Uploaded by Michael Bautista

Makabagong Teknolohiya sa Gitna ng Pandemya

advertisement
Makabagong Teknolohiya sa Gitna ng Pandemya
ni: Almera A. Panandigan
Bawat tao, may kinatatakutan o kahinaan sa buhay. Lahat ng taong may
propesyon kung sila man ay may ipinagmamalaking abilidad, mayroon naman silang
mga kahinaan. Na kahit ipilit natin ay hindi talaga kayang gawin. Hindi man perpekto
ngunit nagagampamanan nang maayos ang trabaho bagama’t di talagawa
mawawala ang mga agam-agam na maaaring ang iyong kahinaan sa iyong
propesyon ay mangyayari.
Heto na nga, nangyari na. Dala ng pandemyang Covid-19, lahat ng mga
gagawing trabaho para sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral at mabilis na
komunikasyon at di maisakripisyo ang kalusugan ng bawat isa. Heto na nga’t halos
umiikot na ang mundo ng mga kaguruan sa paggamit ng mga makabagong
teknolohiya.
Tanggapin man o hindi, heto na ang pinakamadali at pinakamabisang paraan
ng komunikasyon sa kahit saan at anumang ahensya maging sa buong mundo.
Sadya nga lang na pagdating sa mga teknolohiyang ito ay di sapat ang
kaalaman upang makipagsabayan sa mga baguhang guro. Katulad na lamang ng
paggawa ng videos o video-editing na kadalasang ito na ang nagagamit lalo na sa
pagsali ng mga palatuntunan. Pagkatapos makuhan ng video ang mga kalahok,
kailangan pa itong isalang sa video-editing upang mas maganda ito panoorin.
Ngunit paano na lang ito magagawa kung mismong ang guro ay walang
kaalam-alam sa ganitong mga trabaho. Di magawang magreklamo sapagkat ito na
ang kasalukuyang ginagamit ng lahat lalo na at sinabayan pa ng pandemyang ito.
Sadya nga lang di lahat ay may biyayang talento sa paggamit ng kung ano pa
mang uri ng teknolohiya. Bagaman may kasabihan tayo na “hindi pa huli ang lahat” o
“lahat ng bagay ay natututunan” ng sa gayon sa mga hinaharap na mga gawain o
aktibidades sa mga paaralan na kailangan gamitan ng mga makabagong
teknolohiya, maari nang makasabay ikaw man ay bago o matagal na serbisyo ng
pagtuturo.
Dito ko napagtanto na kahit nagkakaedad na ang isang guro, may
pagkakataong kinakailangan makisabay din sa kung ano man ang mga bagong
ginagamit ngayon sa paligid dahil hindi natin hawak ang mga pagbabagong
nangyayari sa ating paligid katulad na lamang ngayong may kinakaharap tayong
pandemya.
Anu’t anu pa man, di maiiwasan ang mga biglaang pagbabago lalo na sa
ahensya ng edukasyon, mahalaga ay handa tayo bilang guro sa kung anumang
pagbabago na iyon.
Download