Uploaded by junturafrancheska06

mga-akdang-pampanitikan-sa-panahon-ng-hapon

advertisement
MGA AKDANG PAMPANITIKAN SA PANAHON NG HAPON
KALIGIRANG KASAYSAYAN
1941-1945
- Nakaranas ng pang-aabuso at pagpapahirap ang mga Pilipino sa mga kamay ng
mga Hapones.
“PANAHON NG KADILIMAN”
•
Itinawag sa panahong ito sa sapagkat ang yugtong ito ng kasaysayan ay labis
na nakaranas ng matinding hirap, paniniil, kalupitan, at karahasan ng ating mga
ninuno sa kamay ng mga Hapones.
•
Jose P. Laurel noong 1943 – 1945 – Siya ang pangulo sa Panahon ng Hapon.
PANITIKAN NOONG PANAHON NG MGA HAPONES
•
Gintong Panahon ng Panitikang
•
Ipinagbawal ang pagtuturo ng wikang Ingles sa mga paaralan.
•
Ang wikang Niponggo, kulturang Hapones, at wikang Pilipino ang ipinaturo
lamang sa mga paaralan.
•
Masusi ring sinuri ang mga aklat na ginagamit sa mga paaralan.
•
Sinunog ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi
mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nilikha.
•
Ipinatanggal ang mga pahina ng aklat na naglalaman o may pahiwatig ng
Kulturang Kanluranin.
•
Ipinasara ang mga pahayagan at magasin na naglilimbag sa Wikang Ingles.
•
Sa kabila ng mahigpit na sensor noong Panahon ng Hapon..
•
Maraming nalathalang tula, kuwento at mga unang lathalain sa Niponngo nang
mabuksan ang Sunday Tribune Magazine.
Filipino
Muling pagbubukas ng LIWAYWAY….
•
Lingguhang magasin na nagmula
sa panahon ng mga Amerikano.
•
Muling nabuksan sa panahon ng
Hapon sa pangngasiwa ni Kin-Ichi
Ishikawa.
•
Tanging magasing kumilala sa mga panitikan na likhang sining ng mga
manunulat bilang isang tinig ng kanilang kilusan.
•
Dito naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata, mananaysay at
manunulat ng maikling kuwento.
•
Naging mabisang instrumento nina Antonio B.L. Rosales at Clodualdo Del
Mundo na maiparating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan ng mga
Hapones.
MGA TEMA NG PANITIKAN SA PANAHONG HAPON
•
Sumesentro ang mga tema….
1. Buhay sa lalawigan o
pagsasaka o pangingisda
2. Ugali ng Hapon na masipag magtrabaho
3. Pagka-makabayan, Pag-ibig, Kalikasan
4. Pananampalataya at Sining
5. Ugali ng Hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkakaroon ng
dangal sa sarili at bansa
MGA MAIKLING KUWENTO SA PANAHON NG HAPON
•
Gintong Panahon ng maikling kuwento
•
Ilang manunulat na nasanay sa pagsulat sa wikang Ingles ay sumubok na
sumulat at gumawa ng akda na nasa wikang Filipino.
MGA KATANGIAN NG MAIKLING KUWENTO
1. Ang mga paksa ay matimpi.
2. Ang mga pangyayari’y madula ngunit di maligoy.
3. Ang mga paksa ay iba-iba, yaong nauukol sa karaniwang karanasan at buhay
ng mga
tao.
4. Ang mga paraang ginagamit ay iba- iba.
5. Ang pagkakaroon ng malawak na paningin ng mga manunulat ay bakas na
bakas sa
kanilang mga isinulat
6. Ang mga pangungusap na ginamit ay payak, isang bagay na
nakapagpapaganda sa
mga ito.
•
May 25 Pinakamabubuting Kathang Pilipino ng Maikling Kuwento noong 1943.
Halimbawa ng mga Kuwento:
1. Lupang Tinubuan – Narciso Reyes
- Natatangi dahil sa mahusay na paglalarawan ng pook,panahon,
sitwasyon
at tao.
- Napapanahon ang diwang ipinahahayag.
2. Uhaw ang Tigang na Lupa – Liwayway Arceo
– nagpapakita ng katimpian ng paksa at ang mgapangyayari’y madula ngunit
hindi naman masasabing maligoy.
- payak ang mgapangungusap na ginamit ngunit ang kariktan ng kwento’y nasa
naiibang paraan ng matimping pagsasalaysay.
ANG MGA TULA NOONG PANAHON NG HAPON
•
Ito ang isa sa mga uri ng panitikang lumaganap sa panahong ito.
Ang mga PANGUNAHING PAKSA ay may kinalaman sa…
1. sining
2. relihiyon
3. pagpapahalaga sa kalikasan
4. pagmamahal sa bayan o damdaming Nasyonalismo
5. pang araw-araw na pamumuhay sa mga nayon, lalawigan at probinsya
MGA URI NG NG TULA NA LUMAGANAP NOONG PANAHON NG HAPON
HAIKU
-
Isang tulang may malayang taludturan na kinagigiliwang ng mga Hapones
-
Maikli lang ngunit ito ay nagtataglay ng masaklaw na kahulugan, malalim na
kaisipan at damdamin na tumatalakay sa kalikasan o mga bagay sa paligid.
-
Binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
unang taludtod - 5 pantig
ikalawang taludtod –7 pantig
ikatlong taludtod – may 5 ring pantig tulad ng unang taludtod
-
Isinulat ni Gonzalo K. Flores sa magasing Liwayway noong 1943.
Tutubi
Hila mo’y tabak…
ang bulaklak nanginig!
sa pagsapit mo.
Paksa - pang kalikasan
Mensahe -tungkol sa pangamba ng bulaklak dahil sa paglapit ng tutubi na
maaring hind magiging maganda ang idudulot ng tutubi..
TANAGA
-
Tulad ng haiku, ito’y maikli ngunit may sukat at tugma.
-
Ang bawat taludtod nito ay may pitong(7) pantig.
Halimbawa : Palay – Ildefonso Santos
(PALAY)
ni Ildefonso Santos
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.
3. Karaniwang Anyo
- Ang mga katangian nito ay nagtataglay ng sukat at tugma, indayog, aliw-iw.
Halimbawa: Pag-ibig-Ildefonso Gener
(PAG-IBIG)
ni Teodoro Gener
Umiibig ako, at ang iniibig
ay hindi ang dilag na kaakit-akit
pagka’t kung talagang ganda lang ang nais,
hindi ba’t nariyan ang nunungong langit?
Lumiliyag ako, at ang nililiyag
ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
pagka’t kundi totoong perlas lang ang hangad
di ba’t masisisid ang pusod ng dagat?
Umiibig ako’t sumisintang tunay,
di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman…
Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
na di nagtitikim ng kaligayahan…
Ang kaligayahan ay wala sa langit
wala rin sa dagat ng hiwang tubig…
ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
na inaawitan ng aking pag-ibig…
MGA DULA NA LUMAGANAP NOONG PANAHON NG HAPON
DULA
-
Ang dulang tagalog ay nagtangkang bumangon upang magbigay ng kaunting
aliw sa mga mamamayan.
-
Karaniwang isinasagawa sa Metropolitan Theater.
Ginagawang libangan ng mga tao.
Karaniwang kasuotan ng mga lalaki ay Barong Tagalog at sa mga babae ay
balintawak
Halimbawa ng Dula
Sino ba Kayo? - Isinulat ni Julian Balmaceda sa Ingles
- Isinalin ni Francisco Rodrigo sa Wikang Tagalog
-
Download