Uploaded by Jed Gocatek

Posisyong Papel

advertisement
BAKIT HINDI SI MARCOS: ISANG POSISYONG PAPEL HINGGIL SA PAGTAKBO
NI FERDINAND ROMUALDEZ MARCOS JR. SA POSISYON NG PAGKA-PANGULO
Sa papalapit na eleksyon sa Mayo 2022, pipili na naman ang mga mamamayan ng
Pilipinas ng bagong lider. Dumoble ang dami ng mga tatakbong pangulo ngayong 2022
kumpara noong eleksyon noong 2016 (Bueza, 2022; COMELEC, 2022). Isa sa mga
tumatakbong kandidato sa posisyon ng presidente ay si Ferdinand Romualdez Marcos
Jr., anak ng dating presidenteng at diktador na si Ferdinand Marcos. Malaking isyu ang
pagtakbo ni Bongbong Marcos sa pagkapangulo, kung iisipin ang bigat ng nakaraan na
nakakabit sa kanyang pangalan, ang pakikitungo nya pangangandidato, at ang mga
implikasyon na makukuha mula rito.
Sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon, sa mga bagay na ‘di nya nagawa, at sa mga bagay
na kasalukuyan nyang ginagawa sa pagiging kandidato, hindi karapat-dapat na iboto si
Marcos sa paparating na eleksyon.
Hindi na maitatanggi ng karamihan ang mga kalupitan na dinanas ng mga Pilipino
noong Martial Law sa ilalim ng rehimeng Marcos. Gayunpaman, dumarami ang tao na
nagbabago ang isip ukol dito at mahihinuha natin na mula ito sa maling impormasyong
na laganap sa social media sites at sa iba’t iba pang plataporma.
Dahil sa misimpormasyong ito, lumalago ang kaisipan na masyado pang bata si
Bongbong Marcos noong panahon ng Martial Law, at hindi dapat natin gamitin ang mga
ginawa ng kanyang tatay upang magtanim ng sama ng loob laban sa kanya. Isa ito sa
pangunahing rason ng mga taga-suporta ni Bongbong Marcos, kung saa’y sinusubukan
nilang ihiwalay ang pagkakaugnay ng kandidato nila sa kasaysayan na namuo sa ilalim
ng pamumuno ni Ferdinand Marcos.
Sa katotohanan, nagsisilbi na si Bongbong bilang bise-gobernador ng Ilocos noong
1981 hanggang 1983 at gobernador noong 1983 hanggang 1986 (Senate of the
Philippines, n.d.). S’ya ay may kamalayan sa kung anong naganap noong panahon na
‘yon. Dapat at tama lang na hingin natin ang pahayag n’ya dito, at pananagutan sa mga
pinakinabangan n’ya mula sa ginawa ng kanyang tatay (Javier, 2017).
Ang Pilipinas ay isang Katolikong bansa. Nakakabit na sa ating prinsipyo na kaakibat ng
Katolisismo. Kahit na dapat hiwalay ang simbahan mula sa estado, ginagawa itong
batayan ng mga taga-suporta ni Bongbong Marcos upang s’ya ipawalang-sala s’ya sa
koneksyon at pakikinabang n’ya sa mga ginawa ng kanyang tatay.
Pinangangatwiranan ng isang BBM-supporter na kailangan nating patawarin ang mga
Marcos, upang maging tulak para sa pagkakasundo sa buong Pilipinas, sa kabila ng
kung ano mang kasalanan ang nagawa nila (Tuvera, 2021). Ang ganitong pag-iisip ay
salungat sa kung ano ang tinuturo ng Bibliya. Ayon kay Fr. Ian Gabinete, ang
pagmamahal at salita ng Diyos ang magbibigay sa’tin ng pagkamulat at pagkakataon sa
tunay na pagbabago. Hindi dapat ginagamit ang pagmamahal ng Diyos bilang katwiran
upang maging bulag sa katotohanan at maging mapagparaya (Gabinete, 2022).
Argumento naman ng iba na walang masayadong pagbabago na naganap matapos
mapatalsik si Marcos sa puwesto noong 1986. Laganap parin ang kahirapan sa bansa
at korapsyon sa pamahalaan (Tuvera, 2021). Ito ang pinaka-tapat na rasong makukuha
sa mga taga-suporta ni Bongbong Marcos.
May basehan ang kanilang alalahanin. Kung titignan ang ating pagbalik sa demokrasya,
nabuo ang 1987 constitution na may pagpabor sa political dynasties kahit na may
seksyon laban dito, dahil sa ‘di mabisang pagsasatupad ng mga batas laban dito
(Heydarian, 2021; CORE, 2020). Gayunpaman, ito rin mismo ang sinasamantala ng
mga Marcos upang bumalik sa mga posisyon ng kapangyarihan, ilagay ang kanilang
ama sa magandang ilaw, at gamitin ito upang makaakit ng marami pang taga-suporta.
Hindi karapat-dapat si Marcos na maging pangulo. Ngayon palang ay makikita na natin
sa kanyang mga pahayag — s’ya ay isang pathological liar. Mula sa kanyang birthday
at edad (Marcos, 2021; Senate of the Philippines, n.d.) hanggang sa kanyang Degree
sa Oxford (CNN, 2021), nakuha n’ya na kumbinsihin at pilitin ang mga mamamayan na
maniwala sa kanyang bersyon ng katotohanan. Dagdag pa rito ang patuloy na
pagtanggi ng nakaw na yaman ng mga Marcos (CNN, 2018). Ayon kay Supreme Court
Justice Antonio Carpio, kung sakali’y manalo si Marcos ay maaaring ‘di na mababawi
ng bansa ang humigit-kumulang P328 bilyong nakaw na yaman ng mga Marcos
(Mercado, 2022).
Ang pinakanakakabahala sa mga nais gawin ni Bongbong Marcos ay ang layunin
n’yang i-rebrand ang imahe ng Marcos. Noong July ng 2020 pumutok ang balita ng paglapit ni Marcos sa Cambridge Analytica upang gawin ang nabanggit. Nais ni Marcos na
baluktutin ang persepsyon ng mga Pilipino sa kanya at kanyang pamilya gamit sa
pamamagitan ng iba’t ibang taktika ng misimpormasyon gamit ng publicly-available na
mga dato (Tomacruz, 2020).
Bukod sa kanyang mga kasinungalingan na patuloy n’yang pinamamalagi, kaduda-duda
rin ang track-record ni Bongbong Marcos. Sa kanyang 5 na taon na pagiging senador,
nakapagpasa sya ng mga batas, ngunit sa harap ng ito ay naging maliit lang ang
kanyang impluwensiya sa kongreso (Rappler, 2021). Meron ‘din s’yang patuloy na mga
kaso ng income tax-evasion na ‘di nya pa pinagbabayaran (Ramos, 2021; Mendoza,
2021). Bukod pa rito, ilan sa kanyang mga pulitikal na kakampi (Galvez, 2021; Visaya,
2021) ay dumaan sa mga kasong graft at korapsyon (Rappler, 2018). Kung sakaling
maging pangulo si Bongbong Marcos ay maaaring makapasok muli ang mga
nahatulang pulitikong ito sa pamahalaan.
Si Bongbong Marcos ay nangangandidato sa pagkapangulo, ngunit ngayon palang ay
wala s’yang pinapakitang pangako sa posisyong kanyang tinatakbo. Sa kasalukuya’y
dalawang debate na ang iniwasan ni Marcos (Patag, 2022; Buan, 2022), sa
kadahilanang mas gusto nya’y one-on-one na mga interviews.
Sa kanyang tahasang pagiwas sa mga debate palang ay mahihinuha na nating wala
s’yang pulidong plano ni plataporma sa kanyang pamumuno sakaling s’ya’y manalo, at
higit sa lahat — hindi s’ya nagpapakita ng kompetensiya at transparency (Gozum,
2022). Gaya ng sinabi ni Jessica Soho: “The questions are tough because the job of the
precidency is tough” (Soho, 2022; Bolledo, 2022) — hindi sapat na rason ang “biased”
at mahihiriap na tanong dahil maraming ekspektasyon ang mga Pilipino sa mga
tatakbong presidente. Kung ngayon palang ay ‘di na n’ya kayang magpakita ng
pananalig at katapatan, papaano pa kaya kung s’ya’y nasa puwesto na?
Kung magpapahulog lang ang mga Pilipino sa pagsamo ng mga Marcos, nakatakda
para sa’ting maulit ang mga pagkakamali sa kasaysayan; lahat ng ipinaglaban at
pinanindigann ng mga Pilipino mahigit 30 taong nakalipas ay mababalewala lang.
Mahalagang maintindihan natin kung ano ang mga implikasyon ng ginagawa ng mga
Marcos ngayon para sa kinabukasan ng Pilipinas at ng Pilipino— at pigilan itong
maging realidad.
Walang pangakong pinapakita ang pagktakbo ni Marcos sa pagka pangulo para sa
ating bansa. Nasa ating mga kamay na ngayon kung sino ang karapat-dapat at ilalagay
natin sa posisyon na ito. Kailangan nating maging mapanuri at magtakda ng mataas na
pamantayan para sa mga tumatakbo bilang pangulo, dahil kabuhayan ng nakararami
ang nakasalalay dito. Aralin at kilatisin ng maigi ang bawat kandidato — alamin ang
kanilang track-record at mga posisyon sa mga nagpapatuloy na isyu sa ating bansa.
Alalahanin na hindi tayo bumoboto para sa ating puri o sa ating sariling mithiin kundi
para sa Pilipino at sa bansang kanyang sinasagisag. Para kanino ka bumoboto?
MGA SANGGUNIAN
Bolledo, J. (2022, January). Biased? GMA tells Marcos camp Jessica Soho’s questions
‘tough’ like the presidency. Retrieved from Rappler:
https://www.rappler.com/nation/elections/gma-network-statement-jessica-sohointerview-ferdinand-bongbong-marcos-jr/
Buan, L. (2022, February). ‘Conflict of schedule’: Marcos Jr. skips another presidential
forum. Retrieved from Rappler:
https://www.rappler.com/nation/elections/ferdinand-bongbong-marcos-jr-skipskbp-presidential-forum-february-2022/
Bueza, M. (2022, January). 2022 race: Comelec narrows down presidential bets to 10.
Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/elections/comelec-listpresidential-bets-january-4-2022/
CNN. (2018, January). Bongbong Marcos denies links to ill-gotten wealth deal.
Retrieved from CNN: https://cnnphilippines.com/news/2018/01/02/BBM-ill-gottenwealth-deal.html
CNN. (2021, October). Oxford group: Marcos received special diploma, no college
degree. Retrieved from CNN:
http://nine.cnnphilippines.com/news/2021/10/22/Oxford-group-Marcoscredentials.html
COMELEC. (2022, January). Tentative List of 2022 Candidates As of January 11, 2022.
Retrieved from Scribd.
CORE. (2020, August). What is the reform with regard to political dynasty? Retrieved
from Constitutional Reform : https://constitutionalreform.gov.ph/ufaqs/what-is-thereform-with-regard-to-political-dynasty/
Gabinete, I. (2022, February). Retrieved from Twitter:
https://twitter.com/iangabinete/status/1489018515054948355
Galvez, D. (2021, December). Marcos campaigns for Jinggoy Estrada as senator in
2022. Retrieved from Inquirer: https://newsinfo.inquirer.net/1522473/marcoscampaigns-for-plunder-accused-jinggoy-estrada-as-senator-in-2022
Gozum, I. (2022, February). ‘#BaBackoutMuli’: Frontrunner Marcos a no-show in forum
again. Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/elections/filipinosonline-ba-back-out-muli-ferdinand-bongbong-marcos-jr-no-show-kbp-forum/
Heydarian, R. (2021, December). What is behind the resurgence of the Marcos
dynasty? Retrieved from Aljazeera:
https://www.aljazeera.com/opinions/2021/12/14/what-is-behind-the-resurgenceof-the-marcos-dynasty
Javier, K. (2017). A family affair — 31 years of amnesia. Retrieved from PhilStar.
Marcos, B. (2021, September). Retrieved from Twitter:
https://twitter.com/bongbongmarcos/status/1437344473961222149?lang=en
Mendoza, J. (2021, December). Court records show Bongbong Marcos did not pay
penalty in tax evasion case — petitioners. Retrieved from Inquirer:
https://newsinfo.inquirer.net/1523352/fwd-marcos-jr-has-not-satisfied-courtjudgement-in-his-1995-tax-evasion-case-petitioners
Mercado, N. (2022, January). If Bongbong Marcos wins, P328B ‘ill-gotten’ wealth,
unpaid taxes may not be recovered – Carpio. Retrieved from Inquirer:
https://newsinfo.inquirer.net/1539927/if-bongbong-marcos-wins-p328-b-ill-gottenwealth-unpaid-taxes-may-not-be-recovered-carpio
Patag, K. (2022, January). Marcos skips GMA-7's The Jessica Soho Presidential
Interviews. Retrieved from Philstar:
https://www.philstar.com/headlines/2022/01/21/2155467/marcos-skips-gma-7sjessica-soho-presidential-interviews
Ramos, M. (2021, December). QC court certifies Bongbong Marcos didn’t pay tax dues,
fines. Retrieved from Inquirer: https://newsinfo.inquirer.net/1523524/qc-courtcertifies-marcos-jr-didnt-pay-tax-dues-fines
Rappler. (2018, October). 3 ex-senators charged in pork barrel scam running in 2019.
Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/elections/214491jinggoy-estrada-enrile-revilla-charged-in-pork-barrel-scam-running-again-forsenator/
Rappler. (2021, November). HINDI TOTOO: Walang naipasang batas si Bongbong
Marcos habang senador. Retrieved from Rappler.
Senate of the Philippines. (n.d.). Biography and Resume of Senator Ferdinand
"Bongbong" R. Marcos, Jr. Retrieved from Senate of the Philippines - 18th
Congress: https://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/bmarcos_resume.asp
Soho, J. (2022, January). Retrieved from Twitter:
https://twitter.com/PhilstarNews/status/1484784142885654530
Tomacruz, S. (2020, July). Bongbong Marcos asked Cambridge Analytica to ‘rebrand’
family image. Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/bongbongmarcos-cambridge-analytica-rebrand-family-image/
Tuvera, T. (2021, November). [OPINION] Why does Bongbong Marcos get so much
support? Retrieved from Rappler.
Visaya, V. (2021, November). Marcos, Enrile together again. Retrieved from The Manila
Times: https://www.manilatimes.net/2021/11/06/news/enrile-daughter-announcesupport-for-bongbong-marcos/1821190
Download