“MEDALYON” Buwan ng Mayo ay buwan ng pagsisipagtapos, bakas na bakas ang kagalakan sa mukha ng lahat, ang karamihihan ay gayak na gayak sa mga nagsisout ng itim na toga na kay gandang pagmasdan at napakaaliwalas sa mata pag sila’y tingnan. Naglakad ako kasama ng aking ama, masaya ‘kong pinagmamasdan ang mga nagmamartsa. Sabik na sabik akong tanggapin ang aking pinaghirapan. Ang pagsabit sa akin ng medalya bilang cumlaude ay di ko mapigilan ang pag ngilid ng luha sa aking mga mata at biglang bumalik sa aking ala-ala… “Anak hihinto kana sa pag – aaral. Hindi ko na kayang tustusan ang pag – aaral mo sa kolehiyo, ang perang kinikita ko sa pamamasada ay sapat lamang sa ating pang araw – araw.” Ang tugon ng aking ama “Ehh ‘tay paano na po ang pangarap kong maging Abogado.” Ang aking tanong. “‘Wag kanang maraming satsat mabuti pa at tulungan mo nalang akong maghanap buhay, kalimutan mo na ang pangarap na iyan” Masakit at tagos sa puso ang sinabi ng aking ama, subalit dama ko ang paghihirap at sakrispisyo niya para sa aming anim na magkakapatid. Palibhasa’y mag – isa nalang siyang nagtataguyod simula ng pumanaw ang aking ina. Lunes ng umaga, habang nakatanaw ako sa bintana, pinagmamasdan ko ang mga studyanteng pumapasok sa paaralan nang biglang lumapit ang aking lola. “Apo, bakit ganyan ang mukha mo, may problema ba”? “Ehh lola gusto ko po sanang makapagtapos ng kolehiyo, kaso pinapatigil na ako ni ama” “Yun lang ba? Wag kang agad – agad susuko, lahat ay may paraan tandaan mo hindi hadlang ang kahirapan para magtagumpay” “Ang mga katagang yaon ay tumatak sa aking isipan, nagmuni muni ako, at sumagi sa isipan ko ang aking tiyuhin sa probinsya. Siya si Tiyo Lando ang nakababatang kapatid ng aking ina. Sa kanilang magkakapatid ay siya lamang ang nakakaangat sa buhay. Palibhasa’y ay siya lamang ang nakapag – aral. Bagama’t ang kabusilak sa buhay ay pinilit nyang magtapos bilang isang inhenyero. Kinabukasan ay nagbyahe ako patungong probinsya. Habang napapatingin sa kalsada ay natatanaw ko sa bukid ang aking tiyuhin na nakatayo sa kanilang malapad na bakuran. “Tiyo, mano po”! Ang masiglang bati ko. “Oh, kweni napasyal ka? Matagal na ang huling pasyal mo dito, noon bata kapalang ngayon ang dalaga mo na. Siguro maraming nangliligaw sayo no”? Masayang pag papaalala ng aking tiyuhin. “Wala naman po tiyo, tsaka marami pa akong gustong gawin sa buhay bago pumasok sa mga ganyang bagay” Pumasok kami ni Tiyo Lando sa kanyang napakalaki at napakagandang tahanan “Oo nga pala kamusta na ang ama mo, at ikaw kumusta naman ang pag – aaral mo” “Mabuti naman ho si itay, tsaka huminto na po ako tiyo, hindi kasi kayang tustusan ni itay ang aking pag – aaral. Nag – usap kami ng aking tiyo at sinabi ko sa kanya ang aking mga suliranin. Inalok niya ako na siya ang mag papaaral sa akin, syempre tuwang tuwa ako, nagkaroon ng liwanag sa katuparan ng aking mga pangarap. Mainit ang pagtanggap sa akin ni Tiyo Lando, ngunit ng maramdaman ko ang kanyang asawa na si Tiya Isabel. “Hoi3x, halika nga dito! Linisin mo ang buong bahay, Ayoko makakita kahit na kaunting dumi, pagkataapos mag – init ka ng tubig, magluto ka at linisin mo ang garahe.” Pasigaw na utos ng aking tiyahin. Lahat ng inuutos ni Tiya Isabel ay mabuti kong sinusunod, maglinis, mag – igib, maglampaso, sa dami ng pinapatrabaho ay nakaramdam ako ng pagod. “Nakakapagod naman, makaupo nga mo na sandali.” Ang hindi ko alam pinagmamasdan niya pala ako “Hoi3x at ano ang ginagawa mo dyan, bakit ka nakaupo, bakit prinsesa kaba dito? “Pasenysa na ho nagpapahinga lang po sandali tiyang" “Anong nagpapahinga? Pinalalamon ka namin dito hindi para magpahinga, hala balik sa trabaho” Lingid sa kaalaman ng aking tiyuhin ang pagtrato sa akin ni Tiya Isabel, tuwing aalis si Tiyo Lando ay siya namang pagsisimula sa aking pagpapahirap, ang bawat sakit na panandalian ay tinatanggap ko mula sa aking tiyahin, minsan umiiyak ako sa isang sulok at napapaisip nalang na lumayas. Ngunit tumatak sa isip ko ang sinabi ng aking Lola, na ginto ang sandata ko upang maging matatag. Isang araw, habang naglilinis ako sa aming sala, ay biglang may kalampag akong naarinig mula sa kusina, dali dali akong nagtungo, at nagulat ako, walang malay si Tiya Isabel--himingi ako ng tulong sa mga kapitbahay “Mga Kapitbahay tulong”! Pagkatapos, sinugod namin siya sa Hospital at araw2x ko siyang inaalagaan, kahit ganun ang pagtrato sa akin ni Tiya Isabel, hindi ako umalis sa tabi niya. … At sa pagsabit ng aking medalya ay niyakap ako ng aking ama “Anak patawad sa aking mga pagkakamali, ipinagmamalaki kita” At nang makababa na ang lahat sa entablado nakita ko na papalapit sa akin si Tiyo Lando, nakangit at masaya at kasama niya si Tiya Isabel, agad niya akong niyakap at binati. “Ang tagumpay mo ay tagumpay ng paaralan at tagumpay ng ating pamilya, ipinagmamalaki ka namin”. Maya maya’t lumapit sa akin si Tiya Isabel “Iha, Anak sanay mapatawad mo sa akin mga nagawa sayo noon, ako’y natutuwa sapagkat ang iyong pagtatiyaga ay nagbunga” At niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit, sa mga sandaling yaon ay hindi ko maipaliwanag ang tuwang dinaramdam. Kaming lahat ay masayang umuwi at nagkaroon ng munting salo – salo. At alam niyo ba kung sino ang naghanda? Si Tiya Isabel at dito po nagtatapos ang aking kwento na pinamagatang MEDALYON.