Lakbay Sanaysay Summer Capital of the Philippines Ang tinaguriang "summer capital" o Baguio sa Pilipinas ay matatagpuan sa Lalawigan ng Benguet. Ang average na temperatura sa Lungsod ng Baguio ay 18 degrees Celsius. Ang malamig na klima ng lungsod na ito ang pangunahing nakakaakit sa mga bakasyonistang pilipino, lalo na sa tag-init. Ang Lalawigan ng Benguet ay bahagi ng Cordillera Administratibong Rehiyon (CAR). Ang mga katutubo mula sa iba't ibang mga pangkat etniko ay tinawag na Baguio na "Kafagway". Sinasabing ang kasalukuyang pangalan ay nagmula sa halaman na "bagiw". Masayang pumasyal dito kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang iyong pamilya. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg tao lalo na sa pasko. Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong pasko bagkus noong buwan ng Enero taong 2017. Maaga kaming gumising at nagsimula na kaming gumayak mula Limay hanggang sa makarating kami sa Baguio. Sobrang excited kaming mag pipinsan dahil iyon ang unang punta namin sa Baguio na magkakasama. Papunta pa lamang kami ay napaguusapan na namin ang mga tanawing makikita doon at kung ano ang mga pwedeng gawin dito. Sinuggest din ng isa naming pinsan na mag “ghost hunt” kami dahil sa mga kwento-kwento tungkol sa teacher’s camp ngunit walang sumang-ayon sa suggestion niya. Pag punta namin sa aming tutuluyan ay nagpahinga muna kami dahil sa haba ng byahe papunta roon. Masasarap din ang kanilang mga putahe dito lalong lalo na ang strawberry taho na dito ko unang natikman. Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Botanical Garden, Mayroong mga matandang Igorot sa lugar na ito, maaari kang kumuha ng litrato kasama sila. Dito mo makikita na kahit ganoon ang damit nila, hindi sila nahihiya sa kung saan sila nagmula. Sunod na pinuntahan namin ay ang Burnham Park kahit na gabi na kami nakapunta dito ay nag enjoy pa rin kami. Dito kami nag bisekleta, pwede kang mamili kung anong klase ng bisekleta ang gusto mong arkilahin sa halagang 50 php sa isang oras. Hindi namin natapos ang isang oras dahil nag aaya na ang aming mga magulang na mag picture naman muna bago umuwi sa aming tinutuluyan dahil lumalalim na ang gabi. Maliban sa marami kang pwedeng gawin dito ay maganda rin ang mga tanawin dito. Kinabukasan pinuntahan naman namin ay ang Mines View Park. Dito kami nag horseback riding habang nakasuot ng pang igorot na kasuotan na aming nirentahan. Dito rin maaaring matanaw ang Benguet’s gold at copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Kahit na malayo at marami ang tao doon ay sulit naman dahil sa maganda at nakakahangang view na makikita dito. At bago naman kami umuwi ang pinakahuling pinuntahan naming ay ang La Trinidad Strawberry Farm. Dito kami namitas ng mga presko at matatamis na strawberry sa tulong ng mga Ibaloi na magsasaka. Ang halagang 300 pesos per kilo ng mga strawberry dito ay sulit naman dahil ito ay “fresh” at ikaw ang mismong pipitas at mapipili mo ito. Sobrang saya ng naging karanasan ko sa Baguio at naging memorable ito sa bawat isa saamin. Para saakin naging sulit ang pagkakapunta namin dito dahil napuntahan namin ang mga tourist spots na talaga namang nakakapigil hininga. Pinakanagustuhan kong tanawin sa mga napuntahan namin ay ang Burnham Park. Kahit gabi na kami nakapunta dito ay kitang-kita pa rin ang ganda nito. Marami akong nalaman tungkol sa kasaysayan nila. Sulitin natin ang ating panahon habang tayo ay bata pa.