Republic of the Philippines Bulacan State University – Sarmiento Campus City of San Jose Del Monte Bulacan GRACE R. ORTEGA SSE303 BSED SOCIAL STUDIES 3A MS. CLAUDINE MARCOS Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan VIII I. Mga Layunin Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na: 1. Natatalakay ang kahulugan ng heograpiya at kung bakit ito mahalaga sa pag-aaral ng kasaysayan. 2. Nakikilala at nabibigyang kahulugan ang limang tema ng heograpiya. 3. Nakapagbibigay ng halimbawa ng aplikasyon sa bawat tema ng heograpiya. 4. Nakalilikha ng makabuluhang pananaw sa kahalagahan ng limang tema ng heograpiya sa pagaaral ng kasaysayan bilang isang disiplina. II. Paksang Aralin A. Paksa : Ang Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya B. Sanggunian : Araling Panlipunan VIII –Villan, V. Et.al. (2017). Heograpiya at Kasaysayan ng Daigdig, Pahina 22-23. C. Kagamitan : Mga larawan, video clips at ppt. III. Proseso ng Pagtuturo Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Panimulang Gawain (Preparatory Activity) (Sisimulan ng panalangin pamamagitan ng video clip) sa 1 Maikling panalangin bago ang klase Aming Panginoon sa kaitaas-taasan pinupuri ka po namin at pinapasalamatan sa bigay mong panibagong buhay sa amin upang matuto at makapag-aral. Hiling po namin na bigyan mo kami ng sapat na talino upang maunawaan ang aming aralin. Gayundin ang gabay at pag-iingat sa bawat isa sa amin, ilayo nyo po kami sa ano mang sakuna at kapahamakan. Maraming Salamat po. Amen. - Amen - What’s up mga A.P Wonders! Kumusta - Ayos naman po. kayong lahat dyan? Handa na ba kayong matuto ng Aralin Panlipunan 8? - Opo. Ako nga pala si Ma’am Grace or Ma'am G. for short. As in G na G mag-turo sa inyo. Samahan nyo ako at maglalakbay tayo. Sabay sabay nating tuklasin ang exciting, suprising at hindi boring na kasaysayan ng mundo. Kaya naman ihanda mo na ang module at ballpen mo at magsimula na tayo dahil kay Teacher Grace ang pag-aaral ng Aralin Panlipunan ay Greeaat! - Pero bago tayo tumungo sa ating paksa, balikan muna natin ang mga natutunan mo sa Heograpiya ng Asya noong ikaw ay Grade 7 pa. 2 - Natatandaan nyo pa ba kung ilan ang - Opo, ang Asya ay mayroong limang mga rehiyon ng Asya? rehiyon. Magaling! - Ngayon alamin naman natin kung anoano ang pangalan at pwesto ng limang rehiyon sa mapa ng Asya! (Ang guro ay magpapakita ng mapa ng Asya, at iisa-isahing ki-kilalanin ng mga mag-aaral) - Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran at Timog Silangang Asya. - Ang huhusay naman mga kabataang A.P Wonders. Sigurado ako na marami kayong natutunan sa Heograpiya ng Asya. Kaya naman nasisiguro ko na handa ka na sa ating paksa ngayong araw. - Opo Ma’am. B. Pagganyak (Motivation) - Ngayon ay subukin naman natin kung may nalalaman kana sa saklaw ng paksa na ating tatalakayin sa araw na ito. (Ang guro ay magtatanong ng sampung (10) katanungan na may kinalaman sa paksa bilang unang pagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral kung ano ang paksa at sakop nito.) 3 - Piliin at bilugan ang bituin ng tamang sagot mula sa kahon. Pamprosesong Tanong: (Binilugang sagot) 1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig? 2. Ano ang pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig? 3. Anong tawag sa linyang naghahati sa hilaga at timog? 4. Ano naman ang tawag sa linyang naghahati sa kanluran at silangan? 5. Ano ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon? 6. Ano naman ang tawag sa paglandas ng latitud at longhitud? - Asya - Kontinente - Ekwador - Prime Meridian - Topograpiya - Grid - Maraming sagot ba ang naitama mo? Magaling! At kung mababa naman ang nakuha mo, wag ka mag- alala dahil andito si Teacher Grace, gagabayan at tutulungan kita upang matutunan at maunawaan ang paksa natin ngayon. - Ano nga ba ang kinalaman ng mga - Masasabi ko po na may kinalaman ito katanungan sa paksa natin ngayong sa heograpiya sapagkat saklaw ito sa pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. araw? Magaling ang iyong pagususuri. C. Paglalahad (Presentation) - Klas, ang ating paksa sa araw na ito ay patungkol sa Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya. 4 D. Pagtalakay (Discussion) - Ano nga ba ang kahulugan ng - Ang “Geo” po ay nangangahulugang Heograpiya? Daigdig o mundo at “Graphia” naman ay Paglalarawan. - Magaling! - Ang heograpiya po ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. - Katangiang Pisikal na tumutukoy sa anyong lupa at anyong tubig, likas na yaman, klima at panahon, Fauna ( Buhay ng Hayop, Flora (Buhay ng Hayop), at Distribusyon at Interaksyon ng mga tao at organismo sa kapaligiran. - Bakit nga ba kailangan pag-aralan ang - Para sa akin po, mahalagang pagHeograpiya? Ano nga ba ang aralan ang heograpiya ng daigdig dahil kahalagahan nito sa pagaaral ng ang data o impormasyong makukuha Kasaysayan ng Daigdig? dito ay makatutulong upang pangalagaan ang kapaligiran, tutukan ang bilang ng populasyon, hanapan ng solusyon ang ilan sa mga problemang kinakaharap ng bawat bansa, at mas maunawaan pa ang daigdig na ating - Mahusay! tinatawag na tahanan. - Sa pag-aaral ng heograpiya ay mas mauunawaan natin ang mga kwento at kasaysayan ng bawat lugar o bansa kung aalamin muna natin ang heograpiya nito. Mauunawaan din natin ang mga uri ng pamumuhay at kultura ng mga tao. Gayundin ang heograpiya ay may impluwensiya sa mga kabihasnan at sibilisasyon sa mga bansa. Ilan lamang iyan sa kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya sa kasaysayan ng Daigdig. 5 - Maraming pwedeng pag-aralan sa heograpiya ibigsabihin malawak! Kaya naman may ginawang paraan ang National Council for Geographic Education at Association of American Geographer noong 1984 sa bansang Amerika na sa kagandahan nito ay ginagamit narin natin sa kurikulum ng Baitang 8, dito sa ating bansa, Pilipinas. - At ito ang Limang Tema ng Heograpiya. Kung saan gamit ang mga temang ito, higit na maunawaan ng tao ang mga bagay bagay na kaniyang ginagalawan. - Layunin ng temang ito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Layon nitong mailarawan ang paggamit ng espasyo sa daigdig upang higit na maunawaan ang mga isyung lokal, pambansa, at pandaigdig. - Halina’t isa-isahin natin ang limang tema ng heograpiya. 1. 2. 3. 4. 5. Lokasyon Lugar Rehiyon Interaksyon ng Tao at Kapaligiran Paggalaw - Dumako tayo sa unang tema, ang Lokasyon, ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig, at sinasagot nito ang katanungang “Nasaan?” - May dalawang uri ng pagkuha ng lokasyon, 1. Lokasyong Absolute – Ito ay lokasyon na gumagamit ng coordinates o 6 kombinasyon ng sukat ng linyang latitud at longhitud na kapag pinagsama ay makabubuo ng grid. - Sinasagot nito ang katanungang “Saan eksaktong matatagpuan?” Halimbawa: Saan eksaktong matatagpuan ang bansang Myanmar? (Ang guro ay maglalabas ng mapa, at tutukuyin o hahanapin ng mag-aaral ang lokasyon nito) - Gamit ang mga coordinates ang bansang Myanmar ay matatagpuan sa 21 degrees North Latitude, at 95 degrees East Longitude. - Mahusay! 2. Relatibong Lokasyon – Ito naman ang lokasyon na ang oinagbabatayan ay mga lugr na nkapalibot at gumgamit iyo ng direksyon upang mailarawan ang mga nakapaligid na lugar. - Sa madaling salita, sinasagot nito ang katanungang “Saan malapit?” May dalawang uri ang Relatibong lokasyon, 1. Bisinal – Ito ang tawag sa lahat ng malalapit na bansa sa paligid. 2. Insular – Ito naman ang tawag sa lahat ng malalapit na anyong tubig na napapaligiran nito. - Narito ang halimbawa ng lokasyong bisinal. (Ang guro ay magpapakita ng mapa at - Ang bansang Hungary po ay malapit sa tutukuyin ng mga mag-aaral ang timog ng Slovakia, kanluran ng lokasyong bisinal ng bansang Hungary.) Romania, Hilaga ng Serbia at Silangan ng Austria. - Magaling! 7 - Narito naman ang halimbawa ng lokasyong insular. (Ang guro ay magpapakita ng mapa at tutukuyin ng mga mag-aaral ang lokasyong insular ng bansang Australia.) - Lugar, pangalawang tema ng heograpiya na tumutukoy sa mga - Ang bansang Australia ay malapit sa kanluran ng Coral Sea, hilaga ng katangiang natatangi sa pook. Tasman Sea, silangan ng Indian Ocean - At sinasagot nito ang katanungang at timog ng Timor Sea. “Anong mayroon dito?” - Mayroong dalawang paraan ng pagtukoy ng lugar. Katangiang Pisikal – Kung saan ang isang lugar ay inilalarawan batay sa klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman. Katingiang Pantao – tulad ng wika, relihiyon, densidad, kultura at sistema ng politika at landmarks o tintawag na tourist spots. Halimbawa: - Bagamat ang Pilipinas ay may klimang tropikal ang lugar ng Baguio ay nakararanas parin ng malamig na klima dahil sa taas nito mula sa sea level. At tinatawag na Vertical Climate. - Isa pang halimbawa ay ang Kristiyanismo, kung saan pinaniniwalaan na iisa lamang ang Diyos. At ito ang relihiyon na may pinakamalaking tagasunod sa buong daigdig. - Panghuling halimbawa, ang wikang Filipino, ginagamit sa bansang Pilipinas 8 na kilala bilang bansa na maraming ginagamit na salita o tinatawag na diyalekto. - Pangatlong tema naman ay ang Rehiyon, ito ay bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural. - Sinasagot naman ng temang ito ang katanungang “Ano ang pagkakatulad ang mga lugar?” - Narito ang mga halimbawa na kabilang sa temang rehiyon. - Ang Tibet ay isang rehiyon sa China kung saan maramaming lugar ang matatagpuan sa isang malawak na talampas. Kaya naman nakabuo sila ng katangi-tanging kultura. - Iba pang halimbawa ay dahil sa pagkakatulad ng mga bansa sa silangang asya nakilala sila sa tawag na sinosphere o mga bansang naimpluwensyahan ng kulturang tsino. - Isa pang halimbawa ay ang Pilipinas ay kasapi sa South East Asian Nation (ASEAN) na may layuning : itaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng kultura at pagpapalaganap ng kapayapaan sa rehiyon. - Ikaw Mica, sa anong bagay kilala at nagkakatulad ang rehiyon 3 o gitnang luzon? - Magaling! 9 - Interaksyon ng tao sa Kapaligiran ay - Ito po ay kilala bilang rehiyon na may ang ika-apat na tema ng heograpiya, ito pinaka malaking produksyon ng ani ng ay tumutukoy sa kung paano palay. nakikipagugnayan ang mga tao sa kanyang paligid sa pamamagitan ng pagdedepende, pakikiayon, at pagbabago sa kaniyang paligid. - Sinasagot nito ang katanungang “Paano nagkakaugnay ang mga tao sa kapaligiran?” - Deserie, sa iyong palagay ano o paano nagkakaroon ng interaksyon ang tao sa kanyang kapaligiran? - Mahusay! - Halimbawa nito ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino sapagkat ang bansang Pilipinas ay napapalibutan ng malaking katubigan. - Isa pang halimbawa ng interaksyon ay makikita sa mga bagay, pag-uugali na nakasanayan ng tao. - Para po sa akin, ang pamumuhay ng tao ay nakabatay sa kalikasan o pangangailangan, ang pagsasaka, pangingisda maging ang illegal na pagpuputol ng puno ay ilan sa mga interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, na kung minsan ay nakakasama na o hindi na mabuti. - Ang pagsusuot ng makakapal na damit ng mga nasa ibang bansa kung saan malamig ang klima. - Bukod pa rito ay ang kagustuhan ng tao na makasabay sa pagbabago ng kaniyang paligid ay isa ring halimbawa ng interaksyon. Ang pagtatayo ng mga gusali at subdivision sa mga dating sakahan, gayundin din ang iba’t ibang pasilidad upang tugunan ang pagdami ng tao o populasyon ng bansa. 10 - Paggalaw, ang ika-limang tema ng heograpiya. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao, bagay, ideya, mga likas na pangyayari, produkto at kahit pa ang sakit mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar. - Sinasagot naman ng huling tema na ito ang katanungang “Bakit o paano nagkakaiba at nagkakatulad ang mga lugar?” - Ang mga sumusunod ay ang tatlong uri ng distansya ng isang lugar. Linear- Gaano kalayo ang isang lugar? TimeGaano katagal ang paglalakbay? Psychological- Paano tiningnan ang layo ng isang lugar? - Narito ang mga halimbawa nakapaloob sa temang ito. na Sa pamamamagitan ng transportasyon ay nakukuha ng mga taong makapag lakbay sa iba’t ibang lugar o bansa, gayundin ang mag labas at pasok ng mga imported at lokal na produkto sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang barko bilang sasakyang pandagat, eroplano bilang sasakyang panghimpapawid, at mga sasakyang may dalawa hanggang apat o higit pang mga gulong na dumadaan sa kalsada o lupa. - Ang paggamit ng social media ay isa rin sa malawakang halimbawa ng paggalaw, na ginawang posible ng paggamit ng internet connection at gadgets. Sa papamagitan nito ay naipaparating sa atin ang mga 11 mahahalagang impormasyon, ideya, balita at kahit pa nga ang fake news. - Isa pang halimbawa ay ang paglaganap ng sakit na Covid-19, dahil sa patuloy na paglalakbay at pagkilos ng mga tao kasama nitong nagta transfer ang virus na nagpapataas ng risk sa kalusugan ng tao. Kaya naman patuloy na paalala ng ating gobyerno na mag stay at home at kung lalabas naman ay magsuot ng facemask at parating isagawa ang social distancing gayundin ang palagiang paghuhugas ng kamay. Higit sa lahat hanggat maari lalo na sa patuloy na pagtaas at pagtagal ng kaso ng sakit na ito mabuti na magpabakuna na tayo bilang proteksyon sa atin at sa mga tao na nakapaligid sa atin. - Klas, malinaw ba ninyong naunawaan ang ating paksa sa araw na ito? Mabuti kung ganun. E. Pormatib Tsek (Formative Check) - Sa inyong palagay, makatatayo ba ang isang tema kung wala ang ibang tema? - Ikaw, Crispina, - Mahusay! - Ikaw naman Manuel, - Magaling! - Para po sa akin, hindi po sapagkat mahalaga po ang gampanin ng bawat isa bilang mga tema na kaisa sa pagtukoy ng iba’t ibang aspeto ng heograpiya. - Sa tingin ko rin po ay hindi, sapagkat ang bawat tema ay mayroong kanya kanyang pangunahing gampanin sa pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. 12 - Salamat sa inyong partisipasyon. F. Paglalapat/Panlinang na Gawain (Application) - Sa pagtatapos sa ating talakayan ako ay umaasa na mayroon kayong natutunan. Kaya naman bilang aplikasyon, kumuha ng malinis na papel at ballpen. Panuto: Sumulat ng mga natutunan mo sa naging paksa natin ngayon. Limitahan lamang ito sa 4-7 pangungusap. ang magsisilbing “Exit Pass” at Attendance natin sa araw na ito. - Klas, mayroon bang katanungan o - Wala po. klaripikasyon sa inyong gawain. G. Paglalahat (Generalization) - Klas, maaari bang isa sa ang inyo ang - Atin pong tinalakay ang limang tema magbuod ng naging talakayan natin sa ng heograpiya. Ito po ay ang lokasyon, araw na ito? lugar, rehiyon, interaksyon ng tao sa kapaligiran, at paggalaw. Mahalaga ang - Magaling. Maraming Salamat sa iyong limang tema dahil pinapadali at pagtugon. pinasisimple nito ang pag-aaral ng heograpiya. - Mayroon ba kayong katanungan o gustong linawin sa ating paksa o naging -Wala na po. talakayan? Kung wala na, dadako na tayo sa inyong gagawing pagtataya o pagsusulit. 13 IV. Pagtataya (Assessment) A. Tanong Mo, Sagot Ko! Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa Kahon ng Tema. Isulat ito sa patlang bago ang numero. _____1. Ito ay sumasagot sa katanungang “ Nasaan ito?” _____2. Ito ay sumasagot sa katanungang “Bakit at paano nagkakaugnay ang mga lugar sa isa’t isa?” _____3. Ito ay sumasagot sa katanungang “ Anong mayroon dito?” _____4. Ito ay sumasagot sa katanungang “Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga lugar?” _____5. Ito ay sumasagot sa katanungang “Anong uri ng pamumuhay ang mayroon sa isang lugar?” B. Pag-isipan Mo! Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at bilugan ang pinaka wastong sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya? a. Mas mauunawaan natin ang mga kwento at kasaysayan ng bawat lugar o bansa b. Mas madaling malaman ang mga yaman ng bansa. c. Mas mauunawaan natin ang pamumuhay at kultura ng mga tao sa iba’t ibang lugar. d. Ang heograpiya ay may impluwensya sa mga kabihasnan at sibilisasyon ng mga bansa. 14 2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pinaka tumpak na kahulugan ng heograpiya. a. Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pagaaral ng katangiang pisikal ng daigdig. b. Ang heograpiya ay tumutukoy sa demograpiya ng bansa. c. Ang heograpiya ay pagaaral ng espasyo ng daigdig. d. Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pagaaral ng sukat at lawak ng kalupaan at katubigan sa mundo. 3. Ang mga sumusunod ay mga tema ng heograpiya. I. Lokasyon II. Lugar III. Rehiyon IV. Interaksyon ng mga tao at kapaligiran V. Pagkilos a. I, II, III, IV b. I, II, III, IV, V c. I,II, at V d. Wala sa mga nabanggit 4. Inilalarawan ng katangiang pisikal ang isang lugar batay sa: I. Klima II. Anyong lupa at anyong tubig III.Kultura IV. Likas na yaman a. b. c. d. I, II at IV I, II at III I, II, III, IV Wala sa mga nabanggit 5. Ang mga sumusunod ay halimbawa na nakapaloob sa temang interaksyon ng mga tao sa kapaligiran. Alin sa mga ito ang hindi kabilang. a. Pagsusuot ng makakapal na kasuotan sa mga malalamig na lugar. b. Pagtatanim ng palay, gulay at iba pa. c. Pagpapatayo ng mga gusali at pasilidad d. Paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo. 15 V. Takdang Aralin (Assignment) Panuto: Sa isang malinis na papel, sumulat ng isang repleksyon o makabuluhang pananaw sa kahalagahan ng limang tema ng heograpiya sa pagaaral ng kasaysayan bilang isang disiplina. Magbigay ng mga halimbawa at gamitin ang mga ideyang natutunan sa ating naging talakayan. Kraytira sa Pagsulat Nilalaman- 45% Kaugayan sa Paksa- 35% Paggamit ng mga salita- 20% Kabuuan- 100% Inihanda ni: GRACE R. ORTEGA Guro, Aralin Panlipunan VIII 16 Susi sa Pagwawasto Pagtataya A. 1. Lokasyon 2. Interaksyon ng mga tao at kapaligiran 3. Lugar 4. Paggalaw 5. Rehiyon B. 1. B 2. A 3. B 4. A 5. D References Intero, J. (14 October 2014). Teaching Profession. SlideShare. Retrieved from https://www.slideshare.net/jenevel/teaching-profession-40133053 Dr. Theodore, P. (2020). John Dewey’s Philosophy of Education. The Foundations of Education Web. Retrieved from https://www.siue.edu/~ptheodo/foundations/index.html 17