Name of Teacher: Cyril C. Gomez Observer: Edna A. Pepito Subject: Araling Panlipunan 5 Grade: V Date: June 20, 2022 Time: 40 minuto Banghay Aralin I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging ginampanan ng kolonyalismong Espanyol at pandaigdigang koteksto ng reporma sa pag-usbong ng kamalayang pambansa attungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon B. Pamantayang sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga makabayang Pilipino sa gitna ng kolonyalismong Espanyol at sa mahalagang papel na ginagampanan nito sa pag- usbong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Isulat ang code ng bawat kasanayan II. NILALAMAN Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pagusbong ng nasyonalismong Pilipino Mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalistang Pilipino KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro AP5 Q4 Modyul 1, Weekly Home Learning and Assessment Sheet Week 1-2 AP5 Q4 Modyul 1 2. Mga Kagamitan Laptop, graphic organizer, WHoLaA sheet, meta cards B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation III. PAMAMARAAN ALAMIN NATIN 1. Nakagawiang mga Gawain a. Panalangin b. Checking of Attendance c. Classroom Rules/ Etiquette d. Pagpapakita ng Class progress monitoring chart A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin 2. Balik-Aral Kumpletuhin ang talahanayan sa tangkang pananakop ng mga katutubong pangkat ayon sa hinihingi nito. (Sagot Ko, Emoticon Ko!) Anotasyon: Sa pamamagitan ng gawaing ito, natutunan ng bata ang makilahok at maging aktibo sa mga gawain. Nalilinang din ng bawat bata ang kamalayang sa globall trend (global awareness) tungkol sa kung ano ba ang emoticon at paano ito nagagamit at pinapahayag. Ang mga layunin ng ating aralin ay ang: Naiisa-isa B. Paghahabi sa layunin ng ang mga salik na nagbibigay daan sa pag-usbong ng aralin Nasyonalismong Pilipino. Alam mo ba na may mga salik o pangyayari na naging daan ng Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino na humantong sa unang pag-aalsa laban sa mga Espanyol? (Paglalahad ng tuklasin gamit ang Powerpoint Presentation) C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Annotation: Sa paglalahad na ito, nalilinang ang aralin kaalaman ng bawat mag-aaral tungkol sa gamit ng teknolohiya sa pag-aaral gamit ang multi-media. Nabibigyang pansin din ang mga visual learners sa pamamagitan ng paggamit ng PPT. Pangkatang Gawain: Sagutin ang tanong. Paano naging daan sa pag-usbong sa kamalayang nasyonalismo ang mga salik o pangyayari sa loob ng bansa na inilahad sa talahanayan na makikita sa screen. (Ito ang Hashtag Namin!) (Gallery Walk) D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Annotation: Ito ay isang pangkatang gawain kung saan hinahati ang klase sa apat na pangkat. Gamit ang mga meta cards, sasagutin ng bawat pangkat ang tanong na naka flash sa screen (brainstorming). Matapos sagutan ang mga tanong, gagawan ng hashtag (#) ang bawat metacard batay sa nagawang sagot. Sa gawaing ito, makikita ang kawilihan ng mga bata sa paglalagay ng hashtag ng kanilang pangkat. Sa pamamagitan ng gawaing ito, nabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makibahagi at malinang ang kanyang kaalaman, reading skills at social skills. Pangkatang Gawain: Isa- isahin ang salik o pangyayari sa loob ng bansa na nagbigay daan upang mapukaw ang inyong damdaming nasyonalismo. (Ambagan Na!) (Gawain, p.4, AP5 Q4 Modyul 1) E. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment) Annotation: Hinahati sa gawaing ito ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng Manila paper at meta cards. Isusulat sa meta cards ang sagot sa tanong na naka flash sa screen. Pagkatapos, ihahanay at ididikit sa manila paper ang mga sagot. Ilalagay sa designated area ang kanilang output. Sa pamamagitan ng collaborative activity na ito, nasasanay ang mga bata sa mga pangkatang gawain at nabibigyan ng oportunidad ang bawat kasapi na maging produktibong mag-aaral. Sa pamamagitan ng gawaing ito, nabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makibahagi at malinang ang kanyang kaalaman, reading skills at social skills. Pang-isahang Gawain: Sa mga salik na nabanggit, alin kaya ang matuturing natin na hawig sa nararanasan nating suliranin sa pandemya? Gawing patnubay ang sumusunod na formularyo: Buuin Mo Ako! Ang salik na maaaring hawig sa nararanasan nating suliranin sa panahon ng pandemya ay ang __________________________________________ dahil sa ___________________________________. F. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay Annotation: Gamit ang formularyong nabanggit, inaaasahang huhugutin ng bawat mag-aaral ang kanilang karanasan sa panahon ng pandemya na maaaring may hawig sa nararanasang suliranin ng mga Pilipino sa panahon ng Kolonyalismong Espanyol. Base sa ginawang gawain, nalalaman ko na halos lahat ay dumadaing sa hirap sa transportasyon, bilihin, paggalaw ng kanilang mga magulang at kaanak mula sa kanilang mga bahay tungo sa kanilang mga bukirin. Sa pamamagitan ng gawaing ito, nahahasa ang kakayahan ng bawat isa na makibahagi at malinang ang kanyang kaalaman, reading skills at social skills. Pang-isahang Gawain: Isa- isahin ang salik o pangyayari sa loob ng bansa na nagbigay daan upang mapukaw ang damdaming nasyonalismo. (Data Retrieval Chart) G. Paglalahat ng Aralin Annotation: Gamit ang Data Retrieval Chart, nalalaman ng guro ang lawak ng natutunan ng bawat bata patungkol sa araling naibigay. H. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod. Piliin ang pinakatamang sagot mula sa pagpipilian na tumutugon sa tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. 1. Ito ay ang mga salik at pangyayari sa loob ng bansa sa panahon ng Spanyol na nagbibigay daan sa kamalayang Nasyonalismo maliban sa isa. Alin dito? A. Pag-aalsa ni Pule B. Pagtutol sa Monopolyo ng Tabako C. Pag-aalsang Agraryo D. Pag-aalsa ni Honasan 2. Epekto ito ng Monopolyo ng Tabako na ikinagalit ng mga Pilipino. A. yumaman ang mga Spanyol B. nagpahirap sa buhay ng mga Pilipino C. yumaman ang mga Pilipino D. lumaganap ang kakulangan ng tabako 3. Alin sa sumusunod ang mabuting idinulot ng digmaang Ingles at Spanyol? A. pumasok ang kulturang Ingles B. nagkaroon ng mga bagong armas C. Sinakop ang Pilipinas ng mga Ingles D. Namulat ang mga Pilipino na maaring talunin ang Espanyol sa laban 4. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagkabigo ng mga unang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol maliban sa isa. Alin dito? A. topograpiya ng Pilipinas B. kakulangan sa pagkakaisa C. kakulangan sa pundo D. kakulangan sa kaalaman sa pakikidigma 5. Tinutukoy nito ang mga lupa, teritoryo, at likas kayamanan at pagmamay-ari ng mga katutubo na naging dahilan ng pag-aalsang agraryo noong 1745. A. eminent domain B. ancestral domain C. terretorial domain D. foreign domain 6. Ito ay ang mga dahilan ng pag- aalsa ng mga Pilipino maliban sa isa. Alin dito? A. sapilitang paggawa B. representasyon sa Cortes ng Spanya C. mataas na buwis D. mulupit na pamamalakad ng mga prayle 7. Alin sa mga sumusunod na probinsiya ang matagumpay na napaalis ni Diego Silang ang mga Espanyol. A. Ilocos C. Isabela B. La Union D. Nueva Ecija 8. Nakapatanyag ang pakikipaglaban na panrelihiyon ni Hermano Pule subalit siya ay nadakip at nakulong. Anong uring hatol ang ipinataw sa kanya? A. Firing Squad C. Garote B. bitay D. Silya Elektrika 9. May kinalaman ito sa kamalayang Nasyolismo sa panahon ng Espanyol. A. Edsa Revolution B. Zamboanga Siege C. pag-aalsa ni Hermano Pule D. Arawi Siege 10. Sino ang namumuno sa pinakamahabang pagaalsa sa panahon ng pananakop ng Espanyol? A. Francisco Dagohoy B. Diego Silang C. Hermano Pule D. Andres Malong Annotation: Sa pagtatayang ito, nailahad ang MPS na 86%. Makikitang mayroong 14% sa mga bata ang kabilang sa pangkat na kinakailangan ng Remediation at Intervention. I. Takdang Aralin Gawin ang Karagdagang Gawain na makikita sa p.6 ng AP5 Q4 Modyul 1 at gawing patnubay ang rubrik sa pagmamarka. Annotation: This lesson utilizes a district-initiated Weekly Home Learning and Assessment Pack (WHoLaA Pack) for Araling Panlipunan approved for used for School Year 2020-2021 by the Schools Division Superintendent of Zamboanga del Sur, Region IX. This innovation is a product of hard work by the different Araling Panlipunan teachers of our district, Molave West, initiated and organized by me. The aim of the WHoLaA Pack to enable the learners meet the Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan vis-à-vis blended learning amid the pandemic. As an innovation, it is planned to lessen the time for teachers to prepare supplementary learning and assessment materials through a collaborative effort in the production of a WHoLaA pack which will be given on a bi-weekly basis. The use of a Weekly Home Learning and Assessment Pack can be considered a novel approach to adopting a new avenue to the learning context vis-à-vis the innovative use of varied learning materials in line with the Department of Education’s call that “No Child Is Left Behind”. As a corollary, a parallel district Action Research entitled “Assessing the Effectiveness of Weekly Home Learning and Assessment Pack (WHoLaA Pack) on the Academic Performance of Key Stage 2 Araling Panlipunan Learners” was submitted, approved and presented. The results of the study reflected numerical dominance of the pupil’s MPS after utilizing WHoLaA compared to the MPS of the learners before its utilization, implying the effectiveness of the WHoLaA. Inihanda ni: CYRIL C. GOMEZ Tagapakitang-Turo Sinuri ni: EDNA A. PEPITO, EdD Head Teacher III