Uploaded by Stan Asahi Robot

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LAS QUARTER 1

advertisement
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LEARNING ACTIVITY SHEET QUARTER 1 WEEK 1
Name: ___________________________________
Grade:____________
I. Mga Gawain
Gawain 1: PASULAT NA GAWAIN
A. 1. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Punan ng  ang linya sa bawat bilang
kung ang sitwasyon ay nagpapakita nang mapanuring pag-iisip o pagdedesisyon. Ilagay
naman  ang kung ito ay hindi.
_______ 1. Nagbilin ang iyong ina na pagkatapos ng iyong klase ay agad kang uuwi upang
matulungan mo siya sa gawaing bahay dahil may dinaramdam ito. Iyo namang isinaisip ang
kanyang bilin at sinunod ito.
_______ 2. Nagkaroon ng pagtatalo ang iyong mga nakababatang kapatid at ikaw lamang ang
kanilang kasama bilang nakatatanda. Iyong pinakinggan ang panig ng bawat isa at
nagdesisyon ka na pagbatiin sila.
________ 3. Sa darating na pasukan ikaw ay maggragrade 7 na. Kinausap ka ng iyong nanay
at tatay at pinahihinto ka muna sap ag-aaral dahil sa kahirapan at kawalan nila ng trabaho
dulot ng pandemyang COVID 19. Ikaw ay pumayag at nagdesisyong tutulong ka muna sa
inyong bukid upang makapag-ipon ng pera para sa susunod na taon ay makapagpatuloy
kana sa iyong pag-aaral.
_________ 4. Nalalapit na ang iyong ika labing walong kaarawan at dahil sa kasalukuyang
panahon na maraming nagugutom at nawalan ng trabaho, minabuti ng iyong mga magulang
na magsasagawa ng isang “community pantry” kesa maghanda ng magarbo ngunit hindi
ka sumang-ayon.
__________ 5. Nagdulot ng pangamba sa lahat ang pagpapakalat ng maling balita ukol sa
itinuturok na bakuna laban sa COVID 19. Bilang ikaw ay kinatawan ng isang health
organization, minabuti mo na lamang na manahimik at magsawalang kibo kahit alam mo
na maari kang makatulong sa pagpapalawig ng tamang kaalaman sa pamayanan.
A.2 Panuto: Pagmasdan ang mga sumusunod na larawan at tukuyin kung paano mo
tutugunan ang mga pangyayari na batay sa inilalarawan ng mga ito. Ipaliwanag ang iyong
pasya ukol dito.
Nakakita ka ng mga batang nalulunod. Ano ang dapat mong gawin? Paano mo sila
tutulungan upang matiyak ang kanilang kaligtasan pati na ang iyong sarili?
____________________________________________________

Nakasagasa ka ng batang nagbibisikleta sa kalsada, ano ang iyong gagawin? Bakit?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
GAWAIN 2. Gawaing Pagganap
B.1. Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng iyong pagiging mapanuring
pagpapasya sa isang pangyayari. (Maaring gumamit ng hiwalay na bond paper). Gamitin ang
rubriks sa ibaba upang ikaw ay makakuha ng iyong puntos.
B.2 Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na salitang may kaugnayan sa pagpapamalas ng
pagkakaroon ng matalino at mapanuring pagdedesisyon.
II. Pagsusulit
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
__________1. Mahirap ang pagbuo ng isang pasya.
__________ 2. Siguraduhing makalalamang ang iyong sarili bago ka bumuo ng pasya.
__________ 3. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya.
__________ 4. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya.
__________ 5. Kaakibat ng pagbuo ng pasya ang responsibilidad na maaaring makaapekto sa
iyong sarili.
III. Pangwakas
Panuto: Gumawa ng isang pangako sa sarili na nakapagpapamalas ng pang-unawa sa
kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para
sa ikabubuti ng lahat.
___________________________________________________________________________________________

_____________________.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LEARNING ACTIVITY SHEET QUARTER 1 WEEK 2
Name: ___________________________________
Grade:____________
Mga Gawain
Gawain 1. Pagsulat na Gawain
A.1 Panuto: Basahin at sagutin ng TUMPAK kung ang pangungusap ay nagsasaad nang
wasto at Di TUMPAK naman kung hindi. Isulat ang wastong sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.
__________ 1. Tanggapin agad ang pasya ng iba ng walang pag-aalinlangan.
__________ 2. Iwasan ang paging padalos-dalos sa paggawa ng bawat pagpapasya.
__________ 3. Maging mapanuri sa pagpili ng pasya ngunit kinakailangan ang gagawing
pasya ay makabubuti para lamang sa pili at iilan.
__________ 4. Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawa ng
huling pagpapasya.
__________ 5. Sariling opinyon lamang ang ikokonsidera sa paggawa ng pangkalahatang
pagpapasya.
A.2 Panuto: Sa buong linggong darating, subaybayan ang iyong mga magiging pasya.
Gumawa ng tsart at itala sa inyong journal ang mga ito. Bigyang diin ang mga basehan ng
iyong mga pasya. Lagyan ng masayang mukha  ang tapat ng hanay kung ang naging bunga
nito ay mabuti o malungkot na mukha  naman kung masama para sa sarili o sa
karamihan. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B 1. Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapahayag tungkol sa pagpapahalaga sa
pagpapasya tungo sa kabutihang panlahat. Gamitin ang rubrik sa ibaba upang may basehan
ka sa pagkuha ng iyong puntos.
B 2. Panuto: Bumuo ng mga panukala o mungkahi na naglalayong mapahalagahan kung paano
magiging kapaki-pakinabang ang pagkamahinahon sa pagpapasya tungo sa kabutihang
panlahat
“Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Lahat”
_______________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________.
II. Pagsusulit
Panuto: Punan ng wastong sagot ang mga sumusunod na tanong. Gamitin ang bakas na
nasa bawat bilang upang makabuo ng tamang sagot.
III. Pangwakas
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa ibinigay na puwang sa bawat bilang sa iyong kuwaderno
base sa mga sinasaad ng sumusunod.
Anong pagkakataon o sitwasyon sa iyong buhay na gumawa ka ng isang mahalagang
pagpapasya? Sino ang nilapitan at sinang-ayunan mo kaya nakagawa ka ng mabuting
pasya?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Ano ang gagawin mo kung hindi ka sigurado sa pasya ng nakararami dahil mayroon kang
pakiramdam na magdudulot ito nang hindi maganda at maaaring pagsisisihan ang pagsangayon sa kanilang pasya?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LEARNING ACTIVITY SHEET QUARTER 1 WEEK 3
Name: ___________________________________
Grade:____________
Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Isulat bago sa bawat bilang ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag ng
pangungusap at MALI kung hindi ito wasto.
__________ 1. Ang katagang white lies ay tinatawag na simpleng kasinungalingan.
__________ 2. Madalas dumarating sa buhay ng tao ang tukso upang magtago ng
katotohanan at mabigyan ng pabor ang sarili.
__________ 3. Sa pangangalap ng katotohanan, kinakailangan ng mga datos sa tunay na
pangyayari at katiyakan ng tamang impormasyon.
__________ 4. Kapayapaan sa isip at damdamin, kapanatagan ng loob ang dulot ng pagsasabi
ng katotohanan.
__________ 5. Ang pagkalito, takot, agam-agam, pagkagalit sa sarili at pagsisisi ay ang mga
maaring maramdaman ng tao sa tuwing siya ay nagsisinungaling.
A.2 Panuto: Paano mo nagagamit nang wasto ang mga impormasyong nakukuha mo sa
radyo, telebisyon, internet, at social media? Sumulat ng limang hakbang ng tamang
paggamit ng impormasyon na makukuha sa radyo, telebisyon, at social media. Itala sa iyong
kuwaderno.
1. ____________________________________________________________________.
2. ____________________________________________________________________.
3. ____________________________________________________________________.
4. ____________________________________________________________________.
5. ____________________________________________________________________.
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B 1. Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapahayag ng pagpapahalaga ng wastong
paggamit ng mga impormasyong nakukuha sa radyo, telebisyon, internet, at social media.
Gumamit ng malinis na bond paper.
II. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang (√) kung wastong hakbang ang ginagawa at ekis (x)
kung hindi.
1. Si Mang Andoy ay matagal nang nagtatrabaho sa munisipyo. Siya ay kinagigiliwan ng
lahat sapagkat taos-puso niyang ginagampanan ang kaniyang tungkulin. Dahil dito hinihingi
ng Mayor ang pangalan ng kaniyang anak upang gawing scholar ng bayan. Isinulat niya ang
palayaw ng anak sa kontratang papel.
2. Nasa ika-anim na baitang si Nilo. Handa na siyang pumasok sa mataas na paaralan sa
susunod na pasukan. Maagang nanghingi ng listahan ng mga mag-aaral ang Mataas na
Paaralan ng Malacampa. Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kaniyang sariling
pamilya. Nasagot niya lahat ang mga ito.
3. Ang munisipyo ay naglalaan ng pondo para sa kabataan. Sa bakasyon, may dalawampung
araw na pagtatrabaho ang ilalaan sa paglilinis ng kalsada, mga parke, at iba pang
pampublikong lugar. Tinatawag itong summer job. Gusto mong mag-apply. Hinihingi sa
aplikasyon ang petsa ng kapanganakan ng inyong mga magulang. Hindi mo alam ang
tamang petsa. Sinagutan mo ng mga petsang hula mo lang.
4. Nakatanggap ka ng mensahe mula sa isang kaibigan. Gusto niyang lumabas ka ng bahay
upang makita mo ang nangyaring kaguluhan sa inyong bakuran. Hindi ka naniwala sa
kaniya dahil wala kang totoong basehan.
5. Nabalitaan mo sa isang facebook page na ang inyong bayan ay nakararanas na ng
matinding outbreak dahil sa paglala ng kaso dulot ng delta variant ng COVID 19. Hindi ka
agad naniwala dito at inalam mo muna ang pangunahing pinagmulan ng nasabing balita at
sa pagsasaliksik, nalaman mong wala itong katotohan.
III. Pangwakas
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa ibinigay na puwang sa bawat bilang sa iyong kuwaderno
base sa mga sinasaad.
Bakit mahalagang malaman bago gamitin o ipamalita sa iba ang katotohanan ukol sa mga
nakakalap at nakukuha nating impormasyon mula sa internet o social media?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Sa iyong sariling opinion, gaano kahalaga ang pagtitiyak na ang impormasyong ating
nababasa o naririnig ay makatotohanan? At kung hindi papaano mo tutugunan ang
kamalian nito upang maiwasto ang nakasaad na pagkakamali nito?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LEARNING ACTIVITY SHEET QUARTER 1 WEEK 4
Name: ___________________________________
Grade:____________
I. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Sumulat ng napapanahong balita mula sa inyong kinabibilangang pamayanan.
Tiyakin na ang balitang iyong ibabahagi ay kapanipaniwala, maaasahan at higit sa lahat ito
ay makatotohanan.
A.2 Panuto: Intindihin ang mga larawan kung ito ba ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng
tamang paggamit ng impormasyon na nabasa o narinig. Ipaliwanag ang iyong sagot sa
kanang bahagi ng bawat larawan.
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B 1. Panuto: Gumuhit ng isang malaking puso at sa loob nito ay isulat ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng makatotohanang impormasyon at kung paano mo ito maaayos na
maipapamahagi sa iba.
B 2. Panuto: Buuin ang puzzle ng larawan sa loob ng kahon na nasa ibaba, at sumulat ng isang
talata sa ibaba nito batay sa mabubuong puzzle ukol sa pagpapahalaga sa pagbabahagi ng isang
makatotohanang impormasyon.
II. Pagsusulit
Panuto: Isulat bago bilang ang salitang WASTO kung ang isinasaad ng pangungusap ay
tama at DI WASTO kung ito ay hindi.
__________1. Nagiging responsable ako sa pagbabahagi ng impormasyong aking naririnig at
nababasa.
__________2. Sinusuri ko ang mga impormasyon na aking nakukuha bago ito paniwalaan.
__________3. Kapag ako’y may natatanggap na impormasyon sa facebook page ay agad-agad
ko itong ibinabahagi sa aking mga kaibigan.
__________4. Madalas akong nagbibigay ng komento at personal na opinyon sa mga
nakikitang post sa social media dahil agad na naaapektuhan ang aking emosyon.
__________5. Sa mga website tulad ng google.com lahat ng makikita at mababasa dito ay
makatotohanan, kapanipaniwala at makabuluhan.
III. Pangwakas
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa puwang sa bawat bilang sa iyong kwaderno base sa mga
sinasaad ng sumusunod.
Paano mo naipakikita ang pagmamahal sa katotohanan?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Anong pagpapahalaga ang kinakailangang taglayin upang maging matapat ang isang
tao?_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LEARNING ACTIVITY SHEET QUARTER 1 WEEK 5
Name: ___________________________________
I. Mga Gawain
Grade:____________
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B 1. Panuto: Iguhit mo ang iyong sarili na naglalarawan kung paano mo naipapakita ang
pagpapahalaga sa paggamit ng wastong impormasyong iyong nalilikom sa pagbuo ng isang
desisyon. Isagawa ito sa isang malinis na bond paper. Gamitin ang rubrik sa ibaba upang
makakuha ka ng puntos.
B 2. Panuto: Iguhit at sipiin ang larawan sa itaas ng kaliwang bahagi ng iyong kwaderno na
naglalarawan at nagpapakita ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
II. Pagsusulit
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang.
__________1. Bago tayo magdesisyon ay kinakailangan munang _____________.
A. suriin
B. balewalain
C. gawin agad
__________2. Ang pagpapahalaga at pagsang-ayon sa pasya ng nakakarami ay isang
katangian na kaaya-aya. Paano mo ito maipakikita.
A. Magbigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila
B. Magbingibingihan sa plano ng iba at sundin lamang ang iyong sariling pasya
C. Bigyang halaga at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami
__________3. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap o pakikiisa sa opinyon ng iba. Alin sa mga
sumusunod ang pagsang-ayon sa nakararami.
A. Huwag ka nang magsalita
B. Wala ka na bang maisip na iba
C. Kaisa mo ako sa bahaging iyan. Lubos ang pagtitiwala ko sa iyo
__________4. Nangangailangan ng iyong opinyon ang iyong mga kasamahan upang inyong
mapagdesisyonan ang paparating na pagbubukas ng limitadong face-to-face para sa inyong
paaralan. Paano mo maipapakita ang pakikiisa mo ukol dito?
A. Magbabahagi ako ng aking suhestiyon at ano man ang mapagkasunduan ay maluwag ko
itong susundin at makikiisa sa pagtupad dito
B. Hindi ako iimik dahil ayaw kong mag-isip at maantala sa aking sariling gawain
C. Tatayo ako sa aking kinauupuan at uuwi na lamang at hayaan silang magdesisyon
__________5. Nagkaroon ng pagpupulong ang inyong samahan. At dahil sa ikaw ay may
importanteng pinuntahan hindi ka nakasama sa nasabing pagpupulong. Sila ay may
napagkaisahang desisyon upang tugunan ang isang suliranin sa inyong samahan. Paano mo
ipakikita ang pakikiisa mo sa kanilang naging desisyon?
A. Hindi na ako kailan man sasali sa kanila dahil nagdesisyon sila na hindi ako hinintay
B. Igagalang ko ang naging desisyon ng nakararami at malugod ko itong tatanggapin at
makikiisa rito
C. Magbibigay ako ng aking opinyon at dapat ito ang masunod
III. Pangwakas
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa ibinigay na puwang sa bawat bilang base sa mga sinasaad
ng sumusunod.
Paano mo mapapahalagahan ang pakikiisa sa pagsang-ayon sa desisyon na magdudulot ng
kabutihan sa nakararami?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________
Gaano kahalaga ang katotohanan ng impormasyong magiging basehan ng pagbuo natin ng
desisyon? Ipaliwanang ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LEARNING ACTIVITY SHEET QUARTER 1 WEEK 6
Name: ___________________________________
Grade:____________
I. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Bumuo ng makabuluhang tula mula sa salitang KATOTOHANAN kung saan
maipapahayag dito ang kahalagahan ng katotohanan sa pagbabahagi o pagpapahayag ng
wasto at tamang impormasyon. Gamitin ang rubrik sa ibaba upang makakuha ng iyong
puntos.
K
A
T
O
T
O
H
A
N
A
N
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B 1. Panuto: Gumawa ng isang pangako para sa iyong sarili at sa mga tao sa paligid mo na
naglalayong mapahalagahan mo ang katotohan ng mga impormasyong magagamit sa iyong
pang araw-araw na pakikipagkomunikasyon. Iguhit o ilagay ang larawan mo sa unang kahon
at isulat ang iyong pangako sa ikalawang kahon.
B 2. Panuto: Bumuo ng isang collage gamit ang mga patapong bagay na maaring makita sa
inyong tahanan. Ilarawan dito sa iyong gagawin ang pagpapahalaga sa maayos na paggamit
at pagbabahagi ng mga makatotohanang impormasyong maaring gamitin sa pagbuo ng isang
desisyon. Gumamit ng illustration board/malinis na karton sa iyong paggawa.
II. Pagsusulit
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag ng pangungusap at MALI kung hindi
wasto.
__________1. Sa pangangalap ng katotohanan, kinakailangan ang mga datos sa tunay na
pangyayari at tiyakin ang tamang impormasyon.
__________2. Maaring hindi sabihin ng mga tao ang katotohanan kung paminsan-minsan
lang naman.
__________3. Ang pagsisinungaling maliit man o malaki ay itinuturing na mali at kasalanan.
__________4. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.
__________5. Sa paraan ng pagtatago ng katotohanan ito ay nakakatulong upang iligtas ang
sarili sa oras ng kagipitan.
III. Pangwakas
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa ibinigay na puwang sa bawat bilang sa iyong kwaderno
base sa mga sinasaad ng sumusunod.
Ako bilang isang taong tapat at totoo sa aking sarili ay aking mapapahalagahan ang
katotohanan sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
________________________
Makakatulong akong mapaunlad ang pagkakaroon ng mabuting pag-uugali at
pagpapahalaga sa katotohanan ng aking kapwa sa paraan na
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LEARNING ACTIVITY SHEET QUARTER 1 WEEK 6
Name: ___________________________________
Grade:____________
I. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Magbigay ng dalawang magandang balita na base sa inyong kinabibilangang
lugar at ibigay ang mga aral, katotohanan at impormasyong ibinabahagi nito sa manonood
at tagapakinig. Gumamit ng ibang papel o bond paper kung kinakailangan.
A.2 Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot. Pumili mula sa mga salitang nasa loob ng
kahon sa ibaba.
Social Media
pagiging tamad
Teknolohiya
Stress-reliever
advance technology
__________(1) Ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan
sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga network.
Malaking tulong ang __________(2) sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng
edukasyon.
Isa sa mga negatibong epekto ng paggamit ng social media ay ang __________ (3) ng mga
kabataan sa pag aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahati ang kanilang atensyon.
Itinuturing na isang __________ (4) ang paggamit ng internet ng mga estudyante sa
kadahilanang dito nakakakita ng nakakaaliw o nakakatawang mga imahe o videos na
nakakatulong mag-refresh ng kanilang isipan sa panahon ng bagong normal.
Dahil sa __________ (5) ang mga impormasyon ay madali ng makapasok sa internet. Sa loob
ng ilang segundo milyon-milyong impormasyon ang nadadagdag sa internet.
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B 1. Panuto: Gumuhit ng isang halimbawa ng isang social media platform na madalas mong
ginagamit at tukuyin kung paano natutulungan nitong mapaunlad ang iyong kakayahan.
B 2. Panuto: Bumuo ng acrostic poem gamit ang salitang social media kung saan
naipapahayag dito ang malayang pagpapahalaga sa pagbabahagi at paggamit ng mga
makabuluhang impormasyon.
S
O
C
I
A
L
M
E
D
I
A
II. Pagsusulit
Panuto: Piliin ang wastong letra ng tamang sagot at isulat bago ang bawat bilang.
__________1. Binigyan ka ng babala ng iyong kaklase batay sa kumakalat na malalaswa at di
kaaya-ayang mga larawan sa iyong facebook account. Ano ang dapat mong gawin ukol dito?
A. Magkikibit balikat lang ako
B. Irereport ito sa kapulisan upang mabigyan ako ng proteksyon
C. Ipagmamalaki ko lalo ito sa aking mga kaklase at kakilala
__________2. Ang social media ay isang malawak na pampublikong lugar sa mundo ng
internet kung kaya naman ay dapat nating pakaingatan ang mga impormasyong may
kaugnayan sa atin bago ang pagpopost sa social media upang masiguro ang ating kaligtasan.
A. Oo, dapat tayong maging mapanuri sa mga impormasyong ating ibinabahagi sa social
media
B. Hindi ko bibigyang pansin ang mga bagay na ito
C. Dapat ay pahalagahan lang ang pansariling interest at huwag nang isaalang-alang ang sa
ating kapwa
__________3. Madalas na nagiging libangan mo ang paglalaro ng mga online games kung kaya
naman napapabayaan mo na ang iyong pag-aaral. Pinagsabihan ka ng iyong mga magulang
na bawas-bawasan mo ang gawaing nakakasira sa iyong pag-aaral. Ano ang magiging
reaksyon mo ukol dito?
A. Magkukunwari akong walang narinig sa kanilang mga sinabi
B. Ititigil ko ngunit kapag sila’y nakaharap lamang at ipagpapatuloy ito kapag wala na
naman sila.
C. Susunod ako sa pakiusap ng aking mga magulang dahil ito ang siyang higit na
makabubuti sa akin
__________4. Maraming nagkalat na balita sa kasalukuyang panahon ukol sa kaliwa’t kanang
pagkamatay dulot ng pandemyang COVID Delta variant. Papaano mo masusuri ang
katotohanan ukol sa mga impormasyong iyong nababasa sa social media?
A. Aalamin ko muna ang kredibilidad ng pinagmulan ng mga impormasyon o balita
B. Agad ko itong ipapamalita at ibabahagi sa lahat ng aking kakilala
C. Wala akong gagawin dahil hindi naman ako kabilang sa mga ibinabalita
__________5. Karamihan sa mga sitwasyon ngayon ang mga kabataan ay naiimpluwesyahan
sa mga nilalaro nila sa mga websites na nakakapagpabago sa kanilang mga pag-uugali at
sarili. Paano mo ipapanawagan sa kapwa kabataan mo ang wastong paraang ng paggamit
lamang ng mga ito.
A. Hihikayatin ko pa lalo silang mahumaling sa mga ito
B. Wala akong gagawin dahil kaanib ko sila
C. Magbibigay ako ng babala ukol sa labis na negatibong impluwensiya nito na maaring
magdulot ng negatibong epekto nito sa bawat kabataan
III. Pangwakas
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa mga puwang sa bawat bilang base sa mga sinasaad ng
sumusunod.
Bilang isang kabataan, paano mo magagawang hikayatin ang kapwa kabataan mo upang sila
ay mailayo sa mga masasamang impluwensiyang dulot ng social media ?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Kinakailangan na masuring mabuti ang mga nakalap na impormasyong nakukuha at
nagmumula sa social media o internet bago ipamahagi. Paano mo ito matitiyak na
makatotohanan at magiging maganda ang epekto nito kung ito’y iyong ipamamahagi sa iba?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Download