Uploaded by Cha Riego

IKAAPAT-NA-MARKAHANG-PAGSUSULIT-SA-FILIPINO-7-print

advertisement
‘[
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII bnnnnnnnnnnnnnn
SCHOOLS DIVISION OF CALBAYOG CITY
Tinambacan 1 District
RAFAEL LENTEJAS MEMORIAL SCHOOL OF FISHERIES
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
Pangalan:_____________________________ Baitang 7 -__________ Petsa:___________ Skor:____
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sagutang papel.
_____ 1. Anong anyo ng tulang romansa ang ibong adarna?
a. awit
b. alamat
c. dula
d. korido
_____ 2. Ang korido ay may ilang pantig?
a. 8
b. 6
c. 12
d. 10
_____ 3. Ano ang himig ng awit?
a. allegro
b. andante
c. alto
d. soprano
_____ 4. Ang korido naman ay may himig na :
a. allegro
b. alto
c. andante
d. soprano
_____ 5. Ang karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
a. maikling kuwento
b.dula
c. tula
d. tulang Romansa
_____ 6. Sino ang hari ng Berbanya?
a. Haring Fernando
b. Haring Briseo
c. Haring Linceo
d. Haring Salermo
_____ 7. Ilan ang kanyang anak na lalaki?
a. 1
b. 3
c. 2
d. 4
_____ 8. Ano ang sanhi ng pagkakasakit ng hari?
a. matinding karamdaman
c. masamang panaginip
b. pilyong mga anak
d. isang sumpa
_____ 9. Alin sa mga sumusunod ang lunas sa sakit ng hari?
a. awit ng sirena
c. tinig ng kanyang asawa
b. paggamot ng mediko
d. awit ng isang ibon
_____ 10. Sino sa tatlong anak ni Haring Fernando ang unang sumuong sa paglalakbay?
a. Don Pedro
b. Don Diego
c. Don Juan
d. Don Salermo
_____ 11. Ano ang ibinigay ni Don Juan sa matandang leprosong kanyang nasalubong?
a. tinapay
b. kanin at ulam
c. manok
d. alak
_____ 12. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.
a. Piedras Platas
b. Piedro de Oro
c. Piedras Blanca
d. Narra
_____ 13. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.
a. Namamatay
b. nakakatulog
c. nagiging bato
d. nawawala
_____ 14 Siya ay ama ng tatlong babae at hari ng Reyno de los Cristales.
a. Don Fernando
c. Haring Salermo
b. Don Pedro
d. Don Diego
_____ 15. Alin sa mga sumusunod ang kaugaliang Pilipino na higit na binibigyang-diin sa mga saknong ng dulang
Ibong Adarna?
a. kahalagahan ng pagtutulungan
c. wagas na pag-ibig sa pamilya at kapwa
b. katapatan ng puso at isipan
d. tunay na pananampalataya wagas
_____ 16. Paano napatunayan na si Haring Salermo ang napaamong kabayo ni Don Juan?
a. Nakita ito ni Don Juan na nagpalit ng anyo.
b. Kahalintulad ng kabayo ang lahat ng kilos na ipinapakita ng hari.
c. Sa muli nilang pagkikita ay hingal na hingal siya na tila galing sa isang pagbubuno.
d. Lubos na nasaksihan ng lahat ang pag-anyong kabayo niya na nagpakita ng kabangisan.
_____17. Anong kapangyarihan mayroon si Donya Maria Blanca?
a. Mahika Negra
b. Mahika Plata
c. Mahika Oro
d. Mahika Blanca
_____18. Bakit sa lahat ng manliligaw ni Donya Maria Blanca ay mas pinili niya si Don Juan na tulungan?
a. Ayaw na iyang mapahamak pa ang mga naghahangad na manligaw sa kanya.
b. Ninais niya na pangaralan ang ama sa lahat ng mga parusang ipinataw niya sa mga nagtangka.
c. Umibig din si Maria Blanca kay Don Juan kaya nais niya itong malampasan ang lahat ng pagsubok.
d. Nahumaling si Maria Blanca sa gandang lalaki at pagkamatipuno ni Don Juan.
_____ 19. Paano naputol ang daliri ni Donya Maria Blanca?
a. Naputol habang nagging isda siya.
c. Naputol sa pagmamadaling makalangoy
b. Naputol nang tumalsik habang nagpatadtad
d. Naputol sapagkat sumabit sa batya
_____ 20. Bakit labis na pinakaiingatan ni Haring Salermo si Donya Maria Blanca?
a. Si Maria Blanca ang papalit sa Hari na mamumuno ng kanilang kahairan.
b. Pinakamamahal ng Haring si Maria Blanca dahil na rin sa kakaibang kakayahan nito.
c. Nag-iisang anak si Maria Blanca na natatangi sa lahat.
d. Ayaw ng hari na mawalay sa kaniya ang lahat ng mga anak niya
_____ 21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng suliranin sa lipunan?
a. Pagtataksil sa mga taong nagtiwala sa iyo
c. Pagiging bukas-palad sa nangangailangan
b. Pag-angkin sa mga bagay na hindi mo pag-aari
d. A at b
_____ 22. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng inggit sa ating mga puso?
a. Dapat na maging kontento tayo sa kung anong mayroon tayo
b. Gawing inspirasyon ang mga bagay na natatamo ng ating kapwa upang mapaunlad ang sarili
c. Iwasan ang pagkokompara ng sarili sa iba.
d. Lahat ay tama
_____ 23. Nararapat ba tayong magkaroon ng utang na loob sa mga taong tumulong sa atin?
a. Oo, para tulungan tayo ulit.
b. Hindi, para hindi na tayo tulungan.
c. Hindi, dahil hindi naman nating hiniling na tayo ay tulungan
d. Oo, sapagkat ito’y nagpapakita ng papasalamat .
_____ 24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng suliraning panlipunan?
a. Pagmamahal sa mga magulang
c. Pagsawalang-bahala sa ginawang kabutihan ng isang kapwa
b. Naiinggit sa nakamit ng isang kapwa
d. b at c
_____ 25. Ano ang ipinapahiwatig ng saknong sa kahon?
““Dito mo nga makikita
ang papuring palamara
ang yakap na lumayas ka
at pagsuyong lason palá.
a. May mga kilos at gawi ang tao na hindi bukal sa kaniyang puso.
b. Lahat ng tao sa mundo ay mapagkunwari
c. Huwag magtiwala sa mga kakilala
d. Hindi lahat ng ipinapakita ng isang tao ay totoo.
Piliin ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita.
_____ 26. Nagpaalam ang prinsipe na gulo ang dili-dili.
a. pag-iisip
b. damdamin
c. pag-aalala
d. pang-unawa
_____ 27. Naglaglag na ng karayom at noon din ay nakulong itong haring humahabol ng tinik na bunton-bunton.
a. maraming-marami
b. patung-patong
c. malalim
d. nakikita
_____ 28. “huwag maguluminahan, kay dali tang malusutan.
a. matakot
b. mabahala
c. matuwa
d. masindak
_____ 29. Ermitanyong sakdal mahal, loob mo po ay mahusay, ako’y hindi salanggapang.
a. mabuting tao
b. masamang tao
c. mahusay
d. makapangyarihan
_____ 30. Hindi nila nilubayan si Don Juan hanggang ito’y maging lumung-lumo.
a. hinimatay
b. latang – lata
c. hindi makakilos
d. mapatay
_____ 31. Lampas na sa takipsilim nang marating ko ang kinaroroonan ng mahiwagang ibon.
a. dapit-hapon
b. nagdidilim
c. mag-uumaga
d. maggagabi
_____ 32. Humudyat na ang pagsisimula ng labanan ng dalawang prinsesa.
a. sumenyas
b. sumigaw
c. pumito
d. sumungaw
_____ 33. Nagtiis si Donya Maria ng lahat ng madlang-sakit alang-alang sa pag-ibig.
a. kaapihan
b. kahirapan
c. kalungkutan
d. kasalanan
_____ 34. “ Kinatigan ang mungkahi, yamang mabuti ang mithi, kung wala nang salaghati saka isiping umuwi”.
a. sama ng loob
b. lagnat
c. masamang pakiramdam
d. sakit ng ulo
_____ 35. Tumutubong punongkahoy, mga bungang mapuputol, matataba’t mayamungmong, pagkain ng
nagugutom.
a. masagana
b. malusog
c. malalaki
d. masara
Tukuyin ang kilos o damdaming nanaig sa bawat taludtod o saknong.
_____36. Nang magising na yaong Hari; araw’y masaya ang ngiti
a. maligaya
b. malungkot
c. malambing
d. masungit
_____ 37. Gaano ang panginginig; mga mata’y nanlilisik
a. selos
b. galit
c. tuwa
d. inngit
_____ 38. Yumao na ang dalawa, nagmamagaling sa ama; Ang pangako’y pag nakita’y, iuwi’t nangmagdusa
a. nagyayabang
b. nagsisinungaling
c. nagmamadali
d. nagagalak
_____ 39. Mga bukid, burol, bundok Bawat dako’y sinalugsog; Lakad nila’y walang lagot, Sinisipat bawat tumok
a. nangangamba
b. naghahanap
c. nagmamadali
d. nagsisisi
_____ 40. Siya kaya’y napasaa’t Hindi natin matagpuan?
a. nag-aalala
b. natutuwa
c. natatakot
d. nangangamba
Tukuyin ang saloobin mo sa mga tauhan batay sa nakasaad na pahayag.
_____41. “Sakit ninyo, Haring mahal ay bunga ng napanaginapan, mabigat man at maselan, may mabisang
kagamitan.”
a. pag-asa
b.matapat
c. maaasahan
d. maunawain
_____ 42 “Ano bang laking hiwaga punong ganda’y di sapala, di makaakit sa madla!”
a. natatakot
b. nagtataka
c. namamangha
d. nagmamatyag
_____ 43. “Ngayon po’y tatlong taon na hindi nagbabalik sila, labis ko pong alalalang ang sakit mo’y lumubha pa.”
a. nag-aalinlangan
b. mapag-unawa
c. nag-aalala
d. mapagmatyag
_____ 44“Kaya po, kung pipigilin iton ng hangad kong magaling di ko maging sala manding umalis na nan ng palihim.”
a. mapagmataas
b. mapagpakumbaba
c. Buo na ang pasya
d. matapang
_____ 45“Huwag maging di paggalang ano po ang inyong pakay, ako po ay pagtapata’t baka kayo’y matulungan.”
a. mapagbalatkayo
b. mapagmatyag
c. maawain at matulungin
d.maunawain
Basahing mabuti ang bawat katanungan sa ibaba , ibigay ang kahulugan/pahiwatig ng sa sumusunod
na kaisipan.
_____ 46. “Ang prinsipe, kung hindi man isang taong sadyang banal, pagtawag sa Kalangitan hindi nakalilimutan.”
a. Kahit ang prinsipe ay nakukuha ring tumawag sa Panginoon at manalangin.
b. Ang isang prinsipe ay kalian man hindi makakalimot na manalangin.
c. Ang isang prinsipe ay hindi nanalangin sa iba sapagkat siya ay banal.
d. Kahit ang prinsipe ay hindi nakalilimot sa pagtawag sa Maykapal.
_____47. “Sila nga’y naging talunan nadaig sa karunungan ng haring aking magulang bato ang kinahanganan.”
a. Gaya ni Haring Salermo, nadaig niya ang maraming tao dahil siya matalino.
b. Gaya ni Haring Salermo, anumang bagay na nanaisin makamit ay tiyak na makakamit niya kahit
harangin man ng sibat.
c. Gaya ni Haring Salermo, ang mga taong nasa posisyon lalo na at mayaman, minsan ay nagiging
mapang-abuso sa kapangyarihan.
d. Gaya ni Haring Salermo, maaaring gawin ng taong nasa kapangyarihan ang anumang maibigan niya
kahit ito pa ay nangangahulugang pagkasawi ng kanyang kapwa.
_____48. “Kabataan, palibhasa, pag-ibig ay batang-bata, sa apoy ng bawat nasa’y hinamak pati luha.”
a. Ang tao ay gagawin ang lahat masunod lang ang pag-ibig na nararamdaman.
b. Ang tao ay ginagawa ang lahat para sa pagmamahal
c. Lahat ay ginagawa ng taong mapusok sa pag-ibig
d. Lahat ay iniiwan para sa pag-big.
_____ 49. “Ako’y hindi nga papayag mahagis ng isang hamak.”
a. Siya ay hindi papayag na matalo ng kahit na sino.
b. Siya ay hindi magpapadaig sa takot.
c. Siya ay hindi papayag na uyamin ng kahit na sino.
d. Siya ay hindi magpapadaig sa pagsubok na kinakaharap.
_____ 50. “Handa niyang ipapatay ang prinsepeng si Don Juan, maging ito’y kasalanan at laban sa karangalan.”
a. Kayang niyang tanggapin ang hiya mapatay lamang si Don Juan.
b. Kaya niyang ipapapatay si Don Juan kahit ang kapalit nito ay kahihiyan.
c. Kahit anuman ang kaniyang katungkulan hindi siya mag-aatubiling patayin si Don Juan.
d. Wala siyang pakiaalam kung ano ang mangyari sa kanya mapatay lamang si Don Juan
Prepared by:
EVANSGWEN S. CUIZON
Secondary School Teacher III
Inspected by:
JOEL N. BALBIDO
Master Teacher I
Noted by:
ROMEO D. CASTANTE
Secondary School Principal III
1.D
2. C
3. B
4. A
5. D
6. A
7. B
8. C
9. D
10. A
11. A
12. A
13. C
14. C
15. C
16.C
17. D
18. D
19. D
20. D
21. D
22. D
23. D
24. D
25. D
26. B
27. B
28. B
29. B
30. B
31. A
32. A
33. A
34.A
35. A
36. A
37.B
38. A
39. B
40. A
41. C
42. C
43. C
44. C
45. C
46.A
47.C
48.C
49.B
50.C
Download