Uploaded by keiziaharielle.santos.p

Santos Keiziah Arielle P BSED ENG 4A FINAL REQUIREMENT

advertisement
Republic of the Philippines
BULACAN STATE UNIVERSITY
TEACHER EDUCATION PROGRAM
Hagonoy Campus
Iba-Carillo, Hagonoy, Bulacan
Santos, Keiziah Arielle P.
BSED English 4A
February 14, 2023
RLW 101
Final Requirement
Gumawa ng maikling sanaysay ng iyong talambuhay at ihambing ito sa mga pinagdaanan
ni Jose Rizal sa kaniyang kabataan. (Ipadala gamit ang email ad ng guro)
Habang isinusulat ko ang mga ito, napagtanto ko na sobrang layo ng katangian namin ni
Rizal sa isa’t isa. Simula elementarya hanggang sa nag-sekondarya, tila ba nasa proseso pa din ako
ng pagtuklas ng aking mga talento. Napakarami kong sinubukan para mahanap ang sariling
kakayahan ngunit lahat ng iyon ay ginusto ko pero hindi ko itinuloy hangarin.
Ang daming nangyari sa buhay ko bago ko napagtanto kung ano ang aking hilig. Noong
nasa baitang 9 ako, nakahiligan kong mag basa at mag-sulat. Pero hindi sa larangan na sumasali
sa mga patimpalak. Isa kasi sa aking kahinaan ay ang pagiging “introvert” na ang ibig sabihin sa
Filipino ay mahiyain o mas gugustuhin na mag-isa. Ang kagustuhan sa pag-susulat na siguro ang
pinaka malapit na bagay para maihalitulad ko ang buhay ko sa ating pambansang bayani na si Dr.
Jose Rizal. Tulad niya, ginagamit ko ang pag-susulat para maipahayag ang aking nararamdan.
Naalala ko tuloy ang pinaka sikat niyang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ipinakita
niya kung gaano ka-kontrobersyal ang mga sumakop sa Pilipinas noon. Ginamit ni Rizal ang
kanyang hilig sa pag-susulat para maipakita sa mundo at maihayag ang kanyang damdamin. Hindi
siya gumamit ng sandata o kahit ano pa mang dahas. Bagkus, hindi siya nawalan ng pag-asa para
sa mga kabataan para ipaglaban ang kalayaan sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin. Inaamin
kong madalas ay nagiging palaisipan sa akin kung bakit kailangan ipaglaban at mahalin ang ating
bayan pero ang mga taong naninirahan dito ay mahirap mahalin lalo na kung hindi “worth it” ang
nakikita natin. Ikaw, hahayaan mo din bang isakripisyo ang buhay mo para sa iba?
Hindi ko mawari kung paano ihahambing ang buhay ko sa pingdaanan ni Rizal sapagkat
iniisip ko pa lamang ay walang wala na ako sa mga kakayahan at ginampanan niyang tungkulin.
Isa din siyang kabataan na tulad ko noon ngunit nagpakita na siya ng aking galing dahil malawak
ang kanyang kaalaman. Bukas ang kanyang isipan para sa nasyonalismo na ang ibig sabihin ay
pagmamahal sa ating bayan. Tunay na makikita natin sa mga nakalimbag na istorya ng kanyang
buhay para sa ating pagbabalik tanaw sa nakaran. Tulad ng kay Rizal, walang buhay na madali sa
mundong ito. Lahat tayo ay may kanya kanyang pagsubok na dapat gampanan at gawan ng
solusyon sa paglipas ng mga araw at panahon.
Download