AKADEMIKONG SULATIN Ang akademikong pagsusulat o sulating akademiko ay ginagawa upang ang ating kaalaman ay mapapatalas. Karagdagan, kailangan rin ng mataas na antas ng kaalaman para ito’y masulat. Kadalasan, ang mga akademikong pagsusulat ay ginagamit sa mundo ng akademya at agham. Isa rin sa mga katangian ng pagsusulat na ito ay ang pagkakaroon ng proseso. Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ang akademikong sulatin ay isang pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa akademikong institusyon kung kaya may mataas na antas ng kasanayan sa pagsusulat. Wikang Filipino- Nakabatay sa tamang retorika o grammar. Retorika- nagbibigay ng kagandahan Ito ay para rin sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalim sa kultura, karanasan, reasksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit dn ito upang makapagbatid ng mga impormasyon at saloobin. Kilalang Manunulat: Kellog,1994: Ang pag iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisip na lumikha, nagmamanipula at nakikipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip. Kellog, 1994: Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. Ang pag-aaral na pagsulat ay may kapakinabang kaysa sa pag-aaral ng paglutas ng mga problema, pagbuo ng pagpapasya at gawain sa pangangatwiran. Isang pakinabang nito ay mayamang produkto na ginagawa ng mga manunulat. Gilhooly, 1982: Ang pag-iisip bilang set ng mga proseso ang mga ito ay bumubuo, gumagamit at nagbabago ng panloob ng simbolikong modelo. Mabilin, 2012: Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga masa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang lalo ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinabahagi ay mananatiling kaalaman. Ayon kay Mabilin sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsusulat ay maaring mahati sa dalawang bahagi. 1. Ito ay maaaring maging “personal” o “eksprisibo” kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsusulat ay maaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot o pagka-inis depende sa layunin ng taong sumusulat. 2. Ito ay maaari namang maging “panlipunan o sosyal” kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o lipunang ginagalawan (transaksisyonal na pagsusulat). HALIMBAWA: a. Pagsulat ng liham e. Sulating panteknikal b. Balita f. Tesis c. Korespondensiya g. Disertasyon d. Pananaliksik ANG PAGSULAT Ang mahusay na panulat- ay iisinasagawa ng may kasamang sangkap. Ang mahusay na manunnulat- tulad ng mahusay na tagapagluto ay hindi biglaang sumusulpot na taglay agad ang kahusayan. Nasasagawa muna ang tagapaglutong ito ng malawakang pagsasanay upang makamit niya ang kahusayan sa nasabing larangan. Ang isang manunulat sa kanyang pag-upo pa lamang sa lamesang susulatan ay naglalaan na rin ng maraming mga araw upang makamit niya ang angkop na estilo, katiyakan, at kalinawan sa kaniyang panulat. ANG PAGSULAT Kagaya ng mahuhusay nating manunulat, bago sila naging isang mahusay sa larangan, marami pa silang pinag-daanang pagsasanay, maraming nasayang na tinta, papel at oras bago sila naging isang dalubhasa sa paglikha ng mga sulatin. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT Isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga sagisag ng mga tunog ng mga balitang pagsulat. Kakayahan ito ng tao na ipahayag sa paraang palimbag ang laman ng kanyang isip at damdamin. Sa panulay naitatala ang lahat ng bagay ukol sa sibilisasyon at sa tao. Sa pagsulat ay tunay na nakakaapekto sa pagkatuto at sinnasabing pagpapakita ng kaalamang natamo ng tao sa kaniyang mga nalilinang na iba pang kasanayan. Ayon kay “LIGAYA TIAMSON RUBIN”, kahit anong tulad ng pamilya, musika’t sining, mga bagay sa paligid, paglalakbay at maging ang lahat lahat na nasasapol ng ating paningin, pandinig, at pandama ay maaaring isulat at maging paksa ng isang sulatin. Ang mga kaisipang nagiging inspirasyon naman sa pagsisimula nang pagsulat ng isang manunulat ay base naman sa mga talumpati, sanaysay, kwento, tula at iba pang mga lathalaing ipinababasa at tinatalakay sa mga estudyante sa klase. KALIKASAN NG PAGSULAT Likas sa lahat ng mga manunulat ang maghangad na mabasa at mapahalagahan ang kaniyang isinulat. Mas lalong mainam kung ito ay magugustuhan ng mga mambabasa. Ganoon din ang damdamin ng isang estudyanteng pakinisin ang kanyang kasanayan sa pagsulat. Kung sa mga batikang manunulat ang lundo ng lagumpay para sa kanilang mga isinulat ay ang gantimpalang tropeo, salapi at pagkilala, sa mga estudyante naman ay papuri, mataas na marka at mas mataas pang kaalaman sa larangang ito. KALIKASAN NG PAGSULAT “makapagbigay” “makapaghikayat” “makapanlibang” ng impormasyon. URI NG PAGSUSULAT Informativ na pagsulat Ang uring ito ng pagsulat ay naghahangad na makapagbigay ng impormasyon sa mga mambabasa maging ng makapagpaliwanag. Ang pangunahing pukos ng ganitong uri ng pagsulat ay ang mismong bagay na pinag-uusapan at kasama na rito ang report ng obserbasyon, ideya, istatistiks na makikita sa libro, teknikal at pagnegosyong report at maging sa dyaryo at magasin. Makapanghikayat na pagsulat Kilala ito sa argumentative na pagsulat at persuasive na pagsulat na kung saan ang pangunahing naisin ay ang makakumbinsi ang mambabasa ukol sa kaniyang opinyon. Kabilang dito ang pagsulat ng editoryal, research, pangnegosyong proposal, etc. Malikhaing pagsulat Ito ay ang pagsulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng mga tula, malikhaing kwento, nobela, dula at iba pang mga malikhaing akda. Layunin nito ang manlibang, magbigay inspirasyon, pag-asa at madala ang kaniyang mambabasa sa daigdig ng pantasya, kababalaghan, katotohanan at likhang-isip lamang. PAGSULAT Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon at rekomendasyon. Halimbawa: abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, repliktibong sanaysay, sentesis, lakbay-sanaysay, sinopsis atbp. KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSUSULAT PO PA PA KA 1. Pormal- ang mga ganitong uri ng sulatin ng pormal na hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral. 2. Obhetibo- ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. 3. May Paninindigan- ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. 4. May pananagutan- mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas. 5. May kalinawan- ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay derektibo at sistematiko. Sinopsis/Buod Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay ngalalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kayat nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa kada o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuto ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy angsagot ng sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagiitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, nagiging madali ang pagsulat ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod, mahalagang maipakilala sa mga binasa nito kung anong akda ang iyon ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may-akda, at pinaggalingan ng akda. Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong binasa. Iwasan din magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda. Maging obhetibo sa pagsulat nito. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa masining at maayos na pagsulat ng buod sa isang akda. 1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. 2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan. 3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat. 5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal. 6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod Narito naman ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng buod o sinopsis. 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod ng gagawin. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinakaharap. 4. Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda. PAGSULAT NG BIONOTE Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa. Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote: 1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume, kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na pangungusap. 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga. 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. 5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka. 6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito. Katangian ng Bionote 1. Maikli ang nilalaman- Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon, 2. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw– Tandaan ,laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili. Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan . 3. Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market- kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan , kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila. 4. Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok- tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote. 5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian- mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote. Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalist at chef “. Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan , halimbawa hindi na kailangan banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef. 6. Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan- Kung may PhD halimbawa at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito. 7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon– Walang masama kung paminsan-minsa ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda .Bukod sa nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom. Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur,at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat. Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, pelikula, video, pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat , at pinanggalingan ng akda. Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito. Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa. Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. TALUMPATI Ang talumpati ay sining ng pagsasalita, nangangatwrian o tumatalakay sa isang paksa para sa tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang paninindigan. Ang pagtatalumpati naman ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung hindi ito mabibigkas sa harap ng madla. Sa pangkalahatan, may apat na uri ng talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga takapakinig. 1. Biglaang Talumpati (Impromptu)- Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa tagapakinig. 2. Maluwag (Extemporaneous) – Kung ang biglaang talumpati ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda, sa talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipinahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinibigay bago ito ipahayag kaya madalas na outline lamang ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito. 3. Manuskrito – Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar o program sa pgsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin. Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati sapagkat ito ay itinatala. 4. Isinaulong Talumpati– Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig, may oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ignayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo o binibigkas ng tagapagsalita. Ang isang kahinaan ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa. Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin Sa pagsulat ng talumpati, mahalagng makilala ang iba’t ibang uri ng talumpati ayon sa layunin nito. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga tagapakinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentong mapagkakatiwalaan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay panayam at pagbibigay ng ulat. Makatutulong din ang paggamit ng mga larawan, tsart, dayagram, at iba pa sa pagsasagawa ng ganitong uri ng talumpati. Pinakakilalang halimbawa nito ang talumpati ng mga pinuno ng bansa o ang State-of-the-Nation Address (SONA). 2. Talumpating Panlibang Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig, kaya naman sa pagsulat nito, kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Madalas ginagawa ang ganitong talumpati sa mga salusalo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan. 3. Talumpating Pampasigla Layunin ng talumpating ito na magbigay ng insipairasyon sa mga nakikinig. Sa pagsulat nito, tiyaking ang nilalaman nito ay makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao. Higit na makakamit ang layunin nito kung magsasalita ay hangdang-handa sa pagsasagawa ng talumpati. Makatutulong ito upang maging pokus at interesado ang mga nakikinig. Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos sa mga paaralan at pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o organisasyon, kumbensyon at iba pang padiriwan na kagay ng mga nabanggit. 4. Talumpating Panghikayat Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin angpaniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sermon narirnig sa mga simbahan, kampanya ng mga politiko sa panahon ng halalan, talumpati sa Kongreso, at maging ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman. 5. Talumpating Pagbibigay-galang Kayunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. Ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin. 6. Talumpati ng Papuri Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang sa mga ito ang talumoati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, talumpati ng pahkilala sa isang taong namaytay na tiantawag na eulogy talumapti sa pagggagawad ng medalya o sertipiko ng pakilala sa isang tao o samahang nakapag-ambag nang malaki sa isang samahan o sa lipunan, at iba oang kagay ng mga ito. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati 1. Mga Uri ng Tagapakinig Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang magiging tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat ng Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan, ang ilan sa dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang sumusunod: Ang edad o gulang ng mga makikinig Ang bilang ng makikinig Ang Kasarian Edukasyon o antas ng lipunan Mga saloobin at dati nang alam ng mananaliksik 2.Tema o Paksang Tatalakayin Ang isa pang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang tema ng okasyon ng pagdriwiang o pagtitipon ng pagtatalumpatian. Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon. Ayon kina Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na Retorikang Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, dapat makitaan na may sapat na kaalaman ang mananalumpati hinggil sa paksa. Ang kaalaman niya ay dapat na nakahihigit sa kanyang tagapakinig. Ito ay nangangahulugan lamang na sa pagsulat ng talumpati, kailangan ang sapat na paghahanda, pagpaplano, at pag-aaral tungkol s paksa. Narito ang mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin. Pagbuo ng Tesis Pagtukoy sa pangunahing kaisipan o panuto 3. Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati Isa pang mahalagang dapat isaaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang gagamiting hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati. Malaki ang epekto ng paraan ng pagbabalangkas ng nilalaman ng talumpati sa pag-unawa nito ng mga tagapakinig. Mahalagang gumamit ng paraan o hulwarang aakma sa uri o katangian ng mga makikinig. Ayon kina Casanova at Rubin (2001), may tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati. A. Kronolohikal na Huwaran Gamit ang hulwarang ito, ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa unang pangyayari, sumunod na mga pangyayari, at panghuling pangyayari. Ang paksa ay maaari ding talakayin sa pamamagitan ng mga hakbang na dapat mabatid at sundin ayon sa tiyak na pagkakasunod-sunod ng mga ito. B. Topikal na Huwaran Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainman na gamitin ang hulwarang ito. Halimbawa, kung tatalakatin ang kultura ay maaaring hatiin ito sa espesipikong paksa tulad ng sosyolohiya, antropolohiya, at maging ang uri ng heograpiyang kinalalagyan ng mga tao. Mainam na gamitin ito upang buo at malinaw na nauunawaan ng mga nakikinig ang tinatalakay na paksa. C. Huwarang Problema-Solusyon Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang huwarang ito – ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalaky sa solusyon na maaaring isagawa. Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga uri ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos. 4. Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati. A. Introduksyon Ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. B. Diskusyon o Katawan Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. Narito ang mga katangiang taglayin ng katawan sa talumpati. Kawastuhan - Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye. Kalinawan - Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. Kaakit-akit - Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa. C, Katapusan o Kongklusyon Dito nakasaad ang pinaka kongklusyon mg talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. Maaaring ialagay rito ang pinakamatibay na paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin ng talumpati. D. Haba ng Talumpati Ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras. Memorandum o Memo Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto. Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya. Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod: Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito. a. Memorandum para sa kahilingan b. Memorandum para sa kabatiran c. Memorandum para sa pagtugon Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014). 1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono. 2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa. 3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang memong ginawa. 4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito. 5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito. 6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod: a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo. b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito. c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan. d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang. 7, Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay Pagsulat ng Adyenda Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong. Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong 1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon: a. mga paksang tatalakayin b. mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa c. oras na itinakda para sa bawat paksa 2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito. 3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan. 4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan. 5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda: 1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar. 2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito. 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong. 4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin. 5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong. Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito aynagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at pagkilos. Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong (1) Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan, organisasyon,o kagawaran. Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong. (2) Mga Kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito. (3) Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong- Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito. (4) Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito. (5) Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito . (6) Iskedyul ng susunod na pulong– Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong. (7) Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong (8) Lagda– Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite. Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napagusapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito. Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3 (2014), ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang : 1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong 2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong 3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong 4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong 5. Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat 6. Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading 7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos 9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan 10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong 1. Ulat ng katitikan– ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa. 2. Salaysay ng katitikan– isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento. 3. Resolusyon ng katitikan- Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na … Napagtibay na.. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng “The Everything Practice Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos ng pulong. Bago ang Pulong Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang pagpupulong tulad notbuk, papel, bolpen , lapatop ,recorder Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa. Habang Isinagawa ang Pulong Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa. Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong. Itala kung anong oras nagsimula ang pulong. Itala ang mahalagang ideya o puntos. Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan. Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong. Itala kung anong oras natapos ang pulong. Pagkatapos ng Pulong Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito. Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos . Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan. Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa huling pagwawasto nito, Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito. ANG PAGONG AT ANG KUNEHO by Admin on 8:06:00 PM Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad. Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho. Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si Kuneho sa kanyang mga paratang, hinamon niya si Kuneho at nagsabing, "Kung gusto mong subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang aking resistensya," ang hamon ni Pagong. "Anong paligsahan ang nais mo?" tanong ni Kuneho. "Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok," sagot ni Pagong. Nagalak si Kuneho sa hamon ni Pagong. Tiwala sa sariling magagapi niya si Pagong sa paligsahan. Bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga kaibigan upang saksihan ang kagila-gilalas na paligsahan. Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo. Dumating ang kalabaw na minsan na ring nakalaban ni Pagong, ang kabayo, baboy, palaka, bibe, manok, aso, pusa, kambing, baka, pato, lawin, usa, baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang mga hayop sa kasiyahan. Noon lang sila makakapanood ng ganoong klaseng labanan. Ang unggoy ang nagbigay-hudyat ng pasimula ng paligsahan. Sa pasimula pa lang ay naiwan na nang malayo si Pagong. Halos hindi na makita ni Kuneho si Pagong dahil sa kalayuan ng kanilang pagitan. Narating ni Kuneho ang tuktok ng ikalawang bundok. Hindi na niya matanaw si Pagong. "Ah, mabuti pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa naman si pagong. Napakalayo ng agwat naming dalawa." ang sabi ni Kuneho sa kanyang sarili. Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang puno. Nang dahil sa kapaguran, hindi niya namalayang siya ay naidlip. Samantala, si Pagong ay nakarating sa tuktok ng ikalawang bundok nang magtatanghali. Inabutan pa niya si Kunehong naghihilik. Himbing na himbing si Kuneho. Dala marahil ng kanyang kapaguran. Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng ikatlong bundok. Malapit na siya. Noon palang nagising si Kuneho. Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pagaakalang nandoon pa rin si Pagong subalit wala pa rin. Sinimulan na niya muling tumakbo. Takbong walang pahinga. Laking gulat niya ng abutan niya si Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na namamahinga na. Hiyawan ang lahat ng hayop. Lahat sila ay bumati kay Pagong. Si Kuneho naman ay hiyang-hiya sa pangyayari. Humingi siya ng paumanhin kay Pagong sa ginawa niyang pang-iinsulto. Simula noon ay nagging halimbawa na ng mga hayop na hindi dapat maliitin ang kanilang kapwa. Bionote ni Dr. Carlito Y. Correa Si Dr. Carlito Y. Correa ay isang ekspertong doktor sa pangkalahatang operayon at nagtatrabaho sa Chong Hua Hospital, Madaue City, Cebu. Siya ay Ipinanganak sa Mangagoy, Bislig, Surigao del Sur noong Setyrmbre 8, 1978. Ina niya si Ginang. Nena Y. Correa, isang guro; at ama niya si Ginoong Jovencio V. Correa, isang mechanical engineer. May walong taong taong karanasan sa serbisyo si Dr. Correa. Nag-aaral muna siya sa Southwestern University at sa Matias H. Aznar Memorial College of Medicine para sa kursong BS Biology bago niya narating ang kanyang propesiyon. Pagkalipas ng apat na taon ay nag-aral siya sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at nagtapos si Correa sa kursong medisina. Pumasa sa kanyang unang subok sa Physician’s Licensure Examination. Sumali si Dr. Correa sa Philippine Board of Surgery, Inc. at kabakas niya ang mga kompanyang seguridad ng kalusugan tulad ng Generali Life Assurance Philippines, Inc., Health Plans Philippines, Inc., Philhealthcare, Inc. at marami pang iba. Ngayon, patuloy parin ang kanyang serbisyo sa Chong Hua Hospital, Madaue City, Cebu.