Si Onsang OsoAng Mayabang na Oso Si Onsang Oso ay iba sa lahat ng Oso. Siya ay isang mayabang na oso. Pumapasok siya sa opisina. Sa hotel siya nakatira. Maraming ibig makipagkaibigan sa kanya ngunit siya ay suplada. Ultimong Obispo ay no pansin sa kanya. Daan muna Onsang Oso, halika ka na. “Sumalo ka sa aming meryenda” ang sabi ng mga dalagang oso “ ”Ayoko! Ayoko! Hindi ako kumakain ng okra at okoy. Oras ko’y mahalaga. Sapagkat mayabang, taas-noo kung lumakad. Nagkandahulog sa balon sa daan, mga kapwa oso naman ay nagprisintang tumulong. Di bale, pagmamalaki niya, kaya kong umahon. Nagtiis maghapon sa loob ng balon at init ng araw, sumakit ang likod at ilong biglang bigla’y bumuhos ang ulan. Tubig sa balon ay lumalim nang dahandahan. Nanginig sa ginaw, nanginig sa takot Malulunod ako! Saklolo! Saklolo! Salamat na lamang, mga oso ay tumulong Dinala siya sa ospital, dahil sa ubo at sipon. Mula noon, si Onsang Oso ay nagbago. Natuto nang makisama at kumain ng okra at okoy.