Uploaded by raemhar navio

PAHINTULOT NA ANYO Makabuluhang Gamit ng TikTok

advertisement
Pahintulot Na Anyo
A.
Sulat Ng Pahintulot
Impormasyong Pangkabuuan: Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang Makabuluhang
Gamit ng TikTok sa Mga Mag-aaral ng Baitang 10 ng Ann Arbor Montessori Learning Center-Biñan,
Laguna Taong Panuruan 2022-2023.
Proseso: Ang face to face na panayam ay gagawin sa tuwing linggo ng face to face. Pagkatapos nito ay
makikipag-ugnayan sa inyo ang isa sa mga mananaliksik para sa isang one-on-one interview. Ang
panayam na ito ay sesentro sa boses at ito ay ire-record. Una munang pakikilatisin ang form na
nagpapatunay ng inyong pagsang-ayon sa paglahok at bibigyan rin kayo ng pagkakataon na magtanong
ukol sa pag-aaral upang maging komportable kayo sa pagsali.
Panganib at Benepisyo: Ang pag-aaral na ito ay may kaunting panganib. Maaring magkaroon ng
emosyon o saloobin habang ibinabahagi ang inyong mga sagot, ito ay nagmula sa mga ideya o karanasan
sa pagbabasa. Kung sa anumang oras ay hindi kayo komportable at hindi agad makakapagsend ng email,
bibigyan namin kayo ng sapat na panahon upang magpadala ng inyong mga kasagutan.
Walang direktang benepisyo para sa inyo sa pagsali sa pag-aaral na ito. Ang posibleng benepisyo
ng paglahok sa pag-aaral ay ang paggamit ng inyong datos upang magbigay ng mga pagpapahusay sa
pagtuturo ng pagbabasa at pagsusulat, upang matulungan ang mga mag-aaral na magbasa at maunawaan
ang kanilang mga aralin, at upang mapabuti ang kanilang pagtatamo ng kaalaman, maging sa online o
face-to-face.
Konpidensyalidad: Ang anumang impormasyon na makukuha kaugnay ng pag-aaral na ito ay
pananatiling konpidensyal. Sa anumang mga sulatin o publikasyon, hindi kayo itutukoy. Kami ang magiingat ng impormasyon sa aming tahanan. Aming pag-uusapan at ibabahagi ang inyong karanasan
bilang guro/mag-aaral sa aming research paper, na may layuning magbigay ng pangkalahatang pangunawa at impormasyon tungkol sa mga pananaw sa pagganap sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Kusang-loob na Pakikilahok: Ang paglahok sa pananaliksik na ito ay kusang-loob. Maaring
magdesisyon kayong hindi sagutin ang anumang tanong sa panayam. Kung magpasya kayong sumali,
malaya kayong huminto sa anumang oras at hindi na kami magkukolekta ng karagdagang impormasyon.
Kontak at Tanong: Kung mayroon kayong mga tanong, maari kaming maabot sa aming lider, Jazmine
R. Doloque, at jzrdoloque.aamb@gmail.com
Maaring magtala ng kopya ng porma para sa inyong mga rekord.
Pahayag ng Pahintulot:
Ikaw ay magpapasya kung sasali o hindi. Ang iyong paglagda ay nangangahulugan na nabasa mo ang
impormasyon at nasagot na ang iyong mga tanong. Kahit pagkatapos ng iyong paglagda, maari ka pa
rin mag-withdraw mula sa pag-aaral at hindi na kukunin pa ang anumang karagdagang impormasyon.
______________________________________________________________________________
Ako ay pumapayag na sumali sa pag-aaral. Pumapayag akong magbigay ng impormasyon na ipapadala
sa pamamagitan ng interbyu. Maaring ipaalam sa amin kung ikaw ay nag-apruba ng porma kung
sakaling hindi ka makakapirma nito.
__________________________
Pirma O Pahintulot at Pangalan
_______________
Petsa
Download