9 MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT nina: Josefina Mangahis, Rhoderick Muncio, at Corazon Javilla Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa papelo minamakinilya sa kompyuter. May prosesong nakalangkap sa akademikong pagsulat na iisa-isahin sa bahaging ito, kasama ang pagtalakay ng uri, anyo sa layunin at organisasyon ng teksto. Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa kompyuter). Binubuo ang pagsulat sa dalawang yugto. Una na rito ang yugtong pangkognitibo, ibig sabihin, nasa isip lahat natin ang ating mga isusulat. Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga ideya, paniniwala at iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito sa isipan ng tao na pag-isipan, naisapuso o naunawaan bago naisulat. Ang ikalawang yugto ay ang mismong proseso ng pagsulat. Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao habang unti-unting naisusulat ito sa papel. Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong pangkognitibo sa pagsulat na mismo. Magkakambal ang dalawang yugtong ito sa dahilang sabay na ginagamit ito sa pagsulat. May tatlong paraan at ayos ng pagsulat tulad ng (1) pasulat o sulat-kamay na kasama rito ang liham, tala ng leksyon sa klase, talaarawan at iba pa; (2) limbag tulad ng nababasa sa jornal, magasin, aklat, ensayklopidya; at (3) elektroniko na ginagamit sa pagsulat ng liham o kaya’y magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng mga artikulo, balita, dokumento, pananaliksik na ginagawa at iba pa. IBA’T IBANG URI NG PAGSULAT 1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging ginagamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang mga halimbawa nito ang akademikong pagsulat ng sanaysay, pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili ang mga salitang ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal. 2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Ang ilang halimbawa nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kuwento at iba MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT nina: Josefina Mangahis, Rhoderick Muncio, at Corazon Javilla Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa papel o minamakinilya sa kompyuter. May prosesong nakalangkap sa akademikong pagsulat na iisa-isahin sa bahaging ito, kasama ang pagtalakay ng uri, anyo sa layunin at organisasyon ng teksto. Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa kompyuter). Binubuo ang pagsulat sa dalawang yugto. Una na rito ang yugtong pangkognitibo, ibig sabihin, nasa isip lahat natin ang ating mga isusulat. Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga ideya, paniniwala at iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito sa isipan ng tao na pag-isipan, naisapuso o naunawaan bago naisulat. Ang ikalawang yugto ay ang mismong proseso ng pagsulat. Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao habang unti-unting naisusulat ito sa papel. Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong pangkognitibo sa pagsulat na mismo. Magkakambal ang dalawang yugtong ito sa dahilang sabay na ginagamit ito sa pagsulat. May tatlong paraan at ayos ng pagsulat tulad ng IBA’T IBANG URI NG PAGSULAT 1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging ginagamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang mga halimbawa nito ang akademikong pagsulat ng sanaysay, pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili ang mga salitang ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal. 2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Ang ilang halimbawa nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kuwento at iba pa. 3. Kombinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat ng pagsulat. May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-pormal na uri ng pagsulat. ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN 1. Paglalahad. Kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisan ng pag-aalinlangan. 2. Pagsasalaysay. Kung ang teksto ay nagkukuwento ng mga magkakaugnay na pangyayari. 3. Pangangatwiran. Kung ang teksto ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya. 4. Paglalarawan. Kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito. PROSESO NG PAGSULAT Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging epektibo at makabuluhan ang gawaing pangkomunikatibo at pangakademiko.Tingnan natin ang anim na yugto sa proseso ng pagsulat: 1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Kung ang kahingian naman sa klase ay isang sulating pananaliksik o tesis, karaniwang maraming tanong ang nag-uudyok para sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan para makahanap ng sagot sa tanong. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik. 2.Pala-palagay. Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda, unti-unting nabubuo ang pala-palagay ng manunulat sa paksang susulatin. Habang wala pang tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang susulatin, naghahain muna ng hakahaka ang manunulat. 3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng balangkas ng pananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang pagsulat na gagawin ng isang manunulat.Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa aklatan upang tiyak nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa mga taong may ekspertong kaalaman hinggilsa paksa para kapanayamin. 3. Kombinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat ng pagsulat. May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-pormal na uri ng pagsulat. ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN 1. Paglalahad. Kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisan ng pag-aalinlangan. 2. Pagsasalaysay. Kung ang teksto ay nagkukuwento ng mga magkakaugnay na pangyayari. 3. Pangangatwiran. Kung ang teksto ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya. 4. Paglalarawan. Kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito. PROSESO NG PAGSULAT Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging epektibo at makabuluhan ang gawaing pangkomunikatibo at pangakademiko.Tingnan natin ang anim na yugto sa proseso ng pagsulat: 1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Kung ang kahingian naman sa klase ay isang sulating pananaliksik o tesis, karaniwang maraming tanong ang nag-uudyok para sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan para makahanap ng sagot sa tanong. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik. 2.Pala-palagay. Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda, unti-unting nabubuo ang pala-palagay ng manunulat sa paksang susulatin. Habang wala pang tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang susulatin, naghahain muna ng hakahaka ang manunulat. 3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng balangkas ng pananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang pagsulat na gagawin ng isang manunulat.Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa aklatan upang tiyak nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa mga taong may ekspertong kaalaman hinggil sa paksa para kapanayamin. 4. Pagsulat ng unang borador. Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaaring sulatin na ang unang borador. Dito na ibubuhos ng manunulat ang kaniyang kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo ang papel. 5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t muling babasahin ito para makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon. 6. Pinal na papel. Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel, puwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito. ORGANISASYON NG TEKSTO Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi. 1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro. 2. Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel. 3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay matatagpuan sa bahaging ito. 4. Kongklusyon. Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad din sa bahaging ito ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik. Nabigyan ka na ng maraming kaalaman ukol sa Makrong Kasanayan sa Pagsulat, ngayon ay bigyang pokus naman natin ang AKADEMIKONG PAGSULAT. Ano nga ba ang Akademikong Pagsulat? Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Ito ay may layunin na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Katangian ng akademikong pagsulat: maliwanag, may paninindigan, may pananagutan. Samantala, ang Malikhaing Pagsulat ay masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang binibigyang-pansin ang wikang ginagamit sa susulatin. Ito ay ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o di kaya ay isang libangan Ang ay isa sa mga halimbawa ng Akademikong Pagsulat, samantalang ang mga tula at kuwento ay ilan naman sa halimbawa ng Malikhaing PagsulaT Narito ang Mahahalagang Konsepto ng Akademikong Pagsulat ayon kay Karen Gocsik (2004): 1. Ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. 2. Nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinag-uusapan ng o interesante sa akademikong komunidad. 3. Nararapat na maglahad ng importanteng argumento Mahalagang Konsepto Pananaliksik 1. Ginagawa ng mga iskolar at para sa Iskolar ang tawag sa sinumang mga iskolar nagsasagawa ng pag-aaral sa isang iskolastikong institusyon tulad ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad. Karaniwang unang makikinabang sa isinagawang pananaliksik ng mga iskolar ay ang kapwa nila iskolar sa parehong larangan. Halimbawa, ang pananaliksik na isinasagawa ng mga doktor ukol sa pagtuklas ng bagong gamot ay mapakikinabangan din ng mga kapwa nila doktor para sa mga panghinaharap na pagtuklas o pag-aara 2. Nakalaan sa mga paksa at mga Ang mga paksa o tanong ang tanong na pinag-uusapan ng o nagsisilbing binhi ng isang pananaliksik. interesante sa akademikong Nagiging mas kapaki-pakinabang ang komunidad. isang pananaliksik kung ito ay napapanahon o pinag-uusapan dahil ito ay nagpapatunay na interesante ang komunidad sa isinasagawang pananaliksik. Halimbawa, mas napapanahon at interesante ang mga pananaliksik ukol sa “New Normal na Paraan ng Pagkatuto” kaysa mga pananaliksik na ukol sa tradisyonal na paraan ng edukasyon. 3. Nararapat na maglahad ng Ang mga argumento sa isang importanteng argumento pananaliksik ay ang mahahalagang tanong o layunin na dapat sagutin o tuklasin sa pagtatapos ng pananaliksik.