Uploaded by Jerome Osello

PE-5-Q4-ML-4.docx

advertisement
Physical Education – Ikalimang Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 4: Polka sa Nayon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical Education 5 ng Modyul
para sa araling Katutubong Sayaw na Polka sa Nayon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Physical Education 5 Modyul 4 ukol sa
Katutubong Sayaw na Polka sa Nayon.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. naipaliliwanag ang batayang kaalaman ng sayaw;
2. nailalarawan ang mga kasanayang gamit sa sayaw; at
3. naipamamalas ang wastong pag-iingat sa pag-sasayaw.
PAUNANG PAGSUBOK
Kopyahin ang diagram sa iyong kwaderno at punan ang mga kahon.
Ano ang mga katutubong sayaw para sa iyo?
BALIK-ARAL
Ayon sa iyong nakuhang resulta sa mga fitness test, pangkatin ang mga
health-related fitness components at skill-related fitness components bilang S para
sa strength (iyong kalakasan) at W para sa weakness (iyong kahinaan). Isulat ang
iyong sagot sa iyong kwaderno.
Health-Related Fitness Components
Skill-Related Fitness Components
1.
2.
3.
4.
5.
Cardiovascular endurance
Muscular strength
Muscular Endurance
Flexibility
Body Composition
ARALIN
1. Bilis
2. Liksi
3. Balanse
4. Koordinasyon
5. Pagka-alerto
6. Lakas
Ang Katutubong Sayaw
Ito ay sayaw na nagpapakita ng kaugalian, buhay at paniniwala ng mga
taong naninirahan sa isang pook o pamayanan. May mga sayaw na galing sa
bulubundukin, sayaw na galing sa kapatagan na may impluwensya ng Kastila,
Instik o Amerikanong sumakop sa Pilipinas. Nariyan din ang mga sayaw sa
kabukiran at dalampasigan na nagpapakita ng mga gawaing pangkabuhayan at
kaayusan ng mga taga probinsiya.
Polka sa Nayon
Ito ay isang popular na ballroom polka o social dance na nanggaling sa
probinsya ng Batangas noong panahon ng Kastila. Nagpapakita ito ng tamang
pakikitungo ng lalaki at babae sa isa’t isa.
Kasuotan
Babae – kasuotang Maria Clara / Balintawak o patadyong
Lalaki – Barong Tagalog / Camisa de chino at itim o puting
salawal/pantalon
Formation
Ang mga mananayaw ay nakapangkat ng apat na magkapares sa isang
pormasyong parisukat o maaaring anumng pormasyong nanaisin, sang-ayon sa
bilang ng pares o mananayaw.
L – left o kaliwa
R – right o kanan
Musika
Ang musika ay nasa 2/4 time signature at binubuo ng tatlong bahagi: A, B,
at C.
Bilang
Isa, dalawa / Isa, at, dalawa, at
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto:
Bilugan ang mga salitang sumusunod sa “word search puzzle”. Isulat
sa iyong kwaderno ang kinalaman ng mga salita sa aralin.
Pagsasanay 2
Panauto:
Punan ng tamang salita ang “crossword puzzle” upang mabuo ang
tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa bawat kahon ang iyong sagot.
Pahalang:
1. Lugar sa Rehiyon IV-A kung saan
nagmula ang Polka sa Nayon
3. Kasuotan ng lalaki sa pagsasayaw ng
Polka sa Nayon
5. Lahing nagbigay impluwensya ng
Polka sa Nayon
Pababa:
2. Kasuotan ng babae sa
pagsasayaw ng Polka sa
Nayon
4. Kategorya ng sayaw sa Polka
sa Nayon
Pagsasanay 3
Panuto:
Basahin ang sumusunod na paangungusap. Isulat sa patlang ang T
kung ang pangungusap ay tama at M kung ito naman ay mali.
_____ 1. Ang Polka sa Nayon ay isang popular na ballroom polka na nanggaling sa
probinsya ng Batangas.
_____ 2. Sinayaw noong panahon ng Espanyol ang Polka sa Nayon.
_____ 3. Ang musika na ginagamit sa pagsayaw ng Polka sa Nayon ay nasa ¾ time
signature.
_____ 4. Baro’t saya ang tawag sa kasuotan ng mga babae sa pagsayaw ng Polka sa
Nayon.
_____ 5. Barong Tagalog ang tawag sa kasuotan ng mga lalaki sa pagsayaw ng
Polka sa Nayon.
PAGLALAHAT
Panuto:
Ano-ano ang mga mahahalagang konsepto na natutunan mo sa
araling ito? Magbigay ng tatlong konsepto na iyong natutunan isulat
ito sa patlang.
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
Paano mo magagamit ang mga kagandahang-asal na natutunan mo sa
sayaw? Isulat sa kahon ang iyong sagot.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto:
Basahin mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa
“word pool” at isulat ito sa patlang.
1. Nagmula ang Polka sa Nayon sa __________.
2. Ang musika ng Polka sa Nayon ay nasa __________ time signature.
3. Ang Polka sa Nayon ay sinayaw noong panahon ng __________.
4. Ang __________ ay ang karaniwang kasuotan ng lalaki sa pagsayaw ng Polka
sa Nayon.
5. Ang __________ ay ang karaniwang kasuotan ng babae sa pagsayaw ng
Polka sa Nayon.
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Helen G. Gatchalian, Gezyl G. Ramos, Johannsen C. Yap, Masigla at Malusog na
Katawan at Isipan (Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016), 94-99.
Ulit, Enriqueta, and Evilyn Salazar. “Teaching the Elementary School Subjects:
Content and Strategies in Teaching the Basic Elementary School Subjects.”
Google Books. Google, June 2004.
https://books.google.com.ph/books?id=rSbP9UZfewoC.
Download