Pangalan:____________________________ Petsa:_________________ Baitang at Pangkat:_____________________ Marka:________________ PANGWAKAS NA PAGTATAYA SA ARALING PANLIPUNAN 7 IKAAPAT NA MARKAHAN Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at bilugan ang titik ng tamang kasagutan. 1. Ang mga sumusunod ay ang mga pangyayaring nagbigay daan sa unang yugto ng imperyalismong Kanluranin sa Asya, maliban sa isa: a. Krusada b. Merkantilismo c. Paglalakbay ni Marco Polo d. Industriyalisasyon 2. Maliban sa bansang Spain, ang bansang ito ay naghangad din na manggalugad at magkaroon ng Kolonya sa Asya. a. Portugal b. Netherlands c. France d. Germany 3. Ang bansang ito ay matatagpuan sa Silangang Asya na nasakop ng bansang Portugal, partikular ang daungan ng Macao. a. Pilipinas b. Indonesia c. China d. Japan 4. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nasakop ng mga Europeo partikular ng bansang Spain na pinamunuan ni _______________. a. Ferdinand Magellan b. Vasco De Gama c. Marco Polo d. Johannes Van Den Bosch 5. Ito ang relihiyon na pinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas. a. Hinduismo b. Kristiyanismo c. Buddismo d. Islam 6. Bakit hindi nasakop ng mga Espanyol ang kapuluan ng Mindanao sa Pilipinas? a. Dahil maraming terorista sa lugar na ito. b. Dahil malayo ang lugar na ito kaya nahirapan ang mga Espanyol na marating ito. c. Dahil ito ay pinaghaharian ng mga matatapang na datu at naghahari ang relihiyong Islam sa lugar na ito. d. Lahat ng nabanggit. 7. Ang mga sumusunod ay patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas, alin ang hindi kabilang? Tributo a. Monopolyo b. Polo Y Servicio c. Extraterritoriality 8. Ano ang maaaring maging epekto ng mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa mga Pilipino? a. Maraming katutubong Pilipino ang maghihirap at mawawalan ng hanapbuhay. b. Ang mga Pilipino ay lubhang maabuso dahil hindi pabor ang mga patakarang ito sakanila. c. Magiging masaya ang mga Pilipino dahil sila rin ang makikinabang sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol. d. A at B. 9. Sa ilalim ng patakarang ito, sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16-60. a. Tributo b. Monopolyo c. Polo Y Servicio d. Open Door Policy 10. Sa pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas, ginawa nilang sentralisado ang pamahalaan kung saan ang may pinakamataas na posisyon ay kinilala sa tawag na _______________. a. Gobernador Heneral b. Alcalde Mayor c. Gobernadorcilloo d. Cabezza De Barangay 11. Ang mga sumusunod ay ang mga bansang Europeo na sumakop sa Indonesia, alin ang hindi kabilang? a. Japan b. Portugal c. Netherlands d. England 12. Ito ay ang lugar sa Indonesia na kung saan matatagpuan ang mga iba’t ibang pampalasa katulad ng cloves, nutmeg at mace. Kilala din ito sa tawag na “SPICE ISLAND” a. Jakarta b. Singapore c. Moluccas d. Shanghai 13. Ito ay isang paraan ng pananakop na ginawa ng mga Dutch sa Indonesia kung saan pinag-aaway ang mga lokal na pinuno ng isang lugar/ bansa. a. Spheres of Influence b. Open Door Policy c. Sanduguan d. Divide and Rule Policy 14. Ito ay ang kumpanya na itinatag ng pamahalaan ng Netherlands sa Indonesia upang pag-isahin ang mga kumpanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya. a. Dutch East India Company b. French East India Company c. English East India Company d. British East India Company 15. Ano ang naging dahilan ng mga Dutch sa pananakop sa bansang Indonesia? a. Mayaman sa pampalasa b. Ito ay mainam na sentro ng kalakalan c. May maayos na daungan d. Lahat ng nabanggit 16. Ang patakarang _____________ ay ipinatupad ng bansang China kung saan hinihiwalay niya ang kanyang bansa mula sa daigdig dahil sa mataas na pagtingin niya sa kanyang kultura. a. Kowtow b. Isolationism c. Extraterritoriality d. Sphere of Influence 17. Ito ay isang halamang gamot na kapag inabuso ay may masamang epekto sa kalusugan. a. Marijuana b. Opyo c. Oregano d. Nutmeg 18. Anu-anong bansa ang nasangkot sa Digmaang Opyo? a. China-Japan-England b. France-England-Indonesia c. England-Malaysia-Pilipinas d. China-England-France 19. Sa pagkatalo ng China sa Unang Digmaang Opyo, nilagdaan nila ang kasunduang Nanking o Nanjing, alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kasunduang ito? a. Binuksan ang daungan sa Foochow, Amoy, Ningpo at Shanghai b. Pag-angkin ng England sa Kowloon c. Pagbabayad ng China ng 21 Milyong dolyar bilang bayad pinsala d. Ginawang legal ang pagbebenta ng opyo sa pamilihan ng China. 20. Ano ang maaaring maging epekto ng Sphere of Influence sa China? a. Mas magiging maunlad ang China b. Mas makikilala ng mga Europeo ang mga iba pang produkto mula sa China c. Tuluyang makakapasol ang mga Kanluranin sa China at mawawalan ng control ang mga Tsino sa kanilang bansa d. Magkakaroon ng pagkakataon ang mga Tsino na makapunta sa Europa 21. Nakilala ang Malaysia sa pagkakaroon ng malawak na plantasyon ng goma at may malaking reserba ng lata o tin. Tinawag din itong Melting Pot dahil? a. May malaking pagawaan ng paso sa Malaysia b. Lubhang napakainit ng temperature sa Malaysia c. Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng iba’t ibang pangkat-etniko d. Lahat ng nabanggit 22. Anu-ano ang mga bansang bumubuo sa Indo-China? a. India-China-Malaysia b. Laos-Cambodia-Vietnam c. Cambodia-India-China d. Vietnam-China-Laos 23. Upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng Japan at Amerika, nilagdaang nila ang Kasunduang Kanagawa kung saan bubuksan ang daungan ng ___________ at __________ para sa mga barko ng Amerika. a. Hakodate at Shimoda b. Guangzhou at Foochow c. Ningpo at Shanghai d. Amboina at Tidore 24. Ano ang naging resulta ng Culture System na iminungkahi ni Johannes Van Den Bosch sa bansang Indonesia? a. Nagkakaroon ng pagkakataong umunlad ang buhay ng mga Indones b. Nakatulong ito upang makapag-luwas ng maraming produkto ang mga Indones c. Lubos na naghirap ang mga Indones dahil sa hindi na sila makapagtanim ng mga produkto para sa kanilang sariling pangangailangan. d. Wala sa nabanggit. 25. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa bunga ng pagkatalo ng Burma(Myanmar) sa Digmaang Anglo-Burmese? a. Ipinatupad ang Resident System b. Nawalan ng karapatan ang mga Burmese na dumaan sa mga rutang pangkalakalan na dati ay kanilang pagmamay-ari c. Ganap na sinakop ng England ang buong Burma at isinama ito bilang lalawigan ng India. d. Lahat ng nabanggit. 26. Ipinakita ng mga Tsino ang damdaming makabayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga rebelyon laban sa mga Kanluranin. Ang Rebelyong ito ay naglalayon na tuligsain ang korupsyon sa pamahalaan at patalsikin ang lahat ng mga dayuhan sa China. a. Rebelyong Sepoy b. Rebelyong Taiping c. Rebelyong Boxer d. Rebelyong Saya San 27. Tinawag na Rebelyong Boxer ang isa sa mga rebelyon sa China dahil? a. Pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu. b. Dahil mahilig manuod ng boxing ang mga miyembro ng samahang ito. c. Dahil miyembro ng samahang Righteous and Harmonious Fists ma may kasanayan sa Gymnastics exercise. d. Lahat ng nabanggit 28. Anong dalawang ideolohiya ang lumaganap sa China? a. Demokrasya at Komunismo b. Demokrasya at Fasismo c. Komunismo at Diktaturya d. Fasismo at Komunismo 29. Sino ang nagpasimula ng ideolohiyang Komunismo sa China? a. Sun Yat Sen b. Mao Zedong c. Chiang Kai Shek d. Emperador Henry Puyi 30. Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga Kanluranin sa bisa ng Kasunduang Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si __________________. a. Sun Yat Sen b. Mao Zedong c. Emperador Mutsuhito d. Emperador Henry Puyi 31. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga samahang makabayan na nabuo sa Indonesia? a. Budi Utomo b. Sarekat Islam c. KKK d. Indonesian Nationalist Party 32. Ano ang layunin ng makabayang samahan na Sarekat Islam? a. Isulong ang kabuhayan ng mga Indones at bigyang diin ang politikal na kalagayan ng Indonesia. b. Maipakilala sa daigdig ang mayamang kultura ng Java at karapatan sa edukasyon. c. Paglaban sa mga mapaniiil na patakaran ng mga Dutch. d. Naghangan ng kalayaan mula sa mga Dutch. 33. Ang samahang ito ay nabuo sa Myanmar kung saan tinatawag na thankin o master angmga miyembro nito. Ipinakita nila ang pakikibaka sa pamamagitan ng rally at demonstrasyon. a. Anti-Facist People’s Freedom League b. All Burma Students Union c. Rebelyong Saya San d. Budi Utomo 34. Ano ang tawag sa mga mayayamang Pilipino, mestisong Tsino at Espanyol noong ika-19 na siglo? a. Middle Class b. Ilustrado c. Untouchable d. Katipunero 35. Paano ipinamalas ng mga Pilipino ang damdaming Nasyonalismo laban sa mga Espanyol? a. Sila ay nagtatag ng mga Kilusan na naglalayong patalsikin ang mga dayuhan b. Isiniwalat ang mga ginawang pang-aabuso ng mga Espanyol sa pamamagitan ng mapayapang paraan. c. Nagkaroon ng pagkakaisa na kalabanin ang mga dayuhan upang matigil ang mga mapang abusing patakaran d. Lahat ng nabanggit 36. Ano ang naging resulta ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas sa loob ng 333 taon? a. Maraming Pilipino ang naghirap dahil sa hindi makatarungang patakarang ipinalaganap ng mga Espanyol. b. Nabago ang kultura ng mga Pilipino dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. c. Nawalan ng karapatan at kalayaan ang mga Pilipino na pamunuan ang kanilang sariling bansa at naging sunud-sunuran sila sa ilalim ng mga Espanyol. d. Lahat ng nabanggit 37. Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno at pinasimulan niya ang pamahalaang _____________. a. Absolute Monarchy b. Komunismo c. Guided Democracy d. Constitutional Monarchy 38. Ano ang tawag sa mga Komunistang Sundalo sa China sa ilalim ng pamamahala ni Mao Zedong? a. Sepoy b. Ilustrado c. Red Army d. Samurai 39. Ano ang tawag sa partidong pinamunuan ni Chiang Kai Shek? a. Kunchantang b. Kuomintang c. Warlords d. Double Ten 40. Siya ay kinilala bilang “Ama ng Republikang Tsino”. a. Chiang Kai Shek b. Mao Zedong c. Saya San d. Sun Yat Sen 41. Paano hinarap ng mga Hapones ang mga Kanluraning mananakop? a. Sila ay nakipagkaibigan sa mga Kanluranin sa pamamagitan ng Sanduguan b. Sila ay naglunsad ng mga rebelyon upang mapatalsik ang mga Kanluranin c. Tinanggap nila ang modernisasyong dala ng mga Kanluranin sa paniniwalang makakatulong ito sa pag-unlad ng Japan. d. Sila ay nagpaaalipin na lamang sa mga Kanluranin upang hindi na sila pahirapan ng mga ito. 42. Magkatulad ba ang naging tugon ng bansang Japan at Pilipinas sa pagharap sa mga Kanluranin? a. Oo, sila ay parehong naglunsad ng mga rebelyon upang mapatalsik ang pwersa ng mga Kanluranin. b. Oo, dahil pareho silang gumamit ng dahas sa pakikipaglaban nila sa mga Kanluranin. c. Hindi, dahil ang Japan ay gumamit ng dahas samantalang ang Pilipinas ay gumamit ng mapayapang pamamaraan. d. Hindi, dahil tinanggap ng Japan ang modernisasyong dala ng mga Kanluranin samantalang ang Pilipinas ay gumamit ng mga rebolusyon upang mapatalsik ang mga mananakop. 43. Siya ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. a. Emilio Aguinaldo b. Juan Luna c. Andres Bonifacio d. Apolinario Mabini 44. Ano ang tawag sa Kasunduang nilagdaan ng Espanya at Amerika kung saan inilipat ng Espanya ang kanyang pamamahala sa Amerika? a. Kasunduang Yandabo b. Kasunduan sa Paris c. Kasunduang Kanagawa d. Kasunduang Nanking 45. Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan minamana ang karapatan sa pamumuno. a. Absolute Monarchy b. One Party Government c. Militar d. Demokrasya 46. Sa pamahalaang ito, taglay ng sambayanan o mamamayan ang kapangyarihan upang pumili ng lider na kanilang itatalaga sa kanilang bansa. a. Monarkiya b. One Party Government c. Militar d. Demokrasya 47. Ang pamahalaang ito ay may nag iisang partidong politikal na may kapangyarihan na bubuo sa pamahalaan. a. Monarkiya b. One Party Government c. Militar d. Demokrasya 48. Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng isang pangkat ng matataas na opisyal ng hukbong sandatahan. a. Monarkiya b. One Party Government c. Militar d. Demokrasya 49. Sa pamahalaang ito, may takda o limitasyon ang kapangyarihan ng pinuno na nakabatay sa isang Saligang Batas. a. Constitutional Monarchy b. Militar c. One Party Government d. Demokrasya 50. Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo maipapakita sa simpleng pamamaraan ang iyong pagmamahal sa bayan? a. Punitin o sunugin ang aklat na pinahiram ng pamahalaan. b. Magtapon ng basura kung saan-saan. c. Tangkilikin ang produkto ng mga dayuhan dahil mas maganda ang kalidad ng mga ito. d. Mag attend ng Flag Ceremony at isapuso ang pag-awit sa Lupang Hinirang.