Republic of the Philippines Department of Education Region 02 Division of the City of Ilagan Ilagan San Antonio District STA. MARIA ELEMENTARY SCHOOL City of Ilagan SEMI-DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO 4 I. LAYUNIN 1. Nakasusunod nang wasto sa mga panuto 2. Naipapaliwanag ang mga dapat gawin sa tamang pagsunod sa panuto. 3. Masayang nakasusunod sa panuto. II. PAKSA Pagsunod sa Panuto A. Kagamitan Video clip, graphic organizer, PowerPoint presentation, TV, Laptop B. Sanggunian: LM and TG of Filipino 4 C. Integrated Subjects: EsP: Pagiging Masunurin/Masipag/Malinis EPP: Paglilinis ng Bahay English: Following Direction, Recite a Poem Arts: Pagguhit Music: Pag-awit Mathematics: Accuracy III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin B. Balik-aral Paano ang tamang pagsunod sa panuto? C. Pagganyak Hatiin sa 5 pangkat ang klase. Hayaang pangalanan ang kanilang pangkat. Hal. Pangalan ng bulaklak Website Pangalan ng mga hayop Magtalaga ng mga panuntunan sa mga bata bago lumabas sa silid-aralan. Hayaang magmasid ng 3-5 minuto. Field Trip (Lakbay-aral) D. Paglalahad Anu-ano ang mga nakita/nabasa ninyong nakapaskil na karatula sa labas? Ano ang tawag natin sa mga ito? E. Pagtalakay Pag-aralan natin ang tungkol sa pagsunod sa panuto habang isinasagawa natin ang susunod na gawain. 1. Pangkatang Gawain Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Araw-araw, ating naririnig, Mga panuto, direksyon sa paligid; “Pumila nang maayos!” “Makinig sa guro!” “Magsalita nang malinaw!” “Linisin ang paligid!” Mga ginagawa sa bahay man o paaralan, Magiging maayos, kung panuto’y pakikinggan at susundin. Sagutin. 1. 2. 3. 4. 5. 6. Ano ang naririnig natin araw-araw? Ano-ano ang mga panutong naririnig ninyo? Bakit dapat sundin ang mga panuto? Ilan ang panutong ibinigay sa tula? Paano masusunod nang tama at maayos ang panuto? Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa mga panuto? 2. Pag-uulat ng bawat pangkat. Hayaang iulat ng bawat pangkat ang kanilang mga sagot. 3. Pakikinig sa video clip tungkol sa pagsunod sa panuto. EPP Integration 1. Tungkol saan ang video clip? 2. Ano-ano ang mga panutong nabanggit sa video clip? 3. Tiyak ba ang ibinigay na panuto? Bakit? Mathemetics Integration 4. Ilan ang ibinigay na panuto sa video clip? 5. Kailan ginagamit ang panuto? 6. Base sa video clip, ano ang panuto? 7. Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa panuto? F. Paglalahat 1. Ano ang panuto? 2. Bakit kailangang sundin ang ibinigay na panuto? 3. Paano mo masusunod nang maayos at tama ang naririnig na mga panuto? 4. Ano ang kahalagahan ng tamang pagsunod sa panutong naibigay sa iyo? 5. Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa panuto? G. Pagsasanay Pangkatang Gawain. Hayaang pumili ang mga bata kung ano ang gusto nilang gawin. Music Integration 1. Gumawa ng kanta/awit tungkol sa pagsunod sa panuto. English Integration 2. Gumawa ng tula tungkol sa pagsunod sa panuto. 3. Pagbabalita tungkol sa pagsunod sa panuto. Music Integration 4. Gumawa ng rap tungkol sa pagsunod sa panuto. 5. Pagsasadula tungkol sa pagsunod sa panuto. ESP Integration 1. Bakit kailangang sundin ang ibinigay na panuto? English Integration 1. Paano mo masusunod nang maayos at tama ang naririnig na mga panuto? 2. Ano ang kahalagahan ng tamang pagsunod sa panuto naibigay sa iyo? 3. Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa panuto? IV. PAGTATAYA A. Sundin ang panutong nasa ibaba. ARTS/English Integration 1. Kumuha ng nito.lapis at papel. 2. Iguhit sa papel ang inyong paaralan at kulayan ito. 3. Ilagay ang pangalan ng ating paaralan sa itaas na bahagi. B. Punan ang semantic web ang mga dapat gawin sa tamang pagsunod sa panuto. Mga Dapat Gawin sa Pagsunod sa Panuto V. TAKDANG ARALIN Gumawa ng talaan ng mga karaniwang panutong ibinibigay ng inyong nanay araw-araw. Lagyan ng tsek ( ) ang mga panutong naisasagawa mo at ekis (X) ang hindi. Inihanda ni: RUENA B. JAVIER Teacher III Binigyang pansin ni: HAZELYN LUCAS, Ph. D. Head Teacher III