Araling Panlipunan 7 ANG NASYONALISMONG ASYANO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA Inihanda ni : Imee Glizen F. Ramiro PRAYER BALITAAN BALIK - ARAL Tinalakay natin nuong nakaraan ang mga epekto, paraan, at dahilan ng pananakop sa Timog at Kanlurang Asya sa ilalim ng Imperyalismo at Kolonyalismo. PANGKATANG GAWAIN 01 03 Batay sa inyong sariling opinyon magbigay ng apat (4) na konsepto o impormasyon na nakalarawan sa salitang nasyonalismo. Pamantayan ng Pangkatang Gawain Pamantayan Puntos Nilalaman 8 pts Teamwork at Partisipasyon 4 pts Presentasyon 3 pts Araling Panlipunan 7 ANG NASYONALISMONG ASYANO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA Inihanda ni : Imee Glizen F. Ramiro ANG NASYONALISMONG ASYANO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan, at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansa sa Asya, ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Asyano Nasyonalismo Ito ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang Bayan. . Ang nasyonalismo ay ang pagiging mabuting mamamayan ng isang tao sa bayang sinilangan. Ito ay isa sa mga katangiang dapat taglayin ng bawat isa upang maipakita ang pagmamalaki at pagmamahal sa lupang tinubuan ng buong puso. Pagtangkilik at pagpapahalaga ang kailangan ng isang bansa sa mamamayan nito. Dalawang Anyo ng Nasyonalismo sa Asya. DEFENSIVE NATIONALISM Ito ay isang uri ng nasyonalismo na nais ipaglaban at palayain ang bansa sa mga mananakop. AGGRESSIVE NATIONALISM Ito ay isang uri ng hangad ng mga mamamayan at ng gobyerno na sakupin ang mga lugar higit sa kanilang mga bansa. ANG MGA NASYONALISTANG ASYANO AT MGA PAMAMARAANG GAMIT SA PAGTATAMO NG KALAYAAN SA TIMOG AT KANLURANG ASYA Mohandas Gandhi Si Mohandas Karamchas Ghandi o kilala bilang Mahatma o "Dakilang Kaluluwa" ay isang Hindu na nakapag-aral sa isang pamantasan sa England. Siya ay nakapag trabaho sa South Africa. Siya ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa mga mananakop na Ingles. Mohandas Gandhi Siya ay inspirasyoin ng marami dahil sa kanyang katangi-tanging tahimik na pamamaraan ng pagtutuol upang matamo ng India ang Kalayaan. Tinuruan niya ang kanyang mga mamamayan na hindi gumamit ng karahasan sa pagkamit ng kalayaan dahil naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha sa pakikipaglaban. Mohammad Ali Jinnah Ama ng Pakistan at isang abogado at pandaigdigang lider. Ipinanganak noong Disyembre 25, 1876 sa Karachi, Pakistan. Ang kanyang mga magulang ay sina Jinnahbha Poonja at Mitihibai. Pinamunuan niya ang Muslim League noong 1905. Mustafa Kemal Ataturk Siya ang nagbigay-daan sa kalayaan ng Turkey sa kabila ng bansang ito ay binalak paghati-hatian ng mga kanluraning bansa tulad ng France, Great Britain, Greece, at Armenia. Nagpatawag ng pambansang halalan at namuno sa Turkong Militar na hingiin ang Kalayaan ng Turkey sa mga Europeo. Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini Kilala siya bilang isa sa mga malupit na lider noong ikaw-20 siglo sa bansang Iran. Kasama sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa sa Shah sa kanilang mamamayan. Binatikos niya ang tahasang pagpanig at pangagalaga sa Shah sa interes ng mga dayuhan tulad ng United States. Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini Naaresto siya at nakulong na umani ng malawakang pagsuporta ng mga mamamayan na naging sanhi ng kaguluhan sa bansa. Naranasan din niyang maipatapon sa ibang bansa tulad ng Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964 dahil sa pagngangaral laban sa pamunuang mayroon ang kaniyang bansa. Ibn Saud Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Isinilang noong Nobyembre 24, 1880 sa Riyahd, at anak ni Abdul Rahman Bin Faisal. Ang kanyang pamilya ay kabilang sa mga pinunong tradisyunal ng kilusang Wahhabi ng Islam or Ultra Orthodox. Ibn Saud Pinatunayan niya na ang pagmimina ng langis sa bansa ang pinakamayaman sa daigdig na nakatulong upang ito ay magkaroon ng pambansang pan-unlad. Taong 1902, nang muling mapasakamay nila ang Riyadh, samantalang noong 1912 naman nang masakop niya ang Najd, at dito bumuo ng pangkat ng mga bihasang sundalo. Pagsusulit : 1. Siya ang namuno sa pagkilos sa Iran at bumatikos sa kanilang Shah dahil sa mga karahasan sa mamamayan, pagpanig nito sa mga dayuhan at pagsuporta sa Israel. a. Ayatollah Khomeini c. Ibn Saud b. Mohandas Gandhi d. Mustafa Kemal 2. Ito ay tumutukoy sa damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang Bayan. a. Kolonyalismo c. Nasyonalismo b. Zionism d. Imperyalismo 3. Sinong nasyonalista sa Timog Asya ang humingi ng kalayaan ng kanilang bansa sa pamamagitan ng mapayapang paraan. a. Ibn Saud c. Mohandas Gandhi b. Mustafa Kemal d. Mohammad Ali Jinnah 4. Sinong nasyonalista ang nagpatawag ng Grand National Assembly noong Hulyo 24, 1923 ? a. Mohammad Ali Jinnah c. Ibn Saud b. Mustafa Kemal Ataturk d. Mohandas Gandhi 5. Siya ang kauna-unahang Hari ng Saudi Arabia. a. Ayatollah Khomeini c. Mohammad Ali Jinnah b. Ibn Saud d. Mohandas Gandhi Pamprosesong Tanong: Sino ang mga naging pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya ang nais mong tularan? Bakit? Basi sa iyong natutnan ano ang kahulugan ng Nasyonalismo? Ano ang mas mabisa sa dalawang uri ng nasyonalismo Defensive Nationalism o Aggressive Nationalism? Thank You !!