Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Nailalahad ang mga gawaing nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa. Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na mayakda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: Mereniza R. Landoy Nida C. Francisco Perlita M. Ignacio, RGC, PhD., Josephine Z. Macawile Edison P. Clet Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera CESE OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division Manuel A. Laguerta EdD OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio RGC, PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM) Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Ikaapat na Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1 Pagsasaalang-alang sa Kapwa Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Modyul para sa araling Pagsasaalang- alang sa Kapwa ! ng Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa Pagsasaalang-alang sa Kapwa ! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. INAASAHAN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang mailalahad ang mga gawaing nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa. PAUNANG PAGSUBOK Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba ay dapat ginagawa ____________________ A. kung nais mo lang. B. kung may kapalit. C. sa abot ng makakaya. D. kung may nakakikita. 2. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsasaalang-alang sa kapwa? A. Ayaw makipaglaro ni Dina kay Isha dahil sa ito’y mahirap. B. Si Jessa lamang ang tinulungan ni Alma dahil sa kaibigan nya ito. C. Ipinagmamalaki ni Yen ang bagong biling cellphone ng kanyang ina. D. Si Mark ay taimtim na nanalangin sa Diyos para sa mabilisang paggaling ng kanyang amang may sakit. 3. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay __________________________________ A. nakapagtataas sa sarili. B. laging humihingi ng kapalit C. nagbibigay kasiyahan sa puso. D. nakapagdudulot ng pagiging sikat. 4. Ang sumusunod ay naglalahad ng pagsasaalang-alang sa kapwa maliban sa isa, alin ito? A. Pagbibilang ng mga naitulong sa kapwa. B. Pagdarasal para sa kapakanan ng bawat isa. C. Pag-iisip ng ikabubuti ng kapakanan ng bawat isa. D. Pagpapaabot ng kayang tulong sa mga nangangailangan. 5. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapanan ng iyong kapwa, ikaw ay ___________________ A. giginhawa ang buhay. B. kawiwilihan ng lahat. C. gagantihan ng iyong kapwa. D. gagantimpalaan ng iyong natulungan. BALIK-ARAL Lagyan ng ( / ) kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng gawaing nakatutulong sa bansa at ( X ) naman kung hindi. _______ 1. Pakikiisa sa kampanya ng DOH na pagsunod sa social distancing. _______ 2. Pagkakalat ng fake news sa pamamagitan ng facebook messenger. _______ 3. Pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan ukol sa covid-19 _______ 4. Pagpopost ng mga nagawang tulong sa facebook. _______ 5. Nakikilahok sa mga programa ng pamahalaan. ARALIN Nakakita ka na ba ng isang pamilyang nakatira sa tabi ng lansangan? Ano ang iyong naramdaman nang makita mo sila? Basahin at unawaing mabuti ang tula. Pag-ibig sa Kapwa Ni: Carolina Villena Ika’y tumunghay at igala ang paningin Munti mong daigdig sikaping palawakin, Sa wari hindi mo nadarama man din. Paghihirap ng kapwa sa paligid natin. May ibang may tahanan ngang naturingan Ngunit tinig ay bahaw na sa labis na kagutuman, Ama’t ina’y walang tiyak na pagkukunan Puso’y nawawasak tuwing bunso’y pinagmamasdan. Ni minsan ba’y naranasan mo nang mabasa Maginaw, mamaluktot sa maliit na dampa O kaya’y maanod habang himbing sa pagtulog At biglang magising sa labis na pangangatog? Bagaman sa dugo’y walang relasyon sila nama’y kapatid kay Jesus na Panginoon. Huwag sanang pumikit, mata mo ituon Maging bukas-palad sa biktima ng pagkakataon. Isa kang bayani, o nilalang na matulungin, Ibayong pagpapala ang iyong tatanggapin, Trumpeta ng kagalakan sa iyo’y tutugtugin Diyos na lumikha ikaw ay pupurihin. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang kalagayan sa buhay ng pamilyang naging tampok sa tula? ________________________________________________________________________ 2. Ano ang nais ipahiwatig sa iyo ng tula? ________________________________________________________________________ 3. Nakaranas ka na bang tumulong sa iyong kapwa? ________________________________________________________________________ 3. Ano sa palagay mo ang maaari mong maiambag para sa kapakanan ng tulad nilang may pinagdadaanan sa buhay? ________________________________________________________________________ 4. Naniniwala ka bang ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pagmamahal sa ating Panginoon? ________________________________________________________________________ Bakit mahalaga ang pagsasaalang-alang natin sa ating kapwa, iyong alamin. Tunghayan ang graphic organizer upang lubusang mong maunawaan ang kahalagahan ng ating kapwa. Pagsasaalang-alang/ Pagmamalasakit sa Kapwa Ang pagpapakita ng malasakit, pagbibigay ng respeto at paggalang sa kapwa ay tanda ng pagmamahal sa ating kapwa. Isa ito sa mahalagang utos ng Diyos na “ Ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” kung saan itinuturo sa atin na mahalin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ilan sa mga paran ng pagpapakita ng pagsasaalang-alang/malasakit sa ating kapwa: 1. pagtulong sa nakatatanda at may kapansanan, 2. pagbibigay tulong sa mga biktima ng iba’t-ibang kalamidad, 3. paggalang sa karapatan nila bilang tao at 4. pagdamay/ pagbibigay payo sa kanilang pinagdadaanan. MGA PAGSASANAY Pagsasanay 1 Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad ng pahayag sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kolum. Tama Mali 1. Tutulong ako sa aking kapwa na walang alinlangan. 2. Mas uunahin kong tulungan ang aking kaibigan kaysa sa iba. 3. Lagi kong iisipin ang kapakanan ng aking kapwa sa isip, salita at sa gawa. 4. Ipagmamalaki ko ang mga nagawa kong tulong sa iba. 5. Magdidisisyon ako para sa ikabubuti ng lahat. Pagsasanay 2 Panuto: Piliin sa loob ng pangungusap. ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng pagtulong nagmamahal Diyos nakagagaan Pinagpapala Pi 1. Ang _________________ sa kapwa ay mabuting gawain. 2. _____________________ ng Panginoon ang laging tumutulong sa kapwa. 3. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay ______________________ ng pakiramdam. 4. Maraming ______________________ sa taong may malasakit sa kapwa. 5. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay tanda ng pagmamahal sa ____________. Pagsasanay 3 Panuto: Ayusin ang pinagbali-baliktad na mga letra ng salita upang mabuo ang katangiang ipinakita sa mga sitwasyon. ________________ 1. yamdapag - Matiyagang pinakinggan ni Anna ang problemang pinagdadaanan ng kanyang kaibigan. ________________ 2. halmamapag - Maraming batang lansangan ang inaaruga at kinakalinga ng DSWD. ________________ 3. mamalapagsakit - Naging trending sa social media ang pangkat ng mga riders dahil sa pag-aayos ng bahay ng isang matanda sa Samar. _________________4. longpagtu - Inalalayan ni Ben ang matandang papatawid ng kalsada. _________________5. langgapag - Pinakinggang mabuti ng pinuno ang mga suhestiyon ng kanyang kasapi bago bumuo ng desisyon. PAGLALAHAT Ano ang mga dapat mong tandaan upang maipakita ang pag-sasaalang-alang mo sa iyong kapwa? Maipapakita ko ang aking pagsasaalang-alang sa aking kapwa sa pamamagitan ng PAGPAPAHALAGA Sukatin mo ang iyong sarili kung gaano mo naisasaalang-alang ang iyong kapwa. Lagyan ng tsek kung gaano mo kadalas ginagawa ito. Palagi Paminsan- Hindi minsan 1. Nagbibigay ako ng tulong nang bukal sa aking kalooban. 2. Nagdidesisyon ako na makabubuti sa lahat. 3. Pinakikinggan ko ang suhestiyon ng aking mga kapwa. 4. Minamahal ko ang aking kapwa tulad ng pagmamahal ko sa Diyos. 5. Di man ako makatulong sa materyal na bagay ay tumutulong ako sa pamamagitan ng pagdarasal para sa kaligtasan ng aking kapwa. PANAPOS NA PAGSUSULIT Panuto: Piliin sa loob ng panaklong tamang sagot. 1. Ang pagtulong sa kapwa ay kailangang ( may hinihinging kapalit, bukal sa kalooban ). 2. Ang pakikipagkapwa ay dapat ipakita sa ( kaibigan, lahat ). 3. Ang pagsasaalang-alang sa kapwa ay nagdudulot ng lubos na ( kasikatan, kasiyahan ) ng sarili. 4. ( Isaisip, Balewalain ) na ang pagdamay sa kapwa ay lubos na ikinalulugod ng Diyos. 5. Maraming tao ang ( magmamahal, magagalit ) sa iyo kung ikaw ay walang sawang tumutulong sa iba. https://images.app.goo.gl/ZpDFjGqa1v8NQrkx6 https://images.app.goo.gl/gxaJf3Vb7gw31Au96 Online o Eletronikong Pinagmulan Ylarde, Zenaida and Peralta Gloria A Ed. D. “Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Batayang Aklat” 166-167 Aklat na Pinagmulan Sanggunian Panapos na Pagsusulit 1. bukal sa kalooban 2. lahat Pagsasanay 3 1. pagdamay 2. pagmamahal 3. pagmamalasakit 3. kasiyahan 4. Isaisip 4. pagtulong 5. paggalang Pagsasanay 2 1. pagtulong 2. Pinagpapala 3. nakagagaan 4. nagmamahal 5. Diyos 5. magmamahal Pagsasanay 1 Aytem Tama Mali 1 / 2 / 3 / 4 / 5 / Balik-aral 1. / Paunang Pagsubok 1. C 2. X 2. D 3. / 3. C 4. X 4. A 5. / 5. B SUSI SA PAGWAWASTO