Uploaded by John Joseph (Joseph Rey G. Magsino)

Welcome Address

advertisement
Sa ating masigasig na tagapamanihala ng Sangay ng Cotabato o ang
kanyang kinatawan, _______________ , sa ating mapagmahal na Ina ng
Distritong Sentral ng Matalam, Dr. Rosalita M. Baldestamon, sa ating
maunawain na Punong-guro Ginang Aireen F. Maquerme, sa ating aktibong
Pinuno ng Barangay na Pinangungunahan ni Kagalanggalang Ebenezer G.
Feolog sampu ng kanyang kasamahan sa konseho, sa ating Committee
Chairman on Education Kagalanggalang Emelia B. Luig, sa ating aktibong
Pangulo ng PTA Ginoong Manuel D. Arcilla kasama ng iba pang opisyales,
mga mahal naming mga guro, mga bisita isang mapagpalang umaga sa
ating lahat.
MANIFESTING – isa sa pinaka sikat na salita na tayong mga Gen-Z ang
gumagamit, ito yung kung may gusto kang bagay pangarapin mo at ito ay
magkakatotoo. Naalala niyo ba ang sinabi ni Maine Mendoza sa kaniyang
tweet na “Arjo cutie” at ito’y nagkatatoo enganged na sila ngayon at si Pia
Wurtzbach “Na siya na daw bahal bumawi sa Miss Universe” at siya nga ang
kinoronahan. Ako ay minsan ding nag manifest, nag manifest ako na balang
araw ako ay mag bibigay ng talumpati sa araw ng aking pagtatapos sa
harap sa aking mga guro, kaklase at pamilya. Ang aking simpleng pangarap
noon ay naging REALITY ngayon at lubos ang aking pasasalamat kasi alam
ko sa simpleng bagay nato napasaya ko si Mamang.
Ngayong araw, gusto kung bigyan pugay ang mga taong nasa likod ng aking
tagumpay. Una, salamat sa panginoong Diyos dahil binigyan niya ako ng
talino at lakas upang mag tagumpay sa mga hinarap kung pag subok.
Pangalawa, salamat sa aking mga kaklase na kasama kung lumaban para
mapasa ang aming mga aralin. Pangatlo, salamat sa aking mga naging guro
mula Kinder hanggang Grade 6, Ma’am Mayline, Ma’am Ivy, Ma’am Luz,
Ma’am Christine, Ma’am Marydith, Ma’am Shelley, Sir Joseph, Ma’am
Chona at Ma’am Shaina Maraming salamat po, parte po kayo ng aking
tagumpay ang magiging tagumpay. Panghuli, lubos ang aking pasasalamat
sa nagtayong Nanay at Tatay sa aming Pamilya, Mamang Chesa, madamo
gid nga salamat kag kabalo ko sang imo pangabudlay Mang para mapa
eskwela kami, nga biskan kis-a wala nata kwarta kag may mga activity sa
skwelahan ikaw naga pangita gid sang paagi para mapa intra mo kami,
biskan ano kapigado gina supportahan mo gid kami sa mga activity namon
sa skwelahan wala man kami gahambal pero palangga ka gid namon,
promise mang mag skwela gid ko mayo kag maging maestra kay para indi
kana mag ubra, ako naman. Salamat man sa akon Tita Anna Marie kag Tita
Happy, sa pagsuporta pinansyal para kami maka skwela, kag Nanay Elvie
kay kung wala si Mamang ara ikaw para kami asikasohon.
Napaka cliché na nitong kasabihan na ito pero gusto ko paring sabihin na
sa wakas natapos na din natin ang unang hakbang para marating natin ang
tagumpay, marami pang hamon ang ating haharapin pero ito ang ating
tandaan kung may haharang man, laban lang banggain mo, gibain mo,
tumalon ka o tumambling kasi meron isang daang paraan para patayin ang
elepante, gaya sa buhay meron ding isang daang paraan para malagpasan
natin ang ating problem. Ako nga po pala si Briesa Mae D. Alerta at gusto
kung batiin kayong lahat ng maligayang pagtatapos at Mabuhay KCES
Batch 2023!
Maraming salamat at magandang umaga sa ating lahat!
Download