kategorya ng
“lalaki” o “babae.”
Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang isang kasarian nang sila’y
ipinanganak, pero nang lumaki ay kumikilala sa kanilang sarili nang
naiiba. Maaaring naghahanap sila o nagpapasailalim sila ng isa o higit
pang mga medikal na pagpapagamot upang iakma ang kanilang mga
katawan sa nararamdaman nilang pagkakilanlan sa loob nila, tulad ng
hormone therapy, sex-reassignment surgery, o iba pang mga
pamamaraan.
Sosyodad at Literatura
89
Intersex: Ang mga tao na hindi madaling uri-uriin bilang “lalaki” o “babae”,
batay sa kanilang pangkatawang katangian sa kapanganakan o
pagkatapos ng pagkababae o pagkalalake. Ang salitang ito ay
pumapalit sa hindi magandang salitang “bakla.”
Crossdresser: Isang tao na, dahil sa damdamin at sikolohiyang kagalingan ay
nagbibihis ng mga kasuotang karaniwang kaugnay ng “kabilang”
kasarian.
ISYU
1. Diskriminasyon laban sa LGBT Community -
Kahit unti-unting
nagkakaroon ng kamalayan ang mga lipunan sa sexual orientation, gender
identity at gender expression ng mga tao ngayon, kailangan pa ring
palawakin ang isipan at mga karapatang sibil ng lahat ng tao upang
maiwasan
ang
mga
diskriminasyon
laban
sa
kahit
na
anong
kasarian.....(tingnan ang buong detalye sa brainly.ph/question/758153)
Dapat maisulong at maipatupad na ang Anti-Discrimination Bill na
hindi lamang pang LGBT ang mga layunin at programa kundi para sa lahat
ng kasarian.
2. Limitadong Representasyon - Kahit ang LGBT community ay isang
realidad, hindi pa rin ito kasing ganap at katotoo sa mga pang-masang
media.
3. Maling Mentalidad ng Patriyarkal na Sistema - Noon pa man, hindi pa
nasasakop ng patriyarkal na sistema ang buong mundo, ang mga sinaunang
tao ay payapa't walang isyu sa kasarian. Ang mga ninuno natin ay may mga
babaylan at mga babaeng pinuno, ang mga Native American o mga Indian
na siyang totoong mga tribo ng America ay may karapatan na pumili kung
anong espirito (lalaki, babae o parehong lalaki at babaeng espirito) ang
nananalaytay sa kanila.
Mahalaga ang kaalaman sa Sexual Orientation, Gender Identity at
Gender Expression upang maiwasan ang diskriminasyon at nang magkaroon
ng pantay na karapatan sa pagganap ng mga papel sa lipunan.
Sosyodad at Literatura
90
Isyung pangkasarian, ano nga ba ang kaugnayan nito sa
Katoliko
Ang kasangkapang
pangkasarian o pangunahing
katangiang
pangkasarian o organong sekswal (Ingles: sex organ), sa isang makitid na
katuturan, ay kahit na ano sa mga bahaging pang-anatomiya ng katawan na
may kaugnayan sa reproduksiyong sekswal at kinabibilangan ng sistemang
reproduktibo sa isang masalimuot na organismo, na siyang sumusunod sa
ibaba:
KASARIAN AT SEKSUWALIDAD
Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at
seksuwalidad. Ngunit ang dalawang konseptong ito ay madalas mapagpalit
bagaman ito ay magkaugnay.
SEX O SEKSUWALIDAD - tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian
bilang lalaki o babae. Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa
pamamagitan ng atingGenetic inheritance o ang pinagmulan ng lahi. Ang
ating genes naman ay nagtataglay ng ating mga biyolohikal nakatangian
ay ating mamamana at naipapasa sa mga salinlahi sa pamamagitan ng
pagsusupil.
GENDER O KASARIAN - tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan
hinggil saseksuwalidad. Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating
natututuhan mula salipunang ating kinabibilangan at ginagalawan. Ang
seksuwalidad ang tukuyin pinapangkat ang mga tao bilang “babae” at
“lalaki”. Kungkasarian ang ginagamit na termino ay “pambabae” o
“panlalaki”.
ORYENTASYONG SEKSUWALIDAD
SEXUAL ORIENTATION - tumutukoy sa pisikal at emosyonal na
atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa
pangindibidwal para sa isa pang indibidwal.
Sosyodad at Literatura
91
PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN
GENDER IDENTITY- nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang tao,
maging akma o hindi sa kanyang seksuwalidad.
MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA KASARIAN (GENDER
ROLES)
Ang kilos, mga gawain, at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog
ng lipunan. Ang mga bahaging ito ay nagmumula sa ating kinagisnang kultura
hanggang sa mga taong ating nakakasalamuha.
ANG SINASABING “IKATLONG KASARIAN”
Sila ang mga homoseksuwal kung tawagin. Inilalarawan sila bilang mga
indibidwal na nakakaranas ng ekslusibong atraksyon sa katulad nilang
kasarian. “Gay, bakla, beki” ang ibang tawag sa homoseksuwal.
ANG PAGIGING ISANG HOMOSEKSUWAL
Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad” ay tumutukoy sapag
papahayag ng isang indibidwal ng kanyang oryentasyong seksuwal.
TATLONG YUGTO SA PAGLALADLAD
Unang yugto
1. Pag-alam sa sarili
2. Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksiyon sa katulad na kasarian.
Ikalawang yugto
1. Pag-amin sa ibang tao
2. Pagsabi sa kapamilya, kaibigan, o katrabaho ng pagiging isang
homoseksuwal
Ikatlong yugto
1. Pag-amin sa lipunan
2. Pamumuhay nang bukas bilang isang LGBT
Sosyodad at Literatura
92
LGBT- Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender. Homoseksuwal (bakla at
tomboy) at ang Hemisphere ng utak nila ay higit na malaki kaysa sa kaliwa.
KARAPATAN SA PAGPILI NG KASARIAN AT SEKSUWALIDAD
Ang ilang mga karapatang ipinaglabanan ng mga homoseksuwal sa
buong mundo ay ang mga sumusunod:
1. Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban;
2. Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benipisyong
ibinibigay ng pamahalaan sa mga kasal na heteroseksuwal at sa kanilang
mga anak; at
3. Karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon
PANANAW SA HOMOSEKSUWALIDAD NG MGA PILIPINO
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinakatumatanggap sa
mga LGBT (gay-friendly nation). Sa isang pandaigdigang pag-aaral na
kinabibilangan ng 39 na bansa, pangsampu ang Pilipinas sa 17 bansang
tumatanggap sa homoseksuwalidad. Sa kabilang dako, masasabi na malaki
ang impluwensiya ng Simbahang Romano Katoliko sa pananaw ng mga
Pilipino laban sa homoseksuwalidad. Sa pamumuno ng Catholic Bishop’s
Conferences of the Philippies (CBCP), ang Simbahang Katoliko ay aktibo sa
pagkontra sa pagbibigay ng mga karapatan sa mga pangkat-LGBT. Ang mga
konserbatibong Pilipino, pati narin ang mga Muslim, ay naniniwala na ang
homoseksuwal ay immoral. Ganito rin ang ibang sektang Romano tulad ng
Jesus is Lord Church ni Bro. Eddie Villanueva.
RELIHIYON AT PANANAW NG IBA TUNGKOL SA HOMOSEKSUWALIDAD
May mga pangunahing relihiyon sa mundo ang naninindigang salungat
sa kanilang paniniwalaang pagiging homoseksuwal. Dahil sa ganitong
paniniwala, tinutuligsa nila ang mgahomoseksuwal. Hinuhusgahan nila ang
homoseksuwal at naniniwalang ito ay makasalanan. Sa kabilang dako,
mayroong na ring mga lipunang may liberal nap ag iisip at tinatanggap na rin
ang kultura ng homoseksuwal.
DISKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN
Sosyodad at Literatura
93
1. Ang mga pagkakaiba at hindi pantay-pantay sa pagtrato ng mga kasarian ay
makikita sa atinglipunan tulad ng aspektong poliyikal, pang hanapbuhay
atmaging sa tahanan
2. Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang political
sapamahalaan, kumunidad at institusyon.
3. Sa tahanan, may pag kakaiba rin ang mga gawaing nakaatang s a kanila
gaya ngpaggawa ng desisyon at paghanap ng mapagkukunan ng
pangangailangan sa tahanan.
4. Sa panghanapbuhay, ang pang aabuso ay mas madalas maranasan ng
kababaihan athomoseksuwal kaysa sa mga kalalakihan.
MGA ANYO NG DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN
1. Hindi pagtanggap sa trabaho
2. Mga pang-iinsulto at pangungutya
3. Hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o
pagkilos
4. Bullying sa paaralan
MGA SALIK NA MAIMPLUWENSIYA SA DISKRIMINASYON
1. Mga paaralan, may mga nababalitang nakakaranas ng diskriminasyon at
pang-aapi ang mga mag-aaral na homoseksuwal
2. Pamilya at tahanan, ang bawat miyembro ng pamilya ay may kanya
kanyang papel naginagampanan. Sa ngayon, nagbago na ang papel na
ginagampanan ng mga kasarian.
3. Media, dumarami ang mga LGBT na nagiging kilala sa mga industriya ng
pelikula, telebisyon at fashion. Na kikilala ang kanilang talento sa iba’t ibang
larangan ngunit may mga pagkakataon
MGA EPEKTO NG SAME-SEX MARRIAGE
Ayon sa ilang mga kritiko ng same sex marriage, layunin ng kasal ay ang
pagbibigay ng suporta ng pamahalaan para sa panganganak, bagay na hindi
naman nagagawa ng magkaparehong homoseksuwal. Maraming naniniwala
na ang relasyon sa pagitan ng mga homoseksuwal ay imoral at makasalanan.
Ipinahayag ni Rev. Fr. Melvin Castro, executive secretary.
Sosyodad at Literatura
94
BUOD NG KABANATA V
Isa sa mga isyung pangkasarian sa lipunang Pilipino ay ang karahasang
batay sa kasarian o gender-based violence o GBV, tinatawag ding gender
violence o gendered violence. Ito ay terminong ginagamit upang tukuyin ang
harm inflicted upon individuals and groups that is connected to normative
understanding
of
their
gender
(https://en.wikipedia.org).
Ayon
sa
https://unhcr.org, ang ganitong karahasan ay mauuring 1) sekswal, 2) pisikal,
3) emosyonal at sikolohikal, at 4) sosyo-ekonomik.
Ang
kasariang
pagkakakilanlan:
Trans,
Transsexual,
Intersex,
Crossdresser,
Ang mga isyung pangkasarian ay ang mga sumusunod: Discriminasyon
laban sa LGBT, Limitadong Representasyon, at Maling Mentalidad ng
Patriyarkal na Sistema.
Kasarian at seksuwalidad - isang mahalagang katangian ng bawat tao ay
ang kasarian at seksuwalidad. Ngunit ang dalawang konseptong ito ay
madalas mapagpalit bagaman ito ay mag kaugnay.
Sex o seksuwalidad - tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian
bilang lalaki obabae.
Gender o Kasarian - tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan
hinggil saseksuwalidad.
Sexual orientation - tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na
nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa pangindibidwal para
sa isa pang indibidwal.
Gender Identity- nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang
tao, maging akma o hindi sa kanyang seksuwalidad.
Mungkahing Gawain
1. Mag-interbyu ng isang myembro ng komunidad ng LGBTQ. Alamin ang
mga karaniwang hirap at sakit na kanyang nararanasan.
Sosyodad at Literatura
95
2. Magsaliksik tungkol sa SOGIE Bill at iba pang mga kaugnay na
babasahin mula sa mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian.
Pagkatapos, sumulat ng isang akademikong sanaysay gamit ang mga
datos at impormasyong iyong nakalap.
Sosyodad at Literatura
96
Akdang Pampanitikan 1
Babae ka
Ni Ani Montano
Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo)
Mula sa http://babaeka.tripod.com
Inang Laya Dou
Hhtp://www.bworldonline.com
Babae ka, hinahangad, sinasamba
Ipinagtatanggol, ikaw nama’y walang laya.
Ang daigdig mo’y lagi nang nasa tahanan
Ganda lang ang pakinabang, sa buhay walang alam.
Napatunayan mo, kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na alayaan.
Ang pinto ng pag-unlad sa ‘yo’y lagging nakasara,
Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao.
Babae ka.
Kalahati ka ng buhay.
Kung ikaw kaya’y wala saan ang buhay ipupunla?
Pinatunayan mong kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan.
Ang pinto ng pag-unlad sa’yo ngayo’y nakabungad,
Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao.
Babae ka.
Dahil sa akala ay mahina ka, halaga mo ay ‘di nakikita.
Bisig mo man sa lakas ay kulang, ngunit sa isip ka biniyayaan.
Sosyodad at Literatura
97
Upang ang tinig mo’y maging mapagsaya, upang ikaw ay
lumaya,
Lumaban ka. Babae, may tungkulin ka
Sa pagpapalaya ng bayan na siya nating simulain.
Gabay sa Pagsusuri
1. Paano inilarawan ang babae sa awit?
2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang
pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.
3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng
ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.
4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?
5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin
ba sa kasalukuyan ang gayong akala?
Mungkahing Gawain
1. Sa loob ng kasunod na kahon, gawan ng concept map ang salitang babae.
Sosyodad at Literatura
98
Akdang Pampanitikan 2
Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
ni Rolando A. Bernales
Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat
Ang pagiging bakla ay habambuhay
na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.
papasanin mo ang krus sa iyong balikat
habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan.
‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan,
madalas ay mabato, maputik o masukal.
Mapalad kung walang magpupukol ng bato
o mangangahas na bumulalas ng pangungutya.
Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap
o ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak
‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin
sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda
lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid,
mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala.
Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw.
Anong lakas ang mayroon ka para tumutol?
Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad
at iyong paa’y ipinako nang lipunan
sa likong kultura’t tradisyon at sa bulok na paniniwalang
nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan
na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo
kahit pa ikaw’y magpumilit na magpakamarangal?!
Marso 11, 1995
Sosyodad at Literatura
99
Gabay sa Pagsusuri
1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa
pamagat?
2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na
paniniwala.
Sanggunian
Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina,
Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing
House.
Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan:
Trinitas Publishing Inc.
Mga Hanguang Elektroniko
Gender-based Vilolence. https://unhc.org. Octubre 31, 2019.
Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights. 2012. On Aqiono’s
Superbody: No Need for Frills and Fuss, Victims Need Rosolution and
End to EJK. https://www.karapatan. Org/node/662. Oktubre 31, 2019.
Sosyodad at Literatura
100
KABANATA VI
PANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG MGA PANGKAT
MINORYA
Introduksyon
Hindi maikakailang biktima ng diskriminasyon at pang-aabuso ang mga
katutubo sa ating bansa mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon mula
sa kamay ng mga dayuhan at ng mga kapwa Pilipino. Ayon sa kasaysayan,
mula sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol hanggang sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano ay ramdam na ramdam ng mga katutubo ang
lupit sa kanilang mga danas. Patuloy rito ang iba’t ibang katawagan sa kanilang
waring nagpapahiwatig na mabangis, walang pinag-aralan, mal-edukado,
malayo sa sibilisasyon, magugulo at mababa ang kalagayan ng mga katutubo.
Itinuturing
silang
mga
cimaron,
salvajes
(mabangis),
malhechores
(masasamang-loob), infieles (‘di tapat) upang patunayan ng mga malupit na
mananakop na iba sila sa mga pangkaraniwang mga indios nang panahong
yaon (Gealogo, 2019).
Pangkalahatang Layunin
1. Matalakay ang mga paksa at akdang pampanitikang nauugnay sa
sitwasyon ng mga pangkat minorya.
Introduksyon
Sosyodad at Literatura
101
Sa kasalukuyang panahon ay ramdam pa rin ng mga pangkat minorya
sa Pilipinas ang pagmamalupit sa kanila kahit pa mayroon nang Batas
Republika Bilang 8371 o Indigenous People Right Act (IPRA Law) ng 1997 at
malinaw sa United Nations Declaration of Indigenous Right na ang mga
katutubo ay kapantay ng lahat ng tao at kung gayo’y nararapat na tratuhin nang
walang pagmamataas at walang pagmamaliit. Iba’t ibang panggigipit, pangaapi at pang-aabuso ang nararanasan nila buhat sa kamay ng mga
kapitalistang ganid sa lipunan at sa kamay ng mga tiwaling opisyal ng
pamahalaan (na dapat ay nangunguna sa pagtatanggol sa kanilang
karapatan).
Mga Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanang ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa
pangkat minorya;
2. Natutukoy
ang
mga
mapagkakatiwalaan,
makabuluhan
at
kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan tungkol
sa pangkat minorya;
3. Naibubuod ang akdang pampanitikang tumatalakay sa pangkat minorya;
at
4. Nakasusulat ng akademikong papel na nasusuri sa kabuluhang
panlipunan ng isang akdang pampanitikang hinggil sa pangkat minorya
Sosyodad at Literatura
102
Aralin 1. Panitikan Hinggil Sa Sitwasyon Ng Mga Pangkat Minorya
Pagtalakay
Ang ganitong pagtrato sa mga katutubo ay nagpatuloy sa ilalim ng
pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ayon sa kasaysayan, bilang
paghahanda sa planong pagsasarili ng
Pilipinas, inilabas ang Copper Act ng 1902 na
nagsasabing kailangan munang magkaroon
ng pambansang sensus sa Pilipinas upang
malaman ang bilang ng mga Pilipino bago
maganap ang halalan. Subalit batay sa
kautusan, hindi kasama ang mga katutubo sa planong ito nang noo’y
naghaharing Estados Unidos, sapagkat sila raw ay hindi sibilisado. Sa
katunayan, nilimita lamang ng Estados Unidos ang nasabing polisiya sa mga
Pilipinong naninirahan sa kapatagan. Ayon sa kanila, ang mga grupong
Kristiyanong tagapatag gaya ng mga Bikolano, Ilokano, Kapampangan,
Pangasinan, Tagalog, Bisaya at Zambalan lamang ang maituturing na ganap
na sibilisado. Bukod ditto, itinuring din ng Estados Unidos ang mga katutubo
bilang mababangis gaya ng baluktot na paniniwala ng mga Espanyol. Ang
ganitong patakarang diskriminatori ay nagbunga ng pagkakahati ng mga
Pilipino. Naging mabababa ang tingin ng mga nasa patag sa mga katutubo
gamit ‘di-makatarungang panukatang kinapapalooban ng paniniwala, gawi at
wika. Hinuhusgahan kasi ang kanilang pagkatao batay lamang sa kanilang
sariling wika, paniniwalang pinanghawakan at uri ng pamumuhay. Bungan g
ganiting pamantayan ay isinilang ang konsepto ng minoritisasyon o pagiging
minorya sa sariling bayan (Gealogo, 2019).
Matatandaang noong taong 2015 ay nagkaisang nanawagan ang mga
kasapi ng Katawhang Lumad Council of People Representatives ng Mindanao
People’s Peace Movement (MPPM KLCPR) na nagmula sa mga tribung
Agusan Manobo, B’laan, Banwaon, Dulangan Manobo, Erumanen nu Menuvu,
Higaonon, Kulanen, Lambangian, Mamanwa, Manobo Lapaknon, Matigsalog,
Obu Manovu, T’boli, Tagakaulo, Talaandig, Tinananen, Teduray, Subanen at
Surigao Manobo na itigil na ang labis na pananamantala at panunupil sa
kanilang mga karapatan ng mga nasa gobyerno, rebulusyonaryong grupo
Sosyodad at Literatura
103
politico, at mga kompanyang may interes sa kanilang lupang ninunu dahil ang
pang-aabusong iyon ay nagdudulot ng matinding hirap sa kanilang
pamumuhay> Ayon sa nasabing grupo, ang patuloy na pagwasak sa kanilang
mga lupain sa pamamagitan ng malawakang pagmimina, pagtotroso,
plantasyon, ranso at iba pang mga proyektong pwersahang pumapasok sa
kanilang mga lupain ay nagangahulugan ng patuloy ring pagwasak sa
pamumuhay, pagkatao at kinabukasan ng kanilang salinhali.
Para naman sa mga Aeta ng Gitnang Luzon, nananatili pa rin ang
kanilang problema mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon kaugnay
ng usapin ng lupaing ninuno. Ayon sa kanila, hindi naman tumigil ang digmaan
laban sa mga Pilipinong walang malasakit at mga dayuhang mang-aagaw ng
kanilang kabuhayan, tirahan at kinabukasan. Sa katunayan, ang New Clark City
o Clark Green City na proyekto ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa ilalim
ng Public-Private Partnership na ipinagpatuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte
ay isa sa mga proyektong pumapasok sa lupang katutubo. Dahil doon,
nanganganib na mapalayas sa kanilang lupang ninuno ang higit 20,000
katutubo’t magsasaka sa Tarlac. Ayon nga kay Johnny Basilio, pangkalahatang
kalihim ng Aeta Tribal Association, hindi nab ago ang problemang dala ng Clark
Green City na kakain ng halos 10,000-ektaryang lupaing katutubo. Sa nasabing
proyektong naghahangad ng kaunlaran ay libo-libong katutubo naman ang
natapakan ang karapatan – bagay na hindi matatawag na ganap na kaunlaran
(Malubay, 2017). Bagaman ipinagmamalaki ng pamahalaan na ang mga Aeta
ay nagkaroon ng trabaho
bunga
ng proyektong ito, hindi naman
mapapasubalian na naganap pa rin ang pagsasamantala. Sa katunayan, ayon
sa Manunulat na Ayaw sa Development at Aggression (KAMANDAG, 2018),
ang trabahong ibinigay sa mga katutunong Aeta bilang trbahador sa nasabing
proyekto ay nagsulot ng pang-aabuso sa pamamagitan ng mababang pasahod
at
kontraktwalisasyon.
Malinaw
na
ang
pansamanatalang
trabahong
ipinagmamalaki ng pamahalaan ay isang panakip-butas lamang sa malaking
problemang hinaharap ng mga katutubo mula noon hanggang hinaharap.
Pinapatay ng
pamahalaan
ang
agrikultura
ng bansa
n
asana
ay
makikinabangan ng buong bansa para lamang sa isang proyektong iilan
lamang ang makikinabang. Isa itong malaking kabalintunaan sa ating mga
Pilipino na sa gitna ng kakulangan ng suplay ng bigas sa ating bansa ay
Sosyodad at Literatura
104
nagaganap pa ang ganitong pagsira sa mga sakahan para lamang sa
“kaunlaran.” Ang karangyaan ng iba kapalit ay buhay ng iba ay hindi ganap na
kaunlaran.
Hindi rin makatarungan ang pagpapasara ng administrasyong Duterte
ng 55 paaralan ng mga Lumad sa Rehiyon ng Davao na pag-aari ng
Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Centers noon Hulyo
2019 sa paniniwalang itinataguyod ng mga nasabing paaralan ang ideolohiya
ng New People’s Army (NPA) na itinuturing na mahigpit na kalaban ng estado
(kahit pa walang matibay na ebidensya ang pamahalaan). Bunga nito, libolibong mga mag-aaral ng mga paaralang ipinasara ang naapektuhan (de LozaCudia, 2019). Ang pamahalaang sana ay nagsisikap na paunlarin at palawakin
ang edukasyon lalo para sa mga marhinalisadong grupo ay tila isang
instrument pa upang ganap na mahinto sa pagtatamo ng karunungan ang mga
kabataang Pilipino. Tila natatakot ang pamahalaan na maging kritikal sa mga
maling gawi ang bawat kabataang Pilipino.
Nariyan pa rin ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubo sa kanilang
lupang sinilangan ng mga ganid na kapitalistang ang tanging layunin ay
kamkamin ang lupang ninuno upang tayuan ng negosyo at magpakasasa sa
tubo. Ayon nga kay Gealogo (2019), maraming insedente ng karahasan na ang
nararanasan ng mga Lumad na nagreresuta ng pagiging mapanganib ng
kanilang sariling pamayanan dahil nagiging lugar ng digmaan at militarisasyon
ang kanilang mga bayan. Ang pamahalaang sana ay tutulong upang itaguyod
ang kanilang karapatan ay nangunguna pa sa pagkilos upang sila ay tuluyan
nang maglaho sa kani-kanilang lupang sinilangan.
Magkagayon pa man ay may ilang mga bahagi ng pamahalaan ang
tunay na may puso para sa mga katutubo. Buhay na halimbawa nito ang dating
kalihim ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman na si Gina Lopez. Sa
kanyang panunungkulan ay ipinatigil niya ang operasyon ng mga minahan sa
bansa na kalimitang pag-aari ng mga dayuhang kompanya dahil sa paglabag
ng mga ito sa polisya at kawalan ng maaayos na sistema upang
mapangalagaan ang yamang lupa at yamang tubig ng bansa. Ayon kay Lopez
(sa Pangiyak, 2019), kailangang kanselahin ang mga kontrata sa pagmimina
sapagkat lahat sila ay nasa watershed zones. Labag ito sa batas ng bansa.
Labag ito sa 1987 Konstitusyon. Higit sa lahat, ito ay hindi makatao at
Sosyodad at Literatura
105
makakalikasan. Nariyan din ang iba’t ibang mga non-government organization
at party list groups gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Bayan
Muna na tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga katutubo. Nariyan
din ang pakikibaka ng mga Lumad at Moro katulad nina Datu Tomas Ito ng
Bagobo, Ludencio Monson ng Mandaya, Kitari Cafeon ng Blaan, Datu
Dominador Diarog ng Bagobo-Klata, Datu Gibang Apoga ng Manobo at Bae
Bibyaon Bigkay ng Manobo. Ang kanilang mga ginawa ay tunay na kapuri-puri
(Pangiyak, 2019).
Samantala, sa kasaysayan ng bansa, ang pagtatanggol sa lupang
ninuno at pakikibaka ay mamamalas din nang ipagtanggol nina Sultan Kudarat
ng Sultanatong Maguindanao at Datu Bago ng Davao ang kapakanan ng mga
katutubo sa Pilipinas. Namalas din ang kabayanihan Mangulayon at ng mga
Kaolo at Moro upang labanan ang mga sundalong Amerikano na unang
nagtayo ng plantasyon ng abaka at sagin sa mayamang baybayin ng Davao
del Sur na humantong sa pagkamatay ni Hen. Edward Bolton na pinuno ng
mga Amerikano (Pangiyak, 2019).
Bilang pagtatapos, sino nga ba ang tunay na mabangis? Sino nga ba
ang tunay na ‘di makatao? Sino ang ‘di mapagkakatiwalaan? Ang mga katutubo
bang naghahangad ng kapayapaan at inklusibong kaunlaran o ang mga nasa
pamahalaan at dayuhang ganid sa yaman n gating bansa?
BUOD NG KABANATA VI
Ang Pilipinas ay sagana sa mayamang kultura hindi maikakaila pati rin sa
tribong mayroon ang ating bansa. Dahil dito hindi maiiwasan ang
diskriminasyon at pang-aabuso ng mga minoryang pangkat mula noon
hanggang sa kasalukuyang panahon mula sa kamay ng mga dayuhan at ng
mga kapwa Pilipino. Ramdam na ramdan pa rin ng mga katutubo ang lupit
sa kanilang mga danas pati na sa mga social networking sites ay laganap
ang pagkakaroon ng diskriminasyon.
.Ang pambansang minorya ay mga mamamayang mardyinalisadong sa
ekonomiya, pulitika, atpanlipunan sa Pilipinas. May mahabang kasaysayan
ng pamumuhay a kanilang lupaing ansestral, binubuo nilaang 15 hanggang
20 porsiyento ng populasyon ng bansa.Binubuo nila ang 153 ethnolinguistic
Sosyodad at Literatura
106
na mga grupo sa buong bansa, at nahahati sa mayor na rehiyonal na
mgagrupo: ang mga mamamayang Moro (13 ethnolinguistic groups) at mga
Lumad (18 ethnolinguistic groups) ngMindanao; ang mga mamamayan ng
Kordilyera (7 mayor na ethnolinguistic groups) at Aggaym Kalinga, at ibapang
mga grupo sa Hilagang Luzon; ang Aeta ng Gitnang Luzon; Dumagat,
Mangyan, at Palawan Hilltribes ngTimog Luzon; at ang Tumandok at Ati ng
rehiyon ng Panay sa Visayas
Mungkahing Gawain
1. Magkakaroon ng parada ng mga kasuotan ayon sa kultura.
2. Magsulat ng historical na pagpapakilala hinggil sa kasuotang kanilang
isinuot.
Akdang Panitikan 1
Awit sa Bagong Buwan
Mula sa Pangiyak: Mga Kuwento at Panawagan ng mga Bayani ng Mindanao
(2019)
Tumingin si Impit sa langit. Tinanaw niya ang lumiliwanag na bagong
buwan, habang maaliwalas ang ngiti ni Daniyan, ang bagong ina, pagkatapos
niyang iluwal ang kanyang panganay.
“Daniyan, tatawagin natin siyang Birang---ang baogng buwan. Sana, hatid
niya’y pag-asa sa kadiliman na dinadanas ng ating lahi,” pahayag ni Impit.
Birang ang tawag ng mga Bagobo sa bagong buwan.
Si Daniyan at Impit ang mga magulang ng bantog na si Datu Toma Ito.
Sila ay mula sa tribong Bagobo.
Taong 1925. Panahon ng mabilisang pagpapalawag ng mga plantasyong
Amerikano sa Mindanao. Maraming pamilya ng tribung Bagobo ang itinaboy
sa kanilang kumunidad. Ito ang kalagayang kinagisnan ni Birang.
Sosyodad at Literatura
107
“Patuloy pa rin ang mga Amerikano sa pagpapalawak sa kanilang
plantasyon sa kapatagan, ito ang narining ni Birang isang araw sa kanyang
ama.
“Marami na naman sa ating angkan ang mawawalan ng matitirhan at
kabuhayan.”
Kinabukasan, isinama si Birang ng kanyang Ama para mangaso. Itinuro
nitong, huli ang malawak na kapatagan na ngayon ay nahawan na. “Noong
una, diyan tayo nakatira. Bahagi ‘yan ng lupang ninuno. Iyang kapatagan na
malapit sa dagat ay ang aming palaruan,” kuwento ng kanyang Ama. “Naging
plantasyon na ito ngayon ng abaka at rubber. Ang masakit pa, di na tayo
malayang makapasok diyan sa patag.”
Sa kanyang murang edad, naramdaman na ni Birang ang malaking
pangamba. Sa tingin niya, walang katiyakan ang kanilan bukas. Kadalasa’y
ang Bundok Apo ang kanyang sumbungan.
“Di na maaari pang maging plantasyon ang natitirang kagubatan. Ito ang
pinagmumulan ng aming pagkain tulad ng baboy ramo, usa, at pulotpukyutan. Ang kagubatan ang pinagkukunan ng aming mga gamot. Ito rin
ang lugaar para sa aming mga ritwal,” daing niya sa kabundukan.
“Ako si Birang!”
“Ikaw si Thomas,” binyag ng kanyang guro noong nag-aaral na si Birang.
‘Noong nasa hustong gulang na si Birang, nabuo sa kanyang isipan na
kailanma’y ‘di niya tatalikuran ang kanyang tribo. Di siya papaya na maagaw
pa ang kanilang kanlungan, ang Bundok Apo.
Nabulabog na naman ang tribung Bagobo noong Panahon ng Martial Law
sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos. Palaging pinararatangang kuta ng
mga NPA ang kanilang komunidad. Hindi sila ligtas sa mga mababagsik na
sundalo ng diktador na si Marcos, bukod pa sa banta ng muling
pagpapalawak ng mga plantasyon. Sa mga panahong ito, palagi nang
makikita si Datu sa mga kilos-protesta laban sa kidtadurya. Hindi niya
inalintana ang karahasang nagaganap sa panahon ng batas military.
“Noon pa ma’y matatag na ang aking paniniwala na dapat manindigan ang
mga lumad. Dapat ipagtanggol ang tribu. Dapat ipagtanggol ang Bundok
Sosyodad at Literatura
108
Apo. Saan kami pupunta kung itataboy kami? Di naman puwedeng magtanim
sa bunganga ng bulkan.”
Itinayo nina Datu Tomas ang Senabadan ka Bagobo Mekatanud
(Pagkakaisa ng mga Mulat na Bagobo), kung saan ang mga kasapi ay
nagmumula sa paligid ng Bundok Apo mula Kidapawan hanggang sa mga
bundok na sakop ng lungsod ng Davao.
“Ipagtanggol natin an gating lupang ninuno!” panawagan ni Birang sa
kanyang mga katribu. “Ang Bundok Apo ay ang Apo Sandawa—sagradong
kalikasan, Di nagustuhan ni Datu ang kanyang bagong pangalan. Para sa
kanya, wala itong kahulugan. Huli na nang nalaman niyang hango ito sa
Thomasites-ang pangalan ng barkong unang sinakyan ng mga Amerikanong
dumating sa Pilipinas para manakop sa pamamagitan ng kolonyal na
edukasyon. Nagtayo sila ng mga public elementary school. Dito unang itinuro
ang wikang Ingles, ang ‘A is for apple!’
Lumipas ang mga taon. Sumiklab ang Pangalawang DIgmaang
Pandaigdig. Nagsilikas na naman ang tribung Bagobo dahil sa panunupi ng
mga bagong mananakop. Nagsitakbuhan sila’t nagsisitago sa tuwing may
darating na sundalong Hapon sa kanilang komunidad.
Nakita ni Birang ang pagbayoneta ng mga Hapon sa mga taong
lumalaban. Tulad ng naunang mananakop, inagaw nila ang mga lupain at
nagtayo ng mga plantasyon.
“Napilitan kaming magpalit ng pangalan. Kaya ‘Ito na ang nagging
apelyido naming. Kasi, ‘Ito’ ang karamihan sa mga apelyidong Hapon na
sumakop sa amin. Pero malaki talaga ang pasalamat naming sa Bundok Apo
dahil sa kanyang kagubatan. Dito kami nagtago habang patuloy ang giyera.”
Pagkatapos ng digma, muling itinayo ang pamayanan ng mga Bagobo.
Pero nasa paanan na sila ng Apo. Nagpatuloy sa pag-aaral si Birang. Third
year high school na siya noong panahong iyon.
Ang tirahan ng ating mga ninuno. Hinding-hindi natin ito isusuko sa mga
bagong mananakop!”
Napatalsik ang diktador na si Marcos. Ngunit ‘di kailanman nanlamig si
Datu para isulong ang interes ng kanilang Tribu. Ang kanyang karanasan sa
Sosyodad at Literatura
109
panahon ng diktadura ay lalong nagpatatag sa kanyang paniniwalang ang
kanilang kalagayan ay hindi hiwalay sa kabuuang kalagayan ng buong
sambayanan. Alam din niya na kahit may bago nang kaayusan, hindi
nangangahulugang wala na ring banta sa kanilang tirahan, pamumuhay, at
lupang ninuno.
“Hangga’t nariyan pa ang bsaw sa ating lipunan, hindi tayo titigil. Hangga’t
buhay pa ang bakunawa na palaging umaagaw sa liwanag ng ating kalupaan,
patuloy nating hahasain an gating mga sibat at gulok at isisigaw ang ating
pagtuligsa,” panawagan ni Birang sa kanyang tribu.
Hindi nagkamali si Datusa kanyang hinala.
Nagsimula nang butasan ang Bundok Apo. Itinayo ang Mount Apo
Geothermal Plant ng Philippine National Oil Company (PNOC) na lumikha ng
kuryente para sa malalawak na plantasyon at iba pang malalaking negosyo.
Napag-alaman sa mga pagsusuri na may mga lason tulad ng arsenic at iba
pang kemikal na dumadaloy sa mga ilog at sapa.
Bumuhos muli ang mga tao sa daan upang tutulan ang bagong mukha ng
pagkamkam sa BUndok Apo. Libo-libong mga Bagobo at iba pang lumad ang
nagmartsa sa mga lansangan ng Kidapawan, Makilala, Digos, at Davao para
labanan ang PNOC. Isang martsa na humantong sa isang D’yandi sa Bundok
Apo. Ito’y nagsilbing paalala sa usapang pangkapayapaan na nilagdaan ng
tribung Bagoboat mga kapatid na Moro na magkaisa laban sa mga
mananakop.
Kahit matanda na si Datu Birang, masigasig niya pa ring ipinalalaganap
ang tungkol sa kanilang mga ipinaglalaban. Walang humpay ang kanyang
pagsulong para sa kapakanan ng tribu, saan man siya magpunta o sino man
ang kanyang makaharap-katutubo, magsasaka, manggagawam tagaakademyo, taga-simbahan, at iba pang organisasyon sa loob at maging sa
labas ng bansa na kasabay nilang nakikibaka.
Gabay sa Pagsusuri
1. Ibuod ang kuwento.
2. Suriin ang sumusunod:
Sosyodad at Literatura
110
a. Pamagat
d. Suliranin
b. Pangunahing tauhan
e. Iba pang element
c. Tagpuan
3. Ano ang metaporang nakatago sa pangalang Birang?
4. Ano ang kalagayan ng komunidad ng mga Bagobo bago dumating ang
mananakop na Amerikano ayon sa ama ni Birang?
5. Ano ang nagging kalagayan ng komunidad ng mga Bagobo sa pagdating ng
kolonyalistang Amerikano?
6. Ano ang iba’t ibang pagmamalupit na naranasan ng mga Bagobo nang
sakupin ang Pilipinas ng bansang Hapon?
7.
Ano
ang
halaga
ng
Bundok
Apo
sa
mga
Bagobo?
8. Ano ang kinaharap ng komunidad ng Bagobo sa Panahon ng Batas Militar
sa Pilipinas?
9. Ano ang kahalagahan ng Bundok Apo sa buong komunidad ng Bagobo?
10. Ano ang kahulugan ng panawagang ito ni Birang: Hangga’t nariyan pa ang
busaw sa ating lipunan, hindi tayo titigil. Hangga’t buhay pa ang bakunawa
na palaging umaagaw sa liwanag n gating kapuluan, patuloy nating hahasain
an gating siba’t at gulok at isisigaw ang ating pagtuligsa!
11. Ano-ano ang magagandang kaisipan ang napulot sa kuwento particular na
sa usapin ng pakikibaka ng mga katutubo?
12. Sa kabuuan, ano ang mensaheng nangingibabaw sa kuwentong ito?
Ipaliwanag.
Mungkahing Gawain
Hatiin ang inyong klase sa ilang pangkat. Gumawa ng isang awit na
kaugnay ng kuwentong binasa. Iparinig sa mga kaklase at sa guro ang awit na
ginawa ng inyong pangkat. Gumamit ng mga katutubong instrument hangga’t
maaari.
Akdang Pampanitikan 2
Sa Bakwit Iskul
Ni Ferdinand Balino
Sosyodad at Literatura
111
Mula sa Ang Bayabas sa Tagaytay at iba pang Kuwento mula sa Kabataan
ng Paaralang Lumad, Sentro ng Wikang Filipino, UP_Diliman
Tumingala si Paking sa kalangitan. Kung noon ay mga luntiang puna ang
kaniyang tanaw, ngayon ay mga nagtatayuang gusali na. Para siyang
nasisilaw kahit makulimlim ang panahon. Tila uulan. Pumikit siya ng ilang
saglit.
Pagpikit niya’y biglang kumislap sa kanyang isipan ang iba’t ibang larawan
ng kanyang nakaraan-ang pakikipaglaro niya sa mga kapwang batang
Lumad sa isang liblib na kagubatan sa Mindanao. Ang pagsama niya sa
kanyang ama sa pangangaso. Ang pagdaos nila ng kanilang mga katutubong
ritwal. Ang pag-aaral niya sa eskuwelahang itinayo ng kanilang komunidad,
at iba pang mga kaganapan sa kanilang tribo.
Maya-maya’y may tumabi sa kanya. Si Hanya, isa ring batang Lumad na
mula sa ibang tribo. Hindi niya sana gusting makipag-usap dahil
nakaramdam siya ng kaunting pagkaasiwa. Hindi kasi pinapayagan ng
kanilang tradisyon na makipaglapitan sa mga babae kahit pa mga bata. Pero
naisip niyang unti-unti na pala nilang nabago ang tradisyong ito. Natutunan
nila sa eskuwelahan na karapatan nino man ang makisalamuha sa kahit
anong kasarian.
“Ang tatayog ng mga gusali, ano?” sabi ni Hanya.
“Oo nga, halos matakpan na ang langit,” sagot ni Paking.
“Parang uulan yata,” pangamba ni Hanya.
“Di natin alam kun ulan ‘yan. Sabi kasi ni Titser Rio, napapagkamalan
nating ulap minsan ang smog.”
“Anong smog?” taning ni Hanya. “Ano’ng ispeling noon?”
“S-M-O-G. Iyan ang turo ni Titser Rio. Natipon daw na usok na ibinubuga
ng mga malalaking pabrika at sasakyan,” paliwanag ng batang lalaki.
“Ah, hindi totoong ulap kung gayon,” ani Hanya.
May bagyong paparating sabi sa radio kahapon. Pero magihihntay na lang
tayo kung uulan para malaman natin kung totoong ulap nga ang mga iyan,”
dagdag ni Paking.
Sosyodad at Literatura
112
“Kung umulan, lilipat kaya tayo ng lugar o ditto pa rin tayo sa Bakwit
Iskul?,” tanong ni Hanya.
“Bakit? Takot ka ba sa ulan?” usisa ni Paking.
“Bakit naman ako matatakot? Sanay naman tayo sa bundok na may ulan
a,” matapang na pakli ni Hanya.
“Tama. Mas nakakatakot kaya ang mga nagpapalayas sa atin sa
komunidad natin,” wika ni Paking na may halong lungkot at galit sa mukha.
Saglit na natahimik sina Paking at Hanya. Kasunod nito’y biglang pumtak
ang ulan kaya agad silang sumilong sa may bubungang sulok ng Bakwit Isul.
“Totoong mga ulap nga ang nakita natin,” sabi ni Hanya.
“Oo nga. Baka iyan na nga iyong bagyo. Takot ka ba sa bagyo?,” tanong
ni Paking kay Hanya.
“Sabi ko nga ‘di ba, hindi ako takot sa ulan o bagyo man. Binabagyo nga
tayo ng kung ano-ano eh-pinapatay ang lahi natin, pinapalayas tayo sa ating
mga lupang ninuno, pinasasara an gating mga paaralan, tinatakot an gating
mahal na titser, at kung ano-ano pa.
Lumakas ang hangin at lalo nang kumulimlim ang paligid.
“Napakasama at mapangwasak ang mga bagyong ‘yan,” ani ni Hanya na
waring nababahala habang tinitngnan ang mga makakapal na ulap.
“Pero di dapat tayo matakot,” sabi ni Paking.
“Oo nga, di dapat tayo mangamba. Walang bagyong makakapigil sa atin.
Baon naman natin ang pakikibaka hanggang dito sa Manila,” buong-tapang
na wika ni Hanya. “Ano mang bagyo ang dumating, mag-aaral pa rin tayo dito
sa Bakwit Iskul.”
Sabay ng pagbuhos ng ulan ang buhos ng kuwentuhan nina Paking at
Hanya.
“Alam mo, parang narinig ko na dati ang pangalan mo. Nababanggit ng
mga matatanda,” mausisang sabi ni Hanya.
“A, oo, Paking ang ipinangalan sa akin nina Nanay at Tatay. Hinango raw
sa isang mandirigma na nakipaglaban para sa mamamayang Lumad,”
pagibibda ni Paking. “Pero, matagal na siyang namayapa” “Bakit?” tanong ni
Hanya.
Sosyodad at Literatura
113
“Pinatay siya dahil sa kanyang mga prinsipyo’t pakikibaka. Pero nangyari
man ‘yon, ipinagpapatuloy naman natin ang kanyang ipinaglaban, di ba?”
dagdag ni Paking.
Ngumiti nang may paghanga si Hanya sa kuwento ni Paking.
Mayamaya pa’y tumila na ang ulan. Narinig nila sa ‘di kalayuan ang boses
ni Titser Rio na nagpapaliwanag sa mga bisita ng Bakwit Iskul tungkol sa
buhay at pakikibaka ng mga Lumad. Nakiupo na rin sa mga bisita sina Paking
at Hanya at nagbahagi ng mga karanasan nila.
Gabay sa Pagsusuri
1. Suriin ang sumusunod:
a. Pamagat
d. Suliranin
b. Pangunahing Tauhan
e. Iba pang element
c. Tagpuan
2. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng
pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano-ano ang mga karahasang naranasan ng mga Lumad ayon sa Kwento?
4. Ano ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa mundo ng
mga Lumad ayon sa kuwento?
5. Paano pinatapang ng mga pangyayaring kanilang naranasan ang mga
tauhan sa kuwento?
6. Paano nahubog ng paaralang Lumad ang mga panguahing tauhan?
7. Ano-ano ang isyung tinalakay sa kuwentong Sa Bakwit Iskul? Ipaliwanag ang
bawat isa
8. Magbigay ng iba pang Pilipinong namatay bunga ng paninindigan sa
prinsipyo at paglaban sa mali sa kasaysayan ng Pilipinas. Ilarawan ang napili
at isalaysay ang kanyang nagawa.
9. Ano ang prinsipyo? Ano ang kahalagahan nito? Ipaliwanag.
10. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa inyong kapwa at bayan?
11. Magbigay ng mga karapatan ng kabataan ang nalabag sa kuwento?
Ipaliwanag.
Mungkahing Gawain
Sosyodad at Literatura
114
1. Ibuod ang binasang kwento. Isulat ang buod sa mga kasunod na patlang.
2. Hatiin ang klase sa ilang pangkat na may hindi hihigit sa tiglilimang myembro.
Matapos ay bumuo ng advocacy campaign poster kaugnay ng mga isyung
tinalakay sa kuwento. Ipakita sa harap ng klase at ipaliwanag ang poster
na ginawa ng inyong pangkat. I-uploaad din sa iba’t ibang social media
platform ang inyong poster.
3. Panoorin ng dokumentaryong Lumad: Schools Under Attact ng Bughaw
Organization Philippines sa YouTube. Matapos ito ay sumulat ng isang
mapanuring sanaysay hinggil sa dokumentaryong pinanood.
4. Punan ang kasunod na KWL chart hinggil sa sitwasyon ng mga pangakat
minorya ng mga kailangang impormasyon.
Ang Alam Ko
Ang Gusto kong
Ang Natutunan ko
(What I Know)
Malaman
(What I Learned)
(What I want to know)
Sosyodad at Literatura
115
Sanggunian:
Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina,
Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing
House.
Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan:
Trinitas Publishing Inc.
KABANATA VII
PANITIKAN HINGGIL SA DISPORA/MIGRASYON
Introduksyon
Binigyang-kahulugan ng National Geographic (sa Zafra, 2016) ang
migrasyon bilang paggalaw ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang
lugar sa mundo nang may layuning manatili nang temporary o kaya’y
permanente sa bagong lugar na kinalalagakan depende sa kagustuhan ng tao.
Ito ay maaaring sapilitan o kusang-loob. Ang migrasyon ay ipinapalagay na
bunsod ng mga masasamang karanasan sa dating lipunang kinabibilangan
gaya ng tunggalian at kaguluhan sa sitwasyong panlipunan.
Pangkalahatang Layunin
1. Matalakay at masuri ang mga paksa at akdang pampanitikan na
sumasalamin sa isyu ng dispora o migrasyon.
Sosyodad at Literatura
116
Introduksyon
Ang isang diaspora/migrasyon ay isang nakakalat na populasyon na ang
pinagmulan ay mula sa isang mas maliit na lokasyon sa heograpiya. Maaaring
tumutukoy din ang diaspora sa paggalaw ng populasyon mula sa orihinal na
baying pinagmulan.
Mga Tiyak na Layunin
1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa
diospora/migrasyon;
2. Natutukoy at nasusuri ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at
kapaki-pakinabang na sanggunian tungkol sa diaspora/migrasyon;
3. Naibubuod ang maghahalagang pangyayari at/o kaisipan sa paksang
tinalakay; at
4. Nakasusulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang
panlipunan
ng
isang
akdang
pampanitikan
tungkol
sa
diaspora/migrasyon.
Aralin 1. Dispora o MIgrasyon
Pagtalakay
Ang migration ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang
doon manirahan.
 Migrante - ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.
 Migrant-pansamantala
 Immigrant -pampermanent
DALAWANG URI NG MIGRASYON
1. Panloob na Migrasyon (internal migration)
 ang migrasyon sa loob lamang ng bansa.
2. Migrasyon Panlabas (international migration)
Sosyodad at Literatura
117
 ang tawag kapag lumilipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon
na manirahan o mamalagi nang matagal na panahon.
Ayon sa estadistika ng UN noong taong 2013, 231.5 milyong tao o
tatlong porsiyento ng populasyon ng buong mundo ang nakatira sa labas ng
kanilang bansang sinilangan.
o Sa mga papaunlad na bansa sa daigdig, isa ang Pilipinas sa may
pinakamataas na antas ng paglago ng mga lungsod kung saan 60
porsiyento (60%) ng populasyon ay naninirahan sa mga lungsod.
o Ayon sa ulat ng World Bank(WB) noong 2011, ang urban population ng
Pilipinas ay umabot na sa 61,925,169.87 noon pa lamang 2010.
MGA SANHI NG MIGRASYON
o Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay
tinatawag na ECONOMIC MIGRANTS o iyong naghahanap ng mas
magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
o Bahagi rin ng mga migrante sa buong mundo ay mga REFUGEE na
lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan,
prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.
MIGRASYON NG PILIPINO
o Sa tala noong 2012, tinatayang mahigit 10 milyong Pilipino ang
naghahanap-buhay sa mahigit 190 bansa sa daigdig.
o Kabilang sa mga ito ang 3.5 milyong Pilipinong permanenteng
naninirahan bilang immigrante sa ibang bansa, tulad ng United States,
Canada, Australia, Japan, United Kingdom, at Germany.
o Mayroon ding 3.8 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) o
temporary migrants na nagtatrabaho sa mga bansang tulad ng Saudi
Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Hongkong, Japan, Italy, at Spain
o Ang kadalasang dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino ay ang
paghahanap ng mas magandang trabaho na may malaking sahod
upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya.
Sosyodad at Literatura
118
EPEKTO NG MIGRASYON
 PAGBABAGO NG POPULASYON- ang pagkakaroon ng napakataas at
napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon.
 KALIGTASAN AT KARAPATANG PANTAO- ayon sa International
Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong migarnte ang
walang kaukulang papeles taon-taon.
 PAMILYA AT PAMAYANAN- ang pangingibang bansa ng mga OFW ay
may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga
anak.
 PAG-UNLAD NG EKONOMIYA- malaki ang naitutulong ng mga OFW
sa pagpaplano ng ekonomiya ng Pilipinas, maraming OFW ang
nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan. Ang kanilang
REMITTANCE o ipanapadalng pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing
kapital para sa negosyo.
 BRAIN DRAIN- kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga
eksperto sa iba’t-ibang larangan ay mas pinili nilang mangibang bansa
dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.
 INTEGRATION at MUKTICULTURALISM- sa Italy mayroon silang
“batas sa seguridad” (legge sulla sicurezza). Layunin nito na magkaroon
ng maayos na integration ng mga dayuhan sa Italy at magandang
relasyon.
 MULTICULTURALISM- isang doktrinang naniniwala na ang iba’t-ibang
kultura ay maaaring magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa
isang lugar o bansa.
Batay sa pag-aaral ng United Nations Human Rights, tinatayang 232
milyong tao sa kasalukuyan ang ipinapalagay na naninirahan labas sa kanilang
bansang pinagmulan bunga na rin ng iba’t ibang dahilan kabilang na ang
paghahanap ng magandang ikabubuhay. Sa kontekstong Pilipino, ayon sa
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang sa mga
karaniwang dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino ay ang (1) tumataas na antas
Sosyodad at Literatura
119
ng pamumuhay sa bansa, (2) kakulangan ng oportunidad na makapagtrabaho
sa sariling bayan, at (3) kagustuhan mapagtapos sa pa-aaral ang mga anak.
Sinusugan naman ito ng pag-aaral ng Soroptimist International (1994), isang
pandaigdig
pribadong
organisasyon,
na
nagpahayag
na
ang
pinakapangunahing dahilan ng mga Overseas Contract Workers (OCWs) ay
ang edukasyon ng mga anak (80.7%). Nariyan din ang isyu ng mas mataas na
sahod (63.3%), ang layuning makabili ng bahay at lupa (50.0%),
pangangaiangan ng pambayad ng mga utang (31.3%), layong kumita sa
pangkapital sa negosyo (29.3%), layong makabili at makapagpundar ng mgaari-arian (17.3%), at iba pang-ekonomikal na pangangailangan (22.0%)
(Eduksyon sa Pagpapakatao, 2013).
Sa Pilipinas, ayon kay Ang See (sa Dumia, 2009), ipinapalagay na ang
pangangalakal ng Tsina sa ating bansa na pinamunuan ni Zulu Royalty Padua
Bazaar, ang naitala na pinakaunang migrasyon. Sa katunayan, batay sa
artikulong pinamagatang Filipino Heroes in Saudi, hindi na talaga bago ang
nagaganap na migrasyon ng mga Pilipino sapagkat noon pa mang ika-16 na
siglo ay marami nang mga sinaunang Pilipino ang naglalakbay sa ibayong
dagat upang makipagpalitan ng mga kalakal sa mga mangangalakal ng Tsina
at Moluccas. Noon namang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas ay marami rin sa mga ninuno ng mga Pilipino ang naglayag sa
Karagatang Pasipiko patungong Mexico at iba pang mga lugar sa Pasipiko sa
pamamagitan ng galleon ship upang tumakas sa kalupitan ng mga Espanyol.
Samantala, patuloy na umalis ang ilang Pilipino sa bansa noong 1990s nang
magkaroon ng pagkakataon ng mga Pilipinong magtungo sa Hawaii, sentro ng
Amerika, at Alaska upang magtrabaho sa mga tubuhan at taniman ng mga
prutas at gulay. Nagpatuloy ang paglisan ng ibang mga Pilipino sa Pilipinas
upang hanapin ang kanilang kapalaran sa ibayong dagat.
1970s naman nang magsimulang dumami ang mga manggagawang
Pilipino sa Saudi Arabia na kalimitan ay inhenyero at mga manggagawa sa
konstruksyon nang pangunahan ito ng gobyeno ng Pilipinas noon na
pinamumunuan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos upang masolusyonan
ang lumalalang problema ng kawalang-trabaho ng marming Pilipino sa bansa,
lumulubong utang panlabas ng bansa at bumababang halaga ng piso kontra
Sosyodad at Literatura
120
dolyar. Sa kasaysayan, ang pagdagsang ito ng migranteng Pilipino sa Saudi
Arabia at mga kalapit-bansa nito ay binansagang third wave of Filipino
migration (Dumia, 2009).
Samantala, ang migrasyon sa makabagong panahon ay nagkaroon ng
bagong mukha. Sa katunayan, kung dati-rati ay ang mga magulang na lalaki
ang karaniwang dumadadyo sa ibang bansa upang makapaghanapbuhay para
sa kani-kanilang mga pamilya, ngayon ay marami na ring babaeng ina ang
napapalayo sa piling ng mga anak at asawa. Ang mga hindi mabilang na
ganitong sitwasyon ang nagiging daan sa unti-unting pag-usbong ng bagong
pananaw sa migrasyon sa ating bansa.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2016,
umabot na sa 2.2 milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
53.6% nito ay mula sa hanay ng mga kababaihan at 46.4% ay mula naman sa
kalalakihan. Kalimitan, SILA ay nagtatrabaho sa rehiyong Kanlurang Asya
particular na sa mga bansang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar,
Lebanon, Bahrain, Kuwait at Jordan. Sa Arabia upang magtrabaho bilang
kasambahay, tagapaglinis sa mga opisina o hotel, sales/service workers, o
technician kahit pa karamihan sa kanila ay nakapagtapos ng pag-aaral sa
Pilipinas at matatawag na propesyonal. Patunay ang pag-aaral ng PSA na
nagsasabing pumalo sa 57.1% ng mga OFW ay matatagpuan sa nasabing
rehiyon sa Asya.
Samantala, bukod sa hindi tugma ang trabaho sa tinapos na kurso,
malaking problema ng mga OFW ang nakaranas ng mababa o hindi
makatarungang pasweldo mula sa kaniang mga kompanya sa ibayong dagat o
mga manpower agency sa Pilipinas, idagdag pa ang sikolohikal, pisikal at
emosyonal na pang-aabusong natatamo ng marami sa kanila mula sa kanikanilang mga pinagsisilbihang kompanya o pamilya. Sa katunayan, iba’t ibang
kaso ng pang-aabuso ang naitatala kada taon na kinasasangkutan ng mga
OFW particular na ang mga kababaihan. Kabilang sa mga ito ang
panggagahasa, pananakit, pananakot, pagkukulong, pagkabilanggo nang
walang sala at maging pagkamatay. Ayon nga kay Senador Joel Villanueva
(2018), sa loob lamang ng dalawang taon (2016 at 2017) ay pumalo na sa 185
Sosyodad at Literatura
121
ang mga OFW na inuwing patay sa Pilipinas: 82 noong 2016 at 103 naman
noong 2017. Isa sa mga kalunos-lunos na pangyayaring ito ay naranasan ni
Joanna Demafelis. Natagpuan ang kanyang katawan sa freezer sa isang
inabandonang apartment sa Kuwait (Roxas 2018). Samantala, sa kasaysayan
ng Pilipinas, ilan sa mga tumatak na kaso ng pagmamalupit o pagpatay sa mga
Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat ay ang mga kaso nina Flor
Contemplacion na pinagbintangang pumatay sa kapwa Pilipina at apat na
taong gulang na batang Singaporean noong 1955, kaso ni Sara Balabagan ng
United Arab Emirates upang ipagtanggol ang sarili laban sa tangkang
panggagahasa, ang kaso ni Maricris Sioson noong 1991 na nagtrabaho sa
Japan bilang mananayaw subalit inuwing patay sa Pilipinas. Batay sa
imbistigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), traumatic head injuries
ang ikinamatay ni Sioson at ang ilang mga saksak sa katawan.
Bukod sa mga nabanggit na tanyag na kaso ng pang-aabuso ay naitala
rin ng ilang manunulat at mananaliksik na Pilipino ang mga kaso bawat
Pilipinong manggagawang nararanasan din ng mga negatibong pang-aabuso.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Fr. Eugene A. Docoy, Jr. na pinamagatang
Breaking the Bread: Sharing Lives with Miggrant Workers in Korea (2000),
komprehensibo niyang tinatakay ang problemang naranasan ng mga
migranteng mangagagawa sa pabrika sa Timog Korea kabilang na ang
problemang pinansyal, sikolohikal, espiritwal at kultural. Ilan sa mga
problemang tinalakay ay ang hindi makatarungang pasahod at makatarungang
trato ng kanilang mga employer sa nasabing bansa at ang mataas na
placement fee ng mga ahensia sa lakas-paggawa sa Pilipinas. Samantala,
malikhain at komprehensibo namang tinalakay sa artikulong Italia! Italia!
(OCWs sa Italia) ni Fanny Garcia ang pamumuhay ng mga bansa. Doon
inilahad niya ang paghihirap ng mga OFW sa kamay ng kanilang mga
employer. Nariyan na ang pang-aabuso ng amo, hindi makatarungang
paaggawa at pasahod at kalungkutan na naiibsan lamang tuwing araw ng
Huwebes kung kalian ang mga Pilipinong ito ay nagsasama-sama upang
magkwentuhan ng mga nangyayari sa kanila-kanilang buhay. Nariyan din ang
mga kwento ng OFW na mapagpanggap. Ayaw nilang aminin na sila ay mga
katulong doon dahil sila nga naman ay propesyonal sa Pilipinas. May mga
Sosyodad at Literatura
122
kwento rin ng lihim na relasyon sa taong may asawa na at kwento ng
pagpapakamatay ng ilang kasama (Zafra, 2016).
Mas masaklap naman ang karanasan ng mga OFW sa Saudi Arabia. Sa
katunayan, sa semi-annual report ng Department of Foreign Affairs sa pagitan
ng Hulyo hanggang Disyembre 2008, nakapagtala ang Embahada ng Pilipinas
sa Riyadh at ang Pangkalahatang Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah ng 1,764
na kaso ng nakakulong na mga Pilipino sa naturang bansa. Batay sa ulat,
kalimitan sa mga kaso ay homicide, imoralidad, homosekswalidad, illegal na
pagsasama ng mga grupo, overstaying, pagtatagpo ng mga criminal, illegal na
droga, panununog, smuggling at pagtitinda ng mga pornograpikong
materyales. Sa kabilang banda, ilan naman sa mga kalunos-lunos na
naranasan ng mga OFW partikula nang mga kasambahay, janitor, mananahi
at at mekaniko ay pang-aabusong berbal, kawalan ng araw ng pahinga,
panggagahasa, pisikal na pang-aabuso mula sa employer, hindi pagpayag ng
paggamit ng telepono, kakulangan ng sapat na pagkain, sobrang oras at araw
ng pagtatrabaho at hindi makatarungang sahod (Dumia, 2009).
BUOD NG KABANATA VII
Ang isang diaspora/migrasyon ay isang nakakalat na populasyon na ang
pinagmulan ay mula sa isang mas maliit na lokasyon sa heograpiya.
Maaaring tumutukoy din ang diaspora sa paggalaw ng populasyon mula sa
orihinal na bayang pinagmulan.
Sa isang banda, ang mga migranteng manggagawa ay nakapagdadala sa
kanilang pamilyang libo-libong dolyar na remittance. Malaki ang naitututulong
nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan, sa pagpapagawang
buhay,
pantustos
sa
pangkalusugan-habang
pagpapaaral,
nakakatulong
at
pambayad
sa
sa
gastusing
ekonomiyang
bansang
pinagtrabahuhan.
Samantala, malaking problema ng mga OFW ang nakaranas ng mababa
o hindi makatarungang pasweldo mula sa kaniang mga kompanya sa
ibayong dagat o mga manpower agency sa Pilipinas, idagdag pa ang
sikolohikal, pisikal at emosyonal na pang-aabusong natatamo ng marami sa
kanila mula sa kani-kanilang mga pinagsisilbihang kompanya o pamilya. Sa
Sosyodad at Literatura
123
katunayan, iba’t ibang kaso ng pang-aabuso ang naitatala kada taon na
kinasasangkutan ng mga OFW particular na ang mga kababaihan. Kabilang
sa mga ito ang panggagahasa, pananakit, pananakot, pagkukulong,
pagkabilanggo nang walang sala at maging pagkamatay.
Mungkahing Gawain
1. Magsaliksik ng mga sanhi at bunga ng mga diospora/migrasyon.
2. Magkakaroon ng think-pair-share sa mga sinaliksik na sanhi at bunga
ng mga dispora/migrasyon.
Akdang Pampanitikan 1
Sarah
ni Fanny A. Garcia
Mula sa Pamilya, Migrasyon, Disintegrasyon (2012)
21 taong gulang
Panganay sa apat na anak
Ang una sa dalawang babaeng anak
NOONG UNA, malungkot ako kasi first time na mawawala si Mama.
Tapos nang nandoon na nga ako sa airport, nang hinatid naming siya, naiyak
ako. Tapos nang nandoon na siya sa abroad, siyempre noong una, parang
ang hirap. Kasi siyempre hindi kami sanay, tapos noong tumagal-tagal
nasanay na rin.
Gusto talaga ni Mama na mag-abroad. Kasi nga ang trabaho ni Daddy,
parang minsan wala, minsan mayroon. Gusto niya akong mapag-aral, pero
parang iyon na lang ang paraan.
Nalungkot ako noon, naiyak ako pero sa sarili ko lang kasi parang
nahihiya ako kapag kaharap sila. Sa bahay, nang nag-aayos ng mga gamit
niya si Mama, nang tinitimbang ang kanyang baggage at baka raw mag-over
baagage siya, hindi ko siya masyadong natulungan kasi may work ako noon.
Tindera ako noon sa J-Macky’s, sa counter ako, tagabenta ng mga ulam,
P100 isang araw ang kita ko. Walong oras ang trabaho, 8 a.m, hanggang 4
Sosyodad at Literatura
124
p.m. Minsan dere-deretso pag walang kapalitan 8 hours uli para madoble ang
sahod ko.
Malungkot ako noon kasi simula noong bata ako, hindi naman ako
nahiwalay kay Mama. Sinabi ko sa boyfriend ko na aalis na si Mama,
nalulungkot ako. Sabin g boyfriend ko, mabilis naman ang panahon,
nandiyan naman daw si Daddy.
Sa bahay, parang dinadaan ko lang sa joke. Sabi k okay Mama, bili mo
ako ng ganito, dinadaan ko lang sa ganoon. Kunwari, “Mama, ibili mo ako ng
cellphone,” parang dinadaan ko na lang sa ganoon para hindi siya malungkot.
Sabi nya, sige, ag nagkapera ako. Hindi ko siya nakitang umiyak.
Kami sa pamilya ang naghatid sa kanya sa airport, kasama rin ang
boyfriend ko. Sa airport na naghintay ang boyfriend ko. Nag-commute lang
kaming pamilya. Sumakay kami ng bus papuntang Baclaran, traffic, bumaba
na lang kami sa Cubao, nag-MRT kami. Tiningnan ang loob ng kanyang
maleta. Mabuti nalang, hindi masyadong masikip sa MRT noong araw na
iyon. Mula MRT hanggang Baclaran, nagtaxi kami, isang taxi lang kami.
Muntik nang mahuli si Mama. Hindi naman ako umiyak nang umalis siya.
Nang pauwi na kami, nakasakay, umiyak ako. Paglabas ng airport, may
mga bus na, tuloy-tulo na iyon hanggang sa babaan papunta sa amin, banda
roon pa ang bus terminal. Sa bus, katabi ko ang boyfriend ko, sa likod namin,
si Daddy ko, katabi si Tricia. Tapos sa likod nila, ang dalawang kapatid ko na
lalaki, si Jay at si Luis.
Medyo nag-uusap sila, medyo maingay kasi maingay ang mga iyon. Si
Mama ang pinag-uusapan nila. Sabi, naku, wala na si Mama, wala nang
magluluto ng masasarap, minsan menudo, kasi si Mama lang ang may alam
noon.
Nasa airport kami nang 12 p.m., nakauwi kami siguro 2 p.m. Pag-uwi,
hindi na ako pumasok sa trabaho, nagsabi ako sa trbaho na talagang hindi
ako papasok noong araw na iyon. Nasa bahay lang si Daddy, ang mga
lalaking kapatid ko, usually, lagging wala, natulog lang sila noon. Si Tricia,
lumabas din, nagpunta kina Ate Zeny. Natulog din ako.
Noon, hindi pa ako marunong magluto, si Mama ang tagaluto. Ngayon,
minsan nagbo-volunteer ako, sasabihin ko, “Daddy, paano ba ito lutuin?”
Sosyodad at Literatura
125
Tuturuan naman niya ako, idi-dictate niya, tapos lulutuin ko. Si Tricia, siya na
ang naglalaba. Hindi ko siya inuutusan. Sira pa ang washing machine naming
noon, kaya handwash lang. Alternate kami ni Tricia sa paglilinis ng bahay.
Walang papel ang mga lalaki, talagang wala. Noong wala pa kaming linya ng
tubig, minsan, nag-iigib sila. Hindi naman mabigat na trabaho iyon, may hose,
ipapasok sa loob ng bahay. Pag kumain sila, hindi sila naghuhugas ng
pinggan. Si Tricia ang naghuhugas ng pinggan sa umaga, ako sa gabi. Kahit
noong narito pa si Mama, ganoon na sila.
Okey naman sa akin na natuto ako magluto. Minsan lang na sa paglilinis
ng bahay, parang nagrereklamo na ako, maglilinis ako, pag dumating iyong
dalawang lalaki, kalat na naman, ganoon.
Minsan nagsisigawan na kami kasi makukulit. Pag inutusan ko sila,
minsan ayaw making, minsan sumusunod naman. Sasabihin ko, iligpit mo
nga ang mga unan, ilagay mo sa itaas, sumusunod naman.
Naggradweyt ako sa hayskul noong 2004. Kumuha ako ng exam sa aming
city university dito, Journalism ang kukunin ko, four years. Tapos pinili ko
munang magtrabaho, sabi ko, mag-iipon muna ako. Tutulungan ko lang
muna sina Mama. Pero sabi ni Mama, sa STI ako, gusto niya, vocational lang,
two years.
Hindi rin ako nakaipon. Araw-araw ang suweldo, maliit lang P100. Parang
ako na lang ang sumusuporta sa sarili ko. Lahat ng pangangailangan ko, ako
ang bumibili, hindi ako humihingi sa kanila. Parang sa sarili ko rin napunta
ang kinikita ko, Bumibili ako ng damit ko. Sa panahong narito pa si Mama,
binibigyan ko siya ng P200 mula sa suweldo ko.
October umalis si Mama. December nagpadala na siya, parang almost
P20,000 yata, door-to-door sa mismong idedeliber, two or three days
matapos magpadala. Cash ang makukuha, may minus na P1,000 plus, kay
Daddy nakapangalan. Pag wala si Daddy, ako ang nagre-receive, pero
noong time na iyon, Daddy ko ang nag-receive.
Darating iyon sa umaga, hinihintay naming talaga. Pag nagpadala si
Mama, kunwari, ang P1,000 kay ganito, sasabihin niya sa text. Noong
panahon na iyon, hindi pa umaalis si Mama, puto na ang koryente naming,
five months na yata kaming hindi nakabayad. Nakisaksak kami ng koryente
Sosyodad at Literatura
126
kina Tita Asi yata, pero sa gabi lang kami binibigyan ng koryente. Hindi
puwede ang TV. Pero minsan, suisimple ang mga kapatid kong lalaki. Kaya
sa unang padala ni Mama, may para sa utang sa koryente. Tig-P1,500 kayo
ng Daddy ninyo. Binigyan ng pang-cellphone si Daddy, kasama na sa
P20,000.
Parang P2,500 lang ang cellphone ni Daddy. May binigyan ng pamasko
si Mama, tig-P500 si Nanay Lolet at si Tita Celia.
Sa una, hindi kami sanay na wala si Mama. Pero pag umabot nan g ilang
buwan, parang nasasanay ka na. Normal na, ganoon. Nalulungkot din ako,
minsan ini-ignore ko na lang. Pero pag bertday ko, naiisip ko siya, na sana
narito siya. Noong mga nakaraang bertday ko, pinagluluto niya ako ng handa.
Spaghetti ganyan, menudo, nagluluto siya ng ganoon. Ganoon siya sa lahat,
basta may pera, depende. Kung wala kaming pera, wala.
Paborito naming ang spaghetti, Mama ko lang ang nagluluto ng spaghetti.
Menudo, iyon lang ang gusto niyang lutuuin kapag may okasyon. Naiisip ko
rin si Mama pag nag-aaway ang mga kapatid ko. Pag naglalasing si Daddy,
minsan nagwawala siya, nagbabalibag ng gamit–mesa, mga upuan.
Nakabasag na siya ng mga salamin. Nilinis naming ang mga kalat. Sa isang
buwan, minsan dalawang beses, ganyan. Kaya raw siya umiinom,
nalulungkot siya. Parang may nagsusulsol sa kanya–na ang mga nag-aabroad may mga boyfriend.
Pag lasing siya, sasabihin niya, “Ang Mama ninyo, baka may lalaki na
doon,” ganyan-ganyan. Minsan, sinasaway ko lang, e, ayaw pa rin niyang
tumigil. Sasabihin ko, “Daddy naman, huwag ka namang ganyan. Hindi
naman tulad ng iba si Mama.” Minsan kumakalma siya, minsan hindi. Pag
dumating siyang lasing, siguro, mga two hours siyang magwawala sa loob
ng bahay. Kung minsan, lalabas, hahanapin si Tricia, kukulitin ang atraso sa
kanya ni Tricia, kunwari, nasagot siya. Halimbawa, sinabi niya, umuwi ka na,
hindi umuwi. O kung daldalan kami nang daldalan sa loob ng bahay, ganoon.
Naiinis ako pag naggaganyan si Daddy. Minsan, naiiyak ako sa inis–sa
harap niya. Dumating sa point na nakikipagsagutan na ako sa kanya.
Halimbawa, sinasabi niya, “Ang Mama mo, may kalaguyo,” minsan hindi ko
siya papansinin. Sasabihin niya, “Hinsi mo ba ako papansinin?” Sasabihin
Sosyodad at Literatura
127
ko, “Dady, tumahimik ka na nga,” ganyan. Pag ayaw pa ring tumahimik,
sisigawan ko siya, “Tumahimik ka na sabi!”
Noong wala pa sa abroad si Mama, hindi k nakitang ganyan kung
maglsaing at magwala si Daddy. Kasi pag nakainom at nangungulit siya,
inaawat na siya agad ng Mama ko kaya hindi dumarating sa ganoong point.
Wala akong natatandaan na nanira siya ng mga gamit. Pag nagwawala siya,
nagagalit ako, kaya lang tatay ko siya. Naroon pa rin ang respect ko sa kanya
pero kung talagang sobra na siya, umaabot na sinisigawan ko na siya. Hindi
ko naman sinisisi si Mama, si Daddy ang may kasalanan.
Sabi ko sa kanya, “Daddy, huwag ka nang uminom, tingnan mo iyong
itsura mo.” Minsan sasabihin niya, hindi na ako iinom, pero bukas lasing na
naman. Tumanda ang itsura ni Daddy, nangayat. Kasi dati, nang narito si
Mama, pag madumi siya, pinapagalitan siya,” Ano ba iyang itsura mo, para
kang basahan,” ganyan. Pero nang wala na si Mama, si Daddy, lagi pang
lasing. Mabaho pag lasing. Noong dati, every three weeks nagpapagupit siya.
Pero nang wala na si Mama, parang kung kalian lang niya maisipan, pag
nakikita lang niyang mahaba na ang buhok niya.
Noong narito pa si Mama, pag kumain kami, sabay-sabay, hiwa-hiwalay
nga lang ng puwesto. Nang wala na si Mama, may nauuna, may nahuhuli.
Noong narito pa si Mama, parang hindi mo masasabi na “I miss you,”
iyang mga ganyan. Nang nasa abroad na siya, parang mararamdaman no
kung gaano siya kainportante, “Mama, miss ka na naming,” ganyan. Sabi
niya, “Miss ko na rin kayo, I love you, ingat kayo diyan/” Sa text o sa call.
Hindi pa naman nangyaring naiyak ako pag ganito, pero sabi ni Daddy, noong
bagong dating pa lang si Mama doon, narinig daw niya na umiiyak si Mama.
Nang uuwi na si Mama, sa akin siya nagte-text saka tuatawag, sabi niya,
ilang araw na lang, darating na ako. Masaya ako, kasi siyempre parang ang
tagal-tagal na. Ano kaya ang itsura ni Mama, ganyan. Ako ang unang
sinabihan niya na uuwi na siya sa isang lingo, wala si Daddy noon, sinabi ko
sa mga kapatid ko, kay Daddy pagdating niya. Nang sabihin niya na uuwi na
siya, akala ko, hindi na babalik doon. Sinasabi niya na babalik ako dito, pero
sinasabi ko sa kanya, dito ka nalang. Sinasabi ko ang tungkol sa Daddy ko,
kasi iyon nga ang pinoproblema ko. Sabi ko, si Daddy, mukha nang matanda.
Sosyodad at Literatura
128
Nang nakauwi na siya, saka niya sinabi na mayroon siyang bagong
kontrata. Happy n asana ako na nandito siya para nababantayan niya kung
ano ang nagyayari sa amin. Akala naming, exit na siya doon, iyon pala, nagrenew pa siya. Si Daddy, sabi, “Uuwi na ang Mama mo,” sabi nniya, “ayoko
nang bumalik pa siya doon,” ganyan. Sabin g mga kapatid ko, “Salamat, uuwi
na si Mama. Hindi na magwawala si Daddy.”
Sa pagsundo kay Mama, nag-rent kami ng sasakyan, Adventure, P1,200.
Dapat, doon sa asawa ni Joan, e, coding kaya ipinasa na lang niya sa kakilala
niya. Buong pamilya kami sa van, saka si Mimi, one-year old relative namin,
isinama naming sa pagsundo. May dalang gatas si Mimi, may Zesto, may
Fudgee bar.
Pag may service, one hour lang mula bahay hanggang airport. Pumunta
kami sa parking, ang pumunta sa Mama ay ang dalawang kapatid ko na lalaki
at si Daddy ko. Nang umalis si Mama, isang maleta ang dala niya. Ngayong
bumalik siya, isang maleta at isang traveling bag, saka ang handbag niya,
Naka-blouse at pantalon.
Nang naghihintay pa kami sa sasakyan, iniisip k kung ano na ang itsura
niya. Nalaman ko, hindi niya nakilala si Jay. Noong una, hindi naming siya
nakita na papalapit na siya, umiiyak kasi si Mimi, may nakikitang Jollibee.
Sabi niya, “Atata,” dalhin daw naming siya sa Jollibee. Tapos sabi ni Tricia,
“Ate, nandyan na sina Mama.” Dala-dala nila ang maleta, tapos nakita ko,
sabi ko, “Aba, parang bumata yata ang itsura,” kai iba ang itsura niya dati.
Hindi kami nagyakapan, parang kuwentuhan lang agad. Nang umalis siya,
hindi rin kami nagyakapan. Ngayon, parang nahihiya kami, ang tagal mong
hindi nakita, parang ganoon, nakakahiya. Pag may okasyon, halimbawa
bertdey, kung ano-ano, hindi kami nagyayakapan o humahalik. Ewan ko ba,
hindi ako showy pag ganoon. Sabin i Mama, hinalikan daw siya ni Daddy
pagkakita sa kanya, ganoon naman si Daddy noon pa. Minsan makitang
humahalik si Mama kay Daddy. Si Daddy, humahalik pag aalis siya, parang
nakagawian na niya iyon. Noong maliliit pa kami, hinahalikan kami ni Daddy.
Nang malalaki na kami, hindi na. Noon, hinahalikan niya kami sa pisngi pag
aalis na siya.
Sosyodad at Literatura
129
Sabi k okay Mama pagkakita ko sa kanya, “Ang puti mo.” Sabi naman
niya, “Mga nagsiitiman kayo, hindi ko kayo nakilala. Bakit ganyan ang mga
itsrua niyo?” Si Daddy, namamaga noon ang ngipin niya. Parang sumakit ang
ngipin niya, tapos namaga.
Ang Mama ko ang nagbayad ng P1,200. Pagdating sa lugar naming, ang
daming tao sa labas. Sabi ng mga kakilala namin, “Oy, ano, dumating ka na,”
ganyan.
Bago kami umuwi, dumaan muna kami sa Cubao, kumain kami sa Jollibee
dahil kay Mimi. Saka may ka-meet si Mama, anak ng kaibigan niya na may
pinadala. Noong wala pa si Mama, umiiyak si Mimi, pero nang dumating na,
parang nahiya, tumigil siya, tapos nakatulog siya. Nang magising siya,
binigyan ni Mama ng shades si Mimi, uwi ni Mama. Pambata ang shades,
sinabi naming na isasama naming sa pagsaundo si Mimi. Kasama naming
kumain ang driver ng van.
Wala kaming ulam noong gabing iyon. Bumili kami ng tapsilog noong gabi
na at sinabi ni Mama na nagugutom na siya. Hindi kami natulog noon, kasi si
Mamahidi nakatulog. Bakasyon sa klase. Nagkuwentuhan muna kami
hanggang ala-una, natulog na kami. Mayamaya si Mama, naggigising sa
amin, “Manood muna tayo ng pelikula.”
Nagkukuwentuhan, ang ingay, hindi ka rin makatulog. Nanonood kami ng
horror,
English.
Hindi
naming
maintindihan
ang
pelikula,
kasi
nagkukuwentuhan. Sabin i Mama, angm ga mall, ganya. Sabi nina Jay, bakit
wala kaming pasalubong? Sabin i Mama, kasi hindi siya puwedeng pumasok
doon sa bilihan ng mga panlalaki, hindi raw puwede ang mga babae doon.
Sa mga babae, ang bigay niya ay pabango, bra, panty.
Pero ang bigay niya sa mga lalaki. Si Luis, may cellphone. Ako, si Tricia,
at si Jay, binigyan niya ng era. Sa mga cellphone naming, ang kay Luis ang
pinakamahal, regal okay Mama ng amo nya noong Ramadan. Marami siyang
features, parang nakakonek sa internet, ganyan. Bertdey ni Luis nitong April,
iyon ang pinaka-gift. May dual camera ang cellphone, puwede sa harap at
likod, may memory card na na-iistoran ng maraming kanta, maraming
pictures.
Sosyodad at Literatura
130
Noong sinundo naming si Mama, noon naming nalaman na bakasyon lang
siya talaga. Kasi tianong ni Daddy, “Babalik ka pa ba doon?” sabi niya, oo,
kasi back and forth ang tiket nya, pinapabalik siya ng amo nya. Sa isip ko,
naku, mamaya si Daddy, ganoo–may fear factor pa rin. Siguro ganoon din si
Tricia, e, siya ang lagging nakararanas ng pagwawala dati. Sa mga lalaki,
parang okey lang.
Kinabukasan ng umaga pagkasundo naming sa kanya, namili kami sa
palengke. Bumili kami ng bigas, ng ulam naming noong araw na iyon,
sinigang na baboy. Noong bago pa umalis si Mama, nagsisinigang kami pag
may pera si Mama. Hndi ako marunong magluto dati. Minsan lang kung
makakain kami ng sinigang na baboy. Noong dati, minsan, ako ang nagluluto,
kaya lang, lagging may reklamo–matabang. Walang gusting magluto ng
sinigang. Minsan, bumibili na lang sila ng luto. Hindo na kami nagluluto ng
sinigang.
Ganoon pa rin ang sinigang na baboy ni Mama kahit matagal na siyang
hindi nakapagluto ng sinigang. Sabay-sabay kaming kumain, doon kami sa
lapag lahat, isinapin naming ang tablecloth ng mesa. Wala si Daddy, may
trabaho siya. Ang daming ginawa ni Mama noong araw na iyon, hindi siya
natulog. Kasama sa mga binili niyang mga plastik na gamit sa pagkain ang
wall clock. Nilinis ang mga bagong linoleum ang sahig. Kasmang naglinis
sina Luis at Jay, saka si Daddy pagdating niya galling sa trabaho. Kasama
rin sa paglinis si Nanay Lolet. Kinabukasan naman nilinis ang itaas ng bahay.
Maayos sa simula ang samahan pero nag-away sina Luis at Tricia,
mataray kasi ang bunso naming, palasagot. Nainis I Luis, nagkabatuhan ng
lalagyan ng asukal, kasama iyon sa bagong biling gamit. Hindi naman nasira.
Tinukso ni Tricia si Luis, “Para kang patay-gutom,” ganoon. Naasar si Luis,
nambato. Pareho silang pinagalitan ni Mama. Nandoon din si Daddy.
Ngayong narito si Mama, siya ang tagadisiplina. Nakikinig naman, kaya
lang minsan, sinusumbatan ni Luis si Mama, “Noong wala ka, puwede sa
amin ang ganito, wala kang pakialam,” parang rebelled siya. Narinig naming
siya ni Tricia. Tahimik lang ako, nakikinig lang ako, pero sa isip ko, masyado
namn itong maka sagot. Tumahimik lang si Tricia. Wala noon si Daddy.
Sosyodad at Literatura
131
Parang pabiro ang sagot ni Mama, “SInisisi mo pa ako nang ganyan
pagkatapos ng mga ibinigay ko sa iyo?” Umalis si Luis.
Kahit panganay ako, hindi ako pinapakinggan. Nas pakikinggan pa si Ate
Zeny. Kunwari narinig niya na may nag-aaway, tinitingnan niya kung ao ang
nangyayari. Pag sa akin, hindi sila nakikinig. Nagkakainisan kahit sa dating
itsura, kunwari, si Tricia raw, dati, kalbo. Pagtatawanan siya, e, iyang si Luis,
e, mapang-asar, magagalit naman iyong isa, mag-aaway na sila. Nang wala
na si Mama, pag ganyan, nagmumurahan na, dumating na sa point na may
nagbabatuhan, nagkakasakitan na, Dati, bawal sa amin ang magmura.
Maliliit na bagay ang ibinabato–sapatos, ganoon. Deretso sa tao. Hindi
naman nangyayari lingo-linggo.
Si Tricia ang naghahawak ng baon nila ni Jay. Hihingi si Jay ng pangkota
ng basketbol, itong si Tricia, ayaw–hanggang sa mag-away na sila. Talagang
kawawa si Jay, hindi talaga ibibigay ni Tricia. Napanindigan ni Tricia sa loob
ng dalawang taon at anim na buwan na kontrata ni Mama. SiJay kasi, oneday millionare. Si Tricia rin ang pinapahawak ng pera ni Daddy. Dati, inaway
na rin ng Daddy si Tricia nang dahil sa pahawak niyang pera, nang humingi
si Daddy. Kaya si Tricia, mayroon siyang list of expenses. Hindi mapilit ni
Daddy si Tricia kung ayaw siyang bigyan talaga. Minsan, binibigyan ni Tricia.
Sa akin naman, kung talagang kailangan, ibigay na. Halimbawa, may
babayarang journal si Jay, hihingi siya ng pera kay Tricia, akala ni Tricia, e,
hindi totoo. Sasabihin ko, “Ibigay mo na kasi, ano! Itinanong k na kay Jessa.”
Kaklase ni Jay si Jessa, totoo na may babayarang mga journal. Saka lang
ibinigay ni Tricia. Pag si Tricia ang kaaway at pag nangalmt siya, nakakasakit
siya, mahaba ang mga kuko niya. Sa sobrang galit, sobra ang paghawak
niya. Nakita ko si Jay na may kalmot sa dibdib. Sinapak yata siya ni Jay.
One-on-one lang ang mga away. Pag nag-aaway sina Luis at Jay, inaawat
ni Kuya Max. Tapos pupunta dito si Nanay Lolet, pinapagalitan ang dalawa.
Hindi ko sila kayang awatin, ang lalaki nila. Pag si Daddy, mag-iinit din ang
ulo niya, pagagalitan lahat kami. Minsan, okey si Daddy. Minsan lalo na pag
lasing siya, pati na rin siya. Sasabihin niya, “Matatapang kayo!”
Magbabalibag na siya, tumitigil ang mga nag-aaway, umaalis na lang.
Sosyodad at Literatura
132
Ang madalas na magkaaway, ako at si Tricia, sina Luis at Jay. Kunwari,
may sasabihin si Trica, sasabihin ko, hindi ganyan, ayaw niya akong sundin.
Dati, nagsampalan kami, ako ang nauna. Noong malaki na siya, lumalaban
na siya. Pinalo ako ng walis, ganoon lang. Pag nagalit ako at nariyan si
Daddy, madali akong tumigil. Pag si Tricia ang nagalit, wala siyang pakialam,
gusto ka niyang sugurin.
Nang umalis si Mama, nasa Grade VI si Tricia. Nasa First year high school
si Jay. Hindi pa ako makapag-college noon.
Kagagradweyt lang ni Luis ng hayskul. Noong narito pa si Mama,
nagsuntukan na sina Luis at Jay pag nag-aaway. Pero kami ni Tricia, hindi
masyado. Noong mga bata pa kami, pag nagsusuntukan sina Luis at Jay,
pinapalo sila ni Mama–walis o sinturon. Lahat kami, nasinturan na. Hindi
nagmumura si Mama unless galit nag alit. Si Daddy, parang medyo ganoon
din. Lahat kami, napalo na rin ni Daddy ng sinturon, kunwari, matitigas ang
ulo, nag-aaway. Sa puwit lang, pag sinangga mo, bahala ka. Ganoon din si
Mama–walis, sinturon. Mas takot ako kay Mama. Kasi si Daddy, parang okey
lang.
Pag nag-utos si Mama, kahit anong utos niya, susundin ko. Hindi
puwedeng hindi siya pansinin. Sina Luis at Jay, mas takot din kay Mama.
Mas nasanay kami na hindi masyadong namamalo si Daddy. Si Tricia, kay
Mama rin siya mas takot.
Sa akin, ganito ang nasa isip ko tungkol sa:
Pamilya. Sama-sama, nagtutulungan, nagkaksundo.
Tatay. Siya ang hanapbuhay, nagdadala ng pamilya. Nanay, Siya ang
nag-aalaga.
Ate. Siya ang dapat na sinusunod ng mga Kapatid. Kuya. Tulad ng sa ate.
Bunso. Siya ang pinakamasunurin. Kung i-aaplay sa aming pamilya:
Tatay. Naghahanapbuhay si Daddy para sa amin. Okey naman siya
maliban na lang pag lasing. Maalaga rin siya–ang katangian niyang
pinakagusto ko. Kung may hihilingin ako na baguhin niya sa sarili niya, madali
siyang maniwala sa mga sulsol ng mga tao. Tapo pag naniwala siya,
magagalis siya sa amin. Kung may pera ako at gusto ko siyang bigyan ng
regalo–watch, cellphone, gusto niya ang mga ganyan. Para maging masaya
Sosyodad at Literatura
133
siya. Dumating na ako sa puntong ayaw ko na siyang maging tatay–nang
sobra-sobra na ang pagwawala niya. Na iresponsable siya. Bakit iyong ibang
tatay, ganito, ganyan? Sa mga pelikula, ang mga tatay, responsible, malawak
ang pang-unawa. Hindi naman kailangang maging mayaman, hindi naman
kailangang mataas ang pinag-aaralan–basta malawak ang pang-unawa.
Nanay. Tugma kay Mama. Parang wala, wala akong gusting baguhin sa
kanya. Kung mayroon akong puwedeng ibigay sa kanya, bahay. Mas close
ako sa Mama ko kaysa kay Daddy. Kasi parang mas nakakaintindi si Mama.
Kung may problema ako, halimbawa sa iskul, sa kanya ako tatakbo. Pag
tungkol sa iba, hindi na. Inayawan niya ako dati kong boyfriend, taga-amin.
Sabi ni Mama, ayoko diyan, babaero iyan, nakikita sa ganyan-ganyan. Totoo
naman. Okey sa kanya ang boyfriend ko ngayon. Pero tapusin ko raw muna
ang pag-aaral ko. Sabi ko sakanya, magwo-work muna ako para sa kanila,
tapos saka ako mag-aasawa.
Kapatid. Noong nag-away kami ni Luis, naisip ko dati, bakit ko ba nagging
kapatid ito? Mahilig lumaban si Luis, kunwari may sasabihin ka sakanya,
pipilosopohin ka niya hanggang sa magalit ka. Sinigawan ko siya. Noong
bata pa kami, parang ganoon din sa mga insan, naiisip ko, bakit ko ba
nagging kapatid ito? Si Jay ang paborito kong kapatid. Mabait siya, parang
siya ang madaling makaintindi. Kunwari, kaming tatlong magkakapatid ay
mayroon at siya ay wala, okey ang sa kanya.
Isang buwan na lang at babalik na si Mama sa abroad. Sa akin, normal
lang na hindi na katulad dati, parang nasanay na rin ako. Pero si Daddy, baka
bumalik uli sa bisyo niya, baka maging worse. Itong pag-alis uli na Mama,
sana last na ito, parang ayoko na. Kahit sabihin ko, ako na lang ang
magtrabaho. Sasabihin ko, tumigil na siya sa pag-abroad, kahit suportahan
ko na lang siya.
Mga P20,000 ang suweldo ni Mama, less pa pag mababa ang dollars.
Nitong wala na si Mama, nag-try ng marijuana si Luis, kasama ng barkada
niya, sa ibang bahay. Napansin ko, parang tulala. Hindi ko naman siya
kinakausap, parang iba ang aura niya. Sa kanya rin naming nalaman na nagmarijuana siya.
Sosyodad at Literatura
134
Galapatero si Daddy. Daddy, sa bahay lang si Mama. Nagtinda-tinda siya
ng almusal sa lugar naming–pansit, tsamporado, sinangag, ganyan. Fourth
year high school ako noon. Kaya lang madaming utang. Ang Mama ko pa
naman, pag matagal na, hindi na niya sisingilin. Tapos, pumasok siya sa
pabrika, nagtatahi yata siya ng tablecloth, parang ganoon. Dalawa na sila ni
Daddy na nagtatrabaho, okey naman kasi hindi na kami naso-short sa
panggastos. Kaya lang ang Daddy ko, nagseselos. Mana siya sa lola ko sa
kanya. Inaaway ni Daddy si Mama, naririnig ko Sasabihin ni Daddy ko, “O,
bakit anong oras na, wala ka pa,” ganito, ganito. Sasabihin ng Mama ko, “E
nag-overtime pa ako.” “Overtime? E, dapat, isang oras nandito ka na.” Ang
Daddy ko ganyan. Hindi ko narinig na inaway o pinagselosan siya ni Mama.
Hindi siya nagtatagal sa trabaho dahil kay Daddy. Tapos, may nagsabi sa
kanya na mag-abroad siya.
Bago mag-OFW si Mama, may kaunting alam ako kung ano ang OFW.
Sa aming lugar, dalawa-tatlo ang alam kong Japayuki.
Pag Japayuki, ang nasa isip ko, sexy ang suot, nagsasayaw sila sa Japan.
Iyong mga iba, nakikipagdeyt daw. May pinsan si Mama na Japayuki. Iyong
ibang Japayuki, gold-digger.
Noong maliit pa ako, akala ko, pag nag-abroad, mayaman. Hindi pala.
Tulad ni Ate Meldy---ganon pa rin ang buhay. Dito pa rin sila nakatira. Wala
silang nabiling bahay sa ibang lugar. Nagbabalikbayan, halimbawa, two
month. Mga three years na siguro siya sa ibang bansa. Siya ang nagpasok
may Mama sa abroad, photographer siya, iyan ang trabaho niya sa abroad.
Nauna ang nanay niya sa abroad. Nandito na ang nanay niya, hindi umalis.
Bata pa ako noon nang mag- abroad ang nanay ni Ate Meldy. Hindi totoo ang
akala ko na maraming pera ang OFW. Walang nabiling bahay ang nanay
niya, walang napag-aral ang mga anak, walang naipundar na mga gamit---wala rin.
Ngayong may OFW na sa aming pamilya, parang ganoon pa rin kami. Ibig
sabihin, kahit mag-OFW ka, talagang mahirap pa rin, hindi ganoon-ganoon
lang. Kung nag-o-OFW ka at kung mahirap ang pamilya mo sa Pilipinas,
parang wala rin. SA kanila rin mapupunta ang pera mo. Hindi ka makapagipon.
Sosyodad at Literatura
135
Halimbawang sabihin sa akin, “Ate, mag-o-OFW ako, magdya-Japayuki
ako,” pagsasabihan ko siya, “Maggaganoon ka pa?” Pagsasabihan ko siya,
“Alam mo ba kung anon iyon?” Nasa hayskul ako noon nang gusto kong magabroad. Dati, sabi nila, pag Japayuki, parang mayaman, ganoon. Sabi ko,
puwede akong magpa-Japayuki. Si Aling Mila na kapitbahay naming ay kilala
si Mang Tony, diyan sa bandang Concepcion. Siya ang nakapagpaalis sa
anak niya para mag-Japayuki. Nagpunta ako kay Mang Tony, “Puwede po
ba akong mag-Japan?” Ang nasa isip ko, magsi-singer ako, magda-dancer,
wala pa akong hint na prostitute. Akala ko kasi, parang entertainer lang.
Okey lang sa Mama at Daddy ko. Kasi ang alam nila, nagsi-singer. Kasi iyon
ang mga kuwento ng mga kapitbahay naming, singer iyong si ganito. Iyon
lang ang ginagawa, parang ganoon lang ang alam nila. Okey lang kay Mama.
Kasi nang nagkukwetuhan niya ang pinsan niya, sabi raw, nasa iyo na iyan
kung payag ka o ayaw mo. Sabin i Mama, huwag kang papaya.
Pumasok ako sa isang club, ksai isa raw sa requirements ng magdyaJapan, may clyb certificate. At least one month. Hindi ako naka-one month,
siguro three weeks. Ang nasa isip ko noon, magkaroon ng certificate. Saka
ang bar na iyon, hindi naman siya iyong may nagsasayaw. May live bands
siya. Maliit lang siya, may inuman pro hindi iyong may sayawan. May
kantahan, may banda, ganoon. Hindi ko nakuha ang certificate kasi ako na
rin ang umayaw. Doon ko nakilala ang boyfriend ko.
Sa bar, dapat 8 p.m. nandoon ka na pero hindi pa siya open. Hanggang
3 a.m. Nagbubus ako, kasama ang pinsan ko, saka ang pamangkin ni Ate
Sonia, si Clarisse. Pagpunta namin, simple lang, tapos magbibihis kami doon
ng kung ano ang require get-up. Okey din lang na ang dress mo ay maigsi,
basta huwag lang pambahay. Binigyan ako ng damit ng mga nandoon.
Kumita ako noon sa ladies’ drink. Ang instruction, kausapin naming ang
customer, lagging lilinisin ang mesa para hindi makalat, kukuwentuhan ang
customer. Pag inaya ka, nasa iyo na iyon. Hini ak nailabas. Doon ko nakilala
ang boyfriend ko, tumutugtog siya doon. Kaibigan niya ang manager,
ipinakilala kami sa isa’t isa. Hanggang sa mag-text kami. Pinagsabihan niya
ako, huwag ka rito, hindi bagay sa iyo. Siya ang nag-save sa akin doon.
Sosyodad at Literatura
136
Noong panahong iyon, walang sinasabi si Daddy, parang dedma lang siya.
May paalala sina Mama at Daddy pero ewan ko, pumapayag din sila.
Inisip ng boyfriend ko na magbisnes kami. Tinanong ako ng boyfriend ko
kung bakit nagtatrabaho ako doon. E, kasi gustokong mag-Japan, ganyan.
Sabi niya, huwag ka nang magpunta doon, alam mo ba ang mga nangyayari
doon? Pinaliwanagan niya ako. Sabi niya, kung ako sa iyo, huwag ka nang
tumuloy doon, hindi moa lam kung ano ang mangyayari sa iyo doon. May
ideya siya, may mga singer sila sa banda na nag-Japan na.
First time na boyfriend ko na magbisnes. Nag-burger bisnes kami. Sabi
niya nang nasa club pa kami pareho, kaysa nandito ka, magtatayo na lang
tayo ng bisnes. Sabi niya, ikaw na lang magbantay. Hindi niya talaga naplano
ang bisnes, parang madalian, para lang makaalis na ako doon. Ang capital
niya, naka-P150,000 din siya. Ang sabi niya, doon ka na lang sa kung saan
ka malapit. Sa hindi niya masyadong napag-isipan kung okey ba ang crowd
doon, kung okey ba ang mga bibili. Hindi niya nalaman na sa gabi pala, may
kari-kariton, parang talon a kami sa bisnes. Maganda naman ang burger
business naming sa umpisa. Maraming bumibili, tapos nang matagal-tagal
na, parang nagsasawa din, ganoon. Mga three months kaming nagbisnis.
May pinasuweldo, bumili pa siya ng mga gamit stove, freezer… Ginamit sa
upa sa puwesto, pina-renovate ang puwesto.
Hindi ako business-minded. Ang instruction sa akin ng boyfriend ko,
maging responsible lang ako. Nang nag-aaral pa ako sa STI, pag kulang sa
mga projects ko ang allowance ko, siya ang sumusuporta sa akin. Wala
siyang ibang girlfriend. Siya ang nagdidisiplina sa akin nang wala na ang
Mama ko. Pag hindi ako gumagawa ng project ko sa iskul, sinasabihan niya
ako, siya ang pumalit sa Mama ko. Nasa last semester na ako ng two-year
course ko, nahinto ako. Paalis na siya para sa contract ng banda nila sa
abroad. Nag-iinsist siya na siya na lang ang magpapa-aral sa akin, ayoko.
Nahihiya ako. Nang mawala ang P150,000 niya sa bisnes, wala akong
narinig sa kanya. May alam ang family niya tungkol sa P150,000, sabi nila,
ganoon lang talaga sa bisnes. Okey naman sila sa akin, tanggap nila na ako
ang mapapangasawa ng Iboyfriend ko. May bahay sila sa Bulacan,
pinapaupahan ng boyfriend ko. Hindi ko pa nakita ang bahay. Sinasabi ng
Sosyodad at Literatura
137
Boyfriend ko. Ikinukuwento rin ng nanay niya. Pagbabanda talaga ang gusto
ng Boyfriend ko, pero dati, titser siya, parang Theoligy ang itinuturo niya.
Close ako kay Mama. Sa loob at labas ng pamilya, wala na akong kaclose. Ang totoong best friend ko, nasa Angono, pero ngayon, hindi na kami
masyadong nagkakausap. Nang nandiyan na ang boyfriend ko, siya naman
ang nagging best friend ko, parang ganoon. Dito sa lugar naming, nang nasa
abroad na si Mama, lagi ako kina Glecy saka kina Ate Patsy. Pinsan ko si
Glecy, mas matanda ako sa kanya na mga dalawang taon. Kalaro ko siya
noon. Four years siguro ang agwat naming ni Ate Patsy, close na ako sa
kanya ngayon. Kasi noong bata pa kami, nakatira si Ate Patsy sa Hulo, tapos
mula nang matira sila diyan, dati na kaming close, pero nagging mas close
nang mag-asawa siya dahil dito na uli siya tumira.
Lagi kong kakampi si Glecy, tapos talagang magkasama na kami.
Magkakampi kami sa laro, siya ang lagi kong lasama. Masayang kausap si
Ate Patsy, hindi pa kami nagkagalit.
Ang positive sa akin, pag magkaibigan tayo, willing ako na pakinggan ka.
Makuwento ako. Pag ka-close kita, palagay ang loob ko sa iyo, wala akong
kesyo nab aka ginaganito ako nito. Ang negative sa akin, masungit sa akin
minsan.
May mga kaibigan ako na hindi ko kamag-anak, bakla–si Owen, saka si
Raffy. Kaibigan din si Owen ni Rowie, baklang tito ko, magkaka-age kami.
Magkakasama kami, diyan lang sa labas, sa tapat ng bahay nina Ate Patsy.
Masayang kasama si Raffy. Laging nagpapatawa si Owen.
Libangan ko ang pagbabasa ng pocketbook sa bahay. Halimbawang
ayoko sa bahay, nagpupunta ako diyan sa labas, kina Ate Patsy lang. Bago
nag-abroad ang boyfriend ko, nanonood kami ng sine.
Naisip ko nang maglayas pero hindi ginagawa. Kunwari, pag nagwawala
si Daddy, parang gusto ko nang umalis dito pero hindi ko magawa. Four
months nang wala ang boyfriend ko. Mahirap. Nang wala na si Mama, siya
na nga lang ang nasa tabi ko, tapos nawala rin. Pag nagging mag-asawa na
kami at magbabanda siya sa abroad, sasama na lang ako.
Ang positive sa pamilya naming, ang Daddy ko naman, kahit ganoon siya,
maalaga naman siya–natatandaan ko noong bata pa kami. Pag may lagnat,
Sosyodad at Literatura
138
trangkaso ako–hindi naman ako sakitin. Inaalagaan niya kami–pinupunasan
sa likod, pinapainom ng gamot. Minsan makikita mo naman ang kabutihan
ng mga kapatid ko. Kung talagang parang may seryosong problemang
dumating, parang nakikita mo naman ang silbi nila, mabait din pala itong mga
kapatid ko.
Masasabi kong ‘katas ng Saudi’ ang mga damit ko na binibili ko pag
pinadalhan ako ng pera ni Mama pag bertdey ko. Ang mga watch, cellphone.
Itong cellphone ko ay regalo sa kanya ng amo niya, ibinigay niya sa akin. Ang
pag-aaral ko, katas din ng Saudi. Ngayong magse-second contract si Mama
sa Saudi, wala akong hihilingin sa kanya, pag-aaral lang. Gusto ni Jay na
mag-aral sa UE. Katas din ng Saudi ang rubber shoes na pinamasko nila.
Pag hinawakan ko ang cellphone para magkonek kay Mama, may
problema
na.
Usually,
financial,
tapos
minsan,
wala
lang,
pag
nangangamusta. Tuwing Pasko, bertdey, naaalala ko si Mama, naggigreetako sa kanya. Pinapagalitan ko si Jay, dalawang taon nang hindi
nakakausap si Mama. Nag-uusap naman sa cellphone sina Mama at Daddy.
Si Jay lang ang hindi nakakausap. Kung minsan, tumatawag si Mama,
lagging wala si Jay. Minsan, hiniram ni Jay ang cellphone ko, sabi niya,
magte-text lang ako kay Mama, babati lang.
Sa OFW movies, napanood ko na ang Dubai, tapos Katas ng Saudi. Ang
unang impresyon ko pag OFW, mapera, hindi naman pala. Ngayong OFW
family kami, sa isip ko, mabibili mo ang mga material pero hindi ibig sabihin
na marami ka nang pera. Mahirap pero okey lang. Sa STI, may kaeskuela
ako na parehong nagbabanda ang mga magulang niya, nag-aabroad din.
Kaeskuwela ko siya mula first year hanggang secod year. Babae siya, close
din ako sakanya. Nakakapagkuwentuhan kami. Parang na-broken family sila.
Parang nagkaroon ng ibang affair ang nanay niya, nakapag-asawa ng
tagaibang bansa. Parang nagkahiwalay rin sa ibang bansa ang mga
magulang niya. Nahiwalay siya sa mga magulang niya mula bata pa siya.
Hindi na nag-aabroad ngayon ang tatay niya. Nasa Germany ang nanay niya.
Nabibili ng kaeskwela ko ang materialthings pero parang hindi siya masaya.
Rebelde siya. Nakapag-asawa ng iba ang nanay niya, gayon din ang tatay
niya, parang siya ang naiwan. Nag-iisa siyang anak nila. Sinasabi niya kapag
Sosyodad at Literatura
139
nagkuwekwentuhan kami, oo nga nabibili ko ang ano-ano, kahit anong
sabihin ko, nabibili ng Papa ko. Pero naiipit daw siya. Kasi mayroon na ring
kanya-kanyang pamilya ang magulang niya kaya parang nagpapansin siya,
nagrerebelde siya, ganoon. Hindi siya umuuwi sa kanila minsan,
nagpapaumaga sa pag-uwi. May boyfriend sya. Nagba-bar hopping siya.
Pag nagkukwentuhan kami, ang kuwentuhan naming ay “Ang lungkot
nga, e, wala ang Mama ko,” ganyan. Siya rin, ganoon, “Ako nga, ang Mama
ko, ang tagal ko nang hindi nakita,” ganoon.
Hindi naman umabot sa puntong nagkaiyakan kami. Ang nakikita ko sa
aming dalawa, pareho kaming malungkot, pareho naming sinasabi, “Wala
ang Mama ko.”
Napanood ko rin ang Anak. Ang OFW movies na napanood ko, CD at
DVD, sa bahay. Kasama ko sina Jeana sa panonood. Ayaw ni Daddy ng mga
drama.
Sa Dubai, kapatid ni Aga (Muhlach) si John Lloyd (Cruz). Parang noong
bata pa sila, napangakuan ni Aga si John Lloyd na pupunta sila sa Canada
para hanapin ang nanay nila. Naging girlfriend ni Aga si Claudine (Barretto).
Babaero si Aga doon. Nagpunta sa Dubai si John Lloyd, nagkagusto kay
Claudine, parang nagging sila hanggang nabuntis si Claudine, tapos umuwi
si Claudine sa Pilipinas. Nag-away ang magkapatid nang dahil sa babae. Ang
reaksiyon ko sa OFW film na ito, parang love story lang. Sa bandang huli,
dahil masaya na si Aga sa Dubai, si John Lloyd na lang ang papupuntahin sa
Canada. Hindi ako affected.
Parang nasa elementary pa sila nang mawala ang nanay nila. Hindi
nilinaw sa story kung bakit hindi man lang nagko-communicate ang nanay
nila, kasi parang love story. Ipinakita ang labas ng Saudi, ang mga views.
Nang Makita ko, sabi ko, parang ang ganda pala doon.
Napanood ko ang Anak kasama ang Mama ko at si Glecy, hindi pa nagaabroad si Mama. Nang wala na siya, napanood ko ang Katas ng Saudi, si
Jinggoy (Estrada) yata ang bida. Ten years yata siya sa Saudi, tapos
dumating siya sa Pilipinas. Ang mga kamag-anak niya, humingi sa kanya ng
lahat na tulong. Kahit hindi niya kamag-anak, lumapit sa kanya. Tapos akala
niya, may pambisnes na siya, iyon pala wala. Parang nagging malayo sa
Sosyodad at Literatura
140
kanya ang mga anak niya. Ang pinakabunso niya, parang baby pa lang nang
umalis siya. Tapos ngayon, malaki na, parang hindi malapit sa kanya. Kahit
ang mga babae, Tinatanong nila kung kalian ba aalis uli si Jinggoy. Ang
ending, umalis uli siya kasi parang wala na silang pera.
Ang dating sa akin ng Katas ng Saudi, bakit hingi nang hingi ang mga
kamag-anak, hindi naman porke nag-OFW, maraming pera. Sa mga anak,
ang iniisip ko, hindi naman sila magiging ganoon kung may communication.
Walang ipinakitang ganoon sa pelikula, ang ipinakita, nang dumating na siya
sa Pilipinas. Si Lorna (Tolentino) na asawa sa pelikula, sweet pa rin sila ni
Jinggoy. Pera ang problema sa pelikula. Nagpatayo sila ng bahay, parang
doon napunta ang ipinundar niya sa Saudi. Parang machine shop ang gusto
ni Jinggoy na itayong bisnes. Sa Saudi, tagabuhat si Jinggoy ng baldebaldeng oil. Siya ang magmamanage ng talyer sana, ayaw na niyang umalis.
Sa story, malayo sa kanya ang anak na babae. Parang inireklamo ng anak
niya na parang pag wala si Jinggoy, puwede akong makipag-usap sa
telepono, puwede akong makipag-boyfriend, ganoon. Iyang anak na lalaki,
parang hindi siya masyadong showy sa ama niya. Ang bunso, hindi niya kilala
ang tatay niya kasi baby pa lang siya nang nag-abroad ang tatay niya. Kay
Lorna naman, nagastos ang pera sa bahay, malaki ang gastos. Akala ni
Jinggoy, nasa milyon na ang pangnegosyo, P1000,000 na lang, malaki ang
nagastos sa bahay na ipinatayo nila. May luho rin ang mga anak. Inilalapit ni
Lorna ang mga anak sa tatay, kunwari, niyayakap ng tatay ang anak,
sasabihin ni Lorna sa anak, yakapin mo, yakapin mo. Pinapagalitan niya ang
mga anak niya. Wala namang problema ang mag-asawa sa story. Umalis uli
si Jinggoy para maghanap ng pera.
Medyo naka-relate ako dito sa Katas ng Saudi. Teaksiyon ko sa mga
anak, masyado naman sila, parang hindi naman nila tatay ang dumating.
Tapos, may nagsalita ng “Kailan na aalis ang buwisit na iyan?” Pero may
ganyan din si Jay, si Tricia.
Napanood ko ang Anak noong narito pa siMama. Mahal na Araw noon,
sa TV kami nanonood, kina Ate Patsy ako nannood. Sa pelikula, parang namisinterpret ni Claudine ang nanay niya. Tinawag siya ng tatay niya pra
makipag-usap sa telepono kay Vilma (Santos), ang amo ni Vilma, ayaw
Sosyodad at Literatura
141
siyang nakikipag-usap sa telepono. Nang namatay ang tatay niya, hindi
nakauwi ang nanay niya kasi hindi niyon alam. Parang sobrang namang
nagalit si Claudine, hindi muna niya tinanong ang nanay nya kung bakit
nagkaganoon. Hindi ako nag naka-relate. Lahat ng OFW movies na
napanood ko, hindi ako maka-relate doon sa walang komunikasyon ang
nanay at anak, may komunikasyon kami ni Mama.
Sa mga klase ko sa STI, kung ani lang ang major mo, iyon ang subject
mo. Wala kaming nagging lesson na konektado sa OFWs. Sa simbahan,
isang beses ko lang narinig na binanggit ng pari sa sermon niya ang OFWs.
Hindi ko inabutan ang umpisa, pero ang narinig ko, dapat pahalgahan ang
ano mang kaya nilang ibigay, hindi naman sila nagpapasarap doon. Nakarelate ako, pinagdasal ko ang Mama ko, always naman pag nagsisimba ako.
Ako lang mag-isa ang nagsimba noon. Nang umalis si Mama, dalawa lang
ang nag-aaral, sina Tricia at Jay. Ordinaryo lang naman ang academic
performance ni Tricia. Mas matalino si Jay, mas sa kany a nagging obvious
ang pagbaba ng grades. Naka-absent-absent siya, may grade na 74, dati
nasa top 1 siya, pero lower sectionsiya, at least top 1 siya sa kanila. Dumami
ang grades niya na nasa line of seven.
Sa
akin,
pag
sinabingOFW,
ang
limang
salitang
maiisip
ko:
Magkakahiwalay. Malungkot. Minsan parang may problema.
Parang kahit ganoon, masaya pa rin, Tapos parang nagiging mas mahal
ninyo ang isa’t isa.
Malungkot, kasi magkakahiwalay kayo. Iyong tatlong negative, kasi may
problema. Kung may problema, parang may hindi kayo pagkakaunawaan
kaya magiging problema ninyo iyon hanggang nandoon siya, hanggang hindi
naliliwanagan. Tapos parang masaya rin, kasi parang nadi-discover ninyo sa
isa’t isa, parang, oy, si Mama, ganito, mahalaga siya kasi noon, ganyanganyan. Kung isang istorya an gaming pamilya, gusto kong maging success
story ang dulo. Hindi na babalik si Mama sa abroad, kasi mayroon na siyang
perang sapat na pangnegosyo, dito na lang kami. Gusto ni Mama na
magbisnes kahit sa bahay, tahian. Basta nakaksapat, Yung palalaguin kung
kakayanin.
Sosyodad at Literatura
142
Hindi pumasok sa isip ko na si Daddy na lang ang mag-abroad. Parang
alam ko na ang ugali niya, hindi siya magtatagal. Nang magtrabaho siya noon
sa Palawan, dalawang gabi lang, umuwi na.
Ayokong mag-abroad. Loko-lokohan lang naming ng boyfriend ko na
magbabana kami sa abroad. Sabi niya, pag nag-asawa na siya, mag-oopis
siya dito sa Pilipinas. Kung gusto ng mga kapatid ko na mag-OFW, nasa
kanila na iyon. Si Tricia, kung mag-aabroad siya at magagaya lang siya sa
nababalitaan natin sa pasa-pasa, itinatali, ginagahasa, dito ka na lang sa atin.
Twelve hoursang trabaho ni Mama, pitong araw sa isang lingo. Si Daddy,
kung naghanap siya ng regular na trabaho, kung nagsikap siyang maghanap
ng ganoon, sana hindi nalang nag-abroad si Mama. Sana okey kami
pagdating sa financial. Pare-parehong walang regular na trabaho ang mga
lalaking kamag-anak ni Daddy. May nagustuhan akong nakatira dyan sa
kabilang daan. Kamag-anak nila ang asawa ni Ricky, doon sila nakatira.
Ayaw sa kanya ni Mama.
Buwanankung magpadala si Mama. PAg kasama ang tuition fee ko,
P5,000 plus ang para sa akin. Kulang talaga. Sa iskul, kailangan ng mga CD.
Sa Munoz ang iskul ko. Parang P100 ang baon ko. Pamasahe, pagkain,
gamit sa iskul- kulang ang baon ko. Lunes hanggang Biyernes ang pasok.
Ang baon ko, tinapay, binibili ko sa grocery store. Maigsi ang vacant priod,
kahit pa mag-Jollibee ako, hindi kasya ang oras. Mag-uumpisa ang klase ko
nang 2:30 p.m., matatapos nang gabi.
May MWF, mayTTh. May tise na okey ang turo, may titser na gawin lang
ninyo ito, ito ang exam ninyo, gawin ninyo ang cartoons na ito. Sa animation
subject ko iyan. Marami akong natutuhan sa digital graphics manipulation---- editing, picture editing… Ang ganda, puwede mo nga siyang bisnes. Nagaaral akong mabuti. Ang tuition fee ko, hindi naman pinulot lang. Hindi ako
puwedeng magloko sa pag-aaral, pinapagalitan ako ng boyfriend ko.
Tinutulungan niya ako. Kunwari, ang allowance ko na padala ng Mama, two
weeks pa lang, ubos na. Siya muna ang magbibigay hanggang magpadala
ulit ang Mama ko. Hindi alam sa kanila na tinutulungan niya ako. Minsan,
doon ako nagko-computer sa bahay nila, nandoon ang Mama niya. Minsan
gabi na, gumagawa kami ng autobiography, ganyan. Naranasan ko nang
Sosyodad at Literatura
143
matulog sa kanila, may project kami sa iskul. Alam ng Mommy niya, doon
ako natulog sa kuwarto niya, sa ibang kuwarto siya natulog. Ang tingin nila
sa akin, girlfriend. Maliit din ang nanay niya, lagging nakangiti. Nagtuturo sa
hayskul ang nanay niya, Religion ang itinuturo.
Masaya ako ngayon, kontento naman. Nagsimula akong mag-aral sa STI
noong 2006 hanggang nitong March. Nagka-delay-delay lang nitong second
yea, second semester. Naputulan kami ng koryente, hindi ako nakabayad sa
tuition fee.
Pag nag-asawa ako, hindi muna ako mag-anak, mga one year muna,
Gusto ko ng tatlong anak.
Gabay sa Pagsusuri
1. Ano ang ibig sabihin ng migrasyon-disintegrasyon?
2. Ilahad ang konsepto ni Sarah sa OFW? Sa iyong palagay, paano niya nabuo
ang gayong pagpapakahulugan sa OFW?
3. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? Ilahad ang mga gawaing nakaatang
sa bawat isang myembro ng pamilya ayon kay Sarah.
4. Ilarawan ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah bago magtungo ang kanyang
ina sa Saudi Arabia upang magtrabaho doon.
5. Ano-ano ang iba’t ibang salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho
sa Saudi Arabia? Ano-ano naman ang dahilan ng mga OFW na iyong
kakilala o nababasa sa mga pag-aaral?
6. Paano nabago ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah sa sumusunod na
aspekto nang umalis ang kanyang ina upang magtrabaho sa Saudi Arabia?
Ipaliwanag.
a. Aspektong Ekonomik
b. Aspektong Sosyal/Relasyonal

Relasyon ng Magkakapatid sa isa’t isa

Relasyon ng Magkakapatid sa kanilang Tatay

Relasyon ng Magkakapatid sa kanilang Nanay
c. Aspektong Emosyonal
7. Paano binago ng pangingibang-bansa ng kanyang ina ang pagkatao ni
Sarah?
Sosyodad at Literatura
144
8. Ilahad ang kahalagahan ng kaibigan, kasintahan at kaanak sa buhay ng
isang anak na ang magulang ay nangibang-bansa para mapunan ang
pangangailangan ng pamilya.
9. Ano ang kahalagahan ng spaghetti, sinigang at menudo sa pamilya ni
Sarah? Iugnay ang sagot na ito sa buhay nila noong hindi pa nangingibangbansa ang kanyang ina/nanay.
10. Ano-ano ang nagsisilbing coping mechanism ni Sarah upang maibsan ang
pangungulila sa kanyang ina? Ipaliwanag.
11. Bilang isa pang halimbawa ng creative nonfiction, ano-ano ang mga
katangian ng binasang akdang ikinahusay nitoIpaliwanag.
Mungkahing Gawain
1. Sa loob ng kasunod na kahon, bumuo ng concept map para sa akronim na
OFW.
Sosyodad at Literatura
145
2. Gumawa ng isang panukalang proyekto para sa isang NGO. Ang panukala
ay kailangang kinapapalooban ng inklusibong programa para sa mga anak
ng OFW. Ituon ang programa sa pagpapatibay ng relasyon ng mga
magkakapatid sa isa’t isa, pagpapanatili ng relasyon ng mga anak sa
kanilang magulang na OFW at paggabay sa kanilang pag-aaral. Gawin ito
nang pangkatan. Sundin ang pormat na itatakda ng guro.
Sosyodad at Literatura
146
Listahan ng mga sanggunian
Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina,
Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing
House.
Borras, S. 2000. Ang Estratehiyang Bibingka sa Implementasyon ng Reporma
sa Lupa: Mga Kilusang Magbubukid na may Otonomiya at mga
Repormista sa Estado ng Pilipinas. Quezon City: Institute for Popular
Democracy.
Floresca, E.E. 2000. Dalawang Suliranin. Ani: Panitikan ng Kahirapan, 6, 7073. Franco, J., Borras, S. 2005. On Just Grounds: Struggling for Agrarian
Justice and Citizenship Rights in Rural Philippines. Quezon City:
Institute for Popular Democracy.
IBON Foundation, Inc. 2008. Kabuhayan, Karapatan, Katarungan. Quezon City
Ibon Books.
Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan:
Trinitas Publishing Inc.
Mga Hanguang Elektroniko
Gender-based Vilolence. https://unhc.org. Octubre 31, 2019.
Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights. 2012. On Aqiono’s
Superbody: No Need for Frills and Fuss, Victims Need Rosolution and
End to EJK. https://www.karapatan. Org/node/662. Oktubre 31, 2019.
Sosyodad at Literatura
147
Download