BANGHAY-ARALIN EL FILIBUSTERISMO Kabanata IV: Kabesang Tales NILALAMAN PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO Kabanata IV: Kabesang Tales Nasusuri ang kabanata ayon sa nakaukit na kaisipan at pagpapahalaga Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng binasang kabanata Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang kabanata sa sarili at komunidad Napalalawak ang katatasan sa pagsasalita at antas ng paggamit ng wika Nasusukat ang talas ng pagsusuri at pagsipat PAMAMAHAGI NG ORAS Napahahalagahan ang wika at panitikan 60 minuto II. Paksa Paksa: Kabanata IV: Kabesang Tales Kagamitan: projector, laptop, powerpoint, whiteboard, marker, Mga Sanggunian: El Filibusterismo Buod ng Bawat Kabanata (1-39 + Talasalitaan. (2017, Disyembre 29). Retrieved from Pinoy Collection: https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-5---Ang-NocheBuena-ng-Isang-Kutsero Mendoza-Anciano, D. (2010, Abril 22). Scribd. Retrieved from El Filibusterismo: https://www.scribd.com/doc/30337953/El-Filibusterismo-Deciphered-kab04 Hularjervis, (2014, Setyembre 24), Retrieved from SlideShare:https://www.slideshare.net/Hularjervis/elfili-kabanata-4-si-kabesang-tales?from_action=save III. Proseso ng Pagkatuto/ Pamamaraan ng Pagtalakay sa Aralin A. Panimula 1. Sa pamamagitan ng maikling kanta ay ipakilala ang katangian, gawain at kalagayan ng mga magsasaka. (Ipatutugtog sa klase) MAGTANIM AY DI BIRO Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di man lang makaupo Di man lang makatayo Braso ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit. Binti ko’y namimitig Sa pagkababad sa tubig. Sa umaga, paggising Ang lahat, iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain. Halina, halina, mga kaliyag, Tayo’y magsipag-unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas Para sa araw ng bukas (Bisig ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit. Binti ko’y namimintig Sa pagkababad sa tubig.) Kay-pagkasawing-palad Ng inianak sa hirap, Ang bisig kung di iunat, Di kumita ng pilak. PLANTING RICE IS NEVER FUN Planting (rice) is never fun, Bent from up 'till the set of sun. Can not stand and can not sit, can not rest for a little bit. Planting (rice) is no fun, Bent from up 'till the set of sun. Can not stand and can not sit, can not rest for a little bit. Come now , come now my fellow workers. Let us do some stretching muscles, Let us renew our strength, For the work tomorrow. My arms are numb My waist is tired My legs are aching From staying long in the water. Come now, come now It is unfortunate to be born poor If the muscles are not flexed, we would not earn a living. 2. Matapos iparinig/ipanood ang bidyo ng awit ay ipapaskil ang isang larawan ng magsasaka. Sa pisara ay isusulat ang mga salitang makapaglalarawan sa mga magsasaka. Patnubay na tanong: Sino ang mga magsasaka? B. Pagganyak Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita batay sa binuong salita mula sa larawan C. Paglalahad ng Aralin 1. Ipakilala ang mga tauhan sa kabanata a. Tatang Selo b. Kabesang Tales c. Huli d. Tano e. Basilio 2. Ilahad ang mga patnubay na katanungan sa klase: a. Ano ang kinabubuhay ni Kabesang Tales? b. Ano ang kanyang mga tagumpay at kaakibat na tungkulin? c. Sa paanong paraan napagsasamantalahan si Kabesang Tales ng mga prayle? d. Paano pinagagaan ni Tatang Selong ang damdamin ng anak? e. Sa iyong palagay, bakit pilit na pinaglalaban ni Kabesang Tales ang kanyang karapatan sa lupa? f. Ano ang naging solusyon ni Huli matapos madakip ang ama? D. Pagpapayaman sa Kaisipan 1. Ipatalakay ang kahalagahan ng mga magsasaka at pag-aari sa lupa. 2. Iugnay ang kabanata sa kasalukuyang mga kaganapan. E. Pagtataya 1. Hatiin sa limang grupo ang klase at ibigay ang mga bisang pampanitikan. BISANG PAMPANITIKAN - Tumutukoy sa kahalagahang pangkatauhan. May tatlong uri ng bisang pampanitikan ito ay ang mga sumusunod: a) BISANG PANG-KAISIPAN-Nagbubunsod sa mga mambabasa na mag-isip upang umunlad ang diwa at kaisipan. b) BISANG PANG-KAASALAN-Nilikha upang magbigay dunong magbigay-aral at humubog ng katauhan. c) BISANG PANDAMDAMIN-Tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa damdamin ng mambabasa. F. Takdang Aralin 1. Basahin at isulat ang buod ng Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero. 2. Ibigay ang kahulugan ng mga nasa talasalitaan: Ipipiit – ikukulong Karumata – kalesa Karumata – kalesa Kinulata – hinampas; pinukpok ng baril Kutsero – taong nagpapatakbo ng kalesa Natubigan – natigilan Pitagan – paggalang Sambalilo – sumbrero Takba – tampipi Inihanda ni: Bb. Naneth Asuncion CAANHS-Annex