Uploaded by cherjherzon

CSE-ARH BROCHURE JDH

advertisement
NANTANGALAN NATIONAL HIGH SCHOOL
WORKING GROUP
DENNIS Q. GAMBOA
SCHOOL HEAD
MR. RENATOR D. GATCHALIAN
MASTER TEACHER I
DR. ZAREX ANDREE E. CABATBAT
BE, Coordicator
MR. ALMIR V. TAMONDONG
CSE-ARH Coordinator
MRS. DIANA VIE F. FALGUI
PopEd & CSE- SHS Coordinator
MR. JAY MARK D. HALOG
CSE-ARH, Focal Person-SHS
MR. RABON STANIEL A. TANDOC
CSE-ARH, Focal Person-JHS
MR. ROSS DANIEL L. SIBLAG
Science Coordinator-SHS
MRS. SYLVIA V. CAM-MAS
Science Coordinator-JHS
MS. CHRISTELLE PAULYNE E. OVIEDO
Gender & Development Coordinator-SHS
MRS. GINALYN A. NIDOY
Gender & Development Coordinator-JHS
MR. SERVILLANO N. BALANAG JR.
MAPEH Coordinator
A
no ang Teenage Pregnancy?
Ang teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay
isang malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa
estadistika ng Save the Children, 13 milyong babae sa iba’t ibang parte ng mundo ang
nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa
ng mga gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy.
A
no-ano ang mga sanhi o factors ng teenage pregnancy?
1. Peer pressure.
Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, ang mga teenager ay
kadalasang nakadarama ng peer pressure na makipagkaibigan at maging kapareho
ng kanilang mga kaedad. Sa maraming mga pagkakataon, ang mga kabataang ito
ay pumapayag na maimpluwensyahan sila na makipagtalik kahit na hindi pa nila
lubos na naiintindihan ang kaakibat na mga resulta ng ganitong mga gawain. ANg
mga kabataan ay nakikipagtalik dahil ang akala nila ay pinagmumukha sila nitong
cool at naaayon sa uso. Ngunit kadalasan, ito ay nauuwi sa hindi inaasahang
pagbubuntis.
2. Kawalang tamang gabay ng mga magulang.
Ang isang kabataang babaeng ay mas malamang na mabuntis kung
limitado o walang tamang patnubay ng kaniyang mga magulang. Ang mga
magulang na sobrang busy ay hindi nakapagbibigay ng tamang gabay sa
kanilang mga anak na gumagawa ng imporatanteng mga disiyon sa buhay,
halimbawa ay sa maaagang pakikipagtalik at kung ano ang teenage pregnancy. Kapag ang
isang bata ay hindi komportable na ipakipagusap ang kaniyang problema dahil sa bawal
nap ag usapan ang sex sa bahay, o kaya naman sobrang busy ng kaniyang mga magulang
para dito, maghahanap siya ng mga kasagutan sa ganitong mga isyu sa kapwa niya mga
kaedad. Pwede itong mauwi sa palitan ng maling mga impormasyon na maaaring mauwi
sa maagang pagbubuntis.
3. Media.
Ang industriya ng pelikula at ang media ay nakadaragdag sa mga kaso ng
maaagang pagbubuntis dahil sa pinagaganda nito ang itsura ng maaagang pakikpagtalik at
pagbubuntis sa mga panoorin sa TV at sine. Ang mga pilikulang nagtatampok sa maagang
pagbubuntis bilang isang katanggap-tanggap na sitwasyon ay nakahihikayat sa mga
kabataan na subukan ang walang habas na mga kaugalian sa pakikipagtalik.
4. Kawalan ng tamang kaalaman.
Ang mga kabataang hindi naturuan ng tama tungkol sa sex ay mas malamng na
maging biktima ng hindi ginustong pagbubuntis. May mga kabataang hindi pa lubos na
nauunawaan ang biolohikal at emosyonal na mga aspeto na kaakibat ng pakikipagtalik.
Ang mga kabataang ito ay malamang na nakakuha ng maling mga impormasyon galing sa
mga kaibigan, mga video, telenovela o mga pelikula. Sa kadalasan, ang mga teenager ay
wala ng tamang kaalaman para makagawa ng tamang mga disisyon kung makikipagtalik
sila o hindi.
5. Paglalasing.
Ang pagiinom ng alak ng mga kabataan ay pwedeng mauwi sa hindi ginustong
pagbubuntis. Maraming mga kabataan ang nageeksperimento sa droga at alak. Ang pag
inom ay nagpapahina ng kakayahan ng kabataan na kontolin ang bugso ng kanilang mga
damdamin, na siyang dahilan ng higit sa 75% na mga kaso ng teenage pregnancy.
M
ga epekto ng maagang pagbubuntis
 Pisikal, Mental, Emosyonal at Sikolohikal na Suliranin dulot ng teenage
pregnancy sa mga kaanak, magulang at sa mga bata. Dahil sa hindi handang
katawan at kakulangan sa kaalaman ng kabataang ina malaki ang posibilidad na
magkaroon ng premature birth, at iba pang komplikasyon s pisikal at mental.
 Sakit na kaugnay maraming sakit sa katawan ang pwedeng makuha sa maagang
pagbubuntis katulad ng (chronic, respiratory diseases at body impairments) Lalo
na ang STD o sexually transmitted disease.
 Pagkasira ng Kinabukasan ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot nang
sapilitang pagtigil ng kabataan sa pag-aaral na maaaring magdulot ng pagkasira
ng magandang kinabukasan.
 Aborsiyon dahil sa di sinasadya ang pagbubuntis ay ipapalaglag nalang ang bata.
M
ga solusyon upang maiwasan ang maagang pagbubuntis
 Contraseptives at Family Planning ito ay ang paggamit ng condom o birth control
pills atbp. Ay isang uri ng pagpigil ng magang pagbubuntis, subalit mas madali
ang family planning.
 Pagpapatibay ng Relasyon mahalagang panatilihing buo ang relasyon ng teenager
sa pamilya at panatilihin ang pananampalataya at pagtutok sa pag-aaral.
 Pagtuturo sa Kabataan sa Sekswalidad ang pagkakaruon ng awareness programs
tungkol sa sex education at kung papaano mahahawakan ang adolescent period ng
mabuti ay makakatulong ng malaki sa para matigil ang pagkakaruon ng maagang
pagbubuntis at ang pagsuong ng kabataan sa pre-marital sex.
M
ga paraan ayon kay (Mabida,2017) upang ito ay maiwasan:
1.Labanan
ang temptasyon
Ang temptasyon ay isa napakahirap labanan na dahilan. Hindi mapigil ang mga
mapupusok na damdamin lalo na sa mga magkarelasyon na labis-labis ang pagmamahal
sa isa’t isa. Madalas inaakala ng karamihan na sila na talaga ang magkakatuluyan habang
buhay kung kaya’t inisip nilang ibigay na lang ang kanilang sarili, ngunit hindi nila alam
na maraming mapagsamantalang lalaki at ito lang ang habol sa kanila. Sa madaling salita
wag kanang mag-aksaya sa iba kung nandito lang naman ako. Mapapasaya pa kita, di kapa
mabibiyak ng maaga owrayt.
2.Iwasan ang barkadang masama ang dulot
Kailangang mag-ingat din sa pagpili ng mga kinakasamang barkada sila ang nagdudulot minsan
ng ating ikapapahamak. Marahil ay sila pa mismo ang mag-uudyok at magtuturo sa’yo na gawin
ang hindi nararapat. Halimbawa nito ay pag-iinom ng alak, paglalakwatsa, paninigarilyo at iba pa
kahit na dati’y hindi mo ito ginagawa. Kaya sabi ko sayu piliin mo ako, bukod sa di ka mabibiyak,
magbabible-study pa tayo. Owrayt.
3. Ligtas ang may alam!
Ang iba nama’y sadyang agresibo lang talaga, walang pinag-aralan, naku-curious, gustong
maranasan at nakikisabay sa uso. Alam naman nating lahat na likas sa mga kabataan ang pagiging
“curious” sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid at gustong maranasan ang mga nararanasan ng
iba. Madali rin silang naiimpluwensyahan ng kanilang madalas na nakikita dahil hindi pa sila
“mature” at hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa. Kung mapapasakin ka, di kana makucurious pa, dahil tuturuan kita-----mag bible study owrayt.
“Ang hindi marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay”.
Paano nga ba natin maiiwasan ang pagdami ng mga babaeng maagang
nabubuntis? Kailangan mapigil na ang pagdami ng mga biktima nito. Lagi
nating tatandaan na nasa simula lang ang sandaling sarap ngunit ang kasunod
nito’y pangmatagalang hirap.
Download