Music – Ikalawang Baitang Ika-apat na Markahan – Modyul 1: Tempo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig Inilimbag sa Pilipinas ng (School) Department of Education – NCR, Division of Pasig City Office Address: Telefax: E-mail Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City 641-88-85, 628-28-19 divisionofpasig@gmail.com Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music 2 ng Modyul 1 para sa araling Tempo! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Music 2 Modyul 1 ukol sa Tempo! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. MGA PAGSASANAY Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. INAASAHAN Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: A. nakasusunod sa tamang tempo ng isang awitin kasama ang mga pagbabago sa tempo, B. nakikilala ang mabagal, mas mabagal, mabilis at mas mabilis sa isang rekorded na musika PAUNANG PAGSUBOK Panuto: Kilalanin ang tempo ng bawat musika. Kulayan ang hugis na para sa mabagal, para sa mas mabagal, para sa mabilis, at para sa mas mabilis. 1. Tiririt ng Maya 2. Pretty Dove 3. Magmartsa Tayo 4. Himno ng NCR 5. Lupang Hinirang BALIK-ARAL Panuto: Tukuyin ang dynamics ng nalilikhang tunog ng mga sumusunod na hayop. Isulat sa patlang kung ito ay nakalilikha ng malakas na tunog, katamtamang lakas ng tunog, o mahinang tunog. 1. ____________________ 2. __________________ 3. __________________ ARALIN Pakinggan ang awiting “Mga Alaga Kong Hayop” at damahin ang daloy ng beat o pulso nito. https://www.youtube.com/watch?v=v7ZpfvtMCpU&list=PLiCfCMCapGizbD0xMrhVcdRQwEJj9xwxm&index=14 Ano ang naging daloy ng awitin? Mabilis ba ang beat o mabagal? Pakinggan muli at sabayan ang awitin. Masdan ang larawan sa ibaba. Isa-isahin ang mga hayop na iyong nakikita at sabihin kung anong klaseng galaw ang kanilang nalilikha ayon sa bilis o bagal nito. https://www.google.com/search?q=mga+hayop+sa+farm&sa=X&hl=en&sxsrf=ALeKk03fAPvSOLBJUhBTPrNV23uPu2fT4Q:1596077395957&tbm =isch&source=iu&ictx=1&fir=Z-1Z_cqPy3o-5M%252CKX-BpfPdVIwOiM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kT3Fr5dSIFiQGM2pkuc2TJAl4ju0w&ved=2ahU KEwij-ODR-_PqAhUUw4sBHX93DwgQ9QEwCHoECAoQLA&biw=1366&bih=656#imgrc=Z-1Z_cqPy3o-5M Ihanay ang mga pangalan ng hayop ayon sa kanilang galaw o kilos. Mabilis Katamtaman Mabagal Sa musika, ang bilis o bagal ng isang awitin o tugtugin ay tumutukoy sa tempo. Ito ay isa sa mga mahahalagang elemento sa musika. Ang tempo ay maaaring ma-uri ayon sa bagal o bilis ng isang awitin o tugtugin. Ito ay maaaring mabagal, mas mabagal, mabilis, o di kaya’y mas mabilis. Awitin ang kantang “Si Muning at ang Daga” Sabayan ito ayon sa pagbabago ng tempo. https://www.youtube.com/watch?v=qc9xmAUP7ng Nakasabay ka ba sa awitin? ________ Nasundan mo ba ang tamang tempo ng tugtugin?___________ Madali ka bang nakasunod sa pagbabago ng tempo?______________ PAGSASANAY 1 Panuto: Igrupo ang mga sumusunod na titulo ng kanta ayon sa kanilang tempo sa musika. Isulat ang letra ng tamang sagot sa tamang hanay. Mabilis na tugtog Mabagal na tugtog a. Lupang Hinirang d. Bahay Kubo b. Magmartsa Tayo e. Leron-leron Sinta c. High and Low f. Ako ay Musikero PAGSASANAY 2 Panuto: Tukuyin ang galaw ng mga sumusunod na hayop. Lagyan ng tsek ang tamang hanay. Hayop Mas Mabilis Mabilis Mabagal Mas mabagal 1. baka 2. pagong 3. ibon 4. cheetah 5. suso(kuhol) PAGSASANAY 3 Panuto: Tukuyin ang tempo ng mga sumusunod na awitin. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Pretty Dove ___________________ 2. Bahay Kubo ___________________ 3. Paruparong Bukid ___________________ 4. Tiririt ng Maya ___________________ 5. Stand Up ___________________ PAGLALAHAT Ang tempo ay _______________________________ sa musika. Ang bilis ng tempo ay iba iba. May ___________ ______________________________. PAGPAPAHALAGA Umaawit at kumikilos tayo nang may tamang bilis. Karaniwan, ang mga masisiglang awitin ay inaawit ng mabilis at ang mga awiting malulungkot ay inaawit nang mabagal. Ang ating kilos ay inaangkop natin sa saliw ng awitin o tugtugin dahil ________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _________________________. PANAPOS NA PAGSUSULIT Panuto: Tingnan sa iyong komunidad kung may mga bagay na makapagpapakita ng bilis o bagal (tempo). Isulat ang nakitang bagay at ang tempo nito. Bagay sa komunidad Halimbawa: Train 1. 2. Tempo mabilis 3. 4. 5. SUSI SA PAGWAWASTO SANGGUNIAN https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fworldstories.org.uk%2Fst ories%2Fthe-ant-and-the-elephant%2Ffilipino%2F&psig=AOvVaw0-QIT86ujKKg6 gCoq-lk0P&ust=1595906374254000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqF woTCICthe287OoCFQAAAAAdAAAAABAN ● https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fp in%2F240098223868832242%2F&psig=AOvVaw0F67IKA_MUmzT43Z8CVe8h& ust=1595906912890000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMCc4d --7OoCFQAAAAAdAAAAABAJ ● https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fseajet.wordpress.com%2 F2014%2F04%2F17%2Fsi-pagong-si-kuneho-si-langgam-at-tipaklong-ang-mulingpagsasama-sama%2F&psig=AOvVaw1TWm_XFAn4rG3hrSouCXM_&ust=159591 ● 0430351000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKCKpubL7OoCFQ AAAAAdAAAAABAD ● https://www.google.com/search?q=mga+hayop+sa+farm&sa=X&hl=en&sxsrf=ALe Kk03fAPvSOLBJUhBTPrNV23uPu2fT4Q:1596077395957&tbm=isch&source=iu &ictx=1&fir=Z-1Z_cqPy3o-5M%252CKX-BpfPdVIwOiM%252C_&vet=1&usg=A I4_-kT3Fr5dSIFiQGM2pkuc2TJAl4ju0w&ved=2ahUKEwij-ODR-_PqAhUUw4sB HX93DwgQ9QEwCHoECAoQLA&biw=1366&bih=656#imgrc=Z-1Z_cqPy3o-5M