Page 1 of 10 I.PROSESYONAL A: Magandang araw po sa inyong lahat. Sa ilang sandali ay muli na naman nating masasaksihan ang isang palatuntunang sadyang inilaan para sa mga batang nagsikap na maabot ang kanilang pangarap, ang kanilang pagtatapos. Muli na naman nating mamamalas ang kaligayahang nakalarawan sa mukha ng mga magulang ng mga magsisipagtapos sa araw na ito. II. PAMBANSANG AWIT AT III. PANALANGIN S: Ngayon ay sama-sama nating tunghayan ang pagpasok sa tanghalan ng mga batang magsisipagtaposkasama ng kani-kanilang magulang, mga guro, at mga panauhin . Sa pagsisimula po ng ating palatuntunan, inaanyayahan po ang lahat na tumayo at sabay sabay nating awitin ang ating pambansang awit na kukumpusan ng ating guro mula sa pangalawang baitang Bb. _____. At susundan ito ng isang awit panalangin na pamumunuan ng mga piling mag-aaral. Page 2 of 10 IV. PAMBUNGAD NA PANANALITA A: Maaari na pong maupo ang lahat. Upang pangunahan po ang pambungad na pagbati, tinatawagan ko po ang batang nagpamalas ng ibayong pagsisikap sa pag aaral. Pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan ang batang nagkamit ng may karangalan _________________ V. PAGBATI MULA SA (A. BARANGAY) S: Salamat ___, naway makamit mo ang iyong pangarap at magsilbing inspirasyon ka sa iba. Hindi ba’t napakaganda ng kanyang mga sinabi. A:Oo naman mam. Ngayon naman, isa muling pagbati ang ating maririnig at magmumula sa ating supportive na punong barangay.. Kapitan ___________ ***** (B. BAYAN) S: Marami pong salamat Kapitan___, Sa pagkakataong ito, isang tao na naging malapit sa ating puso dahil sa patuloy niyang pagsuporta sa ilang proyekto sa ating paaralan. Nang nagkaroon ng pandemya ay hindi nya talaga pinabayaan ang mga guro, mga mag-aaral at ang Page 3 of 10 ating bayan. Maituturing siyang ama ng edukasyon dito sa ating bayan. Tinatawagan ko po ang ating butihing punong bayan... Kagalang galang. Mayor _____________ *** (C. PAARALAN) A: Marami pong salamat Mayor____, Kalidad na edukasyon, maayos na pasilidad, itoy ilan lamang sa mga hangarin ng ating punong guro para sa ating paaralan.Isang Pagbati pa rin po ang ating maririnig ngayon at itoy magmumula sa ating butihing punong guro... Gng. ___________ VI. PAGPAPAKILALA S: Marami pong salamat Mam ________sa napakagandang mensahe... Dumako naman po tayo sa pinakamahalagang bahagi ng ating palatuntunan ngayong araw ... Ang pagpapakilala sa magsisipagtapos ng kanilang guro Gng._________ na papatunayan naman ng ating punong guro Gng. _________ at pagtitibayin ang magsisipagtapos ng ating Page 4 of 10 napakasigasig at napaka punctual na pinuno, ang ating _____________District Supervisor ____________ PAGPAPATUNAY A: Maraming salamat, Sir at Mam, Para sa mga nagsipagtapos , ang pagtanggap ng katibayan ng kanilang pagtatapos ay napakahalaga. Dahil ito ay sisimbolo sa kaganapan ng kanilang tagumpay sa elementarya. Isa pa rin pong pagbati ang ating maririnig mula naman sa taong di matatawaran ang sipag at sikap upang mapabuti ang edukasyon sa distrito ng__________.. Ang ama po ng edukasyon sa Hermosa... Ginoong _____________ PAGPAPATIBAY SA MGA MAGSISITAPOS S: Marami pong salamat Sir. Tayo po ay mapalad sa umagang ito sapagkat kapiling natin ngayon sa pamamagitan ng Audio Visual Presentation ang isang taong masidhi ang hangaring mapataas ang kalidad ng edukasyon sa buong lalawigan. Narito po at ating pakinggan ang pagbati ng ama ng edukasyon sa lalawigan ng________. A man of action and hardwork. Page 5 of 10 Ladies and gentlemen our Schools Division Superintendent ... Sir ___________ VII. PAGKAKALOOB NG DIPLOMA AT MEDALYA A: Marami pong salamat Sir____. Tunghayan po natin ngayon ang pagkakaloob ng diploma sa mga nagsipagtapos na pangungunahan ng kanilang guro Gng. _______at ng ating punong Guro Gng.____________ at ng ating District Supervisor Ginoong ____________ ****pagtanggap ng diploma**** VIII. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA S: Marami pong salamat Sir_______, Mam ______ at Mam ___, Sa Bawat pagtatapos na katulad nito, may isang tao tayong inaanyayahan upang tumalakay sa ating paksa at magbigay inspirasyon na rin sa bawat isa sa atin. Upang ipakilala po ang ating panauhing tagapagsalita para sa umagang ito, akin pong tinatawagan ang ating Master Teacher.. _________ Page 6 of 10 IX. MENSAHE **** A: Marami pong salamat ________, Tunay ngang nakapagbigay inspirasyon sa bawat isa ang inyong mensahe lalo na sa mga graduates.Ngayon naman poy tinatawagan ko ang ating punong guro, ating district supervisor (at ang Schools division superintendent) para po igawad ang sertipiko sa ating panauhing tagapagsalita S: Marami pong salamat Sir ____at mam____. Ngayon naman po ay dumako tayo sa pinakahihintay ng lahat... Ang pagpapakilala at pamamahagi ng medalya sa mga nagkamit ng karangalan sa mga nagsipagtapos. Inaanyayahan ko po sina Gng. _________ang kanilang guro, ang ating panauhing tagapagsalita____________, Pangulo ng ating GPTA Pres__________, at ang ating punong barangay Kapitan ____________ **pamimigay ng medalya** Page 7 of 10 A: Maraming salamat po sa pamamahagi ng medalya. Hindi lamang po bata ang ating pinararangalan ngayon, nais din po naming kilalanin ang kontribusyon ng ating mga magulang na walang sawang sumusuporta sa ating paaralan kayat atin din nating palakpakan ang inyong mga magulang. S: Ayan dapat na parangalan at palakpakan po natin ang mahuhusay na bata at supportive na parents. Ngayon, Tinatawagan ko po ang ating punong guro _________upang ipakilala ang ating Dakilang Guro at sina Ginoong ___________upang ipagkaloob ang sertipiko. **pagbigay ng dakilang guro award** X. PASASALAMAT VANESSA: Congratulation mam______!! Marami pong salamat mam_________. Narating ng mga Page 8 of 10 nagsipagtapos ang araw na ito sa tulong ng mga taong naging kaagapay nila sa kanilang pag-aaral. Upang iparating ang kanyang pasasalamat, ating pakinggan si __________ang batang nagkamit ng May Karangalan XI. PANUNUMPA NG KATAPATAN S: Thank you so much ____ and Congratulations! Sa pagkakataong ito, tinatawagan ko naman ang batang nagkamit ng may karangalan, _________upang pangunahan ang panunumpa ng Katapatan ng batang nagsipagtapos. XI. AWIT PAGTATAPOS A: Maraming salamat ______sa panunumpa ng Katapatan. Naway inyong maisakatuparan ang pangakong inyong binitawan. Page 9 of 10 Ngayon naman muli naming ibinibigay sa inyo ang mga batang nagsipagtapos para sa kanilang awit pagtatapos. S: Salamat graduates, Sa Likod ng tagumpay ng mga batang nagsipagtapos, ang kanilang mga magulang na silang pumatnubay nang husto upang matustusan ang anumang kanilang pangangailangan..Kayat silay nararapat pasalamatan at bilang pasasalamat, saksihan po natin ang pag aalay ng bulaklak ng mga batang nagsipagtapos sa kanilang mga magulang. XII. PANGWAKAS NA PANANALITA A: Maraming salamat graduates at muli congratulations sa inyong lahat. Inaasahan naming sa pagdating ng araw na kayoy babalik sa paaralang ito kayoy aming maipagmamalaki. Sa pagkakataong ito, tinatawagan ko naman ang ating pangulo ng GPTA Gng. _______________para sa pangwakas na pananalita. Palakpakan po natin siya. Page 10 of 10 S :Maraming salamat sa ating GPTCA Gng. ______________, Dito po nagtatapos ang ating palatuntunan. Muli po graduates and parents congratulations. THE END