Mabuhay! Mapagpalang umaga po sa inyong lahat! Maligayang pagdating sa bakuran ng Paaralang Elementarya ng Buhaynasapa! Mga minamahal na magulang, mag-aaral at mga kaibigan matutunghayan natin ang palatuntunan ng pang-aangat ng antas para sa taong panuruang 2022 2023 na may paksang Gradweyt ng Kto12-Hinubog ng matatag na edukasyon Sa punto pong ito inyong masasaksihan ang pagpasok ng mga magsisipag-angat kasama ang kanilang mga magulang at gurong tagapayo, mga guro ng paaralan, Punong guro, pamunuan ng PTA, opesyales ng barangay, at iba pang mga bisita. Panlalawigang local na opisyales at pamunuan ng Deped. Bigyang pagpupugay po natin ang pagpasok ng Kindergarten Star sa ilalim ng pagpatnubay ng kanilang gurong tagapayo- Gng. Evangeline R. De Torres Ang pagpasok ng Kindergarten Heart sa ilalim ng pagpatnubay ng kanilang gurong tagapayo ni Gng. Mylene MendozaDimailig. Ang pagpasok ng Kindergarten Cloud sa ilalim ng pagpatnubay ng kanilang gurong tagapayo ni Bb. Shirley A. Aguila. Ang pagpasok ng mga guro at punongguro ng paaralan Mga guro sa Pre Elementarya Unang Baitang Ikalawang Baitang Ikatlong Baitang Ikaapat na Baitang Ikalimang Baitang Ikaanim na Baitang Tunay na hindi matatawaran ang kasipagan ng mga mag-aaral na matatag na inabot ang mga pangarap upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maabot ang mas mataas na antas ng edukasyon. Maligayang Araw po sa inyong lahat! Ako po si Beverly Maranan-Cuya, guro ng palatuntunan sa programang ito. Bilang pagbubukas ng palatuntunan ang lahat ay inaanyayahang tumayo ng tuwid, ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at sumabay sa pag awit ng lupang hinirang na kukumpasan ni Gng. Bernadette F. Contreras. Manatiling nakatayo para sa panalangin at Good Morning Song ng mga batang magsisipag-angat. Maari na po tayong magsiupo. Sa pagkakataong ito, ating matamang pakinggan ang pambungad na pananalita ng ating mahusay na Punungguro II, G. Ruben A. Panaligan -Mensahe ng SIR Ruben Maraming Salamat po. Sa pagkakataon pong ito ay dadako tayo sa pagsusulit ng mga magsisipag-angat ng antas na gagampanan ng kanilang mga gurong tagapayo, Susundan ng pagtanggap at pagpapatunay sa mga magsisipag-angat na gagampanan ng ating gurong tagapamatnubay, Gng. Ana Michelle E. Orbaña. Pagpapatibay sa mga batang magsisipag-angat ng antas na gagampanan ng ating Punungguro II- G. Ruben A. Panaligan Narito po ang gurong tagapamatnubay ng Kindergarten -Star – Gng. Evangeline R. De Torres -Kindergarten Heart – Gng. Mylene Mendoza-Dimailig -Kindergarten Cloud-Bb. Shirley A. Aguila Maaari na po kayong magsiupo. Muli po naming tinatawagan ang aming Punungguro G. Ruben A. Panaligan at ilang panauhin para sa paggagawad ng katibayan sa mga batang magsisipag-angat. Akin pong tinatawag si Gng. Evangeline R. De Torres para sa pagpapakilala ng mga batang tatanggap ng sertipiko mula sa Kindergarten-Star Sa pagkakataon pong ito ay aking tinatawag si Gng. Mylene M. Dimailig para sa pagpapakilala ng mga batang tatanggap ng sertipiko mula sa Kindergarten-Heart. Ngayon naman po ay aking tinatawag si Bb. Shirley A. Aguila para sa pagpapakilala ng mga batang tatanggap ng sertipiko mula sa Kindergarten-Cloud. Palakpakan po natin ang mga batang nagsipag-angat. At ngayon po ay dadako tayo sa pinakatampok na bahagi ng ating palatuntunan ang paggagawad ng medalya ng gantimpala sa mga batang nagkamit ng karangalan. Muli po pinakikiusapan ang ating ---------------Pinakikiusapan din po na ang mga magulang ay umakyat sa entablado para sa pagsasabit ng medalya sa inyong mga anak Muli po nating bigyan ng masigabong palakpakan ang mga batang nagkamit ng karangalan. Ang paaralang Elementarya ng Buhaynasapa ay tunay na mapalad sa pagkakaroon ng mga pinuno na taos pusong sumusuporta sa ating paaralan. Mga kaibigan ang Pangulo ng PTA ng ating paaralan Gng. Joan Garcia-Mendoza para sa kanyang mensahe. -mensahe ng PTA-President– Maraming Salamat Po At ngayon naman po ay pakinggan natin ang isa pang mensahe mula sa maaasahan ama ng ating barangay, Kagalanggalang Alex B. Salapare (Mula sa maasahang komite ng edukasyon sa ating Barangay, Kagalanggalang Ronilo Cuasay) -mensahe ng punong barangay– Maraming Salamat Po At ngayon isang mensahe ang ating maririnig mula sa mabait, mapitagan --------Mga kaibigan ang nasa likod ng tagumpay ng bayan ng san Juan ang ama ng mga San juanenos ----Na ihahatid sa atin ng kanyang ---------- Nothing can dim the light that shines from within. And speaking of light, narito ang nagsilbing liwanag na patuloy na nagniningning sa kabila man ng pandemya. Buong puso ang lagi niyang laan upang ang mga paaralan sa purok ng kanlurang san juan ay mapagserbisyuhan, mga kaibigan ang ating pong pampurok taga masid Dr. Ellienor D Peña PHD para sa kanyang mensahe. Ang musika ay ekspresyon ng ating kaluluwa, pinapadaloy nito ang ating mga emosyon at pinaparamdam nito ang bawat agwat ng oras. Sa pamamagitan ng kanta, nagbibigay ito ng kalakasan para harapin ang bawat pagsubok sa buhay, kaya ngayon ay inaanyayahan ang mga batang nagsipag-angat na tumayo at ating saksihan ang kanilang awit. Maaari na kayong magsiupo. Para sa mga batang nagsipag angat I hope your dreams take you to the corners of your smiles, to the windows of your opportunities, and to the most special places your heart has ever known. Sa puntong ito ay aking tinatawagan ang isa sa mga mahuhusay na guro ng ating paaralan, Gng. Anastacia D. Mendoza, Dalubguro I para sa pangwakas na pananalita. Maraming Salamat po mam! Sa ngalan po ng pamunuan ng aming paaralan at mga guro, taos-puso naming binabati ang mga batang nagsipag-angat kasama ang kanilang mga magulang at mga gurong pumatnubay. Gayundin sa mga panauhing nagsidalo at nakiisa sa palatuntunang ito. Mga kaibigan… ang huling bahagi ng ating palatuntunan…… ang paglabas ng mga panauhin, mga opisyales ng sangay at rehiyon mga guro mga magulang at mga nagsipag-angat. Ako pong muli si Beverly Maranan Cuya, Maraming Salamat po, Pagpalain po tayong lahat ng ating Panginoon.