Uploaded by Divine Grace Tomas

plagiarism-lesson-plan-cot

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Pebrero 20, 2020; 9:30-10:30 n.u.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
✓ Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
✓ Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
✓ Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
F11PU-IVef-91
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Hakbang sa Pananaliksik
Kaugnay na Paksa: Pagbuo ng Bibliograpiya
B. Sanggunian:
✓
Sicat-De Laza,2016. Pagbasa at Pagsusuri
Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
✓
Bandril, et al. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
✓
Quezon City: Vibal Group, Inc. 161-162
Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma, Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 164 167
✓
https://link.quipper.com/en/classes/58b98c174bd2ba4377000008/courses
C. Kagamitan: prodyektor, laptop,
D. Pagpapahalaga:
E. Estratehiya:Differentiated Instruction at Collaborative Learning
III. PAMAMARAAN
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Klase
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagwawasto ng Takdang –aralin
6. Pagbabalik-aral
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
“TARENTARIUM”
MEKANIKS: Hahatiin ng guro ang klase sa pangkat. Bawat pangkat ay kailangang
magkaroon ng isang kinatawan na sasagot sa mga katanungan. Magkakaroon ng iba’t
ibang kinatawan ang bawat pangkat sa bawat katanungan. Ang kinatawan ng pangkat na
makasasagot nang tama ay siyang magsusuot ng jacket na naglalaman ng bilang 1-9 na
may kaugnay na tanong sa mga briefcase na nasa powerpoint presentation. Ang
alinmang grupong magkakaroon ng pinakamaraming tamang sagot ang tatanghaling
panalo sa laro.
1. Kung ang “Kung maiksi ang kumot, matutong mamaluktot” ay When the blanket is short,
learn to curl up under it., ano naman ang Kung walang tiyaga, walang nilaga?
Sagot: Without perseverance, there is no reward
2.
Kung ang “Ang magalang na sagot, nakakapawi ng pagod. ay A respectful retort wipes
away weariness., ano naman ang “Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.”?
Sagot: Whoever talks much never does much
3. Kung ang “Dinilig ni Ailyn ang halaman.” ay Ailyn watered the plants., ano naman ang “Ang
mga halaman ay dinilig ni Ailyn.”?
Sagot: The plants were watered by Ailyn.
4. Kung ang pangungusap na “Si Janet ay nanood ng sine.” ay “Janet saw a movie., ano
naman ang “Nanood si Janet ng sine.”?
Sagot:Janet saw a movie.
5. Kung ang “Bring home the bacon” ay iuwi ang tagumpay, ano naman ang “Still wet behind
the ears”?
Sagot: may gatas pa sa labi
6. Kung ang green ay berde, ano naman ang green-eyed person
Sagot: seloso
7. Kung ang cm ay sentimetro, ano naman ang H2O?
Sagot:tubig
8. Kung ang lakas ay seminar ay binhisipan, ano naman ang metamorphosis?
Sagot: banyuhay
9. Kung ang kung ang lutong kanin ay rice, ano naman ang bahaw?
Sagot: rice
2. Paglalahad ng Aralin
Ano ang naging proseso ng laro?
Paano ninyo isinalin ang mga salita, parirala at pangungusap?
C. Pagtalakay sa Aralin
PAGSASALING-WIKA
Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas sa diwa at estilong nasa wikang isinasalin. (Bernales, et. al., 2015)
MGA ANGKOP NA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA
1. Kabihasaan sa Dalawa o Higit pang Wika
Kailangang may sapat na kabihasaan ang tagapagsalin sa wikang pinagmulan ng
teksto at sa wikang patutunguhan.
Halimbawa:
Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Salin: When the blanket is short, learn to curl up under it.,
Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Salin: Without perseverance, there is no reward.
2. Kabihasaan sa Istruktura at Gramatika ng Wika
Maliban sa mga salita, maaaring iba rin ang mismong istruktura ng wika. Hindi maaaring
maging isahang tumbasan ang pagsasalin.
Halimbawa: Dinilig ni Ailyn ang mga halaman.
Filipino:
Dinilig ni Ailyn ang halaman.
Ang mga halaman ay dinilig ni Ailyn.
English:
Ailyn watered the plants.
The plants were watered by Ailyn.
(Panag-uri + Simuno)
(Simuno + Panag-uri)
(Subject + Predicate)
(Predicate + Subject)
Halimbawa:
Si Janet ay nanood ng sine.
Nanood ng sine si Janet.
Nanood si Janet ng sine.
Sine ang pinanood ni Janet.
Hindi maari:
Janet movie a saw.
Saw Janet a movie.
Movie Janet a saw.
A movie saw Janet.
Salin:Janet saw a movie.
3. Kakayahang Pampanitikan
Ang pagsasalin ng akdang pampanitikan ay hindi lamang dapat paglilipat ng diwa ng
akda. Kasama sa pagsasalin pati ang kasiningan ng akda.
Halimbawa:
(Bahagi ng "Open Letter to Filipino Artists" ni Emmanuel Lacaba)
To the fascists we are the faceless enemy. Who come like thieves in the night,
Angels of Death: The ever-moving, shining, secret eye of the storm.
"parang mga magnanakaw sa gabi." Sa halip, pinili ni Jose F. Lacaba (ang
tagasalin) na gamitin ang linyang "Tila salaring dumarating sa gabi" na naging mas
masining.
Mga Idyomatiko:
Bread and butter - hanapbuhay
Green-eyed person - seloso
Bring home the bacon – iuwi ang tagumpay
Still wet behind the ears – may gatas pa sa labi
Fruit of his loins (Acts:2:30, King James Version)– kanyang inapo/lahi
4. Sapat na Kaalaman sa Paksang Isasalin
Mayroong mga teksto na sadyang isinulat para sa partikular na larangan. Ang mga librong
medikal ay mahirap unawain ng tao na hindi nag-aaral ng medisina. Mayroong mga salita na
akala natin madaling unawain, pero iba ang kahulugan sa partikular na larangan.
Halimbawa:
Escape(takas o escape character o escape sequence sa computer
programming)
Metamorphosis (banyuhay o bagong anyo ng buhay sa biology)
cm
(sa halip na sm mula sa sentimetro mula sa agham)
H2O
(sa halip na Tu mula sa tubig mula sa agham)
5. Kabihasaan sa Kultura at Konteksto ng Dalawa o Higit pang Wika
Ang wika ay nagbabago upang umangkop sa kultura at konteksto ng lipunang
pinaggagalingan nito. Kung gayon, dapat pamilyar ang tagasalin sa mga pagbabago ng
kahulugan ng mga salita at mga ekspresyong ginagamit ng mga tagapagsalita.
Halimbawa: as white as snow
Kasimputi ng kinudkod na yelo
Busilak sa kaputian
He ate a cup of rice. (kanin)
The farmers harvested rice. (palay)
He bought a kilo of rice. (bigas)
Pag-unawa sa Tinalakay: (Pokus na Tanong)
1. Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?
D. Paglalapat
PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Sundin ang rubriks sa ibaba para sa pamantayan sa pagsasalin ng iba’t ibang uri ng
akdang pampanitikan.
KATANGIAN
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot .
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa.
Kabuuan
Puntos
5
5
5
5
5
25
Pangkat 1: Pagsasalin at pag-awit ng awiting-bayan na Bahay-kubo sa wikang Ingles
Bahay-kubo
Bahay kubo kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong,
Sigarilyas at mani,
Sitaw, bataw, patani,
Kundol, patola, upo’t kalabasa,
At saka mayro’n pang labanos,
mustasa.
Sibuyas, kamatis, bawang at luya.
Sa paligidligid ay puno ng linga.
Sagot:
Nipa Hut
My nipa hut, although it’s small
The plants are diverse
Turnips and eggplants,
Winged beans and peanuts,
String beans, edible pots, lima beans,
White melon, gourd, white pumpkin
and squash,
And still there are more radish,
mustard,
Onions, tomatoes, garlic and ginger,
All around are lush sesame plants.
Pangkat 2: Pagsasalin at pag-uulat ng isang balita mula sa pahayagan
SC junks JBC clustering scheme
By: Tetch Torres-Tupas - Reporter / @T2TupasINQ
INQUIRER.net / 04:49 PM March 08, 2017
The Supreme Court affirmed with finality its November 2016 decision that struck down the
Judicial and Bar Council’s (JBC) scheme of clustering nominees for multiple vacancies in the judiciary.
In a decision written by Associate Justice Teresita Leonardo De Castro, the high court
maintained that the appointing power of the President cannot be clipped by such a scheme.
The case was about the petition filed by the Integrated Bar of the Philippines (IBP) which sought
to nullify the Sandiganbayan appointment made by then President Benigno Aquino III. IBP told the high
court that the constitution was violated when he appointed Associate Justices Geraldine Faith Econg
and Michael Frederick Musngi from the same shortlist submitted by the JBC.
Sagot:
Pangkat 3: Pagsasalin at pag-awit ng kontemporaryong awit na “Ikaw” ni Yeng Constantino
Ikaw
Sagot:
Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto
Pintig ng puso.
Ikaw, ang pinangarap-ngarap ko,
Simula nang matanto
Na balang araw iibig ang puso.
Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na ikaw.
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw.
Pangkat 4: Pagsasalin at pagtula ng isang tulang pambata
The Little Turtle
Sagot:
Ang Munting Pagong
There was a little turtle.
He lived in a box,
He swam in a puddle,
He climbed on the rocks.
Mayroong isang munting pagong
Nakatira siya sa kahon;
Sa putikan ay lumangoy,
Sa batuhan ay umahon.
He snapped at a mosquito,
He snapped at a flea,
He snapped at a minnow,
And he snapped at me.
Sinagpang niya ang lamok,
Sinagpang niya ang pulgas,
Sinagpang niya ang minnow
Pati ako ay kinagat.
He caught the mosquito,
He caught the flea,
He caught the minnow,
Nahuli niya ang lamok,
Nahuli niya ang pulgas,
Nahuli niya ang minnow,
But he didn’t catch me!
Ngunit ako’y nakaalpas.
E. Paglalahat
1. Ano ang pagsasaling-wika?
2. Isa-isahin ang mga angkop na pamantayan sa pagsasaling-wika.
3. Kailan masasabi na ang isang akda ay mahusay na naisalin?
F. Pagpapahalaga
1. Paano nakatulong sa iyo ang pagbasa ng mga teksto na nakasalin sa Filipino?
2. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa pagpapahalagang
pampanitikan?
3. Para sa iyo, aling wika ang higit na nakalalamang, ang simulaang wika o ang
tunguhang wika?
IV. PAGTATAYA
Panuto:Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaaring Lumipad ang Tao” na mula sa Africa gamit ang
kasunod na talahanayan. Lagyan ng tsek (√) ang mapipiling eskala: 5 - Napakataas;
4 - Mataas;
3 - Mataas-taas;
2 - Hindi Mataas; at
The overseer rode after her, hollerin,”
1-
Paunlarin Pa
Ang bantay ay nagronda habang
humihiyaw, sumisigaw. Samantalang
si Sarah at ang kanilang anak ay
lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy,
sa mga nagtataasang puno na hindi
siya nakikita maging ang
tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad
Sarah flew over the fences. She flows
over the woods, tall trees could not
snag her nor could the Overseer. She
flew like an eagle. Now, until she was
gone from sight. No one dared speak
about it. Couldn’t believe it. But it was,
ug
ntn
i-a
usnati
ng
a is
silaanngg amgaila
kithaang gmagnag tsaaon
ibaba. Walang sinuman ang
makapagsalita tungkol dito, hindi
makapaniwala, subalit nakita nila ito.
because they t hi at tww
aa
s.s there saw that
PAMANTAYAN
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot .
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa.
1 2 3 4 5
V. KASUNDUAN
Isa kang mahusay na tagapagsalin. Napili ka ng embahada ng Africa at Persia upang isalin
ang kanilang mga mitolohiya sa wikang Filipino upang maipakilala ang kanilang bansa sa buong
daigdig. Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika. (Tingnan sa pahina 34
ng batayang aklat.)
A. Katapatan……………………..........................................................................................50 puntos
B. Kawastuan………………………………………………………………………… ..…………50 puntos
Inihanda ni:
BB. IRENE P. BANUELOS
Guro sa Filipino
Download