Uploaded by Jerome Osello

Download the FILIPINO-READING-MONITORING-TOOL

advertisement
BILIS AT KASANAYAN
Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos magbasa, isulat ang oras na nagugol
sa pagbasa.
Galing ng Pinoy, Hinangaan sa Hollywood!
Malaking karangalan ang iniuwi nina Jed Madela at Rizza Novales sa Pilipinas
nangmagwagi sila ng napakaraming medalya at tropeo sa World Championships of the
Performing Arts noong 2005. Ginanap sa Hollywood, California na sinalihan ng mahigit sa 51
bansa at 1000 kalahok.
Talagang napakagaling nila. Kahit biglaan ang pag-eensayo, hindi ito nakabawas
sanapakahusay na pag-awit nila ng kanilang mga piyesa. Maging ang kanilang mga
katunggali ay natuwa nang humakot sila ng maraming parangal. Nakakuha si Jed ng apat na
ginto mula sa kategoryang Pop, Broadway, Original at Gospel na dahilan ng pagkakatanghal
sa kanya bilang Grand World Champion, Over-all Vocals Champion at Over-all Male Vocals
Champion. Nakamit naman ni Rizza ang titulong Over-all Female Vocals Champion dahil sa
tatlong medalyang ginto na napanalunan niya mula sa kategoryang Pop, Broadway, Original,
at pilak naman sa R&B.
Silang dalawa rin ang itinanghal na Over-all Duet World Champion, dahil sa gintong
medalyang napanalunan nila mula sa kategoryang Pop na nilahukan naman ng 250 kalahok
mula sa Timog Africa at 150 mula sa Estados Unidos.
Pinatunayan nina Jed at Rizza na talagang maipagmamalaki ang talentong Pinoy sa
mundo!
Baitang 5
Bilang ng mga Salita: 186
PAGLINANG NG TALASALITAAN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang kahulugan ng bawat salitang
may salungguhit.
1. Malaking karangalan ang iniuwi nina Jed Madela at Rizza Novales sa Pilipinas nang
magwagi sila ng napakaraming medalya at tropeo sa World Championships of the
Performing Arts noong 2005.
A. kasiyahan
C. pagkakakilanlan
B. papuri
D. premyo
2. Maging ang kanilang mga katunggali ay natuwa nang humakot sila ng maraming
parangal.
A. kalaban
B. kasama
C. kalaro
D. kahati
3. Sumabak sa matinding pag-eensayo sina Jed at Rizza upang paghandaan ang paglahok
sa patimpalak.
A. pag-awit
B. Pagsali
C. pagsasanay
D. pagpapalabas
4. Maging ang kanilang mga katunggali ay natuwa nang humakot sila ng maraming
parangal.
A. pagbubunyi
B. pagtatanghal C. pagkilala
D. pagbati
5. Alin sa mga sumusunod na parangal at titulo na natatanggap ng taong ginawaran ng
medalyang pilak?
A. Ika-apat na pwesto
C. Ikatlong pwesto
B. Ikalawang pwesto
D. Kampyeon o unang pwesto
PAG-UNAWA SA BINASA
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Kabataan, Katuwang sa Malinis na Kapaligiran
Binasa ni Ella ang ginawa niyang takdang-araling sanaysay na may pamagat na
“Kabataan: Katuwang ka sa Malinis na Kapaligiran”.
Ang nakakalat na basura ay suliranin ng bawat mamamayan lalo na sa siksikang lugar
gaya ng mga lungsod. Ang mga basurang ito sa paligid ang nakapipinsala sa kapaligiran at
kalusugan.
Bilang kabataan at mag-aaral, malaki ang maitutulong natin upang ang hangaring
luminis ang ating kapaligiran ay matupad. Ilan sa mga maaari nating gawin ay paggamit ng
mga materyales at mga kagamitang maaring irecycle. Paggamit ng likurang bahagi ng
papel na wala pang sulat. Ang mga papel naman na di na magagamit pa ay maaaring
ipunin upang maipagbili o gawing pambalot.
Sa tahanan, ihihiwalay ang mga basurang nabubulok sa di nabubulok ay isang
epektibong paraan upang makagawa tayo ng pataba sa pamamagitan ng composting.
Ang mga damit nating di na ginagamit ay maaaring ipamigay sa mga kapus-palad na tao o
kung di na maaaring isuot, gawing basahan ang mga ito. Sa pagpapaala-ala sa mga
nakatatanda na kung maaari ay tigilan na nila ang paninigarilyo at pagsisiga upang
mabawasan ang mga usok na ikinakalat sa paligid.
Sadyang marami pa tayong magagawa bilang kabataan kung susubukan lang natin.
Kayang-kaya nating pagandahin ang ating paligid kung gugustuhin natin.
Matapos mabasa ni Ella ang kanyang sanaysay, isang malakas na palakpak ang kanyang
tinanggap mula sa kanyang mga kaklase at guro.
Baitang 5
Bilang ng mga Salita: 225
1. Kaninong suliranin ang nakakalat na basura?
A. Sa lider ng pamayanan
B. Sa bawat mamamayan
C. Sa mga kaminero na naglilinis ng mga lansangan
D. Sa mga nangangasiwa sa departamento ng kalusugan
2. Ano ang naidudulot ng basura sa tao?
A. Nakapagdudulot ng pagod
B. Nakapipinsala sa kalusugan
C. Nakapagpaparami ng gawain
D. Nakapaparami ng materyales na gagamitin sa recycling
3. Saan maaring gamitin ang lahat na nabubulok?
A. Sa pagcocompost/paggawa ng pataba sa lupa
B. Sa pagpapadami ng lupang taniman
C. Sa pagpapabuhaghag ng lupa
D. Sa pagpapaitim ng lupa
4. Isa sa karaniwang ginagawa sa bawat tahanan ay ang pagsusunog ng mga basura. Kung
marami ang gagawa kabilang ang malalaking pagawaan at pabrika na magsusunog ng
iba’t ibang uri ng basura, ano sa palagay ninyo ang maaring pangmatagalang epekto sa
kalikasan?
A. Makasisira at makapagpapanipis ng Ozone Layer na nagsisilbing protekyon ng
mundo lahat sa sikat ng araw.
B. Makapagpalago ng halaman at makatutulong upang madaling mamunga ang
mga ito.
C. Magiging malinis ang kapaligiran at wala nang kakalat na mga basura.
D. Makapagpapabaho at makagpapaitim ng hangin sa paligid.
5. Ano kaya ang layunin ni Ella sa pagkasulat ng sanaysay na pinamagatang Kabataan:
Katuwang ka sa Malinis na Kapaligiran?
A. Magbigay ng puna
C. Manghikayat
B. Magbigay impormasyon
D. Magbigay kasiyahan
6. Sa paanong paraan magagawang kaaya-aya muli ang mga patapong basurang
hindi nabubulok?
A. Composting
B. Recycling
C. Reusing
D. Rebranding
7. Matapos mabasa ni Ella ang kanyang sanaysay, isang malakas na palakpak ang kanyang
tinanggap mula sa kanyang mga kaklase at guro. Ano sa palagay niyo ang dahilan at
pinalakpakan si Ella?
A. Dahil nagustuhan ng lahat ang pagkabasa niya sa sinulat na sanaysay
B. Dahil napaniwala niya ang mga nakikinig sa layunin ng kanyang sinulat
C. Dahil nahimok niya ang mga tao na sumunod sa kautusan
D. Dahil nabigyang linaw niya ang katanungan ng nakikinig.
8. Batay sa nais ipabatid ni Ella sa kanyang sanaysay, ano sa palagay ninyo ang magiging
hakbang ng pamahalaan kung makaabot ito sa kinauukulan?
A. Maglulunsad ang pamahalaan ng mga proyekto para sa pangangalaga sa
kalikasan para salihan ng mga kabataan.
B. Magpapatayo ang pamahalaan ang sentro kung saan maaaring dalahin ang mga
di-nabubulok na basura.
C. Maglulunsad ang pamahalaan ng patimplak sa pagsulat ng sanaysay.
D. Magtatalaga ang pamahalaan mga kabataan na magbabantay sa kalikasan.
9. Bakit kaya kinakailangang magtulungan tayo sa pagbabawas ng basura?
A. Dahil nakapagpaparami ng suliranin ang basura
B. Dahil nakapagpaparami ng gawain ang mga basura
C. Dahil nakapagpapasikip sa paligid ang mga basura
D. Dahil nakapipinsala sa kalusugan at kapaligiran ang basura.
10. Bilang isang responsableng kabataan, sa paanong paraan ka makatutugon sa
panawagan ni Ella sa kanyang sanaysay?
A. Iipiunin ko sa sariling bag ang aking basura.
B. Iiwasan ko ang magparami ng basura sa paligid.
C. Gagawa ako ng sanaysay na katulad ng ginawa ni Ella.
D. Magpapahahanap ako ng lugar kung saan maaring itapon at itambak ang lahat ng
basura.
Download