Republic of the Philippines Surigao del Sur State University Cantilan Campus Cantilan, Surigao del Sur Telefax No. 086-212-5132 Website: www.sdssu.edu.ph Ika-2 Semestre, A.T. 2020-2021 Filipino 114 Filipino Para Sa Natatanging Gamit TAKDANG-ARALIN P01 Gawaing-isahan: Pagsulat ng Posisyong-Papel Layunin: Kaalalam: 1. matukoy ang isyung pangwika na nasa hulagway; 2. mabatid ang natatanging gamit ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng edukasyon; Kasanayan: 3. makasulat ng isang posisyong-papel; 4. mailahad ang posisyon ng edukasyon sa isyung pangwika, gayundin ang solusyon na maaaring ihain ng edukasyon upang masolusyunan ang naturang isyu; Halagahan: 5. mapalago ang kasanayan sa pagsulat ng posisyong-papel; at 6. mapalalim pa ang kaalaman hinggil sa halaga ng wikang Filipino lalo na sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas. Instraksyon: Ang hulagway sa ibaba ay mula sa isang modyul, kakikitaan ito ng isyung pangwika. Tukuyin kung anong isyung pangwika ang makikita sa hulagway, saka gawan ito ng posisyong-papel, at ilahad kung ano ang posisyon ng edukasyon lalo na sa paggamit ng wikang Filipino ang maaaring ihain bilang solusyon sa naturang isyu. ______________________________________________________________________________________________ Filipino 114 Filipino Para Sa Natatanging Gamit-----------------------inihanda ni Aisah Badiang Camar (ABC) 1 Nilalaman ng Posisyong-Papel: Pamagat: Ang Posisyon ng Edukasyon sa mga Isyung Pangwika sa Modyul Talata 1: Ilahad ang isyung pangwika na iyong nakita sa hulagway. Talata 2: Ilahad kung ano ang posisyon ng edukasyon sa mga ganitong isyu lalo na sa paggamit ng wikang Filipino. Talata 3: Ilahad ang maaaring ihain ng edukasyon bilang solusyon sa naturang isyu. Paalala: Ang nilalaman ng iyong papel ay kailangang maghimig pa rin ng iyong paninindigan bilang isang tagapangalaga at tagapagtaguyod ng wikang Filipino. ______________________________________________________________________________________________ Filipino 114 Filipino Para Sa Natatanging Gamit-----------------------inihanda ni Aisah Badiang Camar (ABC) 2