Activity Sheet Araling Panlipunan Quarter 3 Name: ___________________________________________________ Grade & Section: ____________________ Lesson 5: Ang Impluwensiya ng mga Espanyol sa Kultura ng mga Pilipino Mga Impluwensiyang Kultural sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol Ang kultura ay tumutukoy sa kabuuang pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao. Ang kanilang tradisyon at paniniwala, kasuotan, kagamitan, musika, sining at panitikan, lutuin, arkitektura, wika at sistema ng pagsulat, sistemang pang – edukasyon at maging ang pagbibigay ng pangalan ay ang nakapaloob dito. Maraming aspeto sa kung ano tayo ngayon ay dahil sa impluwensiya ng sumakop sa ating mga dayuhan noon. Ating pag – aralan ang mga impluwensiyang kultural na nakuha natin sa ating mananakop at tandaan kung ano sa mga ito ang hanggang ngayon ay naging parte na ng ating pang – araw – araw na gawain. Tunghayan ang talahanayan o graphic organizer sa ibaba upang mas madali mong maintindihan ang ating aralin. Impluwensiyang Kultural ng mga Espanyol Pananamit Noon Ngayon o Kasalukuyan Lalaki: camisa chino, pantalon, sombrero, tsinelas, ropilla at sapatos Babae: baro’t saya, kimona, mantilla o itim na balabal at panuelo o malaking panyo na ipinatong sa balikat Lalaki: Lahat ng natukoy na ginamit noon ay ating ginagamit pa rin ngayon maliban sa ropilla na ginagamit kung mayroong mga themed events gaya ng United Nations. Babae: Ang paggamit ng balabal ay nauuso pa rin ngayon at pati ang pagsuot ng pantalon, sombrero, tsinelas at sapatos. Ang hindi nabanggit ay ginagamit tuwing mayroong themed events. Lalaki: May mga kalalakihan din na naglalagay na ng hikaw bilang palamuti. Babae: May mga kalalakihan din na naglalagay na ng hikaw bilang palamuti. Lalaki: Hanggang ngayon ang mga unang pangalan at apelyidong naisasalin sa atin ng mga Espanyol ay patuloy pa ring ginagamit pati mga lugar na hinango sa mga pangalan ng santo at patron gaya ng Sta. Cruz ng Davao del Sur. Babae: Sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ang mga nabanggit na pangalan para sa mga kababaihan. Sa kasalukuyan meron pa ring tumutugtog ng nasabing mga instrumento dahil likas na mahilig sa musika ang mga Pilipino. Ang tradisyong nabanggit ay konti na lang ang nagsasagawa nito sa mga siyudad ngunit sa mga lalawigan at probinsya ay uso pa rin ang mga ito. Katutubong sayaw na Itik – itik at Tinikling sa tempong la jota at polka na galing sa mga Espanyol. Ganun din ang fandango, cariñosa at sayaw Santa Isabel na hango sa waltz. Nakilala din ang sayaw Palamuti Babae: Peineta o panggayak na suklay sa buhok at iba’t ibang hugis at laki ng hikaw. Pagpapangalan Lalaki: Mga pangalang Juan dela Cruz, Rodrigo del Rosario, Miguel de los Santos at Santiago maging ang pangalan ng mga pook, pueblo o bayan at alcaldia o lalawigan ay hinango sa mga pangalan ng santo at patron. Babae: Maria, Maya, Isabella, Amelia at Gabriella Musika Pagtugtog ng pluta, biyolin, harpa at piano. Ang tradisyong pabasa, Flores de Mayo, santacruzan, panunuluyan, salubong at harana. Sayaw Katutubong sayaw na Itik – itik at Tinikling sa tempong la jota at polka na galing sa mga Espanyol. Ganun din ang fandango, cariñosa at sayaw Santa Isabel na hango sa waltz. Nakilala din ang sayaw na rigodon, pasakat, lanceros, mazurka at surtido. Pagdiriwang Pagdiriwang ng piyesta sa bayan na hango sa kapanganakan ng mga santo at kapag may magandang ani. Lutuin Mga ulam gaya ng menudo, afritada, relleno, mechado, paella, pochero, caldereta, callos at pati na rin ang panghimagas na leche flan. Pati ang pagpreserba ng pagkain ay namana natin, gaya ng hamon, sardinas, longganisa at mga pagkaing de – lata. Pati ang pag – inom ng kape at tsokolate. Upang mapabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo dinala ng mga Espanyol ang sistema ng palimbagan na may kuwento ng pagpapasakit ni Kristo. Noong 1593 nalimbag ang Doctrina Christiana ang unang aklat na nalimbag na may salin sa Tagalog na naglalaman ng mga dasal. Ladino ang tawag sa mga unang Pilipinong manunulat. Pati ang dasal, nobena, senakulo, talambuhay ng mga santo at santa, mga awit, korido, tula, kuwento at sarsuwela. Pagpinta at pag – ukit ng mga santo at santa. Pati din ang pagdisenyo sa pintuan, haligi, sulok at pulpit ng simbahan at altar, gayundin ang carroza o sasakyan ng mga imahen. Estilong Antillean na gawa sa bato, ito ay buhat sa Antilles sa Central America, pinagsama nito ang arkitekturang Byzantine, Baroque, Gothic at Moro. Ang bahay na bato ang mapagkilanlan ng antas ng pamumuhay ng isang tao o pamilya. Naging bahagi na ang wikang Espanyol sa paaralan dahil sa mga palimbagan ay natuto ang mga katutubong Pilipino ng wikang Espanyol. Mga salitang hango sa wikang Espanyol ay ang mesa, silya, litrato, pamilya, at kumusta. Ipinagbawal ng mga Espanyol ang paggamit ng baybayin sa pagsulat Itinayo ang paaralang pamparokya, kung saan itinuro ang asignaturang relihiyon, Spanish, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining at mga kasanayang pangkabuhayan. Itinayo ang kolehiyo para sa kalalakihan na kung saan itinuro ang wikang Spanish, Greek at Latin, gayundin ang pilosopiya, agham, matematika at sining. Kasunod na itinayo ang kolehiyo ng kababaihan para sa paghahanda sa pag – aasawa o pagpasok sa kumbento. Itinuro Panitikan Sining Arkitektura Wika at Sistema ng Pagsulat Sistemang Pang – edukasyon na rigodon, pasakat, lanceros, mazurka at surtido. Dahil sa likas na mahilig tayong mga Pilipino sa pagsasayaw, ang mga nabanggit na sayaw noon ay sinasayaw pa rin ngayon tuwing may palatuntunan sa paaralan o sa mga piyesta. Hanggang ngayon ay nagdidiriwang tayo tuwing piyesta at kapag may magandang ani gaya ng “Kadayawan” dito sa lungsod ng Dabaw. Likas sa ating mga Pilipino ang mahilig sa pagkain at pagluluto na hanggang ngayon ang mga nabanggit na pagkain at inumin noon ay kinakain at iniinom pa rin natin ito. Sa ngayon ay meron pa ring mga iba’t – ibang palimbagan ng mga diyaryo, nobela at mga libro. Ang mga padasal ay meron pa rin tuwing may mga namatayan, ganun din ang mga senakulo tuwing Biyernes santo, korido at sarsuwela tuwing may mga palatuntunan. Hanggang ngayon ay nadala natin ang kanilang mga sining. Dahil na rin sa ilang taon tayong nasakop ng iba’t ibang dayuhan, ang arkitektura natin ngayon ay hango sa pinagsamang mga kontribusyon ng mga mananakop Hanggang ngayon ang mga salitang nabanggit noon ay ginagamit pa rin natin. Meron pa ring gumagamit ng baybayin sa pagsulat gaya ng mga katutubong Tagbanwa. Sa ngayon ay itinuturo pa rin ang asignaturang relihiyon sa mga eskwelahan na ang namamalakad ay mga madre, pari o mga debotong kristiyano. Ang paaralan ngayon sa kolehiyo ay puwede na sa lalaki at babae atpuwede na mag – aral ang mga kababaihan, ang mga asignaturang nabanggit ay meron pa hanggang ngayon maliban sa wikang Spanish, Greek at Latin. Ang edukasyong bokasyonal ay pinamamahalaan ng ahensya ng TESDA Relihiyon Kagamitan dito ang kagandahang asal, musika pananahi at pag – aayos ng tahanan. May paaralan ding pangbokasyonal, dito itinuro ang kasanayan sa agrikultura, pag – iimprenta, pagkakarpintero at pagkukulay ng mga tela. Pinapalaganap nila ang relihiyong Kristiyanismo. Paggamit ng plato, baso, tasa, mangkok, platito, kutsara, tinidor at kutsilyo. na kung saan ang nabanggit na kasanayan noon ay meron pa hanggang ngayon Hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga Kristiyano sa buong mundo maging dito sa Pilipinas Ang mga gamit na nabanggit noon ay ginagamit pa rin natin hanggang ngayon. Tandaan Natin *Ang kultura ay puwedeng maging materyal na kung saan ito ay iyong nakikita at nahahawakan tulad ng iyong pananamit, palamuti, tirahan o arkitektura, sining, musika, sayaw, panitikan at maging ang iyong kinakain. *Ang kulturang di – materyal naman ay tumutukoy sa mga bagay na hindi mo nahahawakan o nakikita tulad ng edukasyon, relihiyon, at kinagisnang wika. *Ang kultura na iyong nakuha sa mga Espanyol ay nagpapatunay lamang na ikaw bilang isang Pilipino ay isang matatag atmasunurin. Ang bumubuo sa iyong pagkatao ay nararapat na maisalin sa mga susunod pang henerasyon dahil ito ay nagiging saligan ng ating kamalayan, pagkakilanlan, pagkakaisa at maging ng ating kinabukasan bilang isang bansa. Gawin Natin Gawain 1: Impluwensiya ninyo! Kaya, heto na ako! Pumili ng impluwensiyang pinakagusto mo at hindi mo gustong hatid ng mga Espanyol gamit ang graphic organizer na nasa ibaba at ipaliwanag kung bakit. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Impluwensiyang pinakagusto Impluwensiyang hindi gusto