TOPIC HOST AUDIO OBB – DWNE OBB – DWNE OBB – DWNE OBB – SDONE OBB – SDONE OBB – SDONE OPENING SPIEL/ Talakayang edukasyong pro-kabataan ANCHOR Balataktakan tungo sa pag unlad ng bayan. Ito ang programang Alab Ramonyan sa DepEd Hour ng DWNE, siyam na raan sa inyong talapihitan. Samahan ninyo kami sa isang oras nag-aalab na talakayan Mga napapanahong programa't kaganapan sa Mataas na Paaralan ng Dr. Ramon de Santos. Alab Ramonyan! Alab tungo sa kalidad na edukasyon Alab laban sa mga hamon ng panahon Alab para sa pagsulong na sambayanan Ito ang Alab Ramonyan. Ating oras: Maalab na araw sa lahat ng ating tagapakinig! Ako si Roy Concepcion At ako naman si Harriette Flores GREETINGS VIDEO Isang maalab na pagbati sa ating mga tagapakinig mula sa Nueva Ecija, sa buong Pilipinas at sa buong mundo. Tayo ngayon ay streaming Live sa facebook page ng DWNE. Binabati po natin ang ating Schools Division Superintendent – Sir Jessie D. Ferrer Maalab na pagbati kay Sir Ronilo E. Hilario and Dr. Mina Gracia L. Acosta – our Assistant Schools Division Superintendent Kasama na rin si Ma’am Jayne Garcia – CID Chief Huwag nating kalimutan si Sir Luis Calison – SGOD Chief Siyempre kasama na rin ang ating Area Supervisor: Ma’am Jaimelita Hernandez, EPS Social Studies. Maalab na pagbati rin sa PSDS ng Cuyapo East District – Dr. Maribel Leybag. Kasama rin natin ngayon ang supportive nating Punong Guro na si Ma’am Elenita Sumait, PhD Lalong lalo na ang kaniyang katuwang na punong Guro Sir Moises Cadalso, Jr. At huwag na huwag nating kakalimutan ang buong teaching and non-teaching personnel ng ating paaralan DRDSNHS. Mayroon rin tayong mga estudyanteng nakatutok ngayong hapon, isang Maalab na Maalab na hapon sainyo. Sa lahat ng mga nakatutok ngayon sa ating FB, Huwag nating kalimutang i-Like at share ang ating Live Stream gamit ang Hashtags na #ALABRAMONYAN at #DWNE. Maaari rin kayong mag iwan ng inyong mga komento o inyong pagbati upang ating basahin maya-maya. INTRODUCTORY WORDS Opisyal nan gang natapos ang School Year 2022-2023 at ang ating mga mag-aaral ay makapag-babakasyon na matapos ang isang taon na pagpupursige. A break well-deserved. Sa lahat ng mga nagsipagtapos, nakakuha ng mga natatanging parangal, at sa lahat ng mga matagpumpay na nakalagpas sa isa nanamang baitang sa pag-aaral, isang maalab na pagbati sainyong lahat. Sa nagdaang taong panuruan, hindi natin maikakaila na maraming pagsubok ang kinaharap hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ng ating mga guro at buong paaralan. Learning Gap. Isa lamang ‘yan sa malalaking suliranin na ating kinaharap at patuloy na nilulutas. Dala na rin ng nagdaang pandemya, mas lalong lumala ang estado ng ating mga mag-aaral sa iba’t ibang larang. Subalit hinding hindi naman tayo papayag na tuluyang bumagsak ang ating mga mag-aaral sa sitwasyong ‘yun. Gabay ng bagong mantra ng Department of Education: ang MATATAG. Bansang Makabata, Batang Makabansa, kaisa ang ating paaralan sa layunin nitong mas lalo pang mapatatag ang bawat Pilipino sa pagharap ng kahit anong suliranin sa pamamagitan ng matibay at kalidad na edukasyon. Totoong tapos na nga ang taong panuruan ngunit hindi pa rin tapos ang trabaho ng mga guro na hanggang ngayon ay nasa kanikanilang paaralan at aktibong pinupunan ang kakulangang pangedukasyon. Hindi rin matatawaran ang mga tao sa likod ng kagawaran ng edukasyon na walang pagod gumagawa ng paraan upang lahat ng pag-unlad ay maikasatuparan. At ngayong umaga nga, ating mapakikinggan ang naging mga hakbang ng Mataas na Paaralan ng Dr. Ramon de Santos upang harapin ang hamon ng panahon. Ating makakasama ngayong hapon sina: Sir Froilan Cuevas, Head Teacher ng Science Department upang talakayin ang mga pagpapaunlad sa kaguruang Ramonyan, upang patuloy na mag-alab ang kanilang puso sa pagtuturo. Kasama niyang tatalakayin ang paglahok ng ating paaralan sa National Learning Camp upang matugunan at matulayan ang mga pangangailangang pang-akademya ng ating mga mag-aaral. Upang talakayin naman ang PROJECT SAGIP, makakasama natin ang Head Teacher ng Mathematics, si Ma’am Paulina Baguisi. Makakasama rin natin si Ma’am Jonaliza Cabonce, Teacher 3 ng English Department upang talakayin naman ang reading interventions na isinasagawa ng mga reading volunteers para sa mga struggling readers. Kabilang sa mga tatalakayin ni Ma’am Cabonce ang mga natatanging panalo at paglahok ng ating mga mag-aaral sa iba’t ibang larang. Mula sa mga gawaing intelektwal hanggang sa mga palarong pampalakasan. Hindi pahuhuli ang alab ng ramonyan. Kasama rin natin ngayong hapon si Ma’am Arianne Joy Hernal upang bigyan tayo ng iba’t ibang kabatiran sa mga kaganapan sa Senior High School – mula sa formal education hanggang sa Alternative Learning System o ALS. Hindi lamang ang mga kaguruan, at kabataan ang dapat na mapaunlad upang maging Maganda ang kalidad ng edukasyon. Kasama rin dapat ang pagsasa-ayos ng kapaligiran upang ang buong paaralan ay maging “conducive for learning.” Upang bigyan naman tayo ng overview sa mga naging physical development ng paaralan, atin tayong tatalakayan ni Sir Eric Cuaresma, Head Teacher ng MAPEH Department. Teachers’ Development LAC Ang kalidad na edukasyon ay hindi lamang nakasalalay sa pagunlad ng mga mag-aaral kundi pati narin sa pag-unlad ng mga guro. The quality of learning is greatly influenced by the quality of teaching. Malaki ang bahagi ng kasanayan ng mga guro upang maihatid ang marapat na edukasyon sa mga mag-aaral. Ukol dito, ang mga guro sa ating paaralan ay sumailalim sa LAC o Learning Action Cell Sessions na isa sa panukala ng Department of Education na may layunin na mahasa at masuportahan ang paglago ng mga guro sa teaching profession. Sa pamamagitan din ng LAC ay nagkakaroon ang mga guro ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang mga karanasan at kaalaman sa pagtuturo. Ito ay nagbibigay-daan sa kanila na magkaroon ng mas malawak na perspektibo at makuha ang mga “best practices” mula sa kanilang mga kapwa guro. Ang LAC ay isa ring collaborative learning session na nagbibigay pagkakataon sa mga guro na mapag-usapan ang mga suliranin sa loob ng silid-aralan. Nagiging mas aktibo silang nagtutulungan upang malutas ang mga hamon sa pagtuturo at pag-aaral. Bawat departamento sa paaralan ay nagsagawa ng LAC Sessions na tumatalakay sa ibat-ibang mahahalagang paksa ng pagtuturo at pagkatuto. Kabilang na rito ang mga paksang: Masinop na Banghay Aralin para sa Epektibong Pagtuturo, Integrating Mathematics in Different Learning Disciplines, Crafting of Electronic Strategic Intervention Material (E-SIM) in Teaching Science, Revisiting Test Construction and Table of Specification, ICT Integration, Establishing Homeroom Guidance policies at iba’t-iba pa. INSET Bukod sa LAC Sessions ay lumahok rin ang ating mga guro sa mga INSET o In-Service Training for Teachers. Ito rin ay may layuning mapalawak ang kasanayan ng mga guro at maka-angkop sa pagbabago ng mga estratehiya at epektibong paraan ng pagtuturo. Ilan sa mga paksang tinalakay sa nagdaang INSET ay Students' Discipline, Teachers and Staff Discipline/ The Code of Ethics, Test Construction, Project SAGIP- The School Brigada Pagbasa, The Learners' Information System, Teacher's Service Credit, Guidance Information System, at Mental Health kung saan ang ating paaralan ay nag-imbita ng tagapagsalita na si Gng. Norma Teresita Fontanilla-Cerezo, isang eksperto sa larangan ng Psychology. Sa pangkalahatan, ang LAC at In-Service Training ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon at magkaroon ng mas positibong epekto sa paghubog ng mga mag-aaral para sa kinabukasan. Awards and Recognition Ang pagsisikap at dedikasyon ng mga guro ay nararapat lamang na bigyang parangal at pagkilala. Ito ay nagsisilbing inspirasyon at motibasyon sa mga guro sa pagpapatuloy ng magandang gawain at adhikain. Bago magsimula ang Taong Panuruan 2022-2023 ay nagbigay ng parangal ang ating paaralan para sa mga natatanging guro sa bawat departamento na isinagawa sa Armando’s Resort kasabay ng In-Service Training for Teachers. Ito ay nagbigay-daan upang kilalanin ang dedikasyon, galing, at tagumpay ng mga guro. Sila ang nagsisilbing modelo para sa mga guro sa pag-unlad ng kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo. Maliban dito, noong nakaraang World Teachers’ Day Celebration ay ginawaran din ng pagkilala ang mga “Outstanding Teachers” sa himnasyo ng paaralan. Ang paggawad ng sertipiko ay sinaksihan ng mga guro, kawani, at ng mga mag-aaral na siyang patunay sa kahusayang ipinakita ng kanilang mga guro. Ang pagbibigay ng parangal sa mga guro ay isang paraan upang ipakita ang pagpapahalaga, inspirasyon, at suporta sa kanilang mahalagang papel bilang mga tagapagturo at gabay ng kabataan. ANCHOR Pagpapa-unlad sa mga guro ang isa sa mga layon ng ating paaralan. Lahat ng ito ay upang mas lalo pang mapaganda ang kalidad ng edukasyon na ating maibibigay sa kabataan. At dahil nais nating mas lalo pang mapaganda ang kakayahan ng ating mga mag-aaral, kaisa tayo ng Department of Education sa pagpapatupad ng National Learning Camp. Isang programa ng ating kagawaran upang matulayan ang Learning Gaps sa ating mga mag-aaral. Sir Froilan ano nga ba ang mga ginagawa ng ating paaralan tungkol dito. National Learning Camp – Sir Froilan Cuevas Ang National Learning Camp ay isang programa ng DepEd na nakalinya sa ating bagong agenda na “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa”. Parte ito ng commitment ng DepEd sa National Learning Recovery Program upang matulayan ang learning gaps at matulungan ang K-12 learners natin sa lahat ng public elementary at secondary schools sa buong bansa na maabot ang learning standards. Naka-focus ito sa tatlong learning areas na English, Science at Mathematics o mas kilala sa acronym na ESM. Voluntary ang programang ito para sa mga mag-aaral na may kagustuhan na mas lalo pang mapataas ang kanilang kaalaman sa tatlong nabanggit na learning areas. Kasalukuyan itong ginaganap sa ating paaralan. Kahit bakasyon ay marami pa rin ang mga guro na nagvolunteer upang maging parte ng NLC. Kagaya nga ng nabanggit ko, voluntary ang programang ito, kaya pati mga guro na magtuturo sa learning camps ay mga volunteers rin. Sa ating paaralan may siyam na guro mula sa English, Science at Mathematics na magiging parte ng NLC. Mayroon tayong 122 na learners na kabilang dito kaya naman lubos rin ang ating paghahanda. Sa paghahanda, nagkaroon ng 3-day Division Training para sa pagsasagawa ng National Learning Camp at End of School Year Activities sa Sta. Rosa, Nueva Ecija. Kabilang dito ang siyam na NLC volunteers sa ating paaralan. Hindi matatawaran ang pagtutulungan ng mga guro na boluntaryong nakilahok sa programang ito, kasama na rin ang mga magulang na bukas ang loob sa mga ganitong kaganapan sa ating paaralan upang mapaunlad pa lalo ang kaalaman ng kanilang mga anak, at lalong lalo na ang mga kumakatawan sa kagawaran ng edukasyon na walang sawang nagbibigay sa atin ng suporta at gabay upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kaguruan at mag-aaral. Ito ay isang nagkakaisang hangarin ng kagawaran ng edukasyon at ng Dr. Ramon de Santos National High School na makamit ang Global Standards sa edukasyon, isang paghahanda ng ating mga kabataan upang harapin ang mga hamon ng panahon. ANCHOR Walang sawang gabay at suporta. Ito ang hatid ng ating mga kaguruan sa ating mga kabataan. Tunay ng ana sa isang matatag na pundasyon, ating makakamit ang Global Standards sa edukasyon na kailangan ng kabataan sa pagharap sa iba’t ibang hamon. Atin namang pakinggan si Ma’am Victoria Fabia, Master Teacher ng Mathematics upang bigyan pa tayo ng mga programa ng paaralan upang paunlarin ang kaalaman ng mga kabataan sa Mathematics. Maalab na hapon po, Ma’am! Student Development 1 – Mathematics Ma’am Victoria Fabia Isang maalab na hapon sa ating lahat. Ang Mathematics Department katuwang ang lahat ng kagawaran sa Dr. Ramon de Santos National High School ay masugid na sinisigurado na ang lahat ng mag-aaral ay may kakayahan sa Mathematics. Upang Mapa-Unlad Ang Kanilang Kalam Dito Ay Nagsagawa Ng Iba’t Ibang Learning Interventions Ang Math Department. Ang Mga Programang Ito Ay Ang: Project SMILE O SIM For A Memorable Independent Learning Experience – dito Inihahanda ng teacher ang Strategic Intervention Material base sa least learned competencies per quarter at saka ipapagamit para sa masayang remediation ng students kasama ang gabay ng kanyang guro. Project MDAS O Mag-Aaral Na May Dunong At Aktibo Sa Sipnayan - Ang pokus ng intervention na to ay sa mga mag-aaral na hirap sa pagkatutuo ng MDAS. Ito ay isinagawa ng department para makahabol ang ilang mag-aaral na huli sa kaalaman lalo na sa pagsasagawa ng four fundamental operations at Integers. One-On-One Tutorial - Malaki pa rin ang positibong epekto ng one-on one na pagtuturo sa mag-aaral dahil dito ay direktang natutugunan ang specific needs ng mag-aaral upang mapagtagumpayan nya ang hirap nya sa aralin at maipaliwanag kaagad ang mga bagay na maaring magdulot ng maling konsepto. Activity Sheets - Mga gawaing pinadali at pinasimple para makaagapay ang mga slow learners at para naman sa advance learners, enrichment activities upang hindi sila mainip at mawalan ng gana sa aralin. Mobile Applications - Halos bawat isang magaaral ay may isang android phone, sinamantala po ng mga guro sa math upang pumili ng mobile apps/games na ipina-install sa phone ng mga bata upang sila ay makapag-sanay ng kanilang mathematical skills habang naglalaro Games tulad ng MATGO - MATGO ay isang laro na gumagamit ng pattern na vertical, horizontal, diagonal. Ang guro ay maghahanda ng mga equations na bubunutin at sasagutin ng mag-aaral. Kapag ang sagot sa equation ay makikita sa MATGO card na hawak ng mag-aaral, mamarkahan nya ito at kapag nabuo nya ang MATGO sa pamamagitan ng vertical o horizontal o diagonal pattern, sya ay makakatanggap ng incentive. Instructional Videos bilang supplementary lesson - Ito ay maaring sariling gawa ng guro o downloaded videos na maaring panoorin ng mag-aaral kung mayroong konsepto na gusto nyang balikan. Ito rin ay makikita sa makakatulong para sa mga mag-aaral na hindi makapasok sa paaralan dahil sa ilang kadahilanan At conference kasama ang mga magulang o guardians ng mga mag-aaral na nangangailangan ng intervention. Naniniwala ang mga guro na mahalagang maging kaagapay ang magulang/tagapangalagaila upang matulungan ang kanilang anak na nahihirapan sa Mathematics. Maipapaalam ng guro ang kalagayan ng mag-aaral sa paaralan at ganon din naman ng magulang o tagapangalaga sa ugali nya kapag nasa tahanan. Sa paraang ito’y mas madaling matukoy kung anong intervention ang nararapat ibigay Lahat ng mga programs at interventions na ito ay naglalayon na mapa-unlad ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa Mathematics at siyempre madamay na rin na umunlad ang kakayahan nila sa aspeto ng Higher Order Thinking Skills na kanilang magagamit sa iba pang mga learning areas. Alam naman natin na ang Mathematics ay isa sa mga kinatatakutang subjects kaya naman medyo nag-aalangan ang ibang mag-aaral na iexplore ang subject na ito. Dahil dito, apektado rin ang kanilang kakayahan at pagkatuto sa ibang mga subjects na nangangailangan ng skills sa problem solving. Layunin rin ng mga programa at interventions na ito ang makapagpakita ng pamamaraan ng pagtuturo ng Mathematics bilang isang masayang subject. Kagaya ng sinabi ko kanina, marami ang natatakot kapag ang usapan na ay numbers, kaya naman ang aming Department ay gumagawa ng paraan upang mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang takot dito. Layunin rin nito na mas mag-enjoy ang mga bata sa pag-aaral ng Mathematics. Kasama sa mga programa na isinasagawa ng ating paaralan ay ang project SAGIP o ang Student Assessment for Gap Intervention. Ang Mathematics Department ay masugid na inalam ang mga non-numerates o ang mga mag-aaral na medyo hirap pagdating sa Mathematics. Alam naman natin na ang Mathematical skills ay napakahalaga sa academic knowledge ng mga bata kaya naman isa ito sa mga naging tugon natin upang masolusyonan ang suliranin na ito. Student Development 2 – Project SAGIP Ma’am Victoria Fabia Naging busy ang mga subject teachers ng Mathematics para alamin kung sino-sino ang mga non-numerates o ang mga batang nangangailangan ng tulong pagdating sa pagpeperform ng 4Fs o Four Basic Functions na Addition, Subtraction, Multiplication and Division. Nakapag-identify tayo ng 266 na non-numerates sa unang Quarter ng School Year 2022-2023 at proud po kaming sabihin na 96.24% sa mga ito ang nagkaroon ng improvement pagdating ng fourth quarter. Yung 3.76% na natitirang identified nonnumerates naman, sila yung mga nagtransfer-out at nag drop out na mga students natin. Mahalaga ang parte ng mga Math teachers sa programang ito. Pinu-pull out ang mga non-numerates natin sa kapag schedule ng Mathematics subject upang mapagtuonan ng panahon ang pagtuturo sa kanila. Naging malaking tulong rin ang Mathematics Garden sa ibinibigay sa na tulong sa mga bata dahil dito isinasagawa ang mga interventions na talaga namang lubos na naging sagot sa problema natin. Naniniwala rin ang aming department na hindi magiging sapat ang tulong na naibibigay namin sa kanilang kaalaman kung wala namang laman ang kanilang kalamnan. Kaya naman aming ipinasatupad ang feeding program para sa mga SAGIP learners upang mas lalong makabuluhan ang kanilang mga natutunan. ANCHOR Sa mga interventions na ito, tunay nga namang masasagip ang ating mga mag-aaral sa mga learning gaps dala ng makabagong hamon ng panahon. Kaya nga naman hindi nagtatapos diyan ang mga interventions ng ating paaralan. Pakinggan naman natin ang ating Reading Coordinator, Ma’am Jonaliza Cabonce para sa mga reading intervention programs para sa mga Struggling Readers ng ating paaralan. Student Development 3 – English Reading Intervention Program Ma’am Jonaliza Cabonce Isang mapagpalang araw po sa ating lahat. Ang English Department kaagapay ang lahat ng Kagawaran sa Dr. Ramon de Santos National High School ay masigasig na sinisiguro at nagsusumikap na ang Bawat Bata sa aming paaralan, ay Bumabasa. Mga mag-aaral na hindi lamang marunong bumigkas ng mga salita maging higit mga bata na nakakaunawa sa kanilang mga binabasa. Hangad po ng paaralan na matulungan ang mga mag-aaral na mapataas ang antas ng pagbasa. Dahil po dito ang English Department ay nagsagawa ng iba’t-ibang Reading Intervention Program and Activities para madevelop at malinang ng mga magaaral ang kanilang kasanayan sa pagbasa. Ang mga programang amin pong inilunsad ay ang ang mga sumusunod… Project REACH- Reading Enhancement Activates Collaboration for Habits Ito po ay isang reading intervention sa JHS na kung saan ang PullOut Reading Program at partnership sa mga stakeholders, reading volunteers at donors ay nagkakaisa sa pagbuo ng Reading Hub para sa mga reading activities ng mga mag-aaral. Project BRIDGE- Bridging Reading Intervention decreases Gaps Effects Ito po naman ay isang programa sa mga SHS students na kung saan niuutilized po ang Muli-Media para mapataas pa ang antas ng kanilang pagbabasa. Under po ng mga projects na ito ay ang ang Gawain na maipagmamali ng paaralan at kabilang po sa aming mga best practices: - Pull-out Reading Inetrvention - Ang mga language teachers’ both Filipino and English po ay may mga kanya-kanyang mag-aaral na tinututukan at hinahasang bumasa. Ito po ay ginawa kada vacant period po ni teacher. - Parent -Assisted Reading- Naniniwala po kami na iba po ang nagagawa pag kaagapay po ang mga magulang sa pagpapabasa sa mga mag-aaral. Magkakaron po ng malaking improvement sa pagbasa ang bata pag my follow up pong nangyayari sa bahay. - - Reading With the Community “Encouraging Young Minds to Read” ito po ang aming outreach program during Reading Month. Tuwing Month of Novemeber. Gumagawi po kmi sa mga Daycare Centers para magconduct po ng interactive reading activity like story telling session and gift giving po sa mga bata. Kung my mga sponsors po kming nahahanap nagpapamahagi po kami ng reading books and stuff toys. -Tiktok Prompt teller Broadcasting. Since tiktok has now become a part of teenagers’ life, the English Teachers grab this chance to motivate learners practice their reading skills in an innovative way and that is by the use of the Prompt Teller Broadcasting na nauso po sa TiKTOK. -READ ALOUD “You Demonstrate, I imitate” -Collaborative Reading “Let us Read Together and Learn from Each Other” -Mystery Reader “Since You are a Mystery to Me, I will listen Carefully” -Story Telling “Develop Love for Reading through Story” Sa ngayon po ay kasalukuyang inaaus ang aming English Park sa tabe po ng Grade 7 wing na nagsisilbi pong among reading facility para Icater po ang mga batang nangangailangan po ng intervention and remediation po sa Reading. Ang English park po ay na buo sa pamamagitan ng bayanihan ng mga magulang na walang salang tumutulong at nagbibigay ng tulong Penansyal sa paaralan. The English Department has an ongoing commitment to provide learners the opportunity to holistic development in learning by enhancing their reading skills and their capacity to comprehend reading text through the different platforms offered under the Brigada Pagbada: Bridging the Gaps in Reading Literacy: An Innovative English Reading Program. It is a reinforcement activity to intensify the reading performance of every learner especially those who can hardly read. The main purpose of the program is to train learners become good readers and reading enthusiasts who develop the love for reading for self-improvement and academic performance. Through the Brigada Pagbasa Program, we, at Dr. Ramon de Santos National High School dream to help our learners become a productive member of the society by making them independent readers with full comprehension. ANCHOR Patuloy nga ang pagpupursige ng ating mga guro at buong paaralan upang lalo pang mapaunlad ang kaalaman ng ating mga mag-aaral lalo na at malaki ang naging epekto ng learning gaps sa kanilang academic performance. Ngunit sa kabila ng mga suliranin na kinahaharap ng ating mga mag-aaral, hindi parin naman tayo magpapahuli sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng paglahok at pagkapanalo natin sa iba’t ibang patimpalak, at mga natatanging pananaliksik na talaga namang nagpapakita ng alab ng isang tatak Ramonyan. Muli nating makakasama si Ma’am Jonaliza Cabonce upang talakayin ang mga natatanging paglahok ng ating mga mag-aaral sa larangan; mula sa larangan ng Research, Student Journalism hanggang sa larangan ng Sports o Pampalakasan. Student Development 4 – Research STE/ICT Totoo po. Hindi po nagpapahuli ang ating mga mag-aaral mula sa special sections at basic education curriculum pagdating sa iba’t ibang larangan. Unahin natin ang research. Ang ating Special Section for Science Technology and Engineering 10 ay matagumpay na nakapag-conduct ng kanilang mga natatanging pananaliksik. Hindi matatawaran ang ating partnership with Dr. Ritch Milton Dulay ng Central Luzon State University upang maisakatuparan ang mga ito. Ilan lamang sa mga natapos na mga pananaliksik ay ang pag-aaral sa posibleng thermicides gamit ang sili, kalamansi at sibuyas; pagpepreserve ng kabute gamit lamang ang popsicle stickes; paggamit ng yellow bell extract para sa isang plant-based na mosquito repellent; at marami pang iba. Hindi rin nagpahuli ang mga Grade 9 STE dahil ang kanila namang mga pag-aaral ay ang pagdevelop ng mga nutritious snacks gamit ang iba’t ibang gulay tulad ng kalabash, mushroom, saluyot, monggo, at dahoon ng saging. May isa ring grupo na naglayon na alamin ang potensyal ng mga water lily na maging pang-gatong. Ang atin namang Special Program for Information and Communication Technology ay naglayon na makagawa ng iba’t ibang system na maaaring gamitin ng ating paaralan. Ilan sa mga nadevelop nila ay ang online “Anonymous” Guidance counseling system kung saan ang mga nahihiya na lumapit sa guidance office ay maaaring makahingi ng tulong o guidance nang hindi siya nakikilala. Mayroon tayong Supplies Inventory Management System upang mas madaling makapag-audit ng supplies na kung saan lahat ay automated na. Nakagawa rin sila ng SHS Strand Assessment Test Program upang mas mapadali ang pagpili ng mga Junior High School sa kanilang pipiliin strand sa kung sila ay magigign Senior High School. Student Development 5 – DSPC Winners and Qualifiers/DSPC Qualifiers Pagdating naman sa mga contests na nilahukan ng ating magaaral, hindi lamang partisipasyon ang ambag na naibigay nila kundi napakaraming medalya at parangal. Unahin na natin sa larangan ng Journalism… Sa kalagitnaan ng talamak na pagkalat ng fake-news gawa na rin ng accessibility na dala ng social media, ang ating mga mag-aaral ay nagpamalas ng angking galing sa pagpapahayag ng tamang impormasyon gamit ang kanilang kakayahan sa Journalism. Noong nakaraang December 10, 2022 ang ating mga paaralan ay nakilahok sa Division Schools Press Conference. Sa atin ngang paglahok hindi nagpahuli ang ating mga mag-aaral sa paghakot ng mga natatanging karangalan at medalya. Nasungkit ng Radio Broadcasting Filipino na kinabibilangan nina Mike Jameson Yangat Cedrick Cacalda Rhodney Daño Ezekiel Eun De Castro Precious Dolor ang karangalan na Best Infomercial Ang Collaborative Desktop Publishing Filipino naman ay nanalo ng second place. Ito ay binubuo nina Mike Jameson Yangat Cedrick Cacalda Rhodney Daño Ezekiel Eun De Castro Precious Dolor Sa atin namang mga TV Broadcasters ng English na binubuo nina Dorothy Joy Cabanting May Jhor Toledo Justine Dela Vega Marianne Lee Reyes Shayne Moises ay hakot awards matapos makuha nina Dorothy Joy ang 1st place best news anchor at 2nd place best script writer, May Jhor ang 1st place Best News presenter, at 2nd place naman sa best in tech application sina May Jhor at Shayne. At hindi rin pumayag ang ating mga mag-aaral na walang maiuwing ginto. Napanalunan ni Jean Avryn Ronquillo ang 1st place sa Feature Writing English; at ni Johnellah Theryz Cachin naman ang 1st place sa Photojournalism English. Ginto rin ang naiuwi ng Collaborative Desktop Publishing Team na binubuo nina Ritchel Enciso Julianne Navarro Venice Lorine Calpito Gianna Royopa Levi Chong. Ang ating Feature Writer in English na si Jean Avryn Ronquillo; Photojournalist na si Johnnelah Theryz Cachin; at ang Collaborative Desktop Publishing Team ng English ang nagpunta sa Regional Schools Press Conference noong May 20 at 27, 2023 sa San Jose City, Nueva Ecija upang kumatawan sa representatives ng Division of Nueva Ecija. Hindi man tayo nakakuha ng awards sa RSPC, marami namang natutunan ang ating mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay sa larangan ng journalism. Student Development 6 – Sports Sa larangan naman ng pampalakasan, nagpaulan rin ng medalya ang ating mga manlalaro na naipadala sa iba’t ibang ibayo. Isang patunay na hindi lamang sa loob ng classroom ang kahusayan ng ating mga mag-aaral. Sa Unit Meet na ginanap noong January 21, 2023 sa Recuerdo National High School, nakapag uwi ng ginto ang 3x3 Basketball Girls at 5x5 Basketball Boys. Gintong medalya rin ang naiuwi ng Volleyball Boys and second placer naman ang volleyball girls. Hindi pahuhuli sa paghatak ng ginto ang ating badminton girls – singles A and B. Pasok rin ang ginto ng ating Billiards boys and girls Hindi rin naman nagpahulli ang ating Chess boys na nakapag-uwi rin ng gintong medalya. Idinayo pa ni Sir Eric Cuaresma, Head Teacher ng MAPEH ang kalahok na manlalaro ng Chess sa isang Home-Away Game sa Science City of Muñoz upang makapagtraining. Sa palarong ito ay nakasungkit pa ng ginto ang idinayo niyang manlalaro. Sa Provincial Meet naman na naganap sa Palayan City noong February 11, 18, at 25; nasungkit ng 3x3 Basketball girls ang gold, samantalang naka isang silver at dalawang bronze naman ang Taekwondo; at Fourth Place naman ang Basketball 5x5 Boys. Ang 3x3 Basketball Girls at Taekwondo ay lumaban sa CLRAA Meet noong April 24-28, 2023 sa Balanga, Bataan. Wala mang naiuwing medalya ay sapat na ang karanasan at pribilehiyo na irepresenta ang ating paaralan sa isang mataas na paligsahan. ANCHOR Hindi lamang medalya kundi walang kapantay na karangalan ang dala ng ating mga mag-aaral sa kanilang paglahok sa iba’t ibang extra-activities sa loob at labas ng paaralan. Hindi lamang sa ating komunidad nagtatapos ang alab ng tatak ramonyan, kundi pati na rin sa ibang ibayo ng Pilipinas. Dumako naman tayo ngayon sa Senior High School ng ating paaralan. Upang mas mapa-igting ang kakayahan ng ating mga mag-aaral upang harapin ang mga hamon ng panahon, iba’t ibang pamamaraan ang ipinapatupad ng Senior High School ng Dr. Ramon de Santos National High School. Ating pakinggan si Ma’am Arianne Joy Hernal para sa mga kaganapan sa ating SHS. Ma’am Arianne isang maalab na hapon po! SHS Updates – Ma’am Arianne Hernal Magandang hapon po sa ating lahat. Ang Senior High School Department po ng Dr. Ramon de Santos National High School ay malugod na ibinabalita sa lahat ang mga aktibidad at tagumpay nitong nagdaang taong panuruan. Stand Alone Isang magandang balita na akin pong ibabahagi ay ang ating Senior High School ay kasalukuyang pino-proseso ang pagiging stand-alone status nito. Ito ay isang hakbang na sinusuportahan ng ating LGU na pinamumunuan ni Kgg. Florida P. Esteban, ng ating FPTA sa pangunguna ni Gng. Imelda P. Albano at ng ating Barangay Captain, Kgg. Jaime Llana. Mula sa pag-uusap ng mga namumuno sa paaralan sa pangunguna ng ating butihing punongguro, Mam Elenita C. Sumait at katuwang na punongguro, Sir Moises M. Cadalso, Jr., ang senior high school ay binigyan ng 1.3 ektaryang lupa mula sa 5 ektarya na kinatatayuan ng Dr. Ramon de Santos National High School. Noong July 7, 2023, dumating ang mga kinatawan mula sa Regional Office upang i-validate ang ating Senior High School. Matapos ang kanilang pagsusuri, kanilang inirekomenda na magkaroon ng sariling gate at daan ang Senior High School. Nakatutuwang balita na nagpahayag si Brgy. Captain Llana ng kanyang pagtangkilik at ipinangako niya na magbabahagi ng pondo para sa pagpapasemento ng ipinaplanong daan. Ang pagiging stand-alone ng ating Senior High School ay magiging isang mahalagang hakbang patungo sa mas maayos at modernong edukasyon para sa mga mag-aaral. Ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga lokal na opisyal at komunidad upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating lugar. Work Immersion Ang atin pong paaraalan ay nagpapasalamat sa ating mga partner industries sa Work Immersion. Ang Work Immersion ay isang programa ng K to 12 curriculum na naglalayong magbigay ng praktikal na karanasan sa mga senior high school students upang maipakita sa kanila ang tunay na mundo ng trabaho at mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang mga natutunan sa paaralan sa isang aktwal na trabaho o industriya. Ating pinasasalamatan ang LGU-Cuyapo, kung saan ang ating 10 Agri students ay sumailalim ng training mula sa Office of the Municipal Agriculturist. Sila ay natuto ng mga kasanayan sa agrikultura at paggamit ng iba-ibang teknolohiya sa pagtatanim. Hindi lamang sila isinakbak sa field kundi pati narin sa gawaing pang-opisina. Maliban sa ating mga Agri students, ang ating mga ICT students ay nagsanay rin sa iba’t-ibang opisina sa ating lokal na pamahalaan. Ang atin namang 21 na mag-aaral ng Electrical Installation Maintenance o EIM ay nagsagawa ng kanilang Work Immersion sa Tarelco I. Sa kabilang banda, ang 11 estudyante sa ilalaim ng SMAW ay nagsanay sa VAL Machineries, Guimba Nueva Ecija. Sa karagdagan, ang ating 31 Cookery students ay nagsagawa ng kanilang Work Immersion sa iba’t-ibang restaurant at catering services tulad ng Toyling’s Restaurant, Cheska’s Refreshmanet, Halou Restobar, Amor Babes bar and Restaurant, Irresistibility at Yuan’s Catering Services. Sa pamamagitan ng work immersion, naihanda ang ating mga mag-aaral sa kanilang tatahaking propesyon at trabaho sa hinaharap. Business Simulation/ Culminating/ Capstone Sa kabilang dako, ang ating mga mag-aaral sa ilalim ng Academic Track, hindi man sumailalim sa Work Immersion ay nahasa ang kanilang kasanayan sa kanilang piniling strand. Ang ating mga mag-aaral sa Accountancy, Business, and Management Stand ay nagsagawa ng Business Simulation kung saan sila ay lumahok sa Trade Fair ng paraalan na idinaos noong Abril 26-27. Ito ay isang kapakipakinabang na karanasan na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na maipakita at mapalawak ang kanilang kaalaman sa negosyo at pamamahala. Dito ay bumuo ang mga mag-aaral ng kanilang sariling produkto, umisip ng istratehiya kung paano sila makakabenta, at nagpamalas rin ng creativity upang tangkilikin ang kanilang negosyo. Isa itong napakasayang aktibidad na hindi lamang mga ABM students ang natuto kundi pati narin ang mga mga-aaral sa ibang strand na may Entrepreneurship subject. Ang mga ganitong aktibidad ay nagbibigay ng mahalagang karanasan sa ating mga mag-aaral, kung saan hindi lamang sila natuto, kundi naging oportunidad din na sila ay kumita. Samantala, ang ating mga mag-aaral sa ilalim ng Humanities and Social Sciences strand ay nagpamalas ng kanilang husay sa kanilang mga isinagawang Culminating Activities. Nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng Humanities and Social Sciences na makapaglingkod at makapag-ambag sa komunidad sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga proyekto at programa para sa kabataan at sa kalikasan mula Mayo 12-30, 2023. Kabilang sa mga programang isinagawa ay ang Storytelling, Feeding, Reading, at Gift-Giving Programs sa ilang paaralan tulad ng Rizal Child Day Care Center, Recuerdo Elementary School, Manuel Tiaoqui Elementary School, at Sta. Clara Elementary School. Sa pamamagitan nito, nakapagbahagi sila ng kasiyahan at tulong sa mga batang mag-aaral. Bukod pa rito, nag-organisa rin sila ng Clean-Up Drive upang pangalagaan ang kalikasan at maging responsableng mamamayan sa pag-aalaga sa kapaligiran. Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral sa larangan ng sining. Nagkaroon sila ng Arts Exhibition, kung saan ipinamalas nila ang kanilang mga likha at talento sa sining. Isa pang matagumpay na proyekto ay ang Gift-giving program na isinagawa sa Sta. Clara Elementary School, kung saan ang lokal na pamahalaan ng Cuyapo ay naging kaakibat ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng school bags at iba pang school supplies na magagamit ng mga estudyante. Nagpapakita ito ng magandang halimbawa ng pakikipagtulungan at kooperasyon sa pagitan ng mga mag-aaral at lokal na pamahalaan para sa ikabubuti ng komunidad. Ipinakita rin ng mga mag-aaral ng Humanities and Social Sciences strand ang kanilang dedikasyon sa kamalayan sa Mental na Kalusugan sa pamamagitan ng isang Mental Health Awareness Seminar. Sa tulong ni Ma’am Editha S. Marquez, ang Guidance Counselor ng paaralan, nagkaroon sila ng pagkakataon na talakayin at maunawaan ang mga isyu at kahalagahan ng mental na kalusugan. Nagkaroon rin ng seminar na may layuning palawakin ang kaalaman ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan. Sa karagdagan, nagsagawa rin ng Environmental Seminar at Tree Planting sa Sta. Cruz, Cuyapo, Nueva Ecija. Sa mga ganitong aktibidad, ipinakita nila ang kanilang pagmamalasakit sa kalikasan at ang pangangailangan na pangalagaan ito para sa mga susunod na henerasyon. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, nagiging bahagi sila ng mga solusyon upang mapanatili ang kalikasan at ito ay mapangalagaan. Sa kabuuan, malaki ang naging kontribusyon ng mga mag-aaral ng Humanities and Social Sciences strand sa kanilang komunidad. Pinatunayan nila ang kanilang kahusayan at dedikasyon sa paglilingkod at pag-unawa sa mga pangangailangan ng iba. Ito ay isang malaking tagumpay para sa kanilang paaralan at isang inspirasyon sa iba pang mag-aaral na maging aktibo at makialam sa mga suliranin ng lipunan. HUMSS Exhibit Kabilang sa Culminating Activity subject ng mga HUMSS students ay ang pagsasagawa ng isang exhibit. Noong Hunyo 13, nagkaroon ng HUMSS exhibit sa ating paaralan na may temang "Exploring the World of Humanities and Social Sciences." Inimbitahan ang mga Grade 10 students upang masaksihan ang nasabing eksibit. Ang eksibit ay nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral ng Grade 12 HUMSS na ipakita ang kanilang mga pagsisikap, kasanayan, at mga tagumpay bilang mga mag-aaral sa HUMSS. Layunin rin ng nasabing eksibit na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng Humanities and Social Sciences strand at hikayatin ang mga incoming Senior High School students na piliin ang HUMSS strand. Research Capstone Ang ating mga mag-aaral sa ilalim ng STEM o Science, Technology, Engineering, and Mathematics ay nagpakita ng kahusayan sa agham at teknolohiya sa kanilang mga capstone projects. Isa sa mga pag-aaral ng mga mag-aaral na nagpakita ng potensyal ay may pamagat na "Coca-Cola Plastic Bottles and Aluminum Alloy Beverage Cans as Alternative to Silica and Alumina in Making Bricks." Isinagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong sa pagbawas ng bilang ng mga plastik, partikular na mga plastik na bote ng Coca-Cola at mga lata ng inumin na gawa sa aluminum alloy. Layunin nitong lumikha ng bricks mula sa mga nabanggit na materyales na naglalayong makalikha ng mas murang bricks para sa konstruksiyon. Batid natin na dumarami ang mga itinatapon na plastik at lata na madalas ay hindi nare-recycle, kaya ang pag-aaral na ito ay hindi lamang naglalayong makatulong sa kalikasan kundi pati na rin sa pagtatayo ng mga gusali. Sa pag-aaral na ito, napatunayan ng mga mag-aaral na epektibo ang paggamit ng Coca-Cola plastic bottles at aluminum alloy beverage cans sa paggawa ng mga matibay at mas abot-kayang bricks. Isa pang natatanging capstone project ng ating mga mag-aaral ay ang proyektong "Solar Mechanized Feeder Fabrication to Poultry." Ito ay isang automatic feeding machine na pinapatakbo ng solar energy na lubos na makatutulong sa ating farmers sa pagpapalaki ng mga manok. Bagamat may mga naimbento nang automatic chicken feeder na kung saan ilalagay ang mga feeds sa isang lagayan, ang mga ito'y patuloy na naglalabas ng feeds nang hindi kontrolado hanggang sa maubos ang feed stock sa lagayan, at maaaring magdulot ng sobrang pagkain sa mga manok na maaaring magkaroon ng epekto sa kanilang kalusugan. Ang solar powered automatic chicken feeding machine na ginawa ng mga mag-aaral ay may kasamang iskedyul ng pagpapakain kasama na rin ang tamang dami ng feeds na ibibigay. Sa tulong ng makinang ito, makatitipid ang mga magsasaka ng pera at oras sa pagpapakain sa mga manok, at mas magiging kontrolado at epektibo ang proseso ng pagpapakain. NC Passers Isa sa mga ipinagmamalaki ng ating paaralan ay ang tagumpay na nakakamit ng ating mga mag-aaral. Buong-kaluguran naming ipinapaabot na lahat ng mga mag-aaral sa TVL (TechnicalVocational-Livelihood) track na sumailalim sa National Certificate assessment ay pumasa, 100% ang ating passing rate. Unang sumailalim sa Assessment ang mga mag-aaral sa Computer Systems Servicing na nakamit ang kanilang tagumpay noong ika11 ng Hunyo. Bago sila sumailalim sa asessment, nagsanay muna sila sa ilalim ng Joint Delivery Voucher Program o JDVP, na isinagawa ng Innovative Skills Development and Assessment Center Inc. Bukod pa rito, ang unang batch ng takers, 13 mag-aaral sa Cookery ay nagkamit din ng 100% passing rate sa kanilang asessment na isinagawa sa Toplink Global College, Inc. Ngayon, naghihintay na lamang ang second batch of takers para sa susunod na iskedyul ng Assesment. Handa na rin ang ating mga mag-aaral sa Industrial Arts Strand, partikular sa ilalim ng SMAW (Shielded Metal Arc Welding), para sa kanilang assessment na gaganapin sa susunod na Linggo. Sa tulong ng scholarship mula sa Paniqui Institute of Technology, sila ay nkapagsanay ng libre sa ilalim ng TESDA scholarship upang higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan. Kasama rin dito ang aming mga mag-aaral sa SMAW ALS (Alternative Learning System) na nakaabang na lamang sa kanilang iskedyul para sa kanilang Assessment. Sa kabuuan, patuloy na nagpupursigi ang paaralan na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral at itaguyod ang kanilang tagumpay sa larangan ng teknikal-vokasyonal. Ang bawat tagumpay ng mga mag-aaral ay tagumpay din ng buong paaralan at ng aming komunidad. ALS Malugod ko rin pong ibinabalita ang matagumpay na pagtatapos ng ating mga mag-aaral mula sa Alternative Learning System o ALS. Ito ay isang makasaysayang pagkakataon sa ating paaralan, dahil ito ang unang pagtatapos ng ALS Senior High School. Nagawa nating makapagpatapos ng 76 ALS learners: 25 sa kanila ay kabilang sa ICT Strand, 29 sa Cookery, at 22 sa Shielded Metal Arc Welding. Ang mga ALS graduates na ito ay nagbibigayinspirasyon sa atin, sapagkat ilan sa kanila ay mga magulang na naghahanap-buhay na pinatunayan na hindi hadlang ang edad at estado sa buhay upang magkaroon ng oportunidad na makapag- aral. Masasaksihan ang kaligayahan sa kanilang mga mukha habang kanilang tinatanggap ang kanilang mga diploma sa entablado. Ang ating CID Chief, Ma’am Jayne Garcia ang nagpatibay ng pagtatapos ng ating mga mag-aaral noong Graduation Ceremony. Ang tagumpay ng ALS ay hindi lamang tagumpay ng paaralan, kundi tagumpay rin ng ating mga District ALS Coordinators mula sa Cuyapo, Guimba, Nampicuan, at mga ALS Senior High Teachers na nagpursigi at nagtitiyaga upang masiguro ang kalidad ng edukasyon para sa ating mga ALS learners. Ipinakita nila ang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo upang matulungan ang mga mag-aaral na abutin ang kanilang pangarap. Tunay ngang isang tagumpay na puno ng inspirasyon at pag-asa ang pagtatapos ng ating mga ALS graduates. Ito rin ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan ng buong komunidad upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang ating mga ALS learners. ANCHOR Hindi sapat na ang mga kaguruan at kabataan lamang ang pagtuunan natin ng pansin. Kasama dapat nating pinauunlad ang kapaligiran ng ating paaralan upang ito ay maging “conducive for learning.” Kaya naman ang ating paaralan ay walang tigil sa pagpapaganda ng pisikal na kaanyuan ng paaralan, hindi lamang upang maging kaaya-aya sa paningin, kundi maging eco-friendly na rin. Makakasama natin ngayong hapon si Sir Eric Cuaresma, Head Teacher ng MAPEH upang magbigay sa atin ng byahe tungo sa maunlad na kapaligiran ng paaralan. Maalab na hapon po Sir! Physical Development – Sir Eric Cuaresma Maalab na hapon rin sainyo… Tunay nga po na hindi lamang ang kaguruan at kabataan ang dapat nating paunlarin. Kailangan rin nating pagtuunan ng pansin ang ating kapaligiran. Katuwang natin ang buong pwersa ng kaguruan at mag-aaral sa pagpapaunlad ng kapaligiran sa ating paaralan. Dahil target natin ang sustainability ng development ng ating paaralan, nagsagawa tayo ng Search for the Best Wing. Naglalayon ito na makagawa tayo ng kapaligiran na talagang masasabi natin na ligtas at conducive sa pag-aaral ng mga bata. Pinalalawig rin nito ang kaalaman ng mga mag-aaral natin sa kahalagahan ng pagpapanatiling Maganda at maayos na kapaligiran. Nakabase ang gawaing ito sa Regional Memorandum 245, series of 2013 o ang Implementing Guidelines on Revitalizing Classroom Structuring Cum Child-Friendly School System. Sa katunayan hindi lamang ito ang gawain ng paaralan na naglalayong makapagpaganda sa ating kapaligiran. Ang YES-O ay isang student organization na nakatutok naman sa pag-alaga ng kapaligiran. Mayroon silang proyektong tinatawag na Adopt-A-Garden kung saan naglalayon silang palaguin ang mga urban gardens sa bawat classroom. Naglalayon po kasi ito na bukod sa mapaganda ang paligid at maalagaan ang kalikasan, maging sustainable rin ang mga gardens. Imbes na mga namumulaklak na halaman ay mga gulay ang itinatanim. Nakikiisa rin tayo sa layunin ng ating Local Government Unit sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Environmental and Natural Resources na No-Single Use Plastic Policy. Mahigpit na pinagbabawal sa ating paaralan ang paggamit ng mga plastic kung kaya naman malaki ang kontribusyon natin sa pagpapanatiling Maganda ng ating kapaligian. Inyong napakinggan ang mga napapanahong programa't kaganapan sa Mataas na Paaralan ng Dr. Ramon de Santos. Ating pasalamatan ang bumubuo sa DWNE DepEd Hour Team ALAB RAMONYAN Muli, ako si Roy Concepcion. At ako naman si Harriette Flores. Alab tungo sa kalidad na edukasyon Alab laban sa mga hamon ng panahon Alab para sa pagsulong na sambayanan Ito ang Alab Ramonyan.