Uploaded by Junriv Rivera

4th Quarter Lesson Coverage in Araling Panlipunan

advertisement
4th Quarter Lesson Coverage in Araling Panlipunan – 7
May 4th Movement – ito ay maituturing na isang intelektuwal at pang repormang samahan na
isinulongng mga mag-aaral.
Huang Xing – siya ay isang popular na pinuno ng samahang rebolusyonaryo sa China.
Boxers – sila ay mahuhusay sa martial arts at may paniniwalang sila ay hindi tatablan ng bala.
Sun Yat Sen – siya ay ipinanganak noong 1866 sa Guandong na nasa Timog na bahagi ng China.
Boxers Protocol – ito ay kasunduan na kung saan isinasaad ang pagbabayad ng China sa mga
pinsalang dulot ng digmaan.
Sosyalismo – ito ay tumutukoy sa pagmamay-ari ng estado sa mga yaman at ito ay dapat
ipamahagi sa mga tao.
Rebelyong Boxers – ito ay isang lihim na samahan na itinatag sa Shandong, sa hilagang bahagi
ng China.
Treaty of Nanking – sa ilalim ng kasunduang ito napasakamay ng British ang HongKong.
Hairstyle Massacre – Maraming Tsino ang pinaslang dahil sa hindi pagsunod sa patakarang ito.
Opyo – ito ay halamang gamut na ipinagbabawal na naging dahilan ng Unang Digmaang Opyo.
Shunzhi – sa kanyang pamumuno noong 1644 – 1661, nagtatag siya ng bagong imperyo sa
tulong ng isang rehente Dorgon.
Demokrasya – ito ay pagsulong ng mga karapatan batay sa mga prinsipyo ng isang
pamahalaang republika na may saligang batas.
1905 – taon ng pagkakatatag ni Sun Yat Sen ang Chinese United League.
May 30th Movement – ito ay samahan ng mga manggagawa para sa pagtataguyod ng
Nasyonalismo.
Panahon ng Edo – ang Japan sa panahong ito ay nakaranas ng pag-unlad ng ekonomiya ay
kaayusan.
1. Ang Demokrasya ay pagsusulong ng mga karapatan batay sa mga prinsipyo ng isang
Pamahalaang Republikano ng may saligang batas.
2. Ang Dinastiyang Qing ay itinuturing na malakas at may mahabang panunungkulan sa China.
3. Sa pamumuno ni Qianlong naging maunlad pa rin ang China at patuloy na lumaki ang
populasyon.
4. Ipinagbabawal ng mga Tsino ang pagbebenta ng Opyo sapagkat maraming mamamayan
ang nagkaroon ng adiksyon.
5. Dahil sa Kasunduang Tientsin ay nagbukas pa ng maraming daungan para sa mga Europeo
at hinayaang magnenegosyo ang mga British, French, Russian at Amerikano.
6. Ang The White Man’s Burden ay pananagutan ng mga Europeo na bigyan ng sibilisasyon
ang mga bagong nasakop na lupain.
7. Ang Thailand ay nanatiling Malaya sa control ng mga dayuhang mananakop.
8. Ang Imperyalismo ay ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo.
9. Si Sun Yat Sen ay naglaan ng kaniyang buhay para sa rebolusyon.
10. Ang May 30th Movement ay samahan ng mga manggagawa para sa pagtataguyod ng
Nasyonalismo.
Download