Department of Education Division of Rizal District of Rodriguez II Kasiglahan Village Elementary School LESSON PLAN IN EPP(EA) V SECOND QUARTER I. LAYUNIN 1. Natatalakay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan. A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng hayop sa tahanan at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng ma kawilihan ang pag-aalaga sa hayop sa tahanan bilang mapagkakakitaang Gawain C. Pinakamahalaganag Kasanayan sa Pagkatuto(MELC) Natatalakay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan EPP5AG-0b-4. D.Pagpapaganang Kasanayan 1.1 Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan. 2.1.1 Pagsasagawa nang maayos na pag-aalaga ng hayop. 2.1.2 Pagbibigay ng wastong lugar o tirahan. 2.1.3 Pagpapakain at paglilinis ng tirahan II. III. NILALAMAN Natatalakay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan Pagpapahalaga: Nakapagbibigay halaga sa Pamilya. KAGAMITANG PANTURO A. Mga Sanggunian: 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro MELC EPP G5 AGRICULTURE, PIVOT BOW CURRICULUM GUIDE 2. Mga pahina sa mga kagamitang Pang mag-aaral EPP 5 p 83-86. 3. Mga pahina sa Teksbuk Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan pp.83-86 4. Listahan ng mga Kagamitan Panturo para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan: Power point, Visual aids activity, videos IV. Pamamaraan Panimulang Gawain 1.Panalangin 2.Balik aral Ating balikan ang nakaraan nating aralin .Anong mga hayop ang mayroon dalawang paa na pwedeng alagaan.? 3.Pagganyak Sa loob ng mahiwagang Kahon ay kukuha ang mag aaral ng mapipiling larawan. Kikilalanin ito at ibibigay ang kahalagahan sa pamilya. D. Paglalahad/Pag susuri Ipapakita ang larawan sa mga bata at sasagutan ang mga sumusunod na tanong Mga Tanong: 1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan? 2. Ano ang mga hayop na kanilang inaalagaan? 3. Nararapat lang ba sa isang alagang hayop na alagaan ng maayos? Bakit? 4. Ano ang mabuting maidudulot nito sa ating pamilya? Mabuting Dulot ng Pag aalaga ng hayop: Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip. Nakakapagpabuti ng kalusugan. Nakakadagdag ng kita sa mag-anak. Nakapagbibigay ng pagkain tulag ng itlog at karne. Nakapagbibigay pagkakataong mag-ehersisyo. Nagiging mabuting kasama sa bahay. Nagkakaroon ng pagkakataon para sa pakikisalamuha sa tao. Magandang kasanayan sa bata na magkaroon ng responsibilidad sa pagaalaga. Mga salik sa tamang Pagaalaga ng Hayop: Sapat at masustansiyang pagkain. Malinis, nakaangat sa lupa, at maluwag na bahay na kulungan. Malinis na tubig. Matibay na bubong. Malinis na kapaligiran. Nararapat na gamot, bitamina kung kinakailangan upang lumaki na malulusog at makapagdulot o makapagbigay ng maayos na produkto. Dapat sundin at isaalang –alang upang maramdaman ng alagang hayop na mahal sila ng nag-aalaga sa kanila. Binibigyan sila ng maayos at malinis na tirahan. Maayos ang pag-aalaga sa kanila tulad ng pagpapaligo, pag eehersisyo, at pagbabakuna o pagpapainom ng gamot kung kinakailangan. Pinapakain ng maayos at masustansiyang pagkain. Nililinis ang kanilang tirahan at Kinakausap tulad din ng isang tao. E.Pangakatang Gawain: Pangkatin ang mga mag aaral sa tatlong grupo. Pangkat 1 Mag bigay ng limang (5) mabuting dulot ng pag aalaga ng hayop. Pangkat 2 Gumuhit ng isang hayop na nais nyong alagaan at kulayan ito gamit ang krayola. at isulat ang dahilan kung bakit ito ang napili nyong alagaan .at ano ang mabuting dulot nito sa inyong pamilya. Gawin gabay ang rubriks sa paggawa. Krayteria Laang Puntos Maayos ang pagkulay. 5 Naibigay ang mabuting dulot. 5 Natapos sa takdang-oras. 5 Kabuuan 15 Pamantayan sa pagmamarka: 5-Napakahusay 4-Mahusay 3-Katamtaman 2-Di-gaanong mahusay 1-Sadyang di-mahusay Pagtataya ng Guro Pangkat 3 Buuin ang ang larawan at isulat kung paano maipapakita ang inyong pag mamahal sa hayop na nabuo mula sa puzzle. F.Paglalahat Ano ang mga magagagndang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa pangangailangan ng pamilya? Paano natin maipapakita ang ating pag mamahal sa mga alaga nating hayop.? G.Paglalapat Lagyan ng Tsek () kung tama at ekis (X) naman kung mali. _____1. Ang pagaalaga ng hayop ay nakakatulong sa pangangailangan ng pamilya. _____2.Kailangan ng tamang pangangalaga sa mga hayop upang magbigay din ng maayos na produkto. _____3.Hindi kinakailangan bigyan ng sapat na bitamina at pagkain ang mga alagang hayop. _____4.KInakailangan ng maayos na tirahan ang mga alagang hayop at sapat na malinis na tubig. _____5.Nagbibigay ng itlog, karne at dagdag kita sa pamilya ang pagaalaga ng hayop. H.Pagtataya: Panuto:Isulat ang naayong simbolo sa mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng Thumbs up () kung ang pahayag ay nagpapakita ng mabuting dulot ng pag-aalaga ng hayop sa pamilya at thumbs down () kung hindi. Dulot ng pag-aalaga ng Hayop sagot 1. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne. 2. Nakakasama sa kalusugan. 3. Nakakadagdag ng kita sa mag-anak. 4. Magandang kasanayan sa bata na magkaroon ng responsibilidad sa pag-aalaga. 5. Nagdudulot ng hindi maayos na samahan sa loob ng tahanan. V. Takdang Aralin Magsulat sa inyong kwaderno tungkol sa inyong natutunan sa araling ito. Maganda ba sa isang pamilya ang mayroong alagang mga hayop? Bakit? Inihanda ni: ANALINDA D. GULARIZA Teacher III Observed by: SONNY V. MATIAS Master Teacher II