PAUNANG PAGTATAYA PARA SA MGA KASANAYAN ARALING PANLIPUNAN I PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. _______ 1. Tinanong si Ana ng kaniyang guro kung ano ang buo niyang pangalan, kung ikaw si Ana, ano ang isasagot mo? A. Ako po si Ana. B. Ako po si Ana Marie A. Samson C. Ang tawag po sa akin ay An-An. _______ 2. Pumunta si Lisa sa palengke kasama ng kaniyang ate, pero nawalay siya dito, lumapit siya sa pulis upang magpatulong. Ano ang dapat sabihin ni Lisa, sa pulis upang malaman kung saan siya nakatira? A. Pangalan ng iyong kalaro B. Adres kung saan ka nakatira C. Lugar kung saan ka madalas maglaro _______ 3. Alin sa mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino? A. May mga Pilipinong kulot ang buhok B. Magkatulad ang anyo ng bawat Pilipino C. Karaniwang kulay kayumanggi ang balat ng mga Pilipino. ________ 4. Ang ama ni Lito ay Ilocano at ang ina niya ay Tagalog. Si Lito ba ay isang batang Pilipino? A. Marahil po! B. Hindi po! C. Opo! _______ 5. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pangunahing pangangailangan ng isang tao? A. B. C. ______ 6. Ito ay nagpapakita o nagsasaad ng pagbabagong nagaganap sa buhay simula pagkasilang hanggang sa kasalukuyang edad. A. Larawan B. Timeline C. Yugto _______ 7. Ayusin ang larawan sa ibaba upang maipakita ang wastong pagbabago na nagaganap sa buhay mula sanggol hanggang sa kasalukuyang edad? V W X Y A. W, X, Y, Z B. X, V, W, Y C. Y, X, W, V _______ 8. Gusto ni Jose na magpagaling ng may mga sakit, nais niya na magtrabaho sa ospital malapit sa kanilang tinitirahn? Ano ang pangarap ni Jose? A. Arkitekto B. Doktor C. Pulis ________ 9. Ano ang dapat mong gawin upang matupad ang iyong pangarap? A. Mag-aral nang mabuti B. Manuod ng telebisyon maghapon C. Magbabad sa paglalaro ng computer games _______ 10. Alin sa mga sumusunod ang gusto mong makamit para sa iyong sarili balang araw, MALIBAN sa isa? A. Maging isang mahusay na guro B. Maging isang sikat na mang-aawit C. Maging isang tambay sa bahay sa loob ng bahay _______ 11. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa karaniwang pamilya? A. Ama, ina B. Ina, Mga anak C. Ama, Ina, Mga anak _______ 12. Siya pinaka kinagigiliwan ng boung pamilya. Siya ay si?... A. Ate B. Bunso C. Pamangkin _______ 13. Alin sa mga pahayag ang nagsasabi ng DI-WASTO tungkol sa kasapi ng pamilya? A. Lahat ng kasapi ng pamilya ay mahalaga para sa ikakatibay nito. B. Ang batang nasa Unang Baitang ay wala pang kayang gawin para sa pamilya. C. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain tungkulin na ginagampanan _______ 14. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng pagtutulugan sa loob ng pamilya? A. Panay utos si kuya sa nakababatang kapatid niya. B. Tumutulong si ate sa pag-aalaga sa nakakababatang kapatid habang nagluluto si ina. C. Maghapong nanunuod ng telebisyo si ama, samantalang si ina ang naghahanapbuhay para sa pamilya. _______ 15. Alin ang nagsasaad ng hakbang upang magkaroon ng mabuting ugnayan sa ibang pamilya. A. Makipagkaibigan sa bagong lipat na pamilya sa inyong lugar. B. Igalang ang alituntunin sa pamilya at ipagwalang-bahala naman ang sa iba. C. Pagpili ng kalaro na pareho ng antas sa buhay ng pamumuhay na iyong pamilya. II. Itapat ang kasapi ng pamilya na gumaganap ng mga tungkuling nakasaad sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang. A _______ 16. Ama ________ 17. Ina A Katuwang ng ina sa mga gawaing-bahay B Ang pinakabatang kasapi ng pamilya. Nakakagawa ng mga gawain ayon sa kanyang kakayahan. C Nagtatrabaho para sa pangangailangan ng pamilya. D Pangunaging nag-aasikaso ng mga gawain sa tahanan. E Katuwang ng ama sa mga pagkukumpunin ng mga gamit sa tahanan. _________ 18. Kuya ________ 19. Ate ________ 20. Bunso