Uploaded by calaquekeziah

ap7 q1 mod1 katangiang-pisikal-ng-asya FINAL07242020

advertisement
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 1:
Katangiang Pisikal ng Asya
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Myra A. Abique
Editor: Rosario G. Caluya
Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit
Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz, Eric M. Montemar
Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr.
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Freddie Rey R. Ramirez
Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Pedro J. Dandal Jr.
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address:
Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address:
mimaropa.region@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 1:
Katangiang Pisikal ng Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Katangiang Pisikal ng
Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Katangiang Pisikal ng Asya!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iii
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
iv
Alamin
PANIMULA
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay binubuo ng iba’t
ibang rehiyon na nagtataglay ng mga likas na yaman na bunsod ng pagkakaroon ng
iba’t ibang katangiang pisikal nito.
Kamangha-mangha ang mga lugar na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng
mundo, lalo’t higit sa kontinente ng Asya. Halimbawa na lang ang El Nido at Coron
ng Palawan na nasa Pilipinas, na kamakailan lamang ay itinanghal bilang isa sa
pinakamagandang pasyalan sa buong mundo, Phuket ng Thailand, at marami pang
iba. Nalaman mo na ba kung gaano kalawak ang sakop na kalupaan, mga taglay
nitong likas na yaman at kapal ng taong naninirahan dito? Handa ka na bang
malaman ang lahat ng ito? Halina at ating alamin kung paanong ang ugnayan ng
tao at ng kanyang kapaligiran ay siyang nagbigay daan sa paghubog at pag-unlad
ng Kabihasnang Asyano.
Sa yunit na ito ay iyong matutuklasan ang konsepto ng paghahating
heograpiko ng Asya. Handa ka na bang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong
na ito? Kung handa ka na, tara na, tayo ng maglakbay sa ating kontinente at ating
suriin ang mga katangi-tanging bagay tungkol sa heograpiya at kultura ng mga taong
naninirahan dito.
Mga Aralin at Saklaw ng Yunit
Aralin 1 – Konsepto ng paghahating heograpiko ng Asya
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Heograpiya;
2. Naitatala ang mga saklaw ng pag-aaral ng Heograpiya;
3. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, at
Hilagang Asya;
4. Naiisa-isa ang mga bansang kabilang sa bawat rehiyon sa Asya.
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran
at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko
(AP7HAS-Ia-1.1)
1
Subukin
Paunang Pagtataya
Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman, kakayahan
at pang-unawa tungkol sa heograpiya ng Asya na kinapapalooban ng mga
pisikal na katangian at likas na yaman nito.
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya?
A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng
daigdig.
B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang
pamayanan.
C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at
alokasyon ng likas na yaman.
D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.
2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig?
A. 5
B. 6
C. 7
D. 8
3. Aling rehiyon sa Asya napapabilang ang bansang Pilipinas?
A. Timog asya
B. Silangang Asya
C. Timog Silangang Asya
D. Hilagang Asya
4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang pinagmulan ng mga K-pop songs at Korean
drama, aling bansa at rehiyon ka sa Asya napapabilang?
A. India sa Timog Asya
B. Thailand sa Timog Silangang Asya
C. South Korea sa Silangang Asya
D. Qatar sa Kanlurang Asya
5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal, historikal
at kultural na aspekto. Kung pagsasama-samahin ang mga bansa, alin ang
mga bansang napapaloob sa iisang rehiyon?
A. United Arab Emirates, Qatar at Iran
B. North Korea, Nepal at Singapore
C. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan
D. China, Indonesia at Uzbekistan
2
6. Ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon na kinabibilangan ng
Hilagang Asya, Timog Silangang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya at Timog
Silangang Asya. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na bumuo ng mga
rehiyon, anong mga aspekto ang iyong isasaalang-alang sa paghahati ng
bawat rehiyon?
A. Isasaalang-alang ko ang pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
pisikal.
B. Isasaalang-alang ko ang mga porma ng anyong lupa, anyong tubig sa
lugar.
C. Isasaalang-alang ko ang klima ng isang lugar.
D. Isasaalang-alang ko ang aspektong historikal, kultural at heograpikal.
7. Ilang rehiyon ang bumubuo sa kontinente ng Asya?
A. 5
B. 6
C. 7
D. 4
8. Ano ang itinuturing na pinakamalaking kontinente sa Daigdig?
A. Africa
B. Asya
C. Europa
D. Australia
9. Ang rehiyong ito ay kilala rin sa katawagang Inner Asia o Central Asia?
A. Timog Asya
B. Silangang Asya
C. Hilagang Asya
D. Kanlurang Asya
10. Alin sa sumusunod ang pinagbatayan sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya?
A. Pisikal, Kultural at Historikal na aspekto.
B. Heograpikal na aspeto lamang.
C. Historikal at Kultural na aspeto
D. Pisikal at kasaysayang aspeto
11. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang subregions, ang
Mainland Southeast Asia at Insular Southeast Asia. Kung ikaw ay nakatira sa
Vietnam, sa anong subregion ka napapabilang?
A. Mainland Southeast Asia
B. Insular Southeast Asia
C. Inner Asia
D. Sentral Asia
12. Anong rehiyon sa Asya ang binansagang Farther India at Little China dahil sa
mga naging impluwensiya ng mga bansang ito sa kultura nito sa rehiyong ito?
A. Hilagang Asya
B. Timog Silangang Asya
C. Hilagang Asya
D. Timog Asya
3
13. Alin sa sumusunod na bansa ang kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Asya?
A. China
B. Kuwait
C. Uzbekistan
D. Thailand
14. Saang rehiyon napapabilang ang bansang Vietnam?
A. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya
C. Timog Asya
D. Timog-Silangang Asya
15. Alin sa sumusunod na bansa ang bumubuo sa rehiyon ng Timog Asya?
A. Oman, Yemen at Israel
B. China, Japan at Taiwan
C. Tajikistan, Azerbaijan at Georgia
D. Nepal, Bhutan at Afghanistan
Ilang puntos ang nakuha mo sa iyong unang pagtataya? Huwag kang
mag-alala dahil ang lahat ng mga katanungan na ito ay iyong masasagot kapag
natapos mo ang modyul para sa unang markahan. Halika na at simulan mo
na ang iyong paglalakbay!
4
Aralin
1
Katangiang Pisikal ng Asya
Kumusta ka? Ngayon ay magsisimula na ang iyong paglalakbay para
matutunan ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng Asya. Halika na at tayo ay
magsimula!
Balikan
Gawain: Saan kita matatagpuan?
Panuto: Tukuyin kung saang lugar matatagpuan ang sumusunod na magagandang
tanawin. Piliin ang iyong sagot sa kahon na nasa ibaba.
1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________
4.________________________________________________________________
Thailand
Philippines
Malaysia
Maldives
5
Ilan ang iyong nakuhang puntos sa gawaing ito? Marami ka bang natutunang
magagandang lugar na mula sa ating rehiyon? Ang lahat ng mga ito ay bahagi ng
pag-aaral ng heograpiya. Ngayon masasabi mo na kaya kung ano-ano ang mga dapat
pag-aralan sa heograpiya? Masasagot mo iyan sa mga susunod na gawain. Halika
na at mas higit na palalimin ang iyong kaalaman.
Tuklasin
Gawain: Pinoy Tuklasin Natin Ang Iyong Galing!
Panuto: Sa pamamagitan ng mga larawang nakikita sa kahon, punan ng tamang
sagot na may kaugnayan sa larawan.
Mga Larawang Kuha ni: Dandal, Pedro Jr. J.
A__Y__N__
__U__I__
Mga Larawang Kuha ni: Dandal, Pedro Jr. J.
L__K__S N__ Y__M__N
6
Larawang Kuha ni: Dandal, Pedro Jr.J.
A__Y__N__
L__P__
Mga Larawang Kuha nina: Dandal, Pedrol Jr. (Kaliwa) at Parangue, Emil (Kanan)
K__I__A A__ P__N__H__N
Ngayong natapos mo na ang gawain, maaari mo nang itala sa graphic
organizer ang mga salitang iyong nabuo mula sa gawain na may kaugnayan sa
saklaw ng pag-aaral ng heograpiya.
7
Gawain: Subukan mo akong buoin!
Sa gawaing ito ay susubukan mong makabuo ng isang salita sa pamamagitan
ng pag-aayos ng mga letra. Ang mga salitang iyong mabubuo ay may kaugnayan sa
konsepto ng Heograpiya. Handa ka na bang simulan ang gawain?
ISKLAIP
ATKINGANA
LAAAGPRA
DDIIGGA
OMUDN
Matapos mong mabuo ang mga salita na may kaugnayan sa heograpiya,
ngayon subukan mong makabuo ng kahulugan ng konsepto ng Heograpiya gamit
ang mga salitang iyong nabuo mula sa gawain 2.
Gawain: Dugtungan mo ako!
Ang heograpiya ay
Mahusay! Nalampasan mo ang iyong unang pagsubok. Mas higit nating
pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga susunod na gawain.
8
Suriin
Gawain 1: Basahin at Unawain
Basahin at unawain mo ang tekstong ito tungkol sa kinaroroonan, lokasyon,
at paghahating pangrehiyon ng Asya na makapagbibigay sa iyo ng impormasyon na
higit mong kakailanganin sa pagtamo ng kaalaman, upang matutunan ang konsepto
ng paghahating heograpiko ng Asya.
Ang Heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego – ang geo (daigdig)
at graphein (magsulat). Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng ibabaw o
balat ng lupa. Ang heograpiya ay maraming kinukuhang datos sa iba’t ibang
agham pisikal, bayolohikal, at sosyal. Ito ay nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o
distribusyon ng bawat pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa
isang pook. Sa pag-unawa sa simula ang mga yamang-lupa ay nakapagbigay sa
historyador ng mga kabatiran kung paano ginagamit ang mga ito.
Halaw mula sa PROJECT EASE II, pahina 2
ANG KONTINENTE NG ASYA
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa
pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng
lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude
(distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) at longitude (mga
distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian)
nito. Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at
timog na hemisphere nito, at ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree
longitude. Ang nasasakop ng Asya ay mula sa 10˚ Timog hanggang 90˚ Hilagang
latitude at mula sa 11˚ hanggang 175˚ Silangang longhitude.
Pinakamalaki ang Asya kung ihahambing sa ibang kontinente sa daigdig.
Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro
kuwadrado, halos katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North
America, South America, at Australia, at halos sangkapat (1/4) lamang nito ang
Europe. Tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng lupain ng daigdig ang kabuuang
sukat ng Asya.
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog
Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito
sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na
aspeto.
9
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia
(Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan,
Georgia, Armenia), Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang
Central Asia o inner Asia. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga
kontinenteng Africa, Asya, at Europe. Dito naka latag ang mga bansang arabo
(Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Israel, Cyprus, at Turkey.
Bahagi naman ng Timog Asya ang India; Mga bansang Muslim ng
Afghanistan, Pakistan, at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at
Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives. Ang Timog
Silangang Asya ay minsang binansagang Father India at Little China dahil sa mga
impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay
nahahati sa dalawang sub regions; ang mainland Southeast Asia (Myanmar,
Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas,
Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor). Ang Silangang Asya ay
binubuo ng China, Japan, North, Korea, at Taiwan.
Ph.D. Grace Estella C., et al., Asya: Pagusbong ng kabihasnan, Vibal Publishing House,
Quezon City, Philippines 2008. (pp. 3-9).
De Leon, Zenaida M., et al., ASYA: Tungo sa Pagunlad, Makabayan Serye, Vibal
Publishing House, Quezon City, Philippines 2003. (pp. 4-6).
Marami ka bang natutunan sa iyong binasa? Sa susunod na gawain ay
pagyayamanin mo ang iyong kaisipan sa mga kaalamang nakuha sa tekstong
iyong binasa.
Bilang karagdagan sa iyong impormasyon, makikita mo ang talahanayan sa ibaba
na nagpapakita ng kabuuang sukat ng mga kontinente sa daigdig. Ang impormasyon
ay hango sa Information Please Almanac sa http://www.factoid.com.
Kabuoang Sukat
Kontinente
( Kilometro Kuwadrado )
1. Asya
44, 486, 104
2. Africa
30, 269, 817
3. North America
24, 210,000
4. South America
17, 820, 852
5. Antarctica
13, 209, 060
6. Europa
10, 530, 789
7. Australia
7, 862, 336
Kabuuan
143, 389, 336
10
KALUPAANG SAKOP NG MGA KONTINENTE SA
MUNDO
5%
7%
31%
9%
12%
20%
Australia
Europe
Antarctica
16%
South America
North America
Africa
Asya
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa ating daigdig?
2. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya? Ano-ano ang rehiyong ito?
3. Paano hinati ang Asya sa iba’t ibang rehiyon? Ano-ano ang mga batayang
isinaalang-alang sa paghahating ito?
4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang Pilipinas sa kasalukuyan, sa anong
rehiyon ka napapabilang?
Sa iyong nabasang teksto ay natutunan mo ang paghahati ng Asya sa iba’t
ibang rehiyon at ang mga batayan nito. Higit nating pagyayamanin ang iyong
kaalaman sa mga bansang kabilang sa iba’t ibang rehiyon sa susunod na gawain.
11
Pagyamanin
Ang mga gawaing nakapaloob dito ay lilinang at hahasa sa iyong isipan.
Handa ka na ba?
Gawain: Punuan mo ako!
Isulat mo sa concept organizer ang mga konseptong pinag-aaralan sa
Heograpiya.
Ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay
_________________________________________________________________________________.
Sa bahaging ito ay higit mong pagyayamanin ang iyong kaisipan sa pagsusuri
at pagbabasa ng mapa. Susubukin natin ang iyong kaisipan sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga bansang napapaloob sa iba’t ibang rehiyon ng Asya. Handa ka na
ba?
12
Gawain: Mapa-Tingin!
Alam mo bang ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon. Ang
bawat rehiyon ay nagtataglay ng iba’t ibang katangiang pisikal na nagbubunsod sa
pagkakaroon ng iba’t ibang yamang taglay. Nais mo bang malaman ang mga bansang
bumubuo sa bawat rehiyon sa Asya? Sa pamamagitan ng pagtingin sa mapa at
pananda na nasa ibaba, maaari mong isulat sa ibabang bahagi ang mga bansang
napapaloob sa bawat rehiyon. Tara na at maglakbay!
Pananda:
Hilagang Asya
Timog Asya
Silangang Asya
Kanlurang Asya
13
Timog Silangang Asya
MGA BANSA SA HILAGANG ASYA
MGA BANSA SA SILANGANG ASYA
1.____________________________
1._____________________________
2.____________________________
2._____________________________
3.____________________________
3._____________________________
4.____________________________
4._____________________________
5.____________________________
5._____________________________
MGA BANSA SA TIMOG ASYA
MGA BANSA SA KANLURANG ASYA
1.____________________________
1._____________________________
2.____________________________
2._____________________________
3.____________________________
3._____________________________
4.____________________________
4._____________________________
5.____________________________
5._____________________________
MGA BANSA SA TIMOG SILANGANG ASYA
1.____________________________
2.____________________________
3.____________________________
4.____________________________
5.____________________________
Gawain: Kaya Ko To!
Panuto: Tukuyin mo kung saang rehiyon napapaloob ang sumusunod na bansa.
Isulat ang HA para sa Hilagang Asya, SA sa Silangang Asya, TSA sa Timog Silangang
Asya, KA sa Kanlurang Asya at TA para sa Timog Asya. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.
__________1. Kazakhstan
___________6. Maldives
__________2. India
___________7. Japan
__________3. Saudi Arabia
___________8. Thailand
__________4. Vietnam
___________9. Lebanon
__________5. China
___________10. Tajikistan
14
Gawain: Fact o Bluff
Suriin ang sumusunod na pangungusap kung ito ay TAMA o MALI tungkol sa
paghahating heograpikal ng Asya. Isulat ang FACT kung ang pahayag ay TAMA at
BLUFF kung ang pahayag ay MALI.
1. Ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon.
2. Ang Hilagang Asya, Timog Silangang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya at
Kanlurang Asya ang mga rehiyong bumubuo sa Asya.
3. Ang bansang Pilipinas, Thailand, Vietnam at Myanmar ay matatagpuan sa
rehiyon ng Silangang Asya.
4. Ang Timog Silangang Asya ay binansagang Farther India at Little China
dahil sa impluwensiya ng mga nasabing bansa sa rehiyong ito.
5. Ang Hilagang Asya ay kilala rin sa katawagang Central Asia o Inner Asia.
6. Isinaalang-alang sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya ang aspektong
pisikal, kultural at historikal.
7. Ang Insular Southeast Asia ay binubuo ng mga bansang Pilipinas,
Indonesia, Malaysia at Brunei.
8. Ang mga bansang Nepal, Bhutan, Maldives at Sri Lanka ay bahagi ng Timog
Asya.
9. Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang subregions: Ang
Mainland at Insular Southeast Asia.
10. Sa rehiyon ng Timog-Silangan napapabilang ang bansang Pilipinas.
Binabati kita dahil matagumpay mong nasagutan at naisagawa ang mga
gawaing inihanda para sa iyo. Malugod ang aking pagbati sa galing at husay
mo. Magpatuloy ka!
Isaisip
Gawain: Kaalaman mo ay Pagyamanin!
Panuto: Dugtungan mo ang pangungusap upang makabuo ka ng isang konsepto at
pahayag na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng Asya at sa paghahating
heograpiko nito.
Ang kontinente ng Asya ay nahahati sa 1._______________, Ito ay binubuo ng
mga
rehiyong
kinabibilangan
ng
2._______________,
3._______________,
4._______________, 5._______________, 6._______________. Isinaalang-alang sa
paghahati ng mga rehiyon ang aspektong 7._______________, 8._______________,
9._______________, 10._______________.
15
Nadagdagan ba ang iyong kaalaman? Ngayon ay higit mong natutunan na
ang Asya ay binubuo ng mga iba’t ibang rehiyon na kinapapalooban ng iba’t ibang
bansa. Nakakabilib ang iyong ipinakitang tiyaga at pagsusumikap sa pagsagot sa
gawain. Pagyayamanin natin ang iyong kaisipan ng mga kaalaman na
makatutulong sa pag-abot ng iyong tagumpay.
Isagawa
Gawain: Bayan Mo, Ilista Mo!
Panuto: Sa gawaing ito, ililista mo lamang ang mga Bayan na napapaloob sa iyong
lalawigan. Maaari mong ilista lahat ng Bayan. Ilagay ang iyong kasagutan sa iyong
Kuwadernong Pang Aktibiti. Halika at simulan mo na ang gawain.
‘MGA BAYAN SA LALAWIGAN NG _______’
1.
6.
2.
7.
3.
8.
4.
9.
5.
10.
Natutuwa ako sapagkat hindi lamang mga rehiyon at bansa sa Asya ang
iyong natutunan bagkus ikaw ay nagkaroon pa ng kamalayan sa mga lugar sa
munisipyong iyong kinabibilangan. Ipagpatuloy mo ang pagpapalalim ng iyong
kaalaman.
16
Gawain: Mapa-Sagot-Husay!
Panuto: Lagyan mo ng tamang bansa ang blankong mapa batay sa iyong napagaralan. Maaari mong gawing batayan ang mapa na nasa itaas. Pumili lamang ng
sampung (10) bansang sasagutan. Ilagay sa tabi ng bilang na nasa loob ng mapa ang
iyong sagot.
2
14
4
9
12
6
7
1
11
13
3
8
10
5
Napakahusay! Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga
gawain. Binabati kita sa iyong galing at husay sa pagsagot ng modyul. Taglay
mo na ngayon ang mga kaalaman na magagamit mo sa susunod na modyul na
iyong sasagutan.
17
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang itinuturing na pinakamalaking kontinente sa Daigdig?
A. South AmericaAsya
B. Europa
C. Asya
D. Africa
2. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya?
A. 6
B. 7
C. 4
D. 5
3. Alin sa sumusunod na bansa ang kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Asya?
A. United Arab Emirates
B. China
C. Myanmar
D. Azerbaijan
4. Alin sa sumusunod ang isinasaalang-alang sa paghahating heograpiko ng
rehiyon sa Asya?
A. Isinaalang-alang sa paghahating heograpiko ang porma ng anyong lupa
at anyong tubig sa lugar.
B. Isinasaalang-alang ang klima at panahon ng isang lugar.
C. Isinasaalang-alang ang aspektong historikal, kultural at heograpikal.
D. Isinasaalang-alang ang pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
pisikal.
5. Alin sa sumusunod ang mga bansang magkakasama sa iisang rehiyon?
A. Japan, China at South Korea
B. Syria, Madives at Thailand
C. Afghanistan, Taiwan at Brunei
D. North Korea, India at Indonesia
6. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga rehiyong bumubuo sa Asya?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Timog-Silangang Asya
D. Insular Southeast Asia
18
7. Anong rehiyong ang kilala rin sa katawagang Inner Asia o Central Asia?
A. Timog Asya
B. Silangang Asya
C. Hilagang Asya
D. Kanlurang Asya
8. Alin sa sumusunod ang pinagbatayan sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya?
A. Pisikal, Kultural at Historikal na aspekto.
B. Heograpikal na aspeto lamang.
C. Historikal at Kultural na aspeto
D. Pisikal at kasaysayang aspeto
9. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang subregions, ang
Mainland Southeast Asia at Insular Southeast Asia. Kung ikaw ay nakatira sa
Vietnam, sa anong subregion ka napapabilang?
A. Mainland Southeast Asia
B. Insular Southeast Asia
C. Inner Asia
D. Sentral Asia
10. Anong rehiyon sa Asya ang binansagang Farther India at Little China dahil sa
mga naging impluwensiya ng mga bansang ito sa kultura nito sa rehiyong ito?
A. Hilagang Asya
B. Timog Silangang Asya
C. Hilagang Asya
D. Timog Asya
11. Alin sa sumusunod na bansa ang kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Asya?
A. China
B. Kuwait
C. Uzbekistan
D. Thailand
12. Saang rehiyon napapabilang ang bansang Vietnam?
A. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya
C. Timog Asya
D. Timog-Silangang Asya
13. Alin sa sumusunod na bansa ang bumubuo sa rehiyon ng Timog Asya?
A. Oman, Yemen at Israel
B. China, Japan at Taiwan
C. Tajikistan, Azerbaijan at Georgia
D. Nepal, Bhutan at Afghanistan
14. Ang Timog-Silangang Asya ay nahati sa dalawang subregions, ang mainland
Southeast Asia at Insular Southeast Asia na binubuo ng mga kapuluang
nakalatag sa Karagatan. Kung ikaw ay titingin sa mapa, alin sa mga
sumusunod na bansa ang kabilang sa Insular Southeast Asia o
Pangkapuluang Timog -Silangang Asya?
A. Myanmar, Thailand, Vietnam, at Llaos
B. Pilipinas, Indonesia, Malaysia at Brunei
C. Singapore, Taiwan, China at Japan
D. Nepal, Bhutan, Afghanistan at Pakistan
19
15. Binubuo ng limang rehiyon na kinabibilangan ng Hilagang Asya, Timog
Silangang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya at Timog Silangang Asya. Kung
ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na bumuo ng mga rehiyon, anong mga
aspekto ang iyong isasaalang-alang sa paghahati ng bawat rehiyon?
A. Isasaalang-alang ko ang pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
pisikal.
B. Isasaalang-alang ko ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig sa
lugar.
C. Isasaalang-alang ko ang klima ng isang lugar.
D. Isasaalang-alang ko ang aspektong historikal, kultural, at heograpikal
Karagdagang Gawain
Panuto: Punan mo ng tamang kasagutan ang concept organizer. Ilagay mo ang mga
rehiyong bumubuo sa Asya. Gawin mo ito sa iyong Kuwadernong Pang Aktibiti.
1.
2.
5.
ASYA
3.
4.
20
Subukin
1. A
2. A
3. C
4. D
5. A
6. D
7. A
8. B
9. C
10.A
11.B
12.B
13.B
14.D
15.D
21
Subukin
Gawain: Saan kita
matatagpuan?
1.
2.
3.
4.
Maldives
Indonesia
Thailand
Philippines
Tuklasin
Gawain: Pinoy Tuklasin
natin ang iyong galing!
1. Anyong Tubig
2. Anyong Lupa
3. Likas na yaman
4. Klima at panahon
Gawain 2: Subukan mo
akong buuin
1. Pisikal
2. Katangian
3. Pag-aaral
4. Daigdig
Gawain: Dugtungan mo
ako!
Ang heograpiya ay pagaaral o paglalarawan sa
katangiang pisikal ng
daigdig.
Ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay ang anyong lupa, anyong tubig,
likas na yaman, klima at panahon, at interaksiyon ng tao at nang kanyang
kapaligiran.
Susi sa Pagwawasto
22
Isaisip
Gawain: Kaalaman mo ay Pagyamanin
1. Limang rehiyon
2. Hilagang Asya
3. Kanlurang asya
4. Timog-Asya
5. Kanlurang Asya
6. Timog-Silangang Asya
7. Pisikal
8. Heograpikal
9. Kultural
10. Historikal
Gawain: Fact o Bluff
1. Fact
6. Fact
2. Fact
7. Fact
3. Bluff
8. Fact
4. Fact
9. Fact
5. Fact
10. Fact
Gawain: Kaya ko to!
1. HA
6. TA
2. TA
7. SA
3. KA
8. TSA
4. TSA
9. KA
5. SA
10. HA
Paalala: Sa bahaging ito ay maaaring magdagdag ang guro bansang kabilang
sa bawat rehiyon.
Gawain: Mapa-Tingin
23
Tayahin
1.
2.
3.
4.
5.
C
D
A
C
A
6. D
7. C
8. C
9. A
10. B
11.
12.
13.
14.
15.
B
D
D
B
D
Gawain: Mapa-Sagot-Husay
19. Bangladesh
10. Oman
27. North Korea
18. Bhutan
9. United Arab Emirates
26. South Korea
17. Mongolia
8. Iran
16. China
7. Iraq
24. Vietnam
15. Nepal
6. Saudi Arabia
23. Vietnam
14. Sri Lanka
5. Jordan
13. India
4. Syria
21. Thailand
12. Pakistan
2. Kazakhstan
20. Myanmar
11. Afghanistan
1. Russia
22. Cambodial
25. Pilipinas
28. Japan
Paalala: Ang mag-aaral ay maaari lamang pumili ng sampung bilang na nais
niyang bigyan ng kasagutan.
Isagawa
Gawain: Bayan mo, Ilista mo!
Ang sagot sa gawaing ito ay nakadepende sa Lalawigang kinabibilangan
ng mag-aaral. Maaaring isulat ng mag-aaral ang lahat ng Bayan at hindi lamang
limitado sa sampu.
Halimbawa ng mga Bayan sa lalawigan ng Palawan.
15. Rizal
10. Quezon
5. El Nido
14. Magsaysay
9. Brookes Point
4. Taytay
13. Linapacan
8. Balabac
3. Roxas
12. Dumaran
7. San Vicente
2. Narra
6. Cuyo
1. Aborlan
11. Coron
Sanggunian
A. Aklat
Blando, Rosemarie. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng Magaaral), ph.16-17.
B. Modyul
Project EASE-Araling Panlipunan II Modyul 1-Heograpiya ng Asya-pahina 2
C. Larawan
Anyong Tubig, Larawang Kuha ni Pedro J. Dandal Jr., Pahina 5
Likas Yaman, Larawang Kuha ni Pedro J. Dandal Jr., Pahina 6
Anyong Lupa, Larawang Kuha ni Pedro J. Dandal Jr., Pahina 6
Klima at Panahon, Larawang Kuha ni Pedro J. Dandal Jr., Pahina 7
24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Download