Republic of the Philippines Department of Education REGION III – CENTRAL LUZON SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA SDO-ZARAGOZA ANNEX SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL SAN ISIDRO, ZARAGOZA, NUEVA ECIJA 3110 Banghay Aralin sa Agham 3 (Pinagsanib na Aralin sa ESP ) (Ika-Apat Markahan) I. Layunin: - Natutukoy ang mga iba’t ibang uri ng panahon - Nalalaman ang dapat gawin ayon sa uri ng panahon - Naiisa- isa ang mga paraan ng pag- iingat sa iba’t- ibang kalagayan ng panahon. II. Paksang- Aralin: Paksa: Uri ng Panahon Sanggunian: K- 12 Curriculum, MELC’s Kagamitan: visual aids ,powerpoint presentation III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Balik- Aral: Iguhit o lagay sa patlang ang puso kung tama ang sinasaad at puno kung mali. _____1. Magtapon ng basura kahit saan. _____2. Ang illegal na pagpuputol ay nakatutulong sa kapaligiran. _____3. Ang dynamite fishing o paggamit ng dinamita sa pangingisda ay nakasisira sa karagatan. _____4.Ang Pagrerecycle ay nakababawas ng basura sa kapaligiran _____5. Ang pag aaksaya ng papel ay makatutulong upang luminis ang kapaligiran. 2. Pagganyak: Pag- awit Ang Panahon (Tune: Mary Had a Little Lamb) Ano kaya ang panahon Maaraw ba o maulan? Mahangin ba o maulap? May bagyo ba? La la la la la la la la (repeat the song 3x) Tungkol saan ang awitin? Ano- anong uri ng panahon ang nabanggit sa ating inawit? Anong panahon mayroon tayo ngayun? Address: San Isidro, Zaragoza, Nueva Ecija 3110 Telephone No.: (0946) 764 7850 Email: 105861sani@gmail.com Facebook Page: 105861 San Isidro ES Republic of the Philippines Department of Education REGION III – CENTRAL LUZON SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA SDO-ZARAGOZA ANNEX SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL SAN ISIDRO, ZARAGOZA, NUEVA ECIJA 3110 B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad Suriin ang larawan. Ano ang ginagawa ng bata sa larawan A? Ano naman ang ginagawa ng bata sa larawan B? Ano ang inyong napansin pagkalipas ng ilang oras 2. Pagtalakay: Ang Panahon ay tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa natatanging pook sa nakatakdang oras. May iba’t- ibang uri ng panahon ito ay maaraw,mainit, mahangin, maulan o bumabagyo.(Talakayin natin ang bawat uri ng panahon) 3. Pagsasanay: Iayos ang mga titik upang mabuo ang wastong salita batay sa larawan at nilalarawan ng pangungusap. 1. Ito ay uri ng panahon na madilim ang paligid at malakas ang hangin at nag ulan ay kadalasan ay may kasamang kidlat at kulog. YOBUMABAG 2. .Ito ay panahon kung saan mapapansin na puno ng ulap ang kalangitan, natatakpan nang bahagyang araw ng mga ulap. PALUAM Address: San Isidro, Zaragoza, Nueva Ecija 3110 Telephone No.: (0946) 764 7850 Email: 105861sani@gmail.com Facebook Page: 105861 San Isidro ES Republic of the Philippines Department of Education REGION III – CENTRAL LUZON SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA SDO-ZARAGOZA ANNEX SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL SAN ISIDRO, ZARAGOZA, NUEVA ECIJA 3110 3. Ito ay panahon kung saan mataas ang sikat ng araw at may kainitan. MARAWA 4. Sa panahong ito makulimlim ang kalangitan at may pumapatak na ulan mula dito. MALUAN 5. Paglalahat: Ano ang iba’t ibang uri ng panahon? 6. Paglalapat: Panuto: Basahin at unawain. Bilugan ang letra ng iyong sagot. 1. Kapag matindi ang sikat ng araw, anong kadalasang ginagawa ng tao? a. Mga panloob na aktibidad b. Mga pang labas na aktibidad c. Pagsasaka d. Pangingisda 2. Paano natin mapaghahandaan ang pabago- bago ng panahon? a. Palagiang magdala ng payong b. Makipaglaro sa mga kaibigan sa ilalim ng init araw c. Magsuot ng manipis na kasuotan kung taglamig d. Magsuot ng makapal na damit kapag tag-init 3. Ang matinding ihip ng hangin at malakas na ulan ay nagpapakita na ang panahon ay______? a. may bagyo c. maulap b. mahangin d. maulan Address: San Isidro, Zaragoza, Nueva Ecija 3110 Telephone No.: (0946) 764 7850 Email: 105861sani@gmail.com Facebook Page: 105861 San Isidro ES Republic of the Philippines Department of Education REGION III – CENTRAL LUZON SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA SDO-ZARAGOZA ANNEX SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL SAN ISIDRO, ZARAGOZA, NUEVA ECIJA 3110 4. kung ikaw ay papasok ng paaralan at biglang umulan ng malakas, ano ang gagawin mo? a. tatakbo at papasok sa paaralan b, gagawing payong ang iyong bag c, di na lang papasok d, gagamitin ang aking payong o kapote 5. Matindi ang sikat ng araw. Maalinsangan ang paligid. Walang hangin. Ang panahon ay________ a. Maaraw b. mahangin c. maulap d. maulan IV. Pagtataya: Pumili ng isang panahon na inyong gustong gusto, sa isang Bondpaper, iguhit ito at kulayan. V. Takdang- aralin: Tukuyin ang panahon. Gumawa ng talaan ng panahon sa loob ng isang lingo. Inihanda ni: ROSSETTE B. TAGUDIN Teacher I Binigyang- pansin: NENITA B. AGAPITO Master Teacher I Address: San Isidro, Zaragoza, Nueva Ecija 3110 Telephone No.: (0946) 764 7850 Email: 105861sani@gmail.com Facebook Page: 105861 San Isidro ES Republic of the Philippines Department of Education REGION III – CENTRAL LUZON SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA SDO-ZARAGOZA ANNEX SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL SAN ISIDRO, ZARAGOZA, NUEVA ECIJA 3110 Address: San Isidro, Zaragoza, Nueva Ecija 3110 Telephone No.: (0946) 764 7850 Email: 105861sani@gmail.com Facebook Page: 105861 San Isidro ES