ANG PAGHULI SA IBONG ADARNA (Kwentong Bayan) Halos tumigil ang paghinga ni Don Juan nang matanawan ang ibong lumilipad na papalapit. Ito na marahil, naisaloob niya, ito na ang ibong hinahanap niya. Mula nang umalis siya sa sariling bayan upang hanapin ang Ibong Adarna ilan na bang bundok ang nilakbay niya? Hindi na halos mabilang ni Don Juan. Ang tanging alam niya, kailangang matagpuan niya at maiuwi ang ibong ito. Parang hapung-hapong dumapo ang ibong sa isang malabay na sanga ng puno ng Piedras Platas. Sa pagkakaupo sa ilalim ng punong ito, na tahanan ng Adarna, muling nagbalik sa isip ni Don Juan ang mga pangyayaring naghatid sa kanya sa pook na iyon. Malubha ang kanyang amang hari at ayon sa manggagamot ng kanilang kaharian, tanging ang awit ng Adarna ang makapagpapagaling dito. Unang naglakbay ang panganay niyang kapatid na si Don Pedro. Pagkalipas ng ilang buwan, nang hindi bumabalik si Don Pedro, si Don Diego naman ang naglakbay. Hindi rin nakabalik si Don Diego, kaya’t siya, ang bunsong si Juan, ang lumisan upang maghanap sa ibon, at sa dalawang kapatid na naunang umalis. Ilanga raw siyang naglakbay hanggang sa nakatagpo siya ng matandang pulubi na pinakain niya at pinainom ng kanyang baon. Bilang pabuya sa kanyang kagandahang loob, tinulungan siya ng matanda-sinabi nito kung saan matatagpuan ang ibong hanap niya. Di nagtagal, narinig ni Don Juan ang malambing na awit ng ibon. Napakatamis ng awit ng ibon, parang hinihila siyang matulog. Kinuha ng binata ang kutsilyo sa kanyang bulsa at sinugatan ang sariling palad. Pagkatapos, gaya ng bilin sa kanya ng matandang ermitanyo, pinatakan niya ng katas ng dayap ang sugat. Halos maiyak ang prinsipe sa tindi ng kirot kaya’t biglang napalis ang kanyang antok. Matapos umawit, nagbago ang kulay ng balahibo ng ibon. Ang kanina’y parang perlas na balahibo ng ibon ay nagkaroon ng iba’t ibang masisiglang kulay na higit na maganda kaysa una. Tama ang sabi ng ermitanyo, naisaloob ni Juan. Ayon sa matandang ermitanyo, pitong beses na await ang ibon, at pitong beses ding mag-iiba ang kulay ng balahibo. Nakapagpapaantok ang matamis na awit ng ibon, kaya’t upang di siya makatulog, sinunod ni Don Juan ang bilin ng matanda. Ang kutsilyong ibinigay sa kanya ang ipinanghiwa niya sa sariling palad at katas ng pitong dayap ang ipinatak niya sa sugat. Magmamadaling-araw na nang makatapos ng pitong awit ang Ibong Adarna. Gaya ng sinabi ng matandang ermitanyo, ugali ng ibon na magbawas bago matulog. Alam na ni Don Juan ang kanyang gagawin. Umilag siya nang makitang pabagsak na sa kanya ang dumi ng ibon-kung di siya nakaiwas, tiyak na naging bato siya. Naghintay-hintay pa ng ilang sandal ang prinsipe at nang inaakalang mahimbing na ang ibon ay dahan-dahan niyang inakyat ang puno at biglang sinunggaban sap aa ang ibon. Dali-dali niyang inilabas ang gintong paneling kaloob ng ermitanyo at itinali ang ibon na tulog na tulog pa rinnakabuka ang mga pakpak at dilat na dilat ang mga mata na parang gising. Tuwang-tuwa si Don Juan. Hawak ang nakataling ibon ay masiglang nilandas ng prinsipe ang daang pabalik sa kubo ng ermitanyo. Noon pa’y nakikini-kinita na ng binata ang muling paglusog ng kanyang amang hari sa sandaling maiuwi niya ang Ibong Adarna. Kabanata 16 – "Muling Pagtataksil" Pagkalabas nila Don Juan at Donya Leonora, nagkuwento sila sa mga pangyayari sa loob ng balon, habang nag-kukuwento, nainggit ang nakakatanda na kapatid ni Don Juan na si Don Pedro dahil plano niyang pagtaksilan muli ang kanyang bunsong kapatid. Nakita niya ang oportunidad na gumanti sa kapatid niya nang bumaba si Don Juan muli sa balon dahil naiwan ni Donya Leonora ang kanyang singsing at ayaw naman umalis ni Don Juan hanggang hindi pa nakuha ni Donya Leonora ang singsing. Habang pababa si Don Juan, pinutol ni Don Pedro ang lubid at nahulog si Don Juan sa ilalim ng balon. Pinilit naman ni Don Pedro na mahalin siya ni Don Juan pero tinganggihan naman ito ni Donya Leonora at napilitang buhatin ni Don Pedro, pauwi ng Berbanya, si Donya Leonora at iniwan naman si Don Juan na sugat-sugatan sa ilalim ng balon. Ang dalawang Pag-ibig ni Don Juan DONYA LEONORA Si Donya Leonora ay isang prinsesang nanggagaling sa isang kahariang natatagpuan sa ilalim ng isang mahiwagang balon. Ang kapatid niya ay si Donya Juana. Nakilala niya ito noong naglakbay silang magkakapatid at nakakita sila ng balon na kung saan agad na bumaba si Don Juan. At sa ilalim ng balon na ito niligtas niya si Donya Leonora sa isang sirpyenteng may pitong ulo. Hindi maipagkakaila ni Don Juan na nahulog siya kay Donya Leonora unang kita niya pa lamang dito. MARIA BLANCA Si Maria Blanca ay prinsesa ng kahariang Reyno de los Crystales. Anak ni haring Salermo. Nakilala siya ni Don Juan noong nagtungo siya sa Reyno de los Crystales. At nang ibaba siya ng agilang sinakyan niya sa paliguan nagkataong ito ang paliguan ni Maria Blanca. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi kanais-nais ngunit kalaunay minahal din nila ang isa’t isa.