Uploaded by morpejames

MULTIGRADE-DLP AP

advertisement
School
Teacher
DAILY LESSON PLAN
Teaching Dates
Section
LINGGA
ELEMENTARY
SCHOOL
Jaylienn Meraña
Kathreen Joy Diwa
Kristine Joy Velarde
James Morpe
July 18, 2023
Time
Grade
3&4
Learning Area
Araling
Panlipunan
Quarter
1st Quarter
Section
Time
Section/
Teaching Dates
I.
OBJECTIVES
A. Content Standards
B. Performance Standards
C. Learning Competency/ies or Objectives
LC Code
II. CONTENT
Topic
III. LEARNING RESOURCES
References
TG page/s
LM page/s
TB page/s
Additional Materials from LR Portal
Other Learning Resources
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or presenting
the new lesson
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa rehiyon bilang konseptong heograpikal
upang mapahalagahan ang sariling rehiyon gamit ang mapa at iba pang kasanayang
pangheograpiya.
Ang mag-aaral ay nakalalahok sa pangangalaga ng mga lalawigan bunga ng pakikibahagi
sa nasabing rehiyon
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
A. Natutukoy ang ibat-ibang lalawigan sa rehiyon ayon sa mga katangiang pisikal at
pagkakakilanlang heograpikal nito gamit ang mapang topograpiya ng rehiyon
B. Naipapakita ang pag-unawa sa mga paraan ng pagtukoy sa ibat -ibang lalawigan sa
rehiyon.
C. Naisasagawa ang pagbuo ng mapa ng mga rehiyon.
AP3LAR-Ie-7
Mga Lalawigan sa Rehiyon
Pahina 21-24
PIVOT 4A Module Pahina 17-19
Module, mga larawan tungkol sa aralin, laptop, PowerPoint, Puzzle set
Review:
Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Sagutin ng OPO o HINDI PO ang mga
sumusunod. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_____ 1) Sinasabi ba ng direksiyon ang dakong kinaroroonan?
_____ 2) Sa silangan ba sumisikat ang araw?
_____ 3) Pangunahing direksiyon ba ang timog-silangan?
_____ 4) Ang kanluran ba ay pangalawang direksiyon?
B. Establishing a purpose for the lesson
Ngayon magkakaroon tayo ng maikling kantahan. Nais ko na tumayo ang lahat at awitin
ang “CALABARZON HYMN”
(Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral)
Base sa inyong kinanta, ano-anong mga lalawigan ang nabanggit sa awitin?
C. Presenting examples/ instances of the new
lesson
(Magkakaroon ng pangkatang Gawain)
Ang klase ay magsasagawa ng pagkatang gawain at ito ay hahatiin ko sa limang grupo.
Ang aktibidad ay tinatawag na puzzle map na kung saan bubuuin ninyo ang mapa ng
rehiyon.
Pagkatapos mabuo ang puzzle, itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral:
1. Anong mapa ang nabuo mula sa puzzle?
2. Ilang bahagi/ kulay ang bumubuo sa puzzle? Ano-ano kaya ang mga ito?
3. Paano nagkakaiba ang mga bahaging bumubuo sa mapa?
D. Discussing new concepts and practicing
new skills #1
(Magpapakita ng larawan ng mapa ng CALABARZON ang guro at kainyang iisa-isahin ang
rehiyon na nakapaloob dito.)
Ang rehiyong Rehiyon IV-A CALABARZON ay may kabuoang sukat na 16, 386 kilometro
kuwadrado. Ang mga lalawigan sa mga rehiyon ay may kaniya kaniyang katangiang pisikal
ayon sa lokasyon, direksiyon, laki, at kaanyuan ng mga ito.
Ang CALABARZON ay isang rehiyon ng Pilipinas na binubuo ng limang (5) lalawigan:
Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Ito ay kilala din sa tawag na Timog
Katagalugan dahil nakararami ang Tagalog na naninirahan dito. Wikang Filipino at Tagalog
ang wika ng mga tao rito.
Ang Cavite, na ang kabisera ay Lungsod ng Trece Martirez ay may malawak na kapatagan
at mahabang baybayin. Pagsasaka, pagpapastol, at paggawa sa mga pabrika o kompanya
ang pangunahing hanapbuhay dito. Ang sukat nito ay 1,287.6 km2.
Ang Laguna ay Santa Cruz ang kabisera at kilala ang lalawigan bilang pook ng
kapanganakan ni Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang liwasang bayan ng
Pila, Laguna, na kilala sa pag-uukit ng kahoy na nilikha ng mga tao sa Paete at Pakil, mga
mainit na bukal sa Los Baños sa gulod ng Bundok Makiling, at ang Hidden Valley Springs
sa Calauan ay ilan lamang sa pisikal na katangian ng Laguna. Ang lungsod ng Calamba ay
itinalagang sentrong pangrehiyon ng
CALABARZON. Ang sukat ng lalawigan ng Laguna ay 1,759.7 km2.
Ang Batangas naman ay napaliligiran ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at
Quezon sa silangan. Matatagpuan dito ang Bulkang Taal, ang pinakamaliit ngunit aktibong
bulkan sa daigdig. Ang sukat ng Batangas ay 3,165.8 km2.
Lungsod ng Antipolo ang kabisera ng Rizal. Pinaliligiran ito ng kalakhang Maynila sa
kanluran, sa hilaga ang Bulacan sa silangan ang lalawigan ng Quezon at Laguna sa timog.
Malaking bahagi nito ay bulubundukin at maliit lamang ang bahaging
kapatagan. Ang sukat ng Rizal ay 1,308.9 km2.
Ang Lungsod ng Lucena ang kabisera ng lalawigan ng Quezon. Ang bahagi ng Quezon ay
namamalagi sa isang dalahikan na nagdudugtong ng Tangway ng Bikol sa pangunahing
bahagi ng Luzon. Ang sukat ng Quezon ay 8,842.8 km2. Maliit na bahagi ng lalawigan ang
kapatagan at malaking bahagi nito ay kabundukan. Malaking bahagi rin nito ay tangway
(Pagkatapos ito ituro ng guro sa mga bata sa ikatlong baitang ibibigay ng guro ang mga
katanungan na ito upang sagutan ng mga bata sa kanilang kwaderno)
Batay sa tinalakay, sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Anong lalawigan ang karamihan ng lugar ay bulubundukin?
2. Anong lalawigan ang may kauong sukat na 3,165.8 km2?
3. Saang lalawigan matatagpuan ang Bundok Makiling at Hidden Valley Springs?
4. Anong lalawigan ang pinakamalawak ang lupain sa buong rehiyon ngunit ang karamihan
nito ay bulubundukin?
5. Anong lalawigan ang may malawak na sakahan at mahabang baybayin?
(bibigyan ng 10 minuto ang ikatlong baiting upang sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.)
E. Discussing new concepts and practicing new
skills #2
(magtutungo naman ang guro sa ikaapat na baiting)
Ang Rehiyon IV–A o tinatawag na CALABARZON ay nasa Timog- Silangan ng Luzon at
nasa dakong Silangan ng Metro Manila.
Ang rehiyong ito ay itinuturing na maunlad dahil sa malalaking industriyang
pinagkakakikitaan tulad ng mga pagawaan at masiglang kalakalan. Gayunpaman,
nakilala rin ang mga lalawigan sa rehiyong ito dahil sa mayamang angking pisikal ng
mga ito.
F. Developing mastery (Leads to Formative
Assessment 3)
(Pagkatapos ituro ito sa bata sa ikaapat na baitang ibibigay ng guro ang mga katanungan
na ito upang sagutan ito ng bata sa kanilang kwaderno.)
1.
2.
Anu-ano ang mga rehiyon na kabilang sa IV-Calabarzon?
Ilarawan ang bawat rehiyon na iyong nabanggit.
(bibigyan rin ng 10 minuto ang ikaapat na baiting upang itoy kanilang sagutin)
(Magtutungo na ang guro sa ika-apat na baiting upang suriin ang kasagutan ng mga ito sa
iniwang gawain kanina)
G. Finding practical applications of concepts
and skills in daily living
SELF-DIRECTED LEARNING
(Magsasagawa ang guro ng aktibidad para sa dalawang baitang)
(Papangkatin ng guro ang klase sa dalawang grupo.)
Ang unang grupo (Grade 3) na hahanapin mga salita na may kaugnayan sa IV- A
Calabarzon
- Ang pangalawang grupo (Grade 4) ay aatasan sa pagguhit ng mapa ng IV- A Calabarzon
Bibigyan ng pagkakakilanlan ang bawat lalawigan sa pamamagitan ng pagkulay gamit ang
iba’t ibang kulay. Isulat ang detalye ng bawat lalawigan ayon sa lokasyon, direksiyon, laki,
at kaanyuan sa iyong sagutang papel.
H. Making generalization and abstractions
about the lesson.
I. Evaluating Learning
- Matapos magawa ng mga estudyante ang mga nakaatang na gawain ay kanila itong
ipepresenta sa harapan.
Upang masubok kung mayroon bang natutunan ang mga mag-aaral sa leksyong tinalakay,
sasagutin ang mga katanungan sa ibaba at pagkatapos ay ibubuod ng guro ang mga nagig
kasagutan ng mga mag-aaral.
 Ano ang mga lalawigan na nakapaloob sa rehiyong IV-A Calabarzon
 Sa paanong paraan mo malalaman kung anong lalawigan ito?
 Mahalaga ba na alam natin ito? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Punan ang mga patlang upang makumpleto ang
pangungusap. Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang rehiyon ng _______________ ay kilala sa tawag na Timog Katagalugan.
2. Lungsod ng Trece Martirez ang kabisera ng __________.
3. Malaking bahagi ng Lalawigan ng _______________ ay tangway.
4. Ang Hidden Valley Springs ay matatagpuan sa ___________.
5. Sa probinsya ng ___________ matatagpuan dito ang pinakamaliit na
aktibong bulkan sa daigdig.
J. Additional activities for application or
remediation
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned 80% in the
evaluation
B. No. of learners who require additional
activities for remediation
C. No. of learners who have caught up with the
lesson after remediation
D. No. of learners who continue to require
remediation
E. 1 Which of my teaching strategies worked
well?
E. 2 Why did these work?
F. What difficulties did I encounter which my
principal or supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized materials did I
use/discover which I wish to share with other
teachers?
Checked/Noted/Observed:
Checked/Noted/Observed:
_________________________
Date: ___________________
____________________________
Date: _________________
Download