Uploaded by Jamaica Joy M. Baraoed - BSA

Sabi nga nila

advertisement
Golden West College
ACTION RESEARCH IN FILIPINO
(Filipino sa ibat -ibang disiplina)
TOPIC: ONLINE LEARNING MODALITY
IPINASA KAY: Sir Jobert Enate
IPINASA NI: Jovanni M. Baraoed
Sabi nga nila, ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi mananakaw
ninuman kaya’t kailangang pahalagahan. Paulit-ulit man nating naririnig ang
salawikaing ito, hindi pa rin maikaka-ila ang katotohanang taglay nito.
Ngunit sa panahon ng pandemyang ito, paano kung hindi na lamang
edukasyon ang nagbabadyang mawala sa’tin kundi maging ang sarili nating
kaligtasan laban sa virus, anong mas pipiliin mo?
Dahil sa pandemya, isa na nga ang sektor ng edukasyon sa tuluyang
naapektuhan. “Online Classes,” ang nakikitang paraan ng gobyerno bilang
alternatibo upang matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi
na kinakailangang pumasok sa mga paaralan.
Nung magsimula ang pandemya nakapagpatuloy parin akong mag-aaral. Sa
sitwasyon kong ito, ang online class na kasi natatanging paraan para
maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral lalo na sa panahon nang pandemya.
Kahit papano meron naman akong natutunan. Ang online classes ay isa
pinakamabisang paraan sa ngayon upang maipagpatuloy ang pag-aaral kahit
may kinahaharap na pandemya ang mundo.
Tunay ngang malaki ang biyayang ipinagkaloob ng online class sa mga guro
at mag-aaral. Dahil dito, nakasisiguro tayong kahit hindi pa magbukas ang
face to face learning sa ilang lugar sa mundo ay makaagapay natin ang
online learning para ipagpatuloy ang edukasyon, at hindi ito kayang pigilin
ng kahit ano pa mang pandemya.
10 ADVANTAGES FOR STUDENTS
kinakailangan na pumunta sa paaralan. Sa online
education mas makakatipid ng oras.
Hindi na kailangang gumastos ng pamasahe papasok at siguradong
makakabawas sa gastos. Sa pananaw na ito, marami ang mas
makakatipid habang patuloy na natututo.
Sinasabing ang online education ang magiging daan upang matuto sa
paggamit ng makabagong teknolohiya. Magkakaroon ng oras upang
tuklasin ang ilan sa mga bagong paraan ng pag-aaral.
Mas nagkaroon ng madamaing oras para aralin lalo na kung ikaw ay
slow- learner. .
Nagkaroon ng disiplina ang mga bata dahil nagkaroon ng regulasyon sa
kanilang bahay na dapat maglaan ng oras sa paggawa ng aralin,
paglalaro o ang paggamit ng gadget.
1. Hindi
2.
3.
4.
5.
na
6. Dahil sa online class nagiging maayos ang aking gawain dahil
nagagabayan ako ng aking mga magulang at kapatid sa pag gawa ng
mga Gawain.
7. Isa pa mas nagiging organisado ang aking mga gawa dahil hindi na
kailangan pang masyadong mag sulat.
8. Malawak na din ang access ng mga mag-aaral sa mga impormasyon na
kanilang gagamitin sa pagkatuto.
9. Ang mga performance task ay limitado dahil virtual ang pag-aaral.
10.
Mas madaling gawin ang mga activity dahil may mahabang oras
na gawin.
10 DISADVANTAGES FOR STUDENTS
1. Hindi lahat ng mga mag-aaral ay may pribilehiyong magkaroon ng
maayos na koneksyon ng internet at isa pang problema nito ay ang
mga lugar na wala ring maayos na signal.
2. Ang sistemang ito ay maaring makapagdulot sa mga bata ng ‘feeling
of isolation’ o tila nakapuwesto sa isang lugar na kung saan hindi
maaaring umalis o lumabas.
3. Walang magaganap na maayos na pakikipag-usap o interaksyon sa
mga kamag-aral gaya ng isang normal na buhay estudyante.
4. Ang online learning ay nagreresulta sa mental stress sa mga bata na
nawalan ng oportunidad na makipagkaibigan o makipaglaro sa kapwa
bata.
5. Dahil laging computer ang kaharap, nadedebelop sa bata ang
pagkamakasarili, nahihirapang makipag-ugnayan sa kapwa at
nangingibabaw sa isip na maaari naman siyang mabuhay mag-isa at
hindi niya kailangan ang iba.
6. Ang online learning ay magreresulta ng mga puwang sa
kumunikasyon, hindi pagkakaunawaan, at agwat sa sikolohikal at
paguugali sa pagitan ng mga guro at mag-aaral na magreresulta sa
hindi epektibong pagkatuto ng mga estudyante.
7. Bumababa rin ang motibasyon ng mga bata na mag-aral sapagkat iba
ang atmosphere sa bahay at wala silang mga kaklase na nagdaragdag
sa excitement nila sa pagpasok.
8. Isang negatibong epekto rin ay ang mabagal na koneksyon ng internet
sa bansang Pilipinas.
9. Mas nagiging tamad ang mga estudyante dahil mas mapapadali ang
kanilang gawain sa eskwela dahil mayroon nang internet.
10.
Dahil sa marami at/o patong-patong na mga aktibidad
na ipinapagawa ng ilang mgapaaralan, malaki ang nagiging
epekto nito sa pisikal na kalusugan. Katulad na lamang
ngpagbagsak ng timbang, hirap o wala na sa tamang oras ang
pagtulog, at pagkapagod ng mata.Bukod pa rito, ang online.
10 DISADVANTAGES FOR TEACHERS
1. Isa sa nakalulungkot na bunga ng online learning, ang online
kopyahan. Hindi ang pagkakaroon ng matataas na grado at
karangalan ang tunay na layunin ng edukasyon. Ang mag-aaral ay
nakasentro sa pagkakaroon ng matataas na grado at mga
karangalan, kung kaya’t gagawin ang lahat upang manguna sa
klase,. kaya’y mandaya.
2. Mas mahirap para sa mga guro na makihalubilo dahil virtual.
3. Mas gising ang diwa ng mas estudyante sa harapang klase kaysa sa
online learning.
4. Nahihirapan silang makagawa ng mga gawaing pang-akademiko
dahil wala silang sapat na kagamitan sa gadyet at walang sapat na
internet connection.
5. Nakakaranas na sila ng tinatawag na online learning fatigue.
6. Mula nang magsimula ang online learning ay naging problema na
ng mga guro ang kakulangan ng mga gamit at access sa internet at
mababang sahod at benepisyo.
7. May pagkakataong nag-o-overtime dahil minsan hindi natatapos
ang printing sa paaralan dahil sa kakulangan sa printer kaya’t
iniuuwi ang hindi natapos na gawain at ginagamit ang personal na
printer
8. Sa mga karanasang inilahad ng mga guro, lumabas dito na hindi
lahat ng mag-aaral ay nakasasabay sa online class, at hindi lahat ay
nakapapasok sa takdang oras o dili kaya ay biglang nawawala sa
kalagitnaan ng klase dahil sa mabagal na signal ng internet.
9. Ang bunga nito,bumaba ang bilang ng mga enrollees sa pribadong
mga paaralan ganoon din sa pampublikong paaralan.
10. Ang kakulangan ng pag-unawa sa paggamit ng kompyuter o
ibang gadget tulad ng laptop ay isa sa pangunahing isyu ng mga
guro sa ngayo
10 ADVATANGES FOR TEACHERS
1. Hindi na kailangangan pumasok ng pisikal sa paaralan , sa halip
bubuksan na lang ang gagamitin na gadget.
2. isa ang online learning sa mga nagbigay pag-asa upang
maipagpatuloy ang pagbibigay ng edukasyon sa mga bata, kahit
pa sila ay nasa loob lamang ng kani-kanilang mga tahanan.
3. Nagkaroon ng kalayaan ang mga guro na lakbayin ang
komplikado ngunit masayang mundo ng online class. Kung dati
ay hindi pamilyar sa kanila ang mga tools na gaya ng google
sheet, documents, teachmin, at kung anu ano-pa, ngayon ay
mas
nahasa
ang
kakayahan
ng
mga
guro
na
gumamit teknolohiya sa pagtuturo.
4. Hindi na kailangan ng mahabang biyahe upang marating ang
silid-aralan. Sa pamamagitan lamang ng selpon at laptop ay
maihahatid na ng guro ang kanyang leksyon, kahit saan at kahit
kailan.
5. Hindi na rin nahihirapan ang guro na makuha ang atensyon ng
mga mag-aaral. Dahil sila ay nasa digital age bracket, madali na
lamang sa mga mag-aaral na gamitin ang mga tools sa online
class. Isa pa, ito ang hilig ng kanilang henerasyon, kung kaya’t
bagay lamang ito na pamamaraan ng pagtuturo.
6. Madali na din lamang ang pagkuha ng impormasyon na
gagamitin ng guro sa kanyang leksyon. Gamit lamang ang
google ay maaari na siyang magbahagi ng kanyang karunungan
sa klase, na walang oras na kino-konsumo.
7. Ang paglipat sa pag-aaral sa online ay nangangahulugang
paglipat mula sa paggasta ng enerhiya sa isang pisikal na
paaralan. Mga ilaw, gas, kagamitan, atbp.
8. Pagsasagawa ng synchronous online classroom ay makakatulong
upang mapadali ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa online
learning. Ito ay may kakayahang pataasin ang diyalogo sa
kumunikasyon.
9. Mas napag-isipan pa lalo kung tama ang kanyang mga ginawa sa
activities dahil may time pa siya dito.
10.
Sa larangan ng pagaaral
ay
nagdudulot
ito ng
magandang kapakinabangan sa mga guro sapagkat napapadali
ang kanilang paghahanap ng mga bagay na kailangan nilang
malaman gaya na lamang ng mga bagay na hindi pa nila alam .
WHAT IS YOUR RECOMMENDATION TO SOLVE THIS PROBLEM OR ISSUE?

Dahil sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya, mahalaga ang
pagkakaroon ng suporta sa mga materyal na gamit, sa koneksiyon sa
internet, sa pagdisiplina sa mga estudyante para sa bagong daily
routine nila at mas tutok na pagsubaybay sa kanilang pag-aaral sa
pamamagitan ng ONLINE class.

Malaking salik ang iyong learning environment sa iyong pagkatuto,
lalo na sa online class. Kung maayos at maaliwalas ang iyong paligid
ay makakaramdam ka ng ginhawa habang ikaw ay nakikinig sa
lecture ng iyong guro. Ang iyong learning environment ang siyang
dapat mong unahin, lalo na kung sa tingin mo ay nakakadagdag ito
sa’yo ng stress. Ligpitin mo muna ang iyong working table at ayusin
ang mga kalat na maaaring makairita sa iyong mata.

Marahil ay marami kang mga tambak na mga gawain, at sa dami nila
ay hindi mo alam kung ano ang uunahin. Makakabuti sa’yo ang
paggamit ng planner kung saan ay naisusulat mo ang pagkakasunodsunod ng mga gawain ayon sa iyong schedule. Ang pagkakaroon ng
planner ay makakatulong sayo para hindi ka mawalan ng direksyon sa
iyong mga ginagawa. Bukod pa dito, hindi mo mararamdaman ang
bigat ng iyong mga gawain kung ito’y iyong pinaplano.

Isa ang komunikasyon sa mga dapat na hindi mo isa-alang kahit pa
nagbago na ang paraan ng pagtuturo. Maging alerto ka sa mga
maaring ipasa ng guro sa inyong mga group chats. Sakali mang may
nakaligtaan ka ay maaari kang magtanong sa pinagkakatiwalaan
mong kaklase. Dahil nga magkakalayo kayo ng iyong mga kamag-aral
ay tanging messenger, snapchat, instagram at iba pa ang maari mong


gamitin upang sila ay makausap. Madali na lamang silang kausapin
dahil sa isang pindutan lamang ay makakatanggap ka na ng sagot
sakali mang may mga tanong ka sa leksyon.
Sa dami ng maaaring makaistorbo sa iyong paligid, marahil ay may
pagkakataong ikaw ay nawawalan ng interes sa pag-aaral. Ngunit
bago mo ito pakawalan ay isipin mo ang maaring epekto nito sa iyong
hinaharap. Natural lang ang mapagod sa mga gawain sa eskwela
ngunit ito ay hindi dapat gawing dahilan para ikaw ay sumuko.
Malayo na ang iyong narating at sa puntong ito, kailangan mong
magpatuloy dahil ikaw ay may pangarap na umangat. Gamitin mong
inspirasyon ang iyong pangarap upang hindi ka mawalan ng interes sa
iyong online class. Normal lang ang mapagod, at ang tanging
magagawa mo lamang ay ang magpahinga. Maari mong aliwin ang
iyong sarili sa panonood ng mga makabuluhang videos o ang
pakikipag-usap sa iyong mga kaibigan. Ngunit, walang dahilan upang
ikaw ay sumuko.
Bilang isang mag-aaral, kailangan ikaw ay may sapat na pahinga o
tulog bago ka pumasok sa iyong klase. Ang pagpupuyat ay maaaring
makaapekto sa iyong performance kung kaya’t kailangan mong
matulog ng pito hanggang walong oras. Huwag mo ring kakalimutang
uminom ng walong basong tubig sa isang araw at mag ehersisyo kung
kinakailangan. Hindi mainam sa katawan ang nakaupo buong araw,
idagdag mo pa ang pagkain ng mga junk food na hindi nakakatulong
sa katawan. Ang pag-aalaga sa sarili ay isang libreng gawain, at hindi
mo kailangan gumastos para maisagawa ito. Importanteng maging
bahagi ng iyong buhay ang mga gawaing may magandang dulot sa
iyong kalusugan, dahil kakailanganin mo ang mga ito habang ikaw ay
nag-aaral.
References
Negatibong at positibong epekto ng pagkakaroon ng online classes? Brainly.ph
MAGANDANG DULOT NG ONLINE CLASS (kingjamesalmirol.blogspot.com)
Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan - Ako Ay
Pilipino
Masamang epekto ng online learning | Pang-Masa (philstar.com)
Opinions | ONLINE CLASS IN THE PHILIPPINES (jimdosite.com)
Benepisyo ng Online Learning sa mga Guro at Mag-aaral (teachmint.com)
(DOC) ISANG KRITIKAL NA PAGSUSURI SA EPEKTO NG "ONLINE CLASS" SA
HOLISTIKONG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL | Karl James Fabregas Academia.edu
Mga Dapat Gawin Ng Mga Mag-Aaral Bago Ang Online Class (teachmint.com)
Download