_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Isyu sa Kasarian at Sekswalidad Introduksyon May pagkakaiba nga ba ang babae sa lalaki? Isang malaking bahagi sa lipunan ay ang may kinalaman sa kasarian at mga kakayahan ng bawat kasarian sa lipunan. Sa UDHR ang babae at lalaki ay itinuturing na pantay at hindi nagkakaroon ng sitwasyon na isa sa mga kasarian na ito ay humigit sa isa. Matriarkiya ito ay nagbibigay naman ng kapangyarihan o kakayahan sa mga kababaihan upang mamuno sa kanilang tahanan. Ang mga sitwasyon o kaganapan sa loob ng bahay o tahanan ay makadipende sa desisyon ng ina o babae. Peminismo Ilan sa sitwasyon na maiuugat sa mga isyung may kinalaman sa kasarian ay ang pagkakaroon ng diskriminasyon at pang-aapi patungkol sa kasarian na babae at lalaki. May mga ilang pagkakataon sa lipunan na ang kasarian ay nakadipende sa nais na maging galaw o kasarian ng isang tao sa lipunan. Maaaring ang lalaki ay magkagusto sa kapwa lalaki o babae ay magkagusto sa kapwa babae. umusbong ito dahil sa nararanasang diskriminasyon ng mga kababaihan laban sa mga kalalakihan, ito ay nagbibigay ng Pagpapakahulugan Kasarian Sa pagkakaroon ng batayan ay nagkakaroon rin ng pamantayan sa lipunan sa kung ano ang dapat na gampanin ng bawat kasarian. Dahil sa kaganapan na ito ay nagbigay daan ito upang magkaroon ng pang-aapi at diskriminasyon. Ang mga sumusunod ay salik sa pagkakaroon ng diskriminasyon: Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang tao sa lipunan base sa kung ano ang gampanin nito na may kinalaman sa kultura at lipunan. Ang mga kababaihan ay tinitignan lamang sa lipunan bilang mga “may-bahay” o nananatili lamang sa kanilang bahay upang pagsilbihan ang kanyang pamilya. Ito rin ay tumutukoy sa aspektong kultural na natutunan ng isang tao mula sa lipunan na kinabibilangan nito. Sekswalidad Ito naman ay tumutukoy sa batayan ng kagustuhan ng isang babae o lalaki na nakadipende sa kinalakihang paniniwala, kapaligiran at pakikisalamuha sa ibang tao. Ang sekswalidad rin ay tumutukoy sa biyolohikal na katangian ng babae at lalaki. Sexual Orientation o Sesuwal na Oryentasyon na tumutukoy sa pisikal at emosyunal na atraksyon ng isang indibidwal sa ibang tao. Gender Identity Ang tinatawag naman na gender identity ay ang pinaniniwalaang kasarian ng isang tao ayon man o hindi sa kanyang seksuwalidad. Mga Batayan ng Kasarian at Sekswalidad ng Isang tao May mga lipunan na lipunan at ng babae lipunan. ilang batayan o pamantayan ang nabubuo sa makakapagsabi ng tungkulin ng bawat kasarian sa ito ay tinatawag na Gender roles. Ang mga Gawain o lalaki ay nakadipende sa kanilang kultura at Gender roles Ang mga Gawain ng babae o lalaki ay nakadipende sa kanilang kultura at lipunan. Patriarkiya ito ay nanggaling sa salitang lati na patriarkes na ang ibig sabihin ay “amang namumuno”. Ito ay bahagi ng sistemang panlipunann na ang lalaki ang mas nagbibigay o nagkakaroon ng kapangyarihan at kakayahan sa tahanan oo pamilya. Ang lahat ng mga pangyayari o sitwasyon ay nakadipende sa sitwasyon ng ama. pagkakataon sa mga kababaihan na maging pantay sa mga kalalakihan. Diskriminasyon sa Kasarian at sekswalidad Tradisyon ang pagpapakasal sa murang edad ay bahagi ng konsepto ng nakapaloob sa kasarian kung saan ipinagkakaloob ang dowry o kabayaran sa babaeng mapapangasawa. Uri ng trabaho nahahati ang trabaho dipende sa kakayahan ng bawat kasarian kung ito ay may kakayahan sa pisikal na trabaho lalo na sa mga kababaihan, pinagpipilian na ang mga tinatanggap sa trabaho base rin sa kasarian. Politika isang bahagi ng nagkakaroon ng diskkriminasyon ay ang konsepto ng pagkakaroon ng lider na mas may kakayahan ang kalalakihan sa pamumuno kaysa sa mga kababaihan. Tungkulin ng bawat kasarian sa Lipunan Gender Ideology ay tumutukoy sa paniniwala at pakikitungo hinggil sa angkop na papel ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan. Kahit nagkakaroon ng ilang diskriminasyon ay patuloy pa rin ang ilang mga gampanin o tungkulin ng bawat kasarian na ito sa lipunan. Ang mga sumusunod ay ilang mga tungkulin na ginagampanan ng bawat kasarian: Trabaho Ito ay nakapailalim sa Batas republika Blg. 1161 na ang isangg babae ay binibigyan ng 60 hanggang 70 na araw upang makapagpahinga lalo na kung ito ay bagong panganak. Isa rin sa ibinibigay ay ang maternity leave upang maalagaan ang kanilang mga anak. Edukasyon karamihan sa mga nasa erya ng edukasyon ay mga kababaihan mas nagkakaroon ng pakikilahok ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. Pamilya Malaki ang ginagampanan ng bawat kasarian sa pagtataguyod ng pamilya, hindi ito binibigay sa babae o lalaki lamang. Kinakailangan ito ng pagtutulungan ng lalaki at ng babae, ito ay nakaayn sa batas o itinatakda sa Convention on the Elimination of Discrimination Against Women (CEDAW) na nakapailalim sa Batas Republika Blg. 9170 bilang bahagi o pangunahing kasunduan ng Magna Carta of Women. Pamahalaan Malaki ang responsibilidad ng parehong kasarian sa politika, Malaki rin ang nagiging pakikilahok ng mga kababaihan sa larangan ng pagiging pinuno o politiko sa bansa. Relihiyon isa sa naging katuwang ng paglaganap ng relihiyon ay ang mga kababaihan, Malaki ang nagiging ambag ng mga ito sa pagpapataguyod ng paniniwalang relihiyon lalo na ang mga tinatawag na madre. Ang Komunidad ng LGBT Ang kasarian sa lipunan ay babae at lalaki na nakaayon sa pisikal na katangian o panlabas na makikita sa isang tao. Ang babae at lalaki ay nagkakaroon ng pagkakakilanlan base sa kanilang pisikal na itsura o katawan. Ngunit dahil sa pag-usbong ng pagbabago sa lipunan ay nagkaroon ng iba’t ibang kasarian sa lipunan. Mula sa biological sexes na babae at lalaki ay nagkaroon ng iba’t ibang klasipikasyon o kategorya ito base sa kanilang ikinikilos sa lipunan. Mga Kasarian Lesbian/Lesbiyana ito ay tinatawag rin na tomboy sa lipunan kung saan ang isang babae ay kumikilos ng tila ba sila’y lalaki. Gays ito ay ipinnganak na lalaki ngunit may kagustuhan maging babae at kumikilos ng malambot o mahinhin na tinatawag sa lipunan na bakla o binabae. Bisexual ito ay isang lalaki o babae na nagkakagusto sa parehong kasarian. Transgender/Transexual ay babae o lalaki na nagkaroon ng pagkakataon na papalitan ang kanilang pisikal na katangian upang maging tunay na lalaki o babae. Asexual Indibidwal na hindi nakakaramdam ng kahit anong atraksyon sa kahit anong kasarian. Cisgender tugma ang kanyang kasarian sa kanyang seks. Intersex parehong may ari ng lalaki at babae. Miyembro ng LGBT ay ang isa sa bahagi ng lipunan na nakakaranas ng diskriminasyon at hindi pagtanggap sa lipunan sa kadahilanang ito ay naiuugat at naiuugnay rin sa bibliya na ang babae ay para sa lalaki lamang. LGBT Ito ay ang ilan sa mga iba pang kasarian an nag-uugat rin sa babae at lalaki, ito ang lalaki o babae na pinili maging kakaiba o magpalit ng kanilang gender role sa lipunan. Ang ganitong pangyayari ay tinatawag na third sex o bahagi ng homosexual at bisexual. Gender Identity ay ang pagkakakilanlan ng kasarian na ayon sa pagtingin sa indibidwal sa kanyang sarili bilang kasapi ng isang particular na kasarian. Gender Role naman ay gawain na nakabatay sa kasarian sa babae at lalaki. Queer hindi sumasang-ayon sa ano mang kategoryang pangkasarian Tatlong salik ng kasarian ● ● ● Dikta ng kalikasan o biology Dikta ng lipunan Sariling pagpili o pagpasya Mga dahilan Walang maipapaliwanag o konkretong dahilan sa likod ng pagkakaroon o pagiging bahagi ng LGBT sa lipunan. Ayon sa mga eksperto, may ilang mga biological factors na nakakaapekto sa isang tao lalo na sa kanilang mga kasarian, maging ang kanilang pagkakaroon ng atraksyon sa ibang tao. Wala rin likas na pinapanganak na bahagi na agad ng LGBT, ito ay dipende sa kinakalakihan ng isang tao at kanyang nakamulatan na kapaligiran o lipunan na nagkaroon ng epekto upang mabago ang kanyang kasarian. Kaya naman naging malaking bahagi na sa lipunan ang pagkakaroon ng mga ibang mga kasarian Sex role Mga Isyung kinakaharap ng LGBT lalo na sa Pilipinas naman ay mga gawain na tanging partikular na kasarian lamang ang maaring makagawa ayon sa kanilang biyolohikal na katangian. Sogie Ang Sogie ay bahagi ng oryentasyon na may kinalaman sa kasarian o sekswalidad, ito ay mahalagang bahagi rin ng pagbibigay kahulugan kung sino tayo. Kinakailangan na ang konteksto ng pagkakaroon ng SOGIE sa lipunan ay kailangan na magkaroon ng pakikibaka sa mga pagbabago sa lipunan. Ang pagkakaranas ng diskriminasyon ay unang bahagi nararanasan ng mga miyembro na ito dahil sa hindi pagtanggap sa lipunan. Hindi lamang sa politika, edukasyon, trabaho nararanasan kung di sa kahit anong bahagi ng aspektong panlipunan ay nakakaranas ang mga itto ng diskriminasyon sa lipunan. Unang bahagi na nararanasan ng mga ito ay pananakit at di pagtanggap ng kanilang pamila na ang tawag ay domestic violence. Sa Pilipinas, isyu pa rin at hindi katanggap tanggap ang ganitong kasarian dahil karamihan sa mga Pilipino ay makarelihiyon na bumabase sa bibliya. Dahil dito, noong 1992 nagsagawa ng kauna-unahang organisasyon sa buong Pilipinas ang UP at ito ay tinawag na UP Babaylan. Ang organisasyon ay nagsagawa ng tinatawag na pride march upang ipahayag sa madla at mga tao na karapat-dapat silang tanggapin sa lipunan. Ilan sa mga diskriminasyon nararanasan ng LGBT ay ang mga sumusunod: ● ● ● ● ● ● ● ● ● Hindi pagtanggap sa trabaho Mga pang-iinsulto o pangungutya Hindi pagpapatuloy o pagpapapasok sa establisyamento Karahasan tulad ng pagpatay o pagbugbog Bullying Pagbabanta at Paninigaw Pang-aabuso Panunukso sa Social Media Pagpapahiya o Pagpapahamak mga Mga organisasyon ng LGBT Nagsimula noong Dekada 90 ang pag-oorganisa ng LGBT sa Pilipinas para sa pakikipaglaban sa kanilang mga karapatan. Ang unang parade ng mga bisexual at transgender ay pinangunahan ng ProGay Philippines noong Hunyo 26, 1994 sa Quezon memorial Circle. Dahil dito ay nagkaroon na ng taunang pagkakaroon ng selebrasyon ang mga bahagi ng LGBT. Ang mga organisasyon na may kinalaman sa LGBT ay ang mga sumusunod: ● ● ● ● ● ● ● ● ● UP Babaylan ProGay Philippines Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network (LAGABLAB) Society of Transexual Women of the Philippines (STRAP) Coalition for the liberation of the Reassigned Sex (COLORS) GAY Achievers Club (GAYAC) Lesbian Activismm Project (LeAP) KABARO-PUP Santy Layno LADLAD LGBT Party Mga terminong may kinalaman sa kasarian, sekswalidad, at LGBT Transgender may kakaibang kasarian na may isyu sa kanilang gender identity. Transgender Man kinikilala ang sarili bilang lalaki Transgender Woman kinikilala ang sarili bilang babae Transexual ipinanganak na may ari ng babae o lalaki ngunit nagnanais na mapalitan ito sa kasarian na napili Cross-dresser ang tawag sa nagdadamit ng hindi naaayon sa tradisyunal o isteryotipikal na pananamit ng kanilang kasarian; o sa medaling salita ay nagdadamit ng kasalungat ang kanilang kasarian. Queer pantukoy sa indibidwal na ibang katawagan sa mga kasarian na tumutukoy rin sa LGBT. Bi-gendered parehong saklaw ng babae at lalaki o nagkakaroon ng atraksyon sa babae o lalaki. Intersex ay hindi nakatugma ang ari sa pinapakitang pisikal na katangian at maituturing na kakaiba sa lipunan. Drag Queen nagsusuot ng pang babae upang magperform o magtanghal Drag King isang nagtatanghal na babae na nagpapanggap naman bilang lalaki para sa pagtatanghal Isyu sa Reproductive Health at mga Kababaihan Reproductive Health Law Ang Batas Republika 10354 o ang tinatawag rin bilang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 na mas kinikilala bilang RH law. Ito ay ang batas na naisabatas taong 2014 lamang kung saan nagpapahayag na pagkakaroon ng pagkontrol at pagpaplano sa pagkakaroon ng pamilya at may kinalaman sa pagkontrol sa populasyon. Ano ng aba ang RH Law? Ang RH Law ay nagbibigay ng tungkulin sa pamahalaang magtaguyod, magpalaganap, at magbigay ng serbisyong may kinalaman sa pangkalusugan, mahihirap, mga kababaihan at mga nasa laylayan. Isang karapatan na binibigay sa isang tao ay ang pagkakaroon ng kamalayan at pangangalaga sa kalusugan. Ayon sa batas ang RH ay tumutukoy sa kumpletong kapakanan at kagalingan ng tao sa lahat ng aspektong may kinalamansa reproductive system. Mga mahalagang probisyon ng RH Law Seksyon 3(d): Gabay na Panuntuan sa Pagtupad Nagbibigay gabay at kaalaman sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan at pagbibigay ng karapatan pangkalusugan sa estado. Saksyon 9: Ang Sistema ng National Drug formulary at ang Kagamitang Pamplano ng Pamilya Nagsasagawa ng mga produkto na hindi dapat nakakasama sa pagkakaroon ng supling ng isang babae, kalakip nito ay kinakailangan ay ang pagkakaroon ng ligtas na gamut. Seksyon 10: Pagkuha at pamimigay ng Kagamitang Pamplano ng Pamilya Pagbibigay ng kaalaman sa ilalim ng DOH at LGU patungkol sa tamang pagpaplano ng pamilya. Seksyon 11: Pagsasama ng Responsableng Pagmamagulang at Pagpaplano ng Pamiya sa mga programang laban sa kahirapan Pagbibigay ng kaalaman hindi lamang sa pagpaplano ng pamilya ngunit maging sa pagkakaroon o pagbibigay ng kaalaman sa mga magulang sa tamang pangangalaga ng anak. Seksyon 14: Edukasyon sa Kalusugang Panreprodusksyon na akma sa edad at pagalaki Pagpapalaganap ng pamahalaan na ang pagkakaroon ng pamilya ay kinakailangang nasa tama o hustong edad upang maiwasan ang maagang pagkakaroon ng pamilya. Seksyon 20: Pampublikong Kamalayan Magsagawa ang pamahalaan ng ilang mga kampanya sa pagbibigay ng kamalayan sa mga tao patungkol sa kalusugang panreproduksyon at tamang pagpapamilya. Bilang kabuuan, ang mga probisyon ng RH law ay tumutukoy sa pangangalaga sa kalusugang panreproduksyon ng kababaihan. Ito ay sa kadahilnan na rin na patuloy ang paglaki ng ating populasyon sa bansa. Gayunpaman, ang layunin ng RH law ay upang mapalaganap rin ang kamalayang Pilipino na mapangalagaan ang karapatan lalo na ng mga kababaihan at mahihirap sa bansa. Kasaysayan ng Reproductive Health sa Pilipinas Nagsimula ito sa pagkakaroon ng Declaration on Populatuon noong 1967 sa ilalim ng Pangulong Ferinand Marcos at ang iba pang 12 na pinuno sa iba’t ibang bansa. Inilalahad nito ang pagkakaroon ng kamalayan sa pagkakaroon ng paglaki sa populasyon na nagiging dahilan ng kahadlangan sap ag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ilan sa mga sumusunod ay kaganapan na may kinalaman sa pagsulong ng kalusugang panreproduksyon sa Pilipinas ● ● Itinatag ang Population Commission upang magkaroon ng pagkontrol sa mga mamamayan na pigilan ang paglaki ng bawat pamilya. Taong 1989, nagkaroon ng Philippine Legislator;s Committee on Population and Development (PLCPD) upang pamahalaan ang populasyon at ekonomiya ng bansa. ● Taong 1967, ang US ay tumulong magsagawa ng programa ukol sa pagkontrol sa populasyon. ● Taong 2000 hanggang 2010 ay patuloy nagsasagawa ng paraan ang ahensya ng pamahalaan upang mapangalagaan ang paglobo ng populasyon sa Pilipinas. Mga Isyung may kinalaman sa pagkakaroon ng RH law Isang nakakabit na isyu sa pagkakaroon ng RH law ay ang pagdami ng mga kababaihan na nagsasagawa ng pagpapalaglag o abosyon. Ang mga sumusunod ay ilan mga isyu na may kinalaman sa RH law: ● ● ● Pagbibigay ng libreng pagbibigay ng paraan upang mapigilan ang isang babae sa kanyang pagbubuntis. Paghahadlang sa kultural na paraan ng pagbubuntis. Pampalaglag sa mga buntis na hindi nila inaasahan Ang ganitong isyu ay tinatawag na aborsyon o di kaya naman ay tinatawag rin na maternal mortality. Ito ay karamihan nagiging sanhi ng mga kamatayan ng nakakarami sa kababaihan na nagpapalaglag dahil di kinakaya ng katawan ang paraan na ginawa para mapalaglag ang bata. Ngunit ang pagsasagawa ng aborsyon ay isang mali at paglabag sa karapatang pantao na naaayon sa batas ng bansa. Ito ay isang bahagi na may malaking ginagampanan sa bansa na hindi dapat ginagawa ng mga kababaihan na maiuugat rin sa pagkakaroon ng Reproductive health law dahil layunin nito na magkaroon ng kamalayang panreproduksyon ang mga kababaihan para sa patuloy na paglobo ng populasyon. Mga programa ng pamahalaan sa paglutas ng suliraning paglobo ng populasyon ● Sistematikong pagbabahagi ng kontraseptibo sa bansa na inihain ni Ferdinand Marcos. ● Magbigay ng pagpapasya kung ilang anak ang kagustuhan ng mag-asawa na inihain naman ni Corazon Aquino. ● Magkaroon ng population management sa halip na magbigay ng kontraseptibo na inihain naman ni Fidel V. Ramos ● Pagpapalaganap ng paraan upang mapababa ang fertility rate na inihain naman ni Joseph Estrada ● Magkaroon ng natural family planning kasabay ng pagbebenta ng maraming kontraseptibo sa buong bansa na inihain naman ni Gloria Macapagal Arroyo ● Nagsagawa ng responsible parenthood at Reproductive health law para sa tamang pagpapamilya na inihain naman ni Benigno Aquino III. Pananaw sa RH law Ilang mga pananaw ng mga sumusuporta o sumasang-ayon sa RH law ● ● ● Naglalaan ng sex education sa kabataan Nakakatulong sa mga maralita Nagtataguyod ng kalusugan Ilang mga pananaw ng mga kumokontra sa RH law ● ● ● ● Paglabag sa karapatang pantao Hindi katanggap tanggap sa simbahan Nagkakaroon ng side e ects and mga kontraseptibo na gamut Hindi malaking populasyon ang pinagmumulan ng kahirapan Same-sex Marriage Same-sex Marriage Ang hindi pagiging bukas ng lipunan sa isyu ng homoseksuwalidad ang nagsisilbing hadlang sa pagpapahintulot sa same-sex marriage (pagpapakasal ng magkaparehong kasarian) sa karamihan sa mga bansa sa daigdig. Karamihan sa mga relihiyon ay may negatibong pagtingin sa homoseksuwalidad kung kaya't kadalasang ang hindi pagtanggap dito ay nagmumula sa paniniwalang panrelihiyon. Gayundin, may paniniwala ang mga tumutuligsa sa homoseksuwalidad na dahil wala itong papel sa prosesong reproduktibo (dahil hindi kailanman magkakaanak ang lalaki sa lalaki o babae sa babae), hindi ito natural at hindi ito kailanman magiging moral kung hindi ito natural. Bukod sa salik panrelihiyon, ang pag-igting ng impluwensiyang Kanluranin lalo na noong ika-19 na siglo at ang kaakibat nitong pagpapahalaga sa pagiging kagalang-galang kaugnay ng pagkabuo ng gitnang uri sa mga lipunan sa daigdig ang tinitingnang isang dahilan din kung bakit naging hindi katanggap-tanggap ang homoseksuwalidad. Sa katunayan, ang mga terminong heteroseksuwalidad at homoseksuwalidad ay una lamang ginamit noong ika-19 siglo. Same-sex Relations sa Kasaysayan May mga pag-aaral sa antropolohiya at agham na nagpapatunay na ang homoseksuwalidad ay matatagpuan hindi lamang sa mga tao kung hindi maging sa mga hayop. Ayon sa nasabing pag-aaral, may mga hayop, katulad ng dolphin, unggoy, at chimpanzee na nagpapamalas ng pagkakaroon ng ugnayang homoseksuwal at laganap ito sa kanila. Gayundin, napag-alaman ding laganap ang homoseksuwalidad sa mga sinaunang lipunan, mula pa sa mga lipunang nangangaso at nangangalap ng pagkain. Dahil taliwas sa tradisyonal na paniniwalang walang papel ang homoseksuwalidad sa prosesong reproduktibo, napag-alaman sa ilang pag-aaral na sa ilang lipunan, ang pagpaparehang homoseksuwal ay isinasagawa sa panahon ng kabataan kung kailan hindi pa sila handa sa pag-aasawa. Pagdating ng panahong handa na silang mag-asawa at mag-pamilya, humahanap na sila ng kapareha mula sa di kaparehong seks at doon sila nagsisimulang magpamilya. Sa panahong ito, pinaniniwalaang may sapat na silang kahandaang emosyonal at pisikal sa pagkakaroon ng permanenteng kapareha at pagkakaroon ng anak dahil napagdaanan na nila ang relasyong homoseksuwal, sa panahong hindi pa sila handa sa pagpapamilya. Patunay na laganap ang homoseksuwalidad sa sinaunang lipunan ang nasaksihan ng mga Espanyol sa Central America at South America nang simulan nila itong sakupin noong ika-15 siglo. Napag-alaman nilang pangkaraniwan ang homoseksuwalidad sa lahat ng uring panlipunan, at ikinabigla rin nila ang depiksiyon ng homoseksuwalidad sa kanilang sining. Mayroon nang homoseksuwalidad sa mga sibilisasyong Toltec, Mayan, at Aztec. Ayon sa mga kronika, na- kagawian na sa sibilisasyong Mayan na ang isang lalaki ay magkakaroon ng mas nakatatandang kaparehang lalaki sa panahon ng kaniyang pagbibinata, pagkatapos ay magkakaroon ng kaparehang lalaking mas bata sa kaniya kung siya ay teenager na, at sa kaniyang pagpasok sa edad na 20s ay saka siya magkakaroon ng kaparehang babae. Sa pag-aaral ng mga iskolar tungkol sa homoseksuwalidad sa mga dakilang sibilisasyon sa daigdig, na- pag-alamang laganap ito maging sa sibilisasyong Sumerian, Babylonian, Egyptian, Greek, Roman, Chinese, Japanese, Muslim, at maging sa sinaunang Hebrew at Christian Europe. Sa Pilipinas, itinala ng prayleng si Francisco Alcina ang pagkakaroon ng homoseksuwalidad sa sinaunang lipunan sa pamamagitan ng mga bayog o lalaking babaylan na nagkikilos-babae at nag-aanyong babae upang gampanan ang prestihiyosong tungkulin ng babaylan, at nag-aasawa sila ng kapwa lalaki. Mga Bansang Nagpapahintulot sa Same-sex Marriage Maigting ang kampanya ng LGBT para sa pagpapahintulot sa same-sex marriage sa mga bansang kanilang kinabibilangan. Para sa kanila, ang pagkakaloob sa kanila ng karapatang makapagpakasal sa kapareho nilang kasarian ang pinakamahalagang patunay na tanggap na sila sa lipunan at kinikilala ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas. Dahil dito, maiiwasan ang diskriminasyon at opresyong kanilang mararanasan sa lipunan dahil may batas na magtatanggol sa kanilang mga karapatan. Sa kasalukuyan, may mga bansang nagpapahintulot sa same-sex marriage. Ito ay ang sumusunod: Bansa Taon ng pagpapahintulot sa same-sex marriage The Netherlands 2000 Belgium 2003 Canada Spain 2005 South Africa 2006 Argentina Iceland Portugal 2010 Denmark 2012 Brazil England/Wales France New Zealand Uruguay 2013 Luxembourg 2014 Scotland Finland Greenland Ireland United States Colombia 2015 2016 Pagtanggap sa Same-sex Marriage Bagama't maituturing na tagumpay para sa mga LGBT mula sa mga bansa sa talahanayan ang pagpapahintulot sa same-sex marriage, marami pa ring hamon ang kinahaharap ng LGBT sa usaping ito. Sa kabila ng deklarasyon ng United Nations Human Rights Committee na nararapat kilalanin ang karapatan ng mga LGBT bilang karapatang pantao, karamihan pa rin sa mga bansa sa daigdig ang hindi kumikilala sa same-sex marriage sa kanilang mga batas. At kahit na sa mga bansang kinikilala na ang same-sex marriage, kadalasang hindi naman kinikilala ng mga relihiyon dito ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian dahil taliwas ito sa kanilang mga katuruan. Kung gayon, nananatiling hati ang pagtingin ng mga lipunan sa same-sex marriage sa kabila ng pagiging legal nito sa ilang mga bansa. Ayon sa ilang pananaliksik lalo na sa United States, ang pagbabago tungo sa mas liberal na persepsiyon hinggil sa same-sex marriage ay batay sa apat na salik: relihiyon, politika, kasarian, at edukasyon. Sa ibang mga pag-aaral, idinaragdag ang edad ng isang tao. Ayon sa sarbey halimbawa ng Pew Research Center noong 2016, ang same-sex marriage ay mas tanggap ng mga taong hindi gaanong relihiyoso; gayon din ng mga may liberal na pananaw na politikal, kababaihan, may mataas na pinag-aralan, at mga nakababatang henerasyon. Sa kabila ng nagbabagong pagtingin sa same-sex marriage, malayo pa rin ang dapat lakbayin ng mga pamayanang LGBT sa iba't ibang panig ng daigdig upang magawang legal ang same-sex marriage sa mga bansang hindi pa kumikilala rito. Sa katunayan, kahit sa mga bansang legal na ang same-sex marriage ay patuloy pa rin silang nakararanas ng diskriminasyon sa lipunan, lalo na mula sa mga institusyong panrelihiyon. Posibilidad ng Same-sex Marriage sa Pilipinas Sa isang bansang malakas ang Katolisismo katulad ng Pilipinas, matinding hamon ang kinahaharap ng pamayanang LGBT upang maipasa ang batas na kumikilala sa same-sex marriage. Matatandaang sa nakaraang aralin ay tinalakay natin kung gaano katagal ang inabot ng Reproductive Health Law (14 taon) bago ito naisa-batas, at nagkaroon pa ng isyu sa pag- papatupad at pagpondo rito dahil sa pagtutol dito ng Simbahan at ng ilang politikong nasa puwesto. Bagama't ang batas na ito ay makatutulong sa pangangalaga sa kalusugang reproduktibo ng kababaihan at magtataguyod sa kapakanan ng pamilya at ng kabata- an, dahil sa probisyon nito hinggil sa paggamit ng artipisyal na kontrasepsiyon na hindi tanggap ng Simbahan ay nahirapan ang mga tagapagtaguyod nito na maipasa ito. Sa kaso ng same- sex marriage, noon lamang 2015 ay nagpahayag ng panawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na huwag suportahan ang same-sex marriage sa pilipinas. Sa Family Code of the Philippines, malinaw na ang kinikilala lamang ay ang kasal sa pagitan ng babae at lalaki. Sa kabila ng balakid na ito, patuloy rin ang kampanya ng mga LGBT pa at mga taga-suporta nila na maisakatuparan ang pagkakaroon ng same-sex marriage sa Pilipinas. Mahalaga ito para sa kanila dahil bukod sa magpapatunay ito ng pantay na pagkilala sa kanilang karapatan sa lipunan, matitiyak nito ang pagkilala ng estado sa kanilang pagsasama at mapoprotektahan ang kanilang mga karapatang legal tulad ng pagtata- masa rito ng mga heteroseksuwal na mag-asawa. Mapangangalagaan din ng batas ang kanilang karapatan sa legal na pag-aampon at mga usaping may kinalaman sa kanilang mga ari-arian at pagpapamana. Sex Work Ayon sa United Nations Development Program (UNDP), ang terminong prostitusyon ay terminong ginamit sa mga batas na ipinatupad noong ika-19 hanggang ika-20 siglo para tukuyin ang sex work, o ang pagbebenta o pakikipagpalit ng serbisyong seksuwal para sa salapi, serbisyo, o kalakal. Sa kasa- lukuyan, mas pinipiling gamitin ang terminong sex work kaysa prostitusyon dahil ang huli ay may negatibong konotasyon. Kung gayon, sa araling ito ay gagamitin natin ang terminong sex work at sex worker sa halip na prosti- tusyon at prostitute. Kaugnay nito, ang sex worker ay tumutukoy sa taong nagbebenta o nakikipagpalit ng serbisyong seksuwal kahit na hindi niya itinuturing ang sarili bilang sex worker, o itinuturing ang gawain bilang trabaho. Kasama rito ang mga pumapayag na kabataan na 18 gulang pataas, babae, lalaki, o transgender, na tumatanggap ng kalakal o sala- pi kapalit ng serbisyong seksuwal, palagian man o paminsan-minsan lamang. Ang sex work ay maaaring direkta (hayagan at pormal) o di-direkta (patago at impormal). Sa direktang sex work, kinikilala ng mga sex worker ang sarili bilang sex worker at naghahanapbuhay sa pamamagitan ng pag- bebenta o pakikipagpalit ng serbisyong seksuwal kapalit ng salapi o kalakal. Samantala, sa di-direktang sex work, hindi kinikilala ng sex worker ang sarili bilang sex worker at kadalasang may ibang trabaho at nagbebenta la- mang ng serbisyong seksuwal upang madagdagan ang kaniyang kita. Iba't Ibang Pagtingin sa Sex Work Dahil ang mga peminista ay may iba't ibang ideolohiyang pinaniniwalaan, may pagkakaiba rin ang pananaw nila hinggil sa sex work. Para sa mga liberal feminist, ang indibidwal ay may kalayaang pumasok sa anomang ko- trata basta ito ay bukal sa loob niya at hindi siya pinipilit ninoman. Ang sex : work, para sa kanila, ay halimbawa ng kontratang ito at manipestasyon ng karapatang politikal ng indibidwal at and sex work at maaaring ituring bilang pribadong transaksiyong pang negosyo. Bilang isang indibidwal na may mga kalayaan, may kalayaan ang isang babae, lalaki, o transgender na magdesisyon kung ano ang nais niyang gawin sa kaniyang katawan, kasama na rito ang pagbebenta ng serbisyong seksuwal kung ito ang kaniyang de- sisyon. Para naman sa mga Marxist feminist, ang sex work ay manipestasyon ng korapsiyon ng suweldo kung kaya't nakakababa ng katauhan at nagbibigay-daan sa pananamantala. Hindi naman nalalayo ang pananaw ng mga socialist feminist na naniniwalang ang sex work ay hindi lamang itinatakda ng determinismong ekonomiko kung hindi mayroon ding pinag-ugatang sikolohikal at panlipunan. Para sa kanila, ang sex worker ay biktima ng korapsiyon ng lipunang nahahati sa mga uri. Para naman sa mga radical feminist, ang pagpasok ng sex worker sa kontrata ng pakikipagpalit ng serbisyong seksuwal sa salapi o kalakal ay hindi boluntaryo at siya ay itinuturing na lamang bilang isang piraso ng kalakal, dahil diumano sa relasyong mapagsamantalang kinapalooban niya kung saan ang habol sa kaniya ng kustomer ay ang kaniyang serbisyo at hindi siya mismo. Sa mga pananaw na nabanggit, mas nananaig ang paniniwalang ang sex worker ay biktima ng kondisyong kinapapalooban niya, partikular ang hindi pagkakapantay ng mga sosyo-ekonomikong uri sa lipunan na nagtutulak sa mga sex worker na pumasok sa ganitong gawain kahit labag sa kalooban nila. Sex Work sa Pilipinas Naidokumento ang mga unang kaso ng tinatawag dating prostitusyon sa Pilipinas noong ika-19 siglo at ito ay kaugnay ng paglaganap ng epidemya ng sipilis, isang venereal disease o sakit na nakukuha mula sa pakikipagtalik. Taong 1872 ay itinala ng kura paroko sa Binondo ang pagkakaroon ng epidemya ng sipilis sa kaniyang parokya noon pa lamang 1871, partikular sa San Jose de Trozo na isang panguna- hing lugar ng prostitusyon sa Maynila. Mayroon ding naitalang epidemya ng sipilis sa San Roque sa Cavite noong 1895 kung saan karamihan sa mga sundalo at nagtatrabaho sa kampo militar sa nasabing lugar ay may sipilis. Nang mapasailalim ang Pilipinas sa kapangyarihan ng mga Amerikano, agad na nagtalaga ng red light district o mga nakatakdang lugar ng aliwan ang pamahalaang kolonyal upang masugpo diumano ang pagkalat ng sipilis at upang mabantayan ang mga tinawag noon na prostituta, na kilala rin bilang r "kalapating mababa ang lipad." Mula sa Escolta ay inilipat ito sa Gardenia (Sampaloc ngayon) at doon nagpatupad ng regulasyon sa mga prostituta upang hindi na kumalat pa sa ibang lugar ang sipilis. Kasama sa mga prostituta sa panahong ito ang mga karayuki-san, o mga babaeng prostituta mula sa Japan. Ipinasara ang red light district noong 1918 upang masugpo diumano ang prostitusyon at ang paglaganap ng epidemya ng sipilis subalit hindi naman talaga ito natigil, sa halip ay ipinagpatuloy lamang nang patago. Kung gayon, ang simula ng prosti- tusyon sa Pilipinas ay maiuugnay sa kolonyalismo sapagkat karamihan sa mga tumatangkilik nito ay ang mga sundalong Espanyol noong una at mga sundalong Amerikano kalaunan. Sa pagdaan ng panahon, nanatili ang sex work sa Pilipinas lalo na sa panahon ng pamamayagpag ng mga base militar sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales kung saan maraming sundalong Amerikano ang nanatili sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, itinuturing na ilegal ang sex work sa bansa subalit masasabing napasasailalim sa regulasyon ng pamahalaan dahil sa pagtatakda ng mga patakarang pangsanitasyon sa mga bar at massage parlor; gayon din ang pangangailangan sa regular na pagpapasuring medikal sa mga nagtatrabaho rito upang masigurong wala silang sakit na nakahahawa. Mga Dahilan at Epekto ng Sex Work Dahil sa magkakaibang pananaw hinggil sa sex work, may magkakaiba ring paniniwala hinggil sa ugat nito. Para sa mga liberal feminist, ang sex work ay maaaring dulot ng boluntaryong desisyon ng mga indibidwal na piniling pasukin ang larangang ito at nararapat lamang matiyak ang kanilang mga karapatan at mapangalagaan mula sa mga pang-aabusong maaaring maranasan dahil dito. Para sa mga socialist at Marxist feminist, ang sex work ay isang anyo ng pananamantala sa kababaihan at ng pagiging mas makapangyarihan ng kalalakihan sa kababaihan dulot ng pagkapaloob sa kaayusang patriyarkal. Sa ganitong pagtingin, ang sex work ay nagkakaroon ng negatibong implikasyon hindi lamang sa lipunan kung hindi maging sa mga sex worker at sa kababaihan sa pangkalahatan dahil lumilikha ito ng impresyon kung saan ang kababaihan ay tinitingnan bilang sex object lamang, na lalong nagpapababa sa mababang katayuan ng kababaihan sa lipunan. Para sa mga radical feminist, ang sex work ay isang anyo ng karahasang seksuwal ng kalalakihan sa kababaihan, at hindi nila tinatanggap ang paniniwalang desisyon ng sex worker ang pumasok sa ganitong gawain. Nag anni ito ng ig sa tahasang pagpapababa, pananaman- tala, at pagturing sa kababaihan bilang bagay at hindi tao. Pinalalala pa ito ng kahirapan dahil may kababaihang napipilitang pumasok sa gawaing ito upang matugonan ang sariling pangangailangan at ang pangangailangan ng mga mahal sa buhay. Sa kasalukuyan, hati ang pananaw hinggil sa sex work. May mga naniniwalang nararapat itong mawala sa lipunan sapagkat wala itong naidudulot na maganda lalo na sa mga indibidwal na pumapasok sa gawaing ito, na karamihan ay kababaihan. Nagtataguyod lamang ito ng imahen ng kababaihan bilang mga sex object at lalong nagiging dahilan upang makaranas ng diskriminasyon at opresyon ang ka- babaihan sa lipunan. Samantala, may mga naniniwala namang nararapat lamang ang dekriminalisasyon ng sex work upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga indibidwal na sangkot sa gawaing ito. Para sa mga tagapagtaguyod nito, ang kriminalisasyon ng sex work ay nagdudulotlamang ng ibayong pang-aabuso sa kababaihan at nagbibigay-daan sa lalo pang pagkalat ng mga impeksiyon katulad ng human immunodeficiency virus (HIV) na maaaring humantong sa pagkakaroon ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), kung kaya't nararapat lamang na magkaroon ng proteksiyong naaayon sa batas ang mga sex worker. Sa mga bansa kung saan ilegal ang sex work, ang pagkakakumpiska sa condom sa mga nahuling sex worker ay ginagamit na katibayan ng pagiging sangkot sa sex work, kung kaya't karamihan sa mga sex worker ay hindi na nagdadala ng condom, na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hindi ligtas na pakikipagtalik. Ito ang nagdudulot ng di-planadong pagbubuntis at pagkalat ng mga sexually-transmitted infection (STI). anomang pagpapamalas ng karahasang batay sa kasarian, na huma- hantong, o maaaring humantong, sa kapahamakang pisikal, seksuwal, o sikolohikal ng kababaihan Mga Batas na May Kinalama sa Sex Work Dahil ilegal ang sex work sa Pilipinas, may mga batas na ipinatutupad hinggil dito. Isang halimbawa nito ang "Expanded Anti-Tra cking in Persons Act of 2012." Layunin nito na protektahan ang mga indibidwal mula sa human tra cking at maparusahan ang mga nagpapatakbo ng gawaing ito. Nariyan din ang AIDS Prevention and Control Act of 1998 na nagtatakdang ang sapilitang HIV testing ay ilegal, gayundin ang diskriminasyon sa mga taong may HIV. Samantala, ang probisyon ng Sanitation Code kung saan lahat ng nagtatrabaho sa massage parlor ay kinakailangang magkaroon ng sertipi- kong pangkalusugan na manggagaling sa lokal na awtoridad pangkalusugan ay patunay na bagama't ilegal ang sex work sa bansa, ito ay kinikilala at ipinapasailaim sa regulasyon. May mga ordinansa ring nagtatakda ng sapilitang edukasyon hinggil sa HIV, pagkakaroon ng access sa condom, pagsusuri at panggagamot sa STI ng mga sex worker na nagtatrabaho sa mga le- gal na establisimyentong panlibangan. Kung gayon, ang mga sex worker na hindi sa mga legal na establisimyento nagtatrabaho kung hindi sa mga kalsada ay hindi napoprotektahan ng mga ordinansang katulad nito at mas malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng STI at makaranas ng mas malalang pang-aabuso. Isyu sa mga Kababaihan Isyu sa mga Kababaihan Marami sa mga kababaihan ang nakakaranas ng diskriminasyon sa lipunan, ito ay ang dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan sa pagitan ng babae at lalaki. Mga kilalang diyos sa sinaunang panahon na iniuugnay sa homoseksuwalidad: Antinous ng Rome, Ganesha ng Hinduism, at Apollo ng mitolohiyang Greek. Ang diyos ng mga Aztec na si Xochipili ay patron ng homoseksuwalidad at mga lalaking nagbebenta ng aliw. Headquarters ng Catholic Bishops Conference of the Philippines: mahigpit na tinututulan ng CBCP ang same- sex marriage sa Pilipinas. Same-sex Marrige pagpapakasal ng magkaparehong kasarian. Heterosexuality atraksiyong romantiko/seksuwal o pakikitungong seksuwal sa opposite sex. Homosexuality atraksyiong romantiko/seksuwal o pakikitungong seksuwal sa same. diyos ng mga Aztec homoseksuwalidad. Xochipili na itinuring Mandate Theory nakatakdang maging bayolente ang kalalakihan bilang resulta ng pag-unlad na ebolusyonaryo ng sangkatauhan Ilan sa mga halimbawa ng karahasan ay ang mga sumusunod: ● ● ● ● patron ng Sex Work pagbebenta o pakikipagpalit ng serbisyong seksuwal para sa salapi, serbisyo, o kalakal. Epidemya ng Silipis isang sakit na nakukuha mula sa pakikipagtalik na laganap noong ika-19 na siglo sa Pilipinas. Pisikal na Karahasan Malaswang karahasan Sikolohikal na Karahasan Ekonomik na karahasan Karamihan sa mga kababaihan ay nakakaranas ng domestic violence o pananakit sa loob ng kanilang mga tahanan. Sa kasaysayan, maraming nagaganap na isyung may kinalaman sa kababaihan tulad na lamang ng foot binding sa Tsina upang patunayan ng isang babae ang karangalan niya at asawa. Sa india naman ay ginagawa ang suttee o ang pagsusunog sa babae bilang alay sa namatay niyang asawa, at ang maagang pagpapakasal kahit labag ito sa kanyang kalooban. Sa mga hapon naman ay ang pagkakaroon ng konsepto ng comfort women o ginagawang pag-aaliw ng mga kababaihan sa mga hapon. Ang mga sumusunod ay ang mga kasunduan upang maiwasan ang karahasan sa mga kababaihan: ● Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women sa New York, Estados Unidos noong 1979. ● Declaration on the Elimination of Violence Against Women sa Vienna, Austria noong 1993. ● Fourth World conference on Women in Beijing, China noong 1995 Itinuturing na ang bansang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamatatag na bansa pagdatig sa gender equality ayon sa Philippine Commission on Women o PCW. Ito ay dahil may mga batas na naglalayong protektahan ang mga kababaihan mula sa karahasan. ● na Bayog lalaking babaylan sa Pilipinas Karahasang Seksuwal Brain Damage Theory ang pagkaantala ng suplay ng oxygen noong ipinanganak o habang sanggol o iba pang karanasang traumatiko ang naging dahilan sa pakikitungo ng nang-aabuso ● ● Batas Republika Blg. 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act Batas Republika Blg. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Batas Republika Blg. 9710 o ang Magna Carta of Women Ang Prostitusyon at Pang-aabuso Prostitusyon Ito ay ang paggamit sa katawan ng isang tao upang kumita ng pera. Ano ng aba ang dahilan sa pagkakaroonn nito? ● ● Mabilis kumita ng malaking pera sa prostitusyon Ito ay isang negosyo ● ● Ang ilang kasali sa negosyo ay nasanay sa kultura ng pang-abuso Ito ay daan sa palabas sa kahirapan. Ito ay unang naganap noong ika-19 hanggang ika-20 na siglo, lumaganap ang mga kababaihang nagbebenta ng kanilang mga katawan upang kumita at ang tawag rito ay SEX WORK. May dalawang uri ang sex worker; ito ay direkta at di-direkta. Ang direkta ay mismong ang indibidwal ang nagbebenta sa kanyang sarili upang kumita. Ang di-direkta naman ay hindi binibenta ang sarili ngunit siya ay ang nagbebenta sa ibang babae upang kumita ng pera. Dahilan ng Pang-aapi sa mga kababaihan Pananaw sa Gender Roles ito ay dahil hindi nagkakaintindihan o nagkakaunawaan ang dalawang kasarian pagdating sa opinion o pananaw sa lipunan. Kultura ng Pang-aapi ito ay ang pagkakaroon ng pang-aapi na may kinalaman sa kultura na nagkakaroon karahasan base sa pinagmulan na grupo. Kawalan ng Suporta sa Kabuhayan at sa Serbisyong Panlipunan ito ay ang pagkakaroon ng kakulangan sa serbisyo sa lipunan para sa mga kababaihan at ang pagkawala ng suporta ng mamamayan sa pagkakaroon ng oportunidad para sa mga kababaihan. Epekto ng pang-aapi sa kababaihan Epekto sa kalusugan Maaari magkaroon ng sakit ang mga kababaihan at ito ay maaring tumukoy sa depresyon at malulubhang sakit. Epekto sa kabuhayan nawawalan ng mga kababaihan ng pagkakataon sa pagtatrabaho at nawawalan ng kapayapaan sa pamumuhay. Epekto sa Moralidad naaapektuhan ang dignidad at moralidad ng kababaihan sa pagtingin at koneksyon sa lipunan. Epekto sa mga relasyon nagkakaroon ng problema na pamilya at relasyon sa ibang mga tao at nahihirapan ang mga kababaihan sa pakikitungo.