BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7 ARALING ASYANO Inihanda ni: Charity B. Laoat Inihanda para kay: Vic Gacula I. Layunin 1.1 Gamit ang mga larawan at aktibidad, nasusuri ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng mga Relihiyon sa Asya 1.2 Sa loob ng 15 minutong pangkatang discussion, ang mga mag-aaral ay nakapagbabahagi ng ideya kung paano nabibigyang-pitagan ang mga relihiyon sa Kanlurang Asya 1.3 Gamit ang papel, ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng Data Retrieval Chart tungkol sa Relihiyon sa Kanlurang Asya sa loob ng 5 minuto II. Nilalaman A. Paksa: Mga Relihiyon sa Kanlurang Asya B. May Akda: Jerome A. Ong C. Sanggunian: Araling Asyano, Araling Panlipunan 7, Learners Material, pahina 263-266) D. Mga Materyales: Cartolina III. Pamamaraan GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL I. Panalangin Bago tayo magsimula, tumayo muna ang lahat para sa isang panalangin. Maaari mo bang pangunahan ang panalangin (Ang mga mag-aaral ay mananalangin) Melanie? II. PAGTATALA NG MGA LUMIBAN May lumiban ba ngayong araw Jolina? Wala po ma’am Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak ang inyong mga sarili (Ang mga mag-aaral ay papalakpak) III. PAGBABALIK-ARAL Bago tayo magsimula sa ating bagong talakayan tayo muna ay magbabalik aral sa ating napag aralan kahapon. Ano nga ba ang ating napag-aralan kahapon Ang napag-aralan po natin sa kahapon ay Christian? tungkol sa Relihiyon sa Hilagang Asya, ito ay ang Shamanism. Tama! Mahusay! Base sa ating talakayan kahapon, ano ang Ang Shamanism ay isang relihiyon na kung Shamanism John Carlo? saan ang paniniwala at mga kasanayan ay may kaugnayan sa komunikasyon sa espiritwal na mundo Mahusay! Ano ang tawag sa mga taong nanampalataya sa relihiyong Shamanism Jonathan? Shamanist ma’am Mahusay! Lubusan niyo na ngang alam ang Relihiyon sa Hilagang Asya IV. PAGGANYAK Bago tayo magsimula sa ating panibagong aralin, kayo muna ay magkakaroon ng isang gawain. May mga larawan akong ipapakita at sa baba nito ay may mga letra ngunit ang mga ito ay hindi nakaayos, upang maayos at upang makabuo ng isang maayos na salita inyong susuriin ang mga larawan. Unang larawan: DUJMSAI Sinong gustong sumagot? Laura Ano ang iyong nakikita sa larawan? Star at mga tao pong may hawak na papel Tama! Ano sa tingin mo ang mabubuo sa Judaism po ma’am letrang iyong nakikita? Maaari mo bang ayusin ang mga letra (Ang mag-aaral ay aasyusin ang mga letra) Sa tingin niyo klas, tama ba ang kanyang Opo ma’am sagot? Mahusay! Bigyan siya ng limang bagsak Sa ikalawang larawan, sumagot? Christine sinong gustong (Ang mga mag-aaral ay papalakpak) OKTSIIRIAYNMS Ano ang nakikita mo sa larawan? Ano sa tingin mo ang salitang mabubo mula sa mga letra? Paki ayos na ang mga letra Krus, bibliya at larawan ni Hesus ma’am Sa tingin niyo, tama ba ang kanyang sagot? Kristiyanismo ma’am Mahusay! Bigyan siya ng limang bagsak Sa ikatlong larawan, sumagot? Stephanie sinong (Ang mag-aaral ay aayusin ang mga letra) gustong Opo ma’am (Ang mga mag-aaral ay papalakpak) MIASL Anong nakikita mo sa larawan? Tama! Ngayon, ano sa tingin mo ang mabubuo sa mga letrang nasa iyong harapan? Tama nga ba? Maaari mo ng buuin ang mga Buwan, bituin, libro at hijab ma’am letra Sa tingin niyo klas, tama ba siya? Mahusay! Bigyan siya ng limang bagsak Ang panghuling larawan, sinong gustong Islam ma’am (Ang mag-aaral ay bubuin ang mga letra) sumagot? Irah Opo ma’am (Ang mga mag-aaral ay papalakpak) ZOTSIAMIRASONR Ano ang nakikita mo sa larawan? Ano sa tingin mo ang mabubuo mong salita? Sa tingin niyo klas, tama ba ang kanyang Rebulto, libro at mga taong nagdadasal ma’am sagot? Mahusay! Bigyan siya ng limang bagsak Zoroastrianism po Opo ma’am (Ang mga mag-aaral ay papalakpak) V. PAGLALAHAD Base sa ating aktibidad, ano sa tingin niyo ang ating pag-aaralan? Tungkol po sa mga relihiyon Tama! Pero saan kabilang ang mga ito? Sa Kanlurang Asya po ma’am Sa kabuuan, tungkol saan ang pag-aaralan natin ngayon? Tungkol po sa mga relihiyon sa kanlurang Asya po ma’am Tama! Mahusay! Bago tayo tuluyang dumako sa ating talakayan, batay sa ating napag-aralan kahapon, maaari mo bang ibigay ang kahulugan ng relihiyon Rose Venus? Tama! Mahusay! VI. TALAKAYAN Nagsimula sa Kanlurang Asya ang ilan sa pinakalaganap na relihiyon sa daigdig. Ang mga relihiyon ns itinatag dito ay ang Ang relihiyon po ma’am ay paniniwala ng tao na may makapangyarihang nilalang o puwersa na siyang pinakamataas at nagpakikilos sa lahat ng bagay sa mundo Judaism, Kristiyanismo, Zoroastrianism Islam, at Ang unang ating tatalakaying relihiyon sa kanlurang asya ay ang Judaism pero bago (Ang mag-aaral ay ididikit ang mga sagot) yun magtatawag muna ako ng isang estudyante, madali lang ang kanyang gagawin. Ididkit lamang niya ang mga Opo ma’am salitang may kaugnayan sa Judaism. Sinong gustong sumagot? Jun Sa tingin niyo klas, tama ba ang kanyang Opo ma’am idinikit? Ang Judaism po ma’am ayon sa aking Ating malalaman pagkatapos ng talakayan sa nalalaman ay isa siya sa pinakamatandang Judaism relihiyon sa mundo. May ideya ba kayo tungkol sa Judaism klas? Sige nga klas, ano sa tingin niyo ang Judaism? Frank Mahusay klas! Tama ang sinabi ni Frank na isa sa pinakamatandang relihiyon sa mundo ang Judaism Sino pa ang may ideya tungkol dito klas? Irah mays gusto ka bang sabihin? Ang Judaism ay itinatag ng mga Jew o Israelite ma’am Mahusay! Tama ang sinabi ni Irah na ang nagtatag ng Judaism ay ang mga Jew o Israelite. Isa itong monoteistikong relihiyon Ano nga ba ang moneteismo? May ideya ka Ang monoteismo ay ang pagsamba at ba Ronjoi? paniniwala sa isang Diyos Mahusay! Kung ang monoteismo ay Ang politeismo po ay ang pagsamba at paniniwala sa isang Diyos, ano naman ang paniniwala sa maraming Diyos politeismo Diana? Tama! Mahusay Kabilang sa monoteismo ang Judaism sapagkat naniniwala sila na si Yahweh lamang ang may likha sa lahat ng bagay sa daigdig. Torah ang tawag sa kanilang banal na aklat ng mga Jew. Ano sa tingin niyo ang laman ng Torah? Jun Ang laman po ng Torah ay ang mga salita ni Yahweh Tama! Ang laman ng Torah ay ang mga salita ni Yahwew. Ang Torah ay nangangahulugang “batas at aral” Binubuo ito ng limang aklat Ano sa tingin niyo ang limang aklat na ito? Ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at Frank Deuteronomy ma’am Tama! Mahusay! Ang limang ito nakalagay din sa lumang tipan ng bibliya ay Patriyarka ang tawag sa kanilang pinuno. Ilan sa mga kilalang patriyarka ng mga Jew ay sina Abraham, Isaac, at Jacob. Sa Exodus isinalaysay kung paano pinamunuan ni Moses ang pagtakas ng mga Jew sa Egypt. Sinong nakakaalam sa kwentong ito? Alam o ba Dariel? Opo ma’am Ano ang ginawa ni Moses sa dagat upang Hinati niya ang dagat upang makadaan ang makatakas ang mga Israelite? mga Israelite at nagtagumpay po sila Tama! Pangunahing mga aral ng Judaism ang sampung utos na tinanggap ni Moses mula sa Diyos. Naintindihan ba klas? Opo ma’am Ngayon balikan natin ang idinikit ni Jun? Mula sa ating napag-aralan, tama ba ito? Opo ma’am Mahusay! Bigyan natin siya ng ang galing (Ang mga mag-aaral ay papalakpak) galing clap Sa ating talakayan sa Judaism, mula sa Opo ma’am kanilang Diyos, paniniwala at libro, meron at pareho po ba sa Kristiyanismo? Oo, sa ating mga Kristiyano ang 10 utos ay siya din nating sinusunod sapagkat nakasaad din ito sa ating banal na aklat Bago tayo magpatuloy, sinong gustong mag (Ang mag-aaral ay ididikit ang mga salita) dikit ng mga salitang may kaugnayan sa Kristiyanismo? Ronald Tama kaya? Ating malalaman ulit mamaya Gaya ng Judaism, ang Kristiyanismo ay isa ding monoteistikong relihiyon. Ang mga aral ay nakabatay sa katuruan ni Hesus. Naniniwala tayong anak ng Diyos si Hesus Dahil sa kanyang mga kamangha manghang dahil sa anong dahilan? gawain, gaya na lamang ng pinagaling niya ang bulag Tama! Sumusunod ang mga Kristiyano sa mga aral at salita ni Hesus bilang paghahanda sa pagbabalik ni Hesus. Naniniwala tayong mga Kristiyano na kung sino ang sumusunod sa mga salita ni Hesus ay magtatamo ng buhay na walang hanggan at sa sumalungat ay magdurusa sa kabilang buhay. Ano nga ulit ang tawag sa banal na aklat Bibliya ma’am nating mga Kristiyano Stephany? Tama! Ang bibliya ay nahahati sa 2 bahagi ang lumang tipan at bagong tipan Ano ang laman ng lumang tipan Frank? Ang lumang tipan ma’am ay naglalaman ng salaysay mula sa paglikha ng Diyos sa daigdig hanggang sa paghahanda ng mga Jew at sa pagdating ni Hesus Tama! Ang sinabi ni Frank ay siyang laman Ang laman po ng bagong tipan ay tungkol sa ng lumang tipan, ano naman sa bagong tipan buhay ni Hesus, na kanyang mga disipulo, at Dariel? iba pang pangyayaring may kaugnayan sa Kristiyanismo ma’am Tama! Nakabatay sa dalawang pangunahing paniniwala ang Kristiyanismo; si Hesus ay Anak ng Diyos at ang Diyos ang nagsugo kay Hesus sa daigdig upang mamuhay at maghirap, tulad ng tao, mamamatay para sa kaligtasan ng sangkatauhan at mabuhay muli Lahat ng paniniwala at gawain ng mga Kristiyano ay nakapaloob sa dalawang pangunahing aral, ito ay ang: Una, ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat Pangalawa, ibigin mo ang kapuwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili Bakit sa tingin niyo monoteistiko ang Dahil pinagtibay po ng simbahang katoliko Kristiyanismo? ang paniniwala sa Santisima Trinidad, ang paniniwala sa tatlong persona ng iisang Diyos-ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo Ngayon ay natapos na nating talakayin ang Opo ma’am tungkol sa Kristiyanismo, atin ngang balikan ang mga dinikit ni Ronald, tama ba klas? Mahusay! Bigyan natin siya ng ang galing (Ang mga mag-aaral ay papalakpak) galing clap! Dumako naman tayo sa Islam pero bago yun, (Ang mag-aaral ay ididikit ang mga salita) maaari mo bang idikit ang mga salitang may kaugnayan sa Islam Melanie Ikalawang pinakamalaganap na relihiyon sa daigdig ang Islam. Ang salitang Islam ay nangangahulugang “kapayapaan”. Bukod dito nangangahulugan din itong “pagsuko” Kung pagsasamahin ang dalawang diwa, ano Kapayapaang madarama kapag isinuko ang ang Islam? Sunshine sarili sa Diyos na si Allah ma’am Tama! Mahusay! May ideya ka ba kung sino ang nagtatag ng Si Muhammad po ma’am Islam Jonathan? Tama! Isinilang si Muhammad sa Mecca at lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang tiyo dahil maagang pumanaw ang kanyang mga magulang. Naging caravan driver siya ng biyudang negosyante na si Kadija na nang lumaon ay kaniyang pinakasalan. Sino ang naging asawa ni Muhammad? Mahilig si Muhammad magtungo sa mga yungib ubang magpag-isa at magnilay. Sa kaniyang pagninilay, natuklasan niya ang mensaheng nagbigay-linaw sa kanya tungkol sa misteryo ng kabutihan at kasamaan. Sinasabing sa mensaheng ito na si Allah ang Diyos at siya ang lumikha sa daigdig at sanlibutan. Si Allah ay kaibig ibig kung kaya’t ang kaniyang nilalang ay kaibig-ibig Si Kadija po ma’am rin. Higit sa lahat, si Allah lamang ang dapat kilalanin, bigyang-dangal, at pasalamatan Bilang pagtalima sa mensahe ni Allah, ipinalaganap ni Muhammad ang Islam. Hindi ito tinanggap ng mga Quraish, ang tribo na kanyang kinabibilangan sa Mecca kaya’t nilisan niya ito at nagtungo sa Medina kasama ang kaniyang mga tapat na tagasunod. Ang pangyayaring ito ay kilala bilang Hegira na ang ibig sabihin ay the flight. Maluwag na tinanggap si Muhammad at ang Islam sa Medina kung kaya’t naging magkatunggaling lungsod ang Mecca at Medina dahil sa magkaibang relihiyon. Sa pamumuno ni Muhammad, nagapi ng Medina ang Mecca. Dahil sa kanyang pagkapanalo, nakabalik si Muhammad sa lugar na kaniyang pinagmulan. Ginawa niyang sentro ng pananampalataya ang Kaaba. Makikita ito ngayon sa loob ng Al Masjid al Haram o Great Mosque sa Mecca, Saudi Arabia Sa pagninilay ni Muhammad ano ang Natuklasan niya po ang mensaheng kanyang natuklasan Jolina? nagbigay-linaw sa kanya tungkol sa misteryo ng kabutihan at kasamaan. May Limang Haligi na kung saan ito ang pangunahing doktrina ng Islam, ito ay ang mga sumusunod: Shahada. Paniniwala na walang panginoon Quraish po ma’am kundi si Allah at si Muhammad na kanyang propeta Salat. Pagdarasal nang limang ulit sa isang araw nang nakaharap sa direksyon ng Kaaba Zakat. Pagiging bukas-palad, mahalaga ang Opo ma’am pagtulong sa mga nangangailangan, maysakit, matanda, ulit at iba pa Sawm. Paggunita sa banal na buwan ng (Ang mg mag-aaral ay papalakpak) Ramadan sa pamamagitan ng isang buwang pag-aayuno araw-araw mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw Hajj. Paglalakbay sa Mecca minsan sa buong buhay ng isang Muslim; ang taong nakapaglakbay sa Mecca ay ginagawaran ng titulong Hajji (Ang mag-aaral ay ididikit ang mga salita) Tama! Tunay ngang nakinig ka Ano naman ang tawag sa kanyang katribo sa Mecca Florelyn? Tama! Mahusay Ano yong limang pangunahing doktrina ng Shahada, Salat, Zakat, Sawm, at Hajj po Islam Ronjoi? ma’am Mahusay! Ngayon, balikan natin ang idinikit ni Melanie, tama ba klas? Mahusay! Bigyan natin siya pangmalakasang ang galing galing clap! ng Ngayon, dumako naman tayo sa panghuling relihiyon sa Kanlurang Asya, ang Zoroastrianism Ang mga natirang salita ay siyang may (Ang mag-aaral ay ididikit ang mga salita) kaugnayan sa Zoroastrianism, maaari mo bang idikit ang mga ito John Carlo Ang Zoroastrianism klas ay itinuturing na pinakamatandang rellihiyon sa daigdig. Si Zarathustra ang paniniwalang siya lang ang nabuhay noong 600 B.C.E at nagtatag ng Zoroastriamism. Sa nakadikit, sino sa tingin niyo ang diyos ng Ahura Mazda po ma’am relihiyong ito? Tama! Si Ahura Mazda ang pinaniniwalaan nilang Diyos. Pinaniniwalaan nilang siya ang tagapaglikha at tagataguyod ng daigdig. Sa nakadikit ulit, ano sa tingin niyo ang Zend Avesta po ma’am tawag sa kanilang banal na aklat? Tama! Zend Avesta ang tawag sa kanilang banal na aklat na kung saan mababasa dito ang mga awit na nilikha o ginawa ni Zarathustra. Tulad ng ibang relihiyon, binibigyang-diin ng Zoroastrianism ang paggawa ng mabuti at pag-iwas sa paggawa ng masama sa kapuwa. Ang pangunahing Zoroastrianism: paniniwala ng VII. PAGLALAHAD Naintindihan ba ang ating talakayan ngayon Opo ma’am araw? Ano nga ulit ang Judaism Rose Venus? Ang Judaism ay isa sa pinakamatandang relihiyon po sa daigdig. Ito po ay itinatag ng mga Jew, naniniwala po sila na si Yahweh ang Diyos. Torah po ang tawag sa kanilang banal na aklat Mahusay! Ano ang kanilang pangunahing aral Melan Ang sampung utos ng Diyos po Mahusay! Ano naman ang Kristiyanismo Stephany? Isa sa pinakalaganap na relihiyon sa mundo. Nakabatay ang kanilang paniniwala sa mga salita ni Hesus na pinaniniwalaang anak ng Diyos. Naniniwala po sila sa Santisima Trinidad o ang Holy Trinity po. Bibliya po ang tawag sa kanilang banal na aklat Mahusay! Ano naman ang Islam Florelyn? Ang Islam ay itinatag ni Muhammad na pinaniniwalaang isinugo ni Allah na kanilang Diyos. Qur’an ang tawag sa kanilang banal na aklat at may Limang Haligi sila na kung saan ito ang kanilang pangunahing doktrina Mahusay! Ano naman ang Zoroastrianism Janine? Mahusay! Ito po ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Itinatag ito ni Zarathustra na kanilang propeta at si Ahura Mazda naman ang kanilang Diyos. Zend Avesta naman ang tawag sa kanilang banal na aklat. Ano ang pagkakaiba ng Monoteismo at Ang monoteismo po ay ang pagsamba at Politeismo Frank? paniniwala sa iisang Diyos at ang Politeismo po ay ang pagsamba sa maraming Diyos Mahusay! Ano ang napapansin niyo sa mga relihiyon na Lahat po ay binibigyang diin ang paggawa ng ating natalakay? mabuti sa kapuwa. Ang kanilang mga aral ay nakabatay sa kabutihan Tama! Mahusay! VIII. PANGWAKAS NA GAWAIN A. Pangkatang Gawain FREEDOM WALL! Ang gawain natin ngayon ay tatawagin natin freedom wall. Makibahagi sa iyong pangkat. Ipahayag ang inyong mga mungkahi kung paano maipakita ang paggalang sa iba’t ibang relihiyon. Pagkatapos ninyong magbahagi sa isa’t isa may isang miyembro ang magbabahagi sa harap ng inyong pinag-usapan. Gawin lamang ito sa loob ng 15 minuto B. Ebalwasyon DATA RETRIEVAL CHART Punan lamang ng tamang sagot ang tsart na inyong nakikita batay sa inyong natutuhan tungkol sa relihiyon sa Kanlurang Asya, gawin lamang ito sa loob ng 5 minuto. RELIHIYON NAGTATAG TAWAG SA DIYOS PANGUNAHING ARAL Judaism Kristiyanismo Islam Zoroastrianism TAKDANG ARALIN Maghanap o kumuha ng larawang nagpapakita ng isang gawaing may kaugnayan sa relihiyon sa Kanlurang Asya. Gamitin ito upang makabuo ng electronic postcard. Sumulat ng maikling paliwanag tungkol sa kaugnayan ng gawaing panrelihiyon ng mga Asyano. Pamantayan Nilalaman Mga pamantayan sa pagbuo ng e-postcard: Deskripsiyon Angkop ang napiling sitwasyon. Nagsusulong ito ng paggalang sa mga gawain at paniniwala ng iba’t ibang relihiyon sa Kanlurang Asya. Puntos 8 Kaangkupan mungkahi Presentasyon ng Madaling maunawaan at malikhain ang paglalarawan ng sitwasyong ipinapakita sa e-postcard. Gumamit ng angkop na disenyo, larawan, at kulay upang maging kaaya-aya ang e-postcard. Kabuuan 6 6 20