Uploaded by rebuyaryan334

spoken poetry

advertisement
UNIVERSITY OF NUEVA CACERES
S/Y 2022-2023
ART APPRECIATION (1001)
NAME: Angline Marquez Rebuya
COURSE: BSBA MM
SPOKEN WORD POETRY
“MAHAL KO”
Sisimulan ko sa unang pahina ng libro, ito ay isang kuwento kung saan tayo’y pinagtagpo
Kung saan nag simula yung tayo at kung paano mo
Binigyan ng kulay ang mundo at napahanga sa mga bawat salita mo
Na sana mapanindigan mo hanggang sa huling pahina nito
Pinatunayan mo na karapat dapat ka na makasama ko
Binigay mo yung mga luho at gusto ko
Inilahad mo ang buong pag katao mo sa pamilya ko
Pinatunayan mo sa kanila yung sarili mo
Pinahanga mo ako sa lahat ng sakripisyo mo
Andyan ka palagi kapag kailangan na kailangan ko
Kapag may sakit ako hindi mo ako hinahayaan na mag isa lang ako
Ikaw yung nasa tabi ko noong mga araw na gusto ko ng sumuko sa sarili ko
Ikaw lang yung taong nag tiis at minahal ako na higit pa sa sarili mo
Gusto kong sabihin na sobra akong nagpapasalamat sayo
Dahil mas pinili mo manatili sa mga oras na nag kakaproblema tayo
Salamat dahil hindi ka sumuko , hindi mo sinukuan yung tayo
Alam ko na may hangganan ‘to pero ayoko na matapos ‘to
Ayoko ng bumukas ulit ng libro na hindi ikaw at ako ang nakapaloob dito
Gusto ko ikaw pa rin at ako ang wakas nito
Dahil mahal ayoko mapunta ka sa ibang tao
Selfish man pakinggan pero nag papaka totoo lang ako
Ayoko bumuo ng kuwento sa panibagong tao
Ikaw lang yung gusto ko at patuloy na gugustuhin ng puso ko
Maniwala kaman sa hindi ayoko na matapos ‘to
Kahit alam ko na may huling pahina ang libro sa bawat kuwento
Patuloy parin akong hahanap ng paraan upang hindi ito matapos dito
Gugustuhin ko pa rin gumawa at magbasa ng panibagong libro
Na ikaw at ako pa rin ang nakapaloob dito<3
Sana ikaw pa rin at ako ang nasa huling pahina nito
Dahil ayoko na magbukas ulit ng libro
Na hindi ikaw at ako ang nakapaloob dito
Mag tulungan tayo ng magkasama sa bawat pahina nito
Subukan natin ipaglaban ang pag mamahalan na binuo
Sana wala ng katapusan ‘to
Dahil hanggang sa dulo isa lang ang pinangarap ko
Ang muling basahin at ulitin ang kuwento ng tayo
Dahil ikaw lang yung gusto at ayoko bumuo ulit ng kuwento
Subalit sa hindi inaasahan kailangan kong ikuwento
Na lahat pala ng kuwento ay kailangan din bigyan ng wakas ito
Marahil ako’y mag isa nalang na magbabasa ng libro
Kahit ito ay ang pinaka ayaw ko
Bakit ang bilis mong tapusin ang
Download