Uploaded by Julianne Jane Diongson

wika kasaysayan

advertisement
Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging
opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang
Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na tatawaging Filipino

Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt
Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong
Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong
wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang
pambansa ng Pilipinas.
Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang
Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang
pambansa sa isang wikang katutubo.”
Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C.
de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang
isang maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipatlipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang,
nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa
Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging
College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na
Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago
napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa
isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.
Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng
Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng
Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito
roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang
noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio
del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI
sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.
Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga
Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong
Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa
ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang
Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga
wika ng Pilipinas.
Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng
pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa
iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek.
14-g).
Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng
Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng
Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila.
Mga Naging Direktor/Tagapangulo Surian ng Wikang Pambansa, Linangan ng
mga Wika sa Pilipinas at Komisyon sa Wikang Filipino
RICARDO MA. DURAN NOLASCO(2006-Kasalukuyan).
Guro, iskolar at linggwista. Nakatuon sa ang komitment sa multilinggwal na adhikain. Ang katwiran nito ay
ibinatay sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Ang kasalukuyang
administrasyon ng KWF ay naniniwala sa napakalaking bentahe ng pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na
170ng wika sa halip na isang disbentahe. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang
mamamayan sa daigdig ay hindi lang iisa ang alam na wika. Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga
wikang ginagamit ng mga Pilipino – ang katutubong wika para sa literasiya at edukasyon ng mga
mamamayan, etnikong pangangailangan at pang-araw-araw na gamit; ang wikang pambansa para sa
pambansang kamalayan, pagkakaunawaan, pakikipag-ugnayan at pagkakakilanlan; at ang mga wikang
pang-ibayong dagat na tutugon sa pangangailangan ng wika ng malawak na komunikasyon (language of
wider communication) at wika ng ugnayang pang-internasyonal.
Kaugnay ng bagong bisyon ng KWF, nagkaroon ito ng mga bagong programa at proyekto, tulad ng mga
sumusunod: pinalalakas nito ang mga programa sa leksikograpiya; programa sa balarila ng Pilipinas;
programa sa ponolohiya, ponetika at ortograpiya; pambansang programa sa pagsasalin; proyekto sa sa
pagmamapa ng mga wika sa Pilipinas; proyekto sa bibliograpiya ng mga wika sa Pilipinas; programa para sa
endangered languages; corpus ng mga wika sa Pilipinas. Sinisikap ng KWF na itayo ang Library at Archives
of Philippine languages; napataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga
seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda
ang website; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga
research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang
pang-IT at pampananaliksik, at higit sa lahat sinisikap na magkaroon ng sarili tahanan at gusali ng wika.
NITA P. BUENAOBRA (1999-2006)
Guro at manunulat. Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga proyekto ng mga Panrehiyong Sentro sa
Wikang Filipino (PSWF) sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na nakabase sa isang pang-estadong
unibersidad o kolehiyo. Binigyang pagpapahalaga at pansin ang mga rehiyunal na wika sa pamamagitan ng
paghanda/pagbuo ng mga diksyunaryong traylinggwal.
PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999).
Manunulat, guro, linggwista at abogada. Tatlong rebolusyonaryong pagbabago ang ibinunsod ng SWP sa
kanyang pangunguna: ang Edukasyong Bilinggwal noong 1974, ang wikang Filipino na ang nucleus ay
Pilipino (na unang inlunsad noong 1983 at naging batayan ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng 1986)
at ang Alpabetong Filipino na pinagtibay noong 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang
Filipino sa buong kapuluan.
JOSE VILLA PANGANIBAN (1955-1970) (1946-1947)
Makata, lexicographer at linggwista. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng wika. Nagdaos ng mga
pasanayan sa korespondensya opisyal sa buong bansa. Binalikat ang pagsasalin at pananaliksik. Bunga nito
ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma, pasaporte, atb. Nailathala angEnglish-Tagalog
Dictionary na sinimulan sa panahon ng panunungkulan ni Cirio H. Panganiban, at sinimulan ang talasalitaan
ng walong pangunahing wika sa Pilipinas. Noong 1959, ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog ay
tinawag na Pilipino.
CECILIO LOPEZ (1954-1955)
Iskolar at linggwista. Binigyang-diin ang linggwistika at pinasigla ang makabagong linggwistikong pag-aaral
sa wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas.
CIRIO H. PANGANIBAN (1948-1954)
Manunulat, makata, mandudula, abogado. lpinagpatuloy ang diksyunaryong pinasimulan ng kanyang
sinundan. Pinasimulan ang paghahanda ng mga ispesyalisadong talasalitaan, tulad ng Legal Terms,
Arithmetical and GeometrIcal Terms at iba pa. Binuong muli ang Lupong Sanggunian ng SWP.
JULIAN CRUZ BALMACEDA (1947-1948)
Mandudula, makata, nobelista. Nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan ang paggawa ng
Diksiyunaryong Tagalog.
LOPE K. SANTOS (1941-1946)
Makata, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko. Pinasigla ang pagsusulat sa
wikang pambansa. Nagdaos ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang
pambansa sa UP, PNU at iba pa. Ang mga dokumento at palatastasan ng pamahalaan ay
isinalin at ang opisyal na Gazatte ay inilathala sa wikang pambansa.
JAIME C. DE VEYRA (1937-1941)
Unang direktor at "tagapagtatag ng wikang pambansa." Sa panahon ng kanyang
panunungkulan, pinag-aralan ang mga wika sa PIlipinas upang piliin ang isa sa mga ito na
magiging batayan ng wikang pambansa. Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at
bokabularyo ng nasabing wika na inilathala noong 1940.
Ebolusyon ng Wikang Pambansa

Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang
magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito
dalawang taon matapos itong mapagtibay.

Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na
ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang
wikang opisyal.

Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin
nang Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang
Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng
1987 na nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi
pinaghalu-halong sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may
nukleyus, ang Pilipino o Tagalog.
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang ating
mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig.
Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang
Abakada, na may 20 titik:
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y
Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na
binubuo ng 31 letra:
a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v z
Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong Filipino at
mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago,
pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryengmga simposyum at
sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar
ng wika, nabuo ang sumusunodna Alpabetong Filipino, na may 28 letra:
a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z
Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang
patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa
Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa
pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa
Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j,
ñ, q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng walong dagdag na
letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti
nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwang
salita.
Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga guro,
estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa ispeling. Kaugnay
nito, noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa kahilingan ng KWF ay
nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng
“2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.
Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na
binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sa
wika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007 hanggang
2007. ang pinal na bersyon ng patnubay ay ipalalabas ng KWF bago matapos ang 2007.
Download