I. Layunin Sa loob ng limampung minutong talakayan, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang: A. Natutukoy/naipapaliwanag ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit. B. Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri ng pangungusap. C. Naipapakita ang kooperasyon at pagpapahalaga sa pangkatang gawain. II. Paksang Aralin A. Paksa: Pagpapahayag ng kaisipan at damdamin na ginagamit ang iba' B. Sangunian: F6WG-IVA-J-13 Hiyas sa Filipino 6 Wika p. 11-14 URI NG PANGUNGUSAP (Alikabuk Ep.9) http://www.slideshare.net/JenyHernandez/mga-uri-ng-pangungusap-filipino-i C. Kagamitan: Laptop, Projector/Manila paper, Construction paper, mga larawan D. Pagpapahalaga: Ang pagtutulungan at pagkakaisa ay susi sa tagumpay na minimithi. III. Pamamaraan 1. Panimulang Gawain Magandang umaga mga bata! Magandang umaga Ginoo! Halina at tayo ay tumayo para sa ating panimulang panalangin ngayong umaga. ____, maari mo bang pamunuan ang ating panimulang panalangin? (mananalangin) 1, Bago tayo maupo tignan nyo muna ang inyong nasasakupan kung ito ay malinis at maayos, damputin na rin ninyo ang inyong mga kalat at itapon sa basurahan. (Nagpulot at nag ayos ng nasasakupan ang bawat estudyante) 2. Pag-uulat ng liban Meron bang lumiban ngayong araw? At dahil walang lumiban sa inyong klase, bigyan nyo ang ingyong mga sarili ng isang fireworks clap! Wala Ginoo. (Ginawa ang fireworks clap) A. Balik-aral Bago pala tayo mag simula sa ating paksa, tayo muna ay maglalaro at eto ang aking panuto. Pipili ako ng sampung bata at ipapangkat nila ang kanilang sarili ng tig dadalawa at magpapaputok ang bawat grupo ng tig iisang lobo. Ang bawat lobo ay may nakapaloob na pangungusap. Kanilang tutukuyin kung alin ang simuno at panaguri sa bawat pangungusap. Magaling, naunawaan na ninyo ang ating aralin kahapon. Ngayon, dadako tayo sa ating susunod na aralin. B. Pagganyak Maari po, Ginoo. (uupo ng maayos) Bago tayo mag umpisa, maari ba kayong maupo nang maayos? Ngayong umaga meron akong katanungan sa inyo. Ano ang karaniwang nangyayari saisang lugar na naapektohan ng isang kalamidad, sige nga ___? Masisira po ang kanilang mga pananim na gulay. Mawawalan po ng tahanan. Maraming masasaktan o kung minasn may namamatay. Maaring magkaroon ng pagguho ng lupa. C. Paglalahad Ngayon ay magbabasa tayo ng isang kwento. Bago tayo mag simula, maari nyo bang ibigay ang mga pamantayan sa pagbasa ng tahimik? Ginoo, ang una ay maupo ng matuwid. Ano ano ang mga pamantayan sa pagbabasa ng tahimik? Ang pangalawa naman ay hawakan ng dalawang kamay ang binabasa. Pangatlo naman po ay gamitin ang mga mata sa pagbabasa at itikom ang bibig. Pang-apat naman po ay unawaing mabuti ang binabasa. At ang panghuli po ay itabi ng marahan ang binabasa pagkatapos basahin. Tama ang inyong ibinigay na mga pamantayan, kung gayon ay bigyan ninyo ang inyong sarili ng isang angel clap! Mayroon akong ipamimigay na kopya ng kwento at gawin ninyo ang pagbasa sa loob ng tatlong minuto. “Sopas na Bato” Ito ang Baryo Tahimik. Tahimik dahil walang pakialaman ang mga tao sa kanilang paligid. Nakakaranas sila ng tag- gutom dahil sa bagyong nanira ng kanilang pananim at kabuhayan. “Wow! Nanay ang bango ng ulam!” “Shhhh… Huwag kang maingay. Baka marinig ka ng kapitbahay at humingi pa sila ng pagkain natin.” Itinatago ng mga tao ang kani-kanilang pagkain. Natatakot na baka hingan sila ng pagkain ng mga kapitbahay. Isang araw may isang matandang manlalakbay na may bitbit na sako na hugis bilog. Ang matanda ay pagod na pagod at gutom na gutom. Kumatok siya sa mga bahay upang humingi ng pagkain, subalit wala ni isa (Ginawa ang angel clap) ang nagbigay. Sa gitna ng daan inilabas ng matanda ang kaserola at saka nagwikang “ nais kong ipatikim sa inyo ang pinakamasarap na Sopas na bato.” Sigurado kayo na sa batong iyan makagagawa kayo ng masarap na sabaw? " Mas masarap ito kung lalagyan natin ito ng karne ng baka. Wala naman siguro kayong karne ng baka?” “ Ahh, ehh, parang may natira pa akong karne ng baka sa bahay.” Tinawag ng ale ang kanyang anak at nagwikang “ Kunin mo ang karne ng baka sa mesa.” At inilagay nga sa sabaw ang karne. “Mas sasarap ito kung lalagyan natin ito ng gulay at mais. Wala naman siguro kayong mga gulay at mais?” “Ahh, ehh parang mayroon pa akong mais.” Tinawag ang kanyang anak at nagwikang “Kunin mo ang mais doon sa lalagyan ng pagkain”. At mayroong nagwika na “parang may natira pa akong konting gulay at mais na pandagdag para sa sopas”. Nagwika din siya na “paki kuha ang ating gulay anak” at “pakikuha na din ang natitirang mais kuya”. Lahat ng mga taga-baryo ay nagbigay ng kanilang sangkap. “Mmmm! Ang bango naman ng sopas! Luto napo ba ang sopas? Ang lahat ng mga tagabaryo ay kumain ng pinakamasarap na sopas na bato. Panalo! Simula noon hindi na ganoon katahimik ang baryo Tahimik, dahil natutunan nila na ang pagtutulungan ay susi upang sila ay makabangong muli. D. Pagtalakay sa mga tanong Naunawaan ba ang kwentong inyong binasa? Kung gayon, aking titignan kung tunay na naintindihan nyo ang sa pamamagitan ng pag sagot sa mga sumusunod na tanong. Sopas na Bato po. 1. Ano ang pamagat ng kuwento? Bagyo po. 2. Ano ang naranasan kalamidad sa baryo Tahimik? Isang matandang manlalakbay po. 3. Sino ang dumating sa baryo? Wala ni isa ang nagbigay ng pagkain. 4. Ano ang ginawa ng mga tao ng humingi ng pagkain ang matanda? 6. Ano naman ang aral na natutunan ninyo sa kwento, sige nga ____? E. Paglinang ng kasanayan (Powerpoint Presentation) Ang pagtutulungan po at pagkakaisa ay susi sa tagumpay na minimithi. Mga Uri ng Pangungusap Buhat sa kwentong binasa kanina, tatalakayin din natin kung paano ipapahayag ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Narito ang iba’t-ibang uri ng pangungusap mula sa kwento ng Sopas na Bato. Basahin nga ninyo ang unang pangungusap. (babasahin ang pangungusap) Ang matanda ay pagod na pagod at gutom na gutom. Nagsasaad po ng pangyayari. Ngayon, ano ang sinasaad ng pangungusap? Tuldok po. Magaling! Sa anong bantas naman ito nag tatapos? Tama, ang pangungusap na inyong binasa ay tinatawag na pangungusap na paturol o pasalaysay. (ipapakita at ipapabasa ang kahulugan ng pasalaysay) 1. Paturol o Pasalaysay- ginagamit sa pagsabi ng pangyayari o katotohanan. Natatapos din ito sa tuldok. Ngayon maari ba kayong mag bigay ng sariling halimbawa? (nagbibigay ng halimbawa) (nagbigay ng halimbawa) Tama, isa pa ngang halimbawa? Magaling, ang lahat ng inyong isinagot ay tama. (babasahin ang pangungusap) Ngayon, basahin naman ang susunod na pangungusap. Wala naman siguro kayong karne ng baka? Ito po ay nagtatanong. Ano naman ang masasabi ninyo dito sa pangungusap? Sa tandang pananong po. Magaling! Sa anong bantas naman ito nagtatapos? Tama ang pangungusap na inyong binasa ay tinatawag na pangungusap na patanong. (ipapakita at ipapabasa ang kahulugan ng patanong) 2. Ginagamit ito sa pananong at ginagamitan ito ng tandang pananong (?) sa hulihan. Sino naman ang makakapagbigay ng halimbawa? Magaling, isa pang halimbawa. (nagbigay ng halimbawa) (nagbigay ng halimbawa) (nagbasa) Magaling, mga bata. Ngayon naman basahin ninyo ang pangungusap na ito. Kunin mo ang mais doon sa lalagyan ng pagkain. Ang pangungusap po ay nag uutos. Ngayon mga bata, ano naman ang inyong masasabi sa pangungusap na inyong binasa? Sa tuldok po. Tama, ngayon naman anong bantas naman ito nag tatapos? Tama nanaman, ngayon naman ay pakibasa naman ang susunod na pangungusap. (nagbasa) Ang pangungusap po ay nakikiusap. Pakikuha ang ating gulay anak. Tuldok nanaman po. Ano ang inyong masasabi sa pangungusap? Tama, sa anong bantas naman ito nagtatapos? Tama kayo mga bata, ang tawag naman natin sa mga dalawang pangungusap na inyong binasa ay pangungusap na pautos/pakiusap. (Ipakita ang kahulugan at ipabasa ang pautos/pakiusap) 3. Pautos/Pakiusap- ginagamit sa pag uutos o pakikiusap. Nilalagyan ito ng tuldok sa hulihan. Sino naman ang pwedeng mag bigay ng halimbawa sa pautos? (nagbigay ng halimbawa) (nagbigay ng halimbawa) Tama, sino ang maaring magbigay ng halimbawa sa pakiusap? Tama! Ngayon mga bata, basahin ninyo ang huling pangungusap. (binasa ang pangungusap) Nagpapakita po ito ng matinding damdamin. Wow! Nanay ang bango ng ulam! Nagtatapos po ito sa tandang padamdam po. Ano ang ipinapakita ng pangungusap? Magaling, sa anong bantas naman ito nagtatapos? Tama nanaman! Ang tawag nga pala dito sa pangungusap na ito ay pangungusap na padamdam. (ipakita ang kahulugan ng padamdam at ipabasa) 4. Ginagamit sa pagpapakita ng matinding damdamin gaya ng tuwa, galit, gulat, sakit at ibapa. Nagtatapos ito sa tandang padamdam. Mag bigay nga kayo ng pangungusap na (nagbigay ng halimbawa) (nagbigay ng halimbawa) padamdam? Tama, sino pa? Tama! Ayan ang mga apat na uri ng pangungusap. Ang mga ito ay; paturol o pasalaysay, patanong, pautos/pakiusap/ at padamdam. Opo, Ginoo. F. Paglalahat Naintindihan nyo ba ang ating paksa ngayong araw? Opo, Ginoo. Paturol o pasalaysay, patanong/pautos, at padamdam po. Kung gayon, ano-ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit, at maari nyo bang ilahad ang mga ito, sige nga ____? (pumalakpak ng limang beses) Naglalahad po ng katotohanan o pangyayari. Tama, bigyan si ____ ng limang palakpak! Sino naman ang makakapag bigay kung ano ang paturol o pasalaysay, sige nga____ ? Ginagamit po sa pagtatanong. Magaling, e sa patanong naman, sige nga ____? Ginagamit po ito sa pag-uutos o pakiusap Tama, dumako naman tayo sa pautos, sino ang makakapagsabi kung ano ang pautos at pakiusap? Ginagamit sa pagpapahayag ng matinding damdamin. Magaling, at ang panghuli ay ang padamdam naman mga bata. Tama, lahat ng inyong sinabi ay tama. Ngayo’y tayo naman ay dumako sa ating pangkatang gawain. G. Pagsasanay (pangkatang gawain) Ngayon naman ay mayroon tayong pangkatang gawain at making kayo sa ating panuto na gagamitin dito sa ating pangkatang gawain. Kailangan po ng kooperasyon. Magtrabaho po ng tahimik. Bago tayo mag magsimula ano muna ang mga dapat gawin kapag kayo ay nag papangkatang gawain? Magaling, ano ang kakalabas ng inyong gawain kung may kooperasyon ang bawat miyembro ng pangkat? Tama! Ngayon ay bibigyan ko kayo ng isang sobre ang bawat grupo at naka paloob sa sobre ang mga gagawin ng bawat grupo. Bibigyan ang bawat grupo ng sampung minuto para matapos ang bawat aktibidad na naka laan para sakanila. Pagkatapos ng sampung minuto ay pipili ng isang kinatawan ang bawat grupo para ipaliwanag ang kanilang gawa. Mas maganda po ang resulta ng gawain at matatapos ito kaagad. Unang grupo: Sumulat ng isang pangungusap na; pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap, at padamdam. Ikalawang grupo: Gumawa ng pangungusap hango sa bawat larawani. Ikatlong grupo: Isulat kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa bawat bilang. Ika-apat na grupo: Lagyan ng bantas ang mga sumusunod na pangungusap. Mayroon kayong tig iisang minuto para ipaliwanag ang inyong mga ginawa. Opo Naintindihan ba? Magsimula na! (iuulat ang ginawa sa harapan) Tapos na ba? Ngayon naman ay iulat sa harap ang inyong ginawa. (pumalakpak) Magaling! Ngayon bigyan ninyo ang inyong sarili ng sampung palakpak. IV. Pagtataya Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap ayon sa gamit. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos) at lagyan nang angkop na bantas. ______1) Aray ang sakit ______2) Kinagat ako ng langgam kanina ______3) Pakisabi kay Nanay na dumating na si Tatay ______4) Ipasok mo sa bahay si bantay ______5) Nasaan na ang pagkain ______6) Paki abot nga ang akin inumin ______7) Naku mayroong ahas ______8) Nasaan ang aking mga ipinadala sa iyo ______9) Ako ay labing dalawang taong gulang ______10) Ano ang pangalan ng iyong guro V. Takdang Aralin: Panuto: Gumawa ng limang pangungusap para sa paturol o pasalaysay, lima din para sa patanong, lima din para sa pautos at pakiusap at ang panghuli limang pangungusap din para sa padamdam. Republic of the Philippines Don Honorio Ventura Technological State University Bacolor, Pampanga Banghay Aralin sa Filipino VI Inihanda ni: Rio Mark C. Cabrera BEED 4-B Gen. Ed. LUNINGNING H. CALING Cooperating Teacher LEONA M. CRUZ Principal III