-Republic of the Philippines Department of Education Region V Division of Camarines Sur SIPACO NATIONAL HIGH SCHOOL HIMANAG NATIONAL HIGH SCHOOL- MOTHER SCHOOL Sipaco, Lagonoy, Camarines Sur S/Y 2022-2023 IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 Name:____________________________________ Date: ________________ Score: _________ Grade/Section: ____________________________ Parent signature:______________________ Panuto: Basahin ng maaayos ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang 1. Niyaya si Ellen ng kanyang kaibigang si Martha na pumunta sa isang birthday party. Nang siya ay nagpaalam sa kanyang lola, hindi ito pinayagan dahil malapit na ang curfew. Ngunit tumakas ito at sumama sa kaibigan hanggang nahuli ito ng mga tanod at dinala sa barangay para pagpaliwanagin. Ang ipinamalas ni Ellen ay: A. kawalan ng halaga sa kapakanan ng iba C. kawalan ng pagpapahalaga sa sarili 2. B. kawalan ng kanyang respeto sa kaibigan D. kawalan ng respeto sa nakatatanda at batas Paano maipamamalas ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda? A. iniisip ang kapakanan ng mga kaibigan B. pagsunod sa batas ng may awtoridad C. pagsunod sa gusto ng mga nakatatandang kaibigang nagyaya sa party D. pagsunod sa utos ng lola at ipakita ang respeto dito 3. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito, “Ignorance of the law excuses no one”? A. mangmang ang taong walang alam sa batas B. makukulong ang taong walang alam sa batas C. payapa ang barangay kapag nasusunod ang mga ordinansa D. hindi dahilan ang kawalan ng kaalaman batas upang makaiwas sa pananagutan ukol rito 4. Bakit mahalaga ang paggalang sa magulang at nakatatanda? Dahil: A. matanda na sila C. ito ay nagpapaligaya sa ibang tao 5. B. inaalagaan nila tayo D. ito ay pagpapakita ng kabutihang asal at pagpapahalaga Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa nakatatanda? A. pagiging sensitibo sa mga salitang gagamitin kapag kinakausap ang nakatatanda B. pagsangguni sa mga nakatatanda kapag gagawa ng pagpapasiya C. pagmamano at paggamit ng magagalang na sila sa lahat ng pagkakataon D. pagbibigay ng opinyon kahit hindi kasangkot sa usapin ng mga nakatatanda 6. Alin sa sumusunod ang tanda ng kawalan sa paggalang sa awtoridad? A. hindi pagsunod sa batas trapiko dahil wala namang nakakakita B. hindi paglabas ng bahay upang makaiwas sa sakit C. pagpuna sa mga maling ginagawa ng awtoridad sa pamamagitan ng pagsulat ng liham D. pagbibigay ng suhestiyon para sa mga proyektong pampamayanan 7. Malaki ba ang responsibilidad ng mga magulang, nakatatanda at may awtoridad sa paghubog ng pagpapahalaga ng isang bata lalo na sa pagiging magalang? A. Hindi, dahil nasa bata na kung ano ang gusto niyang sundin na pagpapahalaga lalo na sa pagiging magalang. B. Hindi, dahil marami ang naging batayan ng kabataan ngayonsa pagiging magalang isa na ditto ang sosyal medya. C. Oo, dahil sila ang nakikita at naging modelo ng mga kabataan sa anumang mga pagpapahalaga nila sa buhay lalo na sa pagiging magalang. D. Oo, dahil mas matanda sila dapat may alam talaga sila sa pagiging magalang. 8. Paano makikita sa isang bata ang pagiging magalang? A. Ang pagsunod sa mga alituntunin ng magulang, nakatatanda at may awtoridad B. Ang pag-alis ng bahay nang walang paalam sa mga magulang. 1 C. Ang pagsagot ng pabalang sa mga magulang tuwing inuutusan ito. D. Ang hindi pagsunod sa mga tagubilin ng mga magulang, nakakatanda at may awtoridad. 9. Paano natututunan ng bata ang paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad? A. Likas itong natututunan mula pa sa pagkabata. B. Nalilinang ang pag-uugali mula sa pagtuturo ng iba’t ibang institustyong panlipunan. C. Kung nagpapakita ang bata ng kaniyang interes na matuto. D. Namamana ang ganitong gawi sa mga nakatatanda. 10. Anong pagpapahalaga ang dapat na pagyamanin upang maisapuso ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad? Pagiging: A. Masinop sa lahat ng kilos at gawain. B. Pagkamalikhain at ipakita ito bilang talento. C. May pagpapahalaga sa mga turo ng magulang at sa mga batas na ipinatutupad. D. Masipag sa mga gawaing pangkabuhayan upang makatulong sa mga magulang sa paghahanapbuhay. 11. Maliit pa lamang si Francis, tinuruan na siya ng kaniyang magulang na tumawag ng ate sa kaniyang panganay na kapatid na si Lily. Anong pagpapahalaga ang itinanim sa isipan ni Francis ng kanyang magulang? A. kabutihan at kabaitan sa kapwa C. paggalang at pagsunod sa nakatatanda B. pagsunod at pagsasagawa ng kilos D. pag-aaral at pagpapalawak ng kaalaman 12. Bilang kabataan, ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa kahalagahan ng pag-alam at pag-suri sa mga paglabag sa katapatan maliban sa isa: ____________________. A. Nakapagbibigay ng kalituhan sa sariling pananaw at prinsipyo ng kausap. B. Nakapag-iisip kung paano pakitunguhan ang taong nanlilinlang. C. Nakatutulong ang wastong hakbang upang maiwasan at hindi malinlang D. Nakatutulong na mapanatili ang sariling pananaw habang nakikipag-usap sa tao 13. Naabutan ni Dindy ang kanyang kaklase na kinukuha ang baong pera ni Janice. Isinumbong ni Dindy sa kanyang guro ang ginawang pagnanakaw ng kaklase. Masasalamin ba sa ikinilos ni Dindy ang birtud ng katapatan? A. Hindi, dahil ang pagnanakaw ay kawalan ng katapatan B. Oo, dahil labag sa katapatan na pagtakpan ang katotohanan C. Oo, dahil mali ang kanyang ginawang pagkuha ng perang di sa kanya D. Hindi, dahil hindi siya dapat makialam sa problema ng kanyang mga kaklase 14. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pananabotahe? A. Pagsira sa isinumiteng proyekto ng kaklase C. Pagbabayad kapalit ang paggawa ng proyekto B. Pagkopya sa sagot ng iba tuwing may pasulit D. Pagpayag ng kaklase na kopyahin ang kanyang sagot 15. Alas syete ng gabi nang dumating si Angela sa kanilang bahay kaya galit na nagtanong ang kanyang nanay kung saan siya galing at kung bakit ginabi ito. Dahil sa takot, ay nagdahilan itong galing sa silid-aklatan para sa pangkatang gawaing ibinigay ng guro sa halip na sabihing dumalo sila sa birthday party ng kaklase. Anong paglabag sa katapatan ang nagawa ni Angela? A. Pagpapanggap B. Pagsisinungaling C. Hindi pagsasalita D. Akademikong pandaraya 16. Si Linda ay may nakitang wallet sa school canteen na naglalaman ng pera. Hindi niya ito isinauli sa may-ari dahil katwiran niya, siya ang nakakita, kaya siya narin ang magmamay-ari nito. Anong paglabag sa katapatan ang nagawa ni Linda? A. Black lies B. White lies C. Selfish lying D. Prosocial lying 17. Kumpletuhin ang pahayag, “Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng maluwat”. A. buo B. saya C. tapat D. katahimikan 18. Isa sa mga basehan ang __________ ng tao upang mas makilala ang tunay na ugali nito. A. Salita B. Wangis C. Pagpapahayag D. Kilos o Gawi 19. Nangako si Lenie na hindi ipagsasabi ang lihim ng kanyang kaibigan. Anong katapatan ang ipinakita ni Lenie? A. Katapatan sa gawa B. Katapatan sa salita C. Katapatan sa paggawa D. Katapatan sa pangangasiwa 20. Simula nang ikaw ay isilang kaugnay na ng iyong pagkatao ang pagkamit sa kaganapan ng pagkikilala sa iyong seksuwalidad. Ano ang tinutukoy sa pahayag? A. kabutihan B. kaganapan C. kakayahan D. kasarian 21. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na, “Seksuwalidad ay ang pagkakilanlan ng isang indibidwal sa kanyang sarili na nakapokus sa kanyang bayolohikal na pagkilala, pagsasakilos ng mga nais gawin, pagkakaroon ng kagustuhan o pagnanasa sa kapwa at pagkilala sa gampanin ng isang tao sa lipunan.” A. Ito ay daan upang maging ganap na tao. B. Maari mong piliin ang iyong seksuwalidad. C. Walang tiyak na seksuwalidad ang isang tao. D. Ang seksuwalidad ay sumasalamin sa iyong pagkatao at pagpapakatao. 22. Alin sa sumusunod ang isa sa mga palatandaan ng pagbibinata o pagdadalaga? A. umiiyak kapag inaaway 2 B. mas pinipiling mapag-isa C. nakakaligtaang magbihis nang maayos D. pagpapakita ng atraksiyon o kagustuhang makipagrelasyon sa kapwa Panuto: Pag-ugnayin ang mga konseptong may kinalaman sa usaping seksuwalidad. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. HANAY A HANAY B 23. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang 24. 25. 26. 27. 28. 29. 30. 31. A. Kasarian kasarian, babae o lalaki. mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian Nagbabago ang kaanyuan sa sarili. Pwedeng maging isang ama, tiyo, at lolo. Dito nalalaman ang iyong unang pagkatao noong ika’y ipinapanganak pa lamang. Mga nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian. Ito ay tumutukoy sa isang tao na naniniwala na ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma. mga ipinanganak na lalaki na nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki Sila ang mga ipinanganak na babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae. B. lalaki C. Lesbian D. Bisexual E. Asexual F. Transgender G. Gay H. Gender I. Homosexual 32. Si Diana ay palakaibigan, wala siyang pinipili kahit anong kasarian lalo na sa mga LGBTQ na kasamahan. Anong kilos ng pagdadalaga ang naisagawa ni Diana? A. pagsisilbi sa kapwa C. pagtamo ng ganap o mature na pakikipag-ugnayan B. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya D. nagagampanan ang papel sa lipunan bilang ganap na dalaga 33. Ang tao ay tinawag upang magmahal. Bakit kaya ng ang tao ay pinili upang magmahal? A. dahil ito ay may sariling pag-iisip B. dahil likas itong masunurin sa Panginoon at sa kapwa C. dahil nilikha niya itong kawangis ng kanyang mukha at pagkatao D. dahil ang tao ay rasyonal na nilalang na may kakayahang magmahal Panuto: Basahin ang mga pahayag. Pumili sa loob ng kahon ng uri ng karahasan mula sa mga kahon na sa tingin mo ay ipapahayag ng bawat pahayag. A. Pisikal na pambubulas B. Pasalitang pambubulas C. Sosyal na pambubulas 34. 35. 36. 37. 38. D. Sexual Harrasment E. Pagnanakaw F. Bandalismo ___________ Ang pangit mo! ___________ Masakit na po, huwag mon a akong suntukin! ___________ Yung bagong kaklase daw natin ay mabaho ang hininga! ___________ Nakabili ako ng pintura, halika, sulatan natin ang pader sa bahay ng ating guro ___________(Nasa kabilang linya ng telepono) Hello! Ano ang sinusuot mo ngayon, maiksi ba? 39. Kailangan mong mahalin ang iyong sarili para matutunan mong mahalin ang iyong: A. bansa B. kalusugan C. kapwa D. plaigid 40. Ang kakulangan ng atensiyon ng magulang at walang maayos na pagdidisiplina sa anak ay nagiging sanhi ng mababang marka at karahasan sa paaralan. Alin sa sumusunod ang sanhi na nagdudulot ng karahasan sa paaralan? A. fraternity C. dysfunctional home o hindi maayos na tahanan B. marahas na medya D. seksuwal na oryentasyon ng tao 41. Ano ang itinuturing na pangalawang tahanan ng bawat mag-aaral? A. paaralan C. tahanan ng kaibigan B. simbahan D. tahanan ng kapit-bahay 3 42. Kung ikaw ay isang batang nakaranas ng mga karahasan sa paaralan, paano mo ito malalabanan? A. maging pokus sa iyong ginagawa B. hayaan sila sa patuloy na panunukso sa iyo. C. kakayanin na lamang hanggang sa magsawa sila D. isasantabi ang panunukso sa halip gumawa ng bagay na makapaguunlad ng sarili at sa kapwa 43. Biglang sinuntok si Mario ng kanyang kaklase. Muntik na niyang gantihan ito ngunit naalala niya ang payo ng kanyang magulang kaya hindi na niya ito itinuloy. Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Mario? A. pagmamahal sa sarili C. pagmamahal sa Panginoon B. pagmamahal sa kapwa D. pagmamahal sa payo magulang 44. Iginagalang ni Rosa ang opinyon ng kaklaseng si Edna kahit na sinabi niya na iba ito sa kanyang paniniwala kaya nabuo ang paguunawan at pagmamahalan. Anong uri ng suliranin sa paaralan ang maaaring maiwasan ni Rosa? A. kalungkutan B. karahasan C. kasahasann D. kasiyahan 45. Bakit kailangan masugpo ang karahasan sa loob ng paaralan? Upang: A. wala ng problema ang mga guro sa paaralan B. maging mahusay sa klase ang mga mag-aaral C. wala ng problema ang punong guro ng paaralan D. maging ligtas sa kapahamakan ang bawat mag-aaral 46. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraan upang makaiwas sa karahasan? A. sumali sa gang at fraternity B. mambulas upang simulan ang pag-aaway C. gumamit ng ipinagbabawal na gamot o droga D. sumali sa mga adbokasiya laban sa anumang karahasan Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot ng dalawa hanggang tatlong pangingusap sa mga sumusunod na katanungan. Dalawang (2) puntos bawat sagot. ESSAY. 47-48. Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili at napiling kasarian? ___________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________. 49-50. Iyong palagay pano mo maiiwasan o maipapakita ang iyong katapatan sa salita at gawa. ___________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________ ______________________________________________. “Panatilihing maging matapat sa lahat ng oras upang magkaroon ka ng tahimik na bukas” -Anonymous 4 Republic of the Philippines Department of Education Region V Division of Camarines Sur SIPACO NATIONAL HIGH SCHOOL HIMANAG NATIONAL HIGH SCHOOL- MOTHER SCHOOL Sipaco, Lagonoy, Camarines Sur S/Y 2022-2023 KEY TO CORRECTION OF 3RD QUARTERLY EXAM FOR EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. D D D D D A C A B C C A B 14. A 15. D 16. C 17. 18. 19. 20. 21. 22. 23. 24. 25. 26. 27. 28. 29. 30. 31. 32. 33. 34. 35. A 36. C 37. F 38. D 39. 40. 41. 42. 43. 44. 45. 46. 47. ESSAY 48. ESSAY 49. ESSAY 50. ESSAY C D B D D D D E H B A I F G C C D B Prepared by: Reviewed by: LOVELY D. ESPLANA JESSAE MAE C. SERCADO Subject Teacher Academic Coordinator Noted by: CONEY A. BERINGUELA School Head 5