Uploaded by Jerry Noveno

Copy-Reading-EF

advertisement
PANUTO: Suriing mabuti ang sumusunod na artikulo. Ang mga talata ay sinadyang
pinaghiwa-hiwalay upang subukin ang inyong kakayahan sa pagwawasto at
pag-oorganisa ng mga detalye ng balita. Siguraduhing gumamit ng mga simbolo lalo
na sa numero ng talata, mga bantas, paglagay ng mga letra, kapitalisasyon at iba pa.
Magbigay ng isang ulo lamang na maaaring may kicker (nguni't ang kicker ay
suhestiyon lamang at hindi kailangan). Huwag nang maglagay ng slug at printer's
instructions.
_________________________________________________________
Ipinagbabawal at ipinatatanggal na ni National capitals Region Police Office (NCRPO)
Chief MGen. Edgar Alan Okubo ang mga television sa lobby ng mga Police Stations
upang makapag-focus sa mga humihingi ng Police Assistance.
Sinabi ni okubo ang "aking aksiyon ay resulta ng aming pagmamanman sa mga
Stations Police at police community precinct na karamihan sa mga desk officers at
tauhan ng presinto ay sa palabas sa telebisyon nakatotok.
Samantala, nagtalaga na rin ng mga babaeng desk officers sa mga police station.
Paliwanag ni Okubo, "mas mahaba ang pasensiya at mas maunawain ang mga
babaeng pulis sa pakikipagusap at pagtanggap ng reklamo.
Mahigpit din ang pagbbawal ng pggamit ng social media ng mga pulis habang
naka-duty.
“Minsan, napansin n’yo, minsan sa isang grupo ng kapulisan, halos nakatungo lahat,
(at) 360 (degrees), ‘di sila aware sa nangyari. Delikado ‘yun sa naka-deploy,” dagdag
pa ni Okubo.
Ang telebisyon umano ang dahilan kng bkt hindi napag-tutuunan ng pansin ang
reklamo at hinihinging tulong ng publiko.
“Nag-conduct kami ng study at discreet lang ito, na pinamunuan ng aming Regional
Intelligence Division. Nung papasok ‘yung tinatawag naming discreet personnel to
ask assistance dun sa mga desk officers, mejo hindi nasikaso dahil nakatingin ‘yung
mga desk officer namin sa TV, ayaw paistorbo,” ani Okubo.
Gayunman, mkakapanood pa rin naman ng telebisyon ang mga pulis subalit
kailangang nasa kitchen area ng police station.
Download