Aralin 2.5: Isyung Panlipunan: Diaspora o Migrasyon Ang sinaunang lupain sa suliranin ipanganak salitang "Diaspora" ay Griyego na nagsisikap na labas ng bansang Griyego sa lumalaking populasyon si Kristo. salitang nag-uugnay sa mga sakupin at manirahan sa mga upang matugunan ang kanilang nuong ikaapat na siglo bago Sa pamamagitan ng Lumang Tipan na isinalin sa Griyego, nagkaroon ng pagbabago ang orihinal na konsepto ng "Diaspora" na tumalakay sa mga mamamayang Hudyo (Jews) na ipinatapon ng mga Babilonyan mula sa Hudea at ng Romano Imperyo mula Herusalem. Ang pangkaraniwang salita na "Diaspora" ay tumutukoy sa lupon ng mga tao o etnikong populasyon na pinilit or hinimok na iwan ang kanyang tradisyunal na ethinkong tahanan at mamuhay at manirahan sa ibang komunidad. Makalipas ang maraming siglo matapos maglaho ang kaharian ng mga sinaunang Griyego, ang kasaysayan ng ating daigdig ang nagsilbing isang buhay na saksi sa pangkasalukuyang konteksto ng mga pangdaigdigang diaspora na nag-ugat mula sa pagpapatapon, pagpapa-alipin, kapootang panlahi, digmaan at iba pang di- mapagkaunawaan ng mga tao, o dahil sa mga natural na kalamidad o kalunos-lunos na sitwasyong pang ekonomiya sa Bayang Sinilangan. Ang diaspora ay isang kaganapan kung saan may malaking pagkilos ng mga tao na lumikas at naghahanap ng kaligtasan mula sa isang magulong kondisyon. Ito ang simula ng kuwento sa paglalakbay ng Lahing Kayumanggi. Ang diaspora ay unang ginamit para bigyang pangalan ang mga taong inilipat ng tahanan dahil sa digmaan pero ngayon ang kahulugan ng diaspora ay nagbago na. Ito ay ang pangingibang bansa ng mga mamamayan ng isang bansa, partikular ang mga Pilipino, para makahanap ng mas mabuting kabuhayan. Ang Migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Migrante(OFW) Tumutukoy sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibayong dagat at mabigyan ang pamilya ng magandang buhay.Tinatawag na “Bagong Bayani”na ang remittance na may 33.5 bilyon dolyar[2019]na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.Tawag sa mga taong lumilipat ng lugar mula sa iba pang lugar maging ito man pansamantala o permanente. Migrasyon: Tumutukoy sa proseso ng pag-alis mula sa isang teritoryong pulitikal patungo sa iba pa maging ito man pansamantala o permanente. Kategorya ng Migranteng Pilipino: 1.Immigrant = Tumutukoy sa mga Pilipinong permanente nang nanirahan sa ibang bansa. 2.Migrant/Pansamantala = Tumutukoy sa Pilipinong pansamantalang paninirahan. Dalawang kategorya: 1.May dokumento/mayroong legal na kontrata. 2.Hindi dokumentado/walang legal na kontrata. Hal: Bilog (Japan),OS-Over Stay (Hongkong),TNT-Tago nang tago (USA) Uri ng Migrasyon: 1.Labor migration 2.Refugees migration Taong nanganganib ang kanyang buhay sanhi ng pulitika,digmaan sibil,atbp. 3.Permanent migration OFW na may layunin na hindi lamang magtrabaho sa ibang bansa kundi maging permanenteng manirahan sa bansa. Pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship. a.Family - Based Immigration: Kung isang miyembro ng pamilya ay permanente ng residente ng ibang bansa na maari ng magpetisyon ang kanyang asawa,anak,magulang at kapatid upang maging permanenteng residente ng bansa. b.Employment- Based Immigration: Binigyang oportunidad ng employer ang isang manggagawa na nakitaan ng potensiyal sa trabaho na maging permanenteng residente na kapalit ng pagtanggap sa trabaho. 4.Irregular migration: Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumento,walang permit sa trabaho,overstaying sa pinuntahan bansa. Hal: bilog (Japan),OS (Hongkong) 5.Temporary Migration: Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon. Dahilan sa likod ng Migrasyon: 1.Economic Migration = Pangingibang bansa para makahanap ng trabaho o para kanyang propesyon. 2.Social Migration = Paglipat tungo sa ibang lugar para sa magandang buhay (kalidad ng buhay) o makasama ang kanyang pamilya. 3.Political Migration = Paglipat sa ibang bansa sanhi ng digmaan/pag-uusig ng pamahalaan. 4.Environmental Migration = Paglipat sa ibang lugar sanhi ng mga kalamidad na naranasan. Dalawang klasipikasyon OFW: 1. Land- based Workers: Tumutukoy sa mga nagtatrabaho sa mga pabrika,konstruksyon,ospital,opisina at ibang sector kagaya ng household service,atbp. 2. Sea-based Workers: Tumutukoy sa mga nagtatrabaho sa mga barko gaya ng cargo ships,cruise lines at atbp. Dalawang Uri ng Migrasyon 1. Push Factor - ito ang mga negatibong salik na nagtutulak sa mga tao upang maglipat o mandayuhan at umalis sa kasalukuyang tinitirahang lugar. Ginagawa ito dahil sa paghahanap ng kapayapaan, o dahil may kalamidad, pagputok ng bulkan, o ang lugar ay nasalanta ng bagyo. Maaari ring dahil sa paghahanap ng makakain o mapagkukunan ng yaman para manatiling buhay. 2. Pull Factor - ito ang mga positibong salik na humihikayat sa tao na mandayuhan sa ibang lugar. Pagdayo ang layunin nito upang magtamo ng kaunlarang pangkabuhayan. Para sa mga tao, sila ay lumilipat para magamit ang kanilang mga pinag-aralan na hindi nila magamit sa sariling bayan. MGA DAHILAN NG PAG-ALIS O PAGLIPAT 1. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay. 2. Paghahanap ng ligtas na tirahan. 3. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa. 4. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado. Uuwi na ang Nanay Kong si Darna ni Edgar Samar Tuwang-tuwa si Tatay sa balita niya sa akin. “Uuwi na ang Nanay mo!” sabi niya habang nasisilip ko na halos ang ngala-ngala niya sa kaniyang pagtawa. Hindi ko alam kung matutuwa rin ako. Kasi, hindi ko pa naman talaga nakikita nang totohanan si Nanay. Alam ko lang ang itsura niya dahil sa mga picture. Lagi siyang may karga-kargang bata. Nung nakaraang Pasko, nagpadala siya ng picture na kasama nila si Santa. Isang beses ko pa lang siyang nakausap sa telepono. Itinanong ko kung ano’ng hiniling kay Santa nung batang buhat-buhat niya. Tawa lang nang tawa si Nanay. Parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko. Maliit na maliit pa raw ako nung umalis si Nanay papuntang Hong Kong. Karga-karga nga raw ako ni Nanay nang ihatid siya sa airport ng buong angkan namin. “Tatay, bakit po ba umalis si Nanay? Tinitigan muna ako ni Tatay bago siya sumagot. Laging ganoon si Tatay kapag may itinatanong ako tungkol kay Nanay. “Alam mo anak, kailangan kasi ang tulong ng Nanay mo sa ibang bansa. Aba, ang galling naman kasi ng Nanay mo.” Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang talunin ang milyon-milyong mikrobyo sa bahay. Isang pasada lang niya ng wonder walis niya, Swissss! Patay lahat ng dumi na nagdadala ng sakit. “Kayang-kaya ring pataubin ng Nanay mo ang gabundok mang labahin. Sa maghapon, kuskos dito, piga doon. Walang sinabi ang mantsa! Lilinis at puputing tiyak ang labada.” “Para po palang si Darna si Nanay, Tay! May power.” Anong parang si Darna? Si Darna talaga ang Nanay mo, pagmamalaki ni Tatay. “Aba, kahit sino’y hindi niya inuurungan! Sinumang umiiyak na bata’y tumatahan agad kapag kaniyang inawitan. Kaya nga gustong-gusto siya ng kaniyang tinutuluyan at ayaw na siyang paalisin.” “Pero ‘Tay, kung si Darna po si Nanay, bakit bukas pa siya darating? Bakit di na lang niya liparin papunta rito sa ‘tin para mabilis?” Napangiti lang si Tatay. “Liliparin nga niya. Kaso lang, kailangan niyang tawirin ang isang malawak na dagat bago siya makarating dito sa atin.” Isang malawak na dagat pa pala ang tatawirin ni Nanay. Hindi kaya siya maligaw? Hindi tuloy ako makatulog nang gabing iyon. Makilala pa kaya ako ni Nanay? Aba, ipagmamalaki ko siya sa mga magiging kaklase ko sa pasukan. Si Darna yata ang Nanay ko! Naku, umaga na pala! Ang ingay sa labas. Ano raw? Nandiyan na si Nanay? Aba, hayun nga’t may bumababa sa dyip ni Tatay. Nandito na si Nanay! Kamukhang-kamukha nga ni Nanay ang babae sa picture. Ang ganda pala lalo ni Nanay sa totohanan. Ano kayang itsura niya kapag siya na si Darna? Buhat-buhat ni Tatay ang isang malaking kahon. Hili-hila naman ni Nanay ang isang malaking bag. Nahiya akong magpakita kay Nanay pero ‘yung ibang mga tao? mga tito at tita ko, mga kapitbahay namin? nakapaligid lahat kay Nanay. Alam na kaya ng lahat ng tao sa bahay na siya si Darna? Saan kaya niya itinago ‘yung batong agimat niya? Nagpalakpakan ang lahat nang buksan ni Nanay ang kahon. Naglabas ng paisa-isang gamit si Nanay mula sa kahon. Iyung pantuyo raw ng buhok para kay Tiya Lupe. Iyung pantimpla ng kape kina Manang Letty. Iyung pandurog ng mga prutas kina Manong Ben. Ang dami pang iba. Ang galling! May madyik lahat ng mga gamit na dala ni Nanay. Meron din kaya siyang ibibigay na madyik para sa akin? At siyempre, itong mga librong ito at mga krayola na pangkulay ay para sa mahal kong anak na si Popoy.” Ako ‘yon! Ako yon! Naalala pala ako ni Nanay. Wow! Ang gaganda ng pasalubong ni Nanay. Parang nakababasa siya ng isip. Alam niya na mahilig ako sa libro kahit hindi naman niya ako tinanong. Kasama kaya iyon sa mgapower niya? Hindi na talaga ako nakatiis. Kailangan kong magtanong. “Nanay, kayo po ba talaga si Darna?” Napatingin lahat ng tao sa akin. Napasulyap si Nanay kay Tatay. Ngumiti lang si Tatay. Ngumiti rin si Nanay at saka ako niyakap nang mahigpit na mahigpit. Gawain 1: Suriin ang maikling kwento na “Uuwi na ang Nanay kong si Darna” ni Edgar Samar. gamit ang balangkas na nasa ibaba ng teksto. I. II. III. IV. V. VI. VII. VIII. Pamagat Mga Tauhan Tagpuan Teoryang Pampanitikan Buod Banghay a. Simula b. Saglit na Kasiglahan c. Suliranin d. Kasukdulan e. Kakalasan f. Wakas Kabisaan a. Bisa b. Bisa c. Bisa d. Bisa sa sa sa sa isip puso sarili Lipunan Mga Puna Gawain 2: Gamit ang isang maikling Kwentong Uuwi na ang nanay kong si Darna, ilantad ang isyung panlipunang inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng kaukulang mga patotoo. SASTRE Ni Jack Alvarez WALANG SAWANG UMIIKOT ang rolyo ng sinulid habang tuloy-tuloy ang kanyang padyak sa foot control. Kumukumpas naman ag pagpapausad niya sa tela sa takbo ng matulis na karayom sa kanyang makina. Siya si Mang Nestor, isang sastre, 47 taong gulang, mayasawa. Lima ang anak. Dalawa ang nag-asawa na. Dalawa naman ang nag-aaral sa hayskul. At isa ang nasa kolehiyo. Bilang mananahi sa isang maliit na tailor shop dito sa Jubail, Saudi Arabia ay tumatanggap rin sila ng minor services tulad ng alteration, repair at embroidery. Pero ang pinaka-priority lang tinatanggap ay ang pagtatahi ng mga sports uniforms. Tulad ng basketball uniforms na kadalasang inoorder ng kapwa OFW rin, football uniforms ng mga Arabo at cricket shirt and pants uniforms ng mga Pakistani at Indiano. Bultuhan ang kanilang ginagawa na umaabot minsan ang bawat order sa 30-40 pares ng uniporme o depende sa order ng kanilang costumer. At ang bawat uniporme ay nagkakahalaga ng SR 120. Kung tutuusin napakalaki ng kita ang tailor shop na kanyang pinagtatrabahuan pero ang kinikita ni Mang Nestor ay ang kanya lamang buwanang sahod. Walang pinagkaiba ang trabaho ng mananahi dito sa Saudi at sa Pinas ayon kay Mang Nestor. Kung ikukumpara naman siguro ang sahod ay may konting pagkakaiba. Dito naman kasi libre accommodation, transportation at food allowances. Kaya kung isusuma total mas lamang ang nag-a-abroad kaysa karaniwang empleyado sa Pinas. Ginugol niya ang walong taong pagtatrabaho sa Saudi. Ayon sa kanya, hindi pa raw siya nakapag-vacation leave o nakauwi man lang tulad ng mga OFWs na may yearly o after completion of 2-year contract vacation. Sa loob nga walong taon, wala siyang working visa. Ang gamit niya ay working permit upang makapagtrabaho dito sa Gitnang Silangan. At tulad ng libo-libong OFW, tanging isa lang ang dahilan ng pananatili dito kundi ang kumita, at kailangang may maipadalang pera o remittance buwan-buwan para sa pamilyang umaasa sa Pinas. Naikuwento rin niyang expired ng tatlong taon ang kanyang pasaporte at pati na rin ang kanyang Iqama o Residence Identification dahil na rin sa kapabayaan ng kanyang sponsor. Minsan rin kasi may mga employer na habol lang ay ang kumita subalit ang kapakanan ng kaniyang empleyado ay di nila binibigyanghalaga. “Bahala na.” Ito lang ang tanging binitawan niya dahil buo naman daw ang loob ni Mang Nestor kung sakaling ma-deport siya dahil sa kawalan ng kumpleto at legal na mga dokumento bilang overseas worker. “Dati, walo kami na mananahi dito, Kaso iyong iba na mga kasama ko nag-exit na.” “Nasa Pinas na?” “Siguro. Balita ko pagkatapos nakapag-ipon dito ay nagtayo ng sariling negosyo. Ayos na para sa isang tailor shop sa Pinas kung may tatlo o apat kang sariling makina. Nasa 20-30 libong piso ang isang makina. Maiipon yan dito sa loob ng dalawang taong kontrata. Sa sitwsyon ko nman, gustuhin ko mang bumili ng makina at para makanegosyo rin ng sarili sa Pinas ay mas natatali ako sa pagpapaaral sa aking tatlong anak ngayon. Dati lima silang pinagpapaaral ko. Yung dalawa, nag-asawa na. Di na nakatapos kaya nakakapanghinayang din. Sana nakakuha man lang ng kurso at makapasok ng magandang trabaho. Pero hanggang ngayon umaasa pa in sa amin,” paglalahad niya. “Ikaw, ano’ng trabaho mo dito?” Ang tanong niya sa akin nang iabot ko ang tatlong pantalon na ipapaalter ko ang sukat at haba. “Secretary po.” “Ano’ng natapos mo?” Ang tanong niya uli sabay inabot ang kulay asul na tailor chalk at ginuhitan ang nakalapag na tela. “Com Sci po. Technical course lang.” “Kasi edad mo siguro ang anak ko na nasa kolehiyo,” pahayag niya habang kinukuhanan ako ng tamang sukat. Naupo uli siya sa harap ng makina. Dinukot niya ang kanyang wallet sa bulsa bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Ito ang anak ko.” At inabot sa akin ang isang junior size photo. “May pagka-pasaway yan. Mahilig sa barkada, Gimik. Siyempre, pag may barkada, may bisyo. Kaya ang tagal-tagal makatapos. Sana ngayong taon na’to, ga-gradweyt na ang engineering at di lang puro shift ng kurso ang gagawin.” Tuloy-tuloy na pagkukwento niya habang walang humpay ang pagpapatakbo sa makina. “Tingnan mo, parang hindi anak ng isang mananahi.” Napansin ko sa hawak na litrato ang isang binata. Suot ang black t-shirt na printed na image ng bandang Korn pares ang tattered jeans, butas-butas ang tuhod ng pantalon, at may ilang nakadikit na embroidered patched. Pagkatapos ay ibinalik ko sa kanya ang litrato at muling isiniksik niya sa wallet nang maayos na hindi matutupi. Saka nagpatuloy sa walang kapagurang pagtagpi at pagtahi ng tela sa kanyang makina. Gawain 3: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang simple ngunit buong diwa bawat pangungusap. 1. Ipaliwanag ang mga pangyayari sa realidad na nagaganap sa mga kababayan nating OFW. 2. Sa iyong palagay, ang pangingibang bayan baa ng sagot upang ang pamumuhay ay guminhawa? Patunayan. 3. Ano-ano ang mga mabuti at di-mabuting dulot ng migrasyon sa mga Pilipino. Ipaliwanag. Gawain 31: Suriin ang maikling kwento na “Sastre”ni Jack Alvarez. Gamit ang balangkas na nasa ibaba ng teksto. I. II. III. IV. V. Pamagat Mga Tauhan Tagpuan Teoryang Pampanitikan Kabisaan a. Bisa sa isip b. Bisa sa puso c. Bisa sa sarili d. Bisa sa Lipunan Gawain 4: Kahingian ng kursong ito na makalikha ang bawat mag-aaral ng isang akdang pampanitikan na nagpapakita ng mga isyung panlipunan na nararanasan sa ating panahon. Sa huling Gawain ito, gumawa ng isang tula at sanaysay na tumatalakay sa mga napapanahong isyung panlipunan. SANGGUNIAN: Abueg, Efren R. et.al. (2012) Muhon: Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas. 16 Concia St. Tinajeros, Malabon City: Jimczyville Publications Arrogante, Jose A., etal. “Panitikang Filipino-Binagong Edisyon Pampanahong Elektroniko”, 2010 Barrios, Joi, Lumbera, Bienvenido., etal.,” Paano Magbasa ng Panitikang Filipino- Mga Babasahing Pangkolehiyo”. 2006.The University Press- UP Campus, Diliman, Quezon City 1101 Buensuceso, S.T., etal. (1997) Panitikang Filipino. University of Sto Tomas Publishing House Cruz, I.R., etal. Ang Ating Panitikan. Goodwill Bookstore Evasco, E. (2011) Mga Pilat sa Pilak: Mga Personal na Sanaysay. UST Publishing House Godoy, R. DL., etal. Publishing House (2003) Panitikan at Rizal. St. Andrew http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sakongregasyon-si-teo-s-baylen-bilang-relihiyosong-makata/ http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sakongregasyon-si-teo-s-baylen-bilang-relihiyosong-makata/ http://pinoyweekly.org/new/2017/01/eskapismo-at-reyalidad-ngsunday-beauty-queen/ https://brainly.ph/question/38137#readmore https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=11874255158870 7&id=118726654923630 https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-DulaAyon-Kay https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-DulaAyon-Kay Queaño, N. (1983) Ang Katutubo at Dalawa Pang Dula. New Day Publisers Ramos, M.S., etal. (1980) Panitikang Pilipino. Katha Publishing Co., Inc. Read more on Brainly.ph Reyes, J. (1998) Talang Luma Buhat sa Tabarawan ng Isang May Nunal sa Talampakan. U.P. Press San Andres, T.C., etal. (2008) Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon. St. Andrew Publishing House Torres-Yu, R. (2006) Kilates. The University of the Philippine Press: Quezon City V.C., etal. (2007) Mga Butil na Hiyas ng Panitikan. El Bulakeño Printing House Villafuerte, P. (2000) Panunuring Pampanitikan. Mutya Publishing House: Valenzuela City Villanueva, Z.P. (1998). Panitikan ng Pilipinas. Merriam & Webster Bookstore, Inc.