D. ANG PANITIKAN SA REHIMING AMERIKANO E..ANG PANITIKAN SA PANAHON NG MGA HAPONES F. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG KALAYAAN G. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO H. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG DEMOKRASYA ● Carlos Palanca Memorial Award -ang nagpatuloy sa pagkilala sa mga manunulat at pagbibigay sa mga manunulat ng gawad taun-taon. ● Nasilayan ang pagtutulungan, pagmamalasakitan, pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiisin, pagmamahal sa bayan, pagsunod sa batas, pag-unawa sa kapwa, pananalig sa panginoon at marami pang iba na iisa ang tibok ng puso, marunong man o mangmang, mayaman o mahirap. ● Ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas. PANULAAN SA KASALUKUYAN KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN ● Muling napasakamay ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala ng mahigit isang dekada. ● Pebrero 21-25, 1986 naging dakila ang salitang “People’s Power” ● ● ● Pebrero 26 natahimik ang rebolusyon at natigil ang kaguluhan noong nagsimulang nanungkulan si Cory Aquino. Nagbukas ng panibagong yugto ang panitikan nang maluklok si dating Pangulong Corazon Aquino. Napatalsik sa puwesto ang diktatoryal na pamamahala ni Pangulong Marcos ● Itinanghal ang Pilipinas na “Bagong Bansa sa Bagong Demokrasya: Moral Recovery” na binigyang pansin ni Pangulong Fidel V. Ramos. ● Pangulong Joseph Estrada - “Erap Para sa Mahirap” na ginawang “Angat Pinoy 2004”. ● Pangulong Gloria Arroyo -“New Moral Order” ● Naging malawak ang paksa na nagpapahiwatig ng mga isyung panlipunan kagaya ng karahasan, kahirapan, prostitusyon at pagtaas at pagbaba ng krimen. KALAGAYAN NG PANITIKAN ● Ang mga pagbabagong ito ay madarama sa mga tula, awiting Pilipino, pahayagan, sanaysay at talumpati at maging programa sa telebisyon. ● Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata: a. Nagdirekta ng mga kritisismo sa mga tiwaling opisyal. b. Pagpupuri sa mga nakagagawa ng kabutihan AWITING FILIPINO Magkaisa - Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Pena Handog ng Pilipino sa Mundo -Jim Paredes Bayan Ko - Binuhay ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus - Iminungkahi sa “Constitutional Commission” na gawin itong Pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas. MAIKLING KWENTO Sandaang Damit - Fanny Garcia -tungkol sa bata na lumaki sa hirap at nakatanggap ng diskriminsayon mula sa kapwa Red Ang Luha Ni Michael/Jimmy Alcantara -tungkol sa isang magkarelasyon na magkaparehong kasarian Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. RADYO AT TELEBISYON ● Nagkaroon ng kalayaan ang mga tagapagpahayag ng mga impormasyon na walang halong pangamba at takot. ● May kalayaan ang mga tao sa larangang ito na tumayo sa kanilang ipinapahayag na impormasyon sapagkat hindi nagkaroon ng paniniil mula sa gobyerno. Pahayagan, Magasin, at Iba Pang Babasahin Dumami ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito kagaya ng: Inquirer, Manila Bulletin. Manila Times, Philippine Standard ● Mababakas sa bawat panahon ang impluwensiya ng bawat pamamahala. Nakikita kung paaano nagkaroon ng isang mapanghimagsik na panitikan hangggang sa isang mapaglayang panitikan. Tunay ngang ang panitikan ay salamin o replesksiyon ng katotohanan. Anumang akda ay kaugnay sa karanasan ng tao sa isang lipunan.