TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON SA FILIPINO BAITANG 11 UNANG MARKAHAN Unang Semestre 2016 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO PANANALIKSIK DIMENSYON NG PROSESONG PANGKABATIRAN KASANAYANG PAMPAGKATUTO Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng isang pananaliksik KABUUAN: BLG. NG ARAW AYTEMS BAHAGDAN KASANAYAN (Remembering) PAG-UNAWA PAGSUSURI PAGLALAPAT (Understanding) (Analysis) (Applying) KINALALAGYANG BILANG 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10 11,12,13,14,15,16,17 10 10 17 17 .33% 17 18,19,20,21,22,23,24, 25,26,27,28,29,30,31 32,33,34 .33% 17 36,37,38,39,40,41 42 4 8 .14% 8 43,44,45,46,47,48 49,50 4 8 .14% 28 50 100% 8 1-50 Inihanda ni: GINALYN U. RED Guro Pinagtibay ni: NONATO R. MAGTIBAY Quinabigan National High School Pinamalayan, Oriental Mindoro IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO – 11 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO PANANALIKSIK I. Ibigay ang kahulugan ng mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik. 1. Mayroong apat na mahalagang bahagi ang pananaliksik, isa rito ay ang nagsisilbing introduksiyon, nagpapakilala ng halaga ng akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at nagbibigay na rin ng mga layunin ng pananaliksik. Ito ay nasa antas ng prosesong tinatawag na______. A. Metodolohiya C. Kongklusyon at Rekomendasyon B. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa D. Resulta at Diskusyon 2. Ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos. Itinuturing na pinakamahabang proseso ng pananaliksik na tinatawag na______. A. Metodolohiya C. Kongklusyon at Rekomendasyon B. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa D. Resulta at Diskusyon 3. Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng datos.Kabilang ang paggamit ng mga paraang istatistikal at interpretasyon ng datos sa kwantitatibong pananaliksik.Ito ay nasa antas ng prosesong tinatawag na_______. A. Metodolohiya C. Kongklusyon at Rekomendasyon B. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa D. Resulta at Diskusyon 4. Maikli ngunit malaman ang pagbuo ng lagom. Nagbibigay ng makabuluhang suhestiyon batay sa kinalabasan ng pananaliksik. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay tinatawag na______. A. Metodolohiya C. Kongklusyon at Rekomendasyon B. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa D. Resulta at Diskusyon 5. Ayon kay Susan B. Neuman, ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Mayroon itong sentral na layunin na_______. A. Tumuklas ng mga bagong kaalaman na magagamit ng tao B. Upang sukatin ang katalinuhan ng tao sa pamamagitan ng pagsusulat C. Mapatatag ang wikang Ingles bilang lehitimong wika ng edukasyon D. Maraming kapakinabangan ang mananaliksik mula sa proseso ng pagtuklas 6. Ang plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Ang iba pang anyo ng plagiarism ay ang mga sumusunod MALIBAN sa____. A. Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba B. Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag C. Pagiging matuwid, makatarungan at matapat sa gawa ng iba D. Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala 7. Ang pag-alam sa proseso ng pananaliksik ay makapagbibigay sa mananaliksik ng sapat na pundasyon at kakayahan sa pagtuklas ng impormasyong bubuo sa pananaliksik. Itinuturing na ang unang hakbang at proseso bilang paghahanda ay______. A. Pagdidisenyo ng pananaliksik C. Pagsusuri ng Datos B. Pangangalap ng Datos D. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa 8. Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik. Kung mailalatag nang maayos ng isang mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik, tiyak na makakamit nito ang____: A. Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatwiranan ang pagkakapili nito B. Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang pananaliksik C. Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral D. Lahat ng nabanggit 9. Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon.Ito ay tinatawag na pamamaraang_____. A. Kuwalitatibo C. Deskriptibo B. Kuwantitatibo D. Etnograpiko 10. Kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang paguugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumabagay rito. Ito ay tinatawag na pamamaraang_______. A. Kuwalitatibo C. Deskriptibo B. Kuwantitatibo D. Etnograpiko 11. Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasulukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Ang pamamaraang ito ay_______. A. Kuwalitatibo C. Deskriptibo B. Kuwantitatibo D. Etnograpiko 12. Sa bahagi ng metodolohiya,nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok. Kabilang sa mga ito ay kung sino, tagasaan, o kaya ay kung anong institusyon o organisasyon may kaugnayan ang kalahok. Ito ay bahagi ng tinatawag na_____. A. Presentasyon ng Datos C. Paraan sa Pagsusuri ng Datos B. Pagsisinop ng mga Tala D. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik 13. Ito ay isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik. Kadalasang ginagamitan ng payak na questionnaire na hinahayaang sagutan ng mga kalahok.Ang pamamaraang ito ay______. A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Sarbey B. Structured Interview D. Pakikipanayam o Interbyu 14. Sa pamamaraan ng pakikipanayam o Interbyu, may iba’t ibang uri ng panayam, isa na rito ang tinatawag na structured interview o mabalangkas na pakikipanayam na nangangahulugang____. A. Halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey B. Mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy panayam C. Upang galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam D. Batay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon o sampling 15. Ang semi-structured interview o pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas ay ginagamitan ng mga gabay na tanong upang maging maayos at sistematiko ang daloy ng panayam at_________. A. Halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey B. Mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy panayam C. Upang galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam D. Batay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon o sampling 16. Ang panayam na unstructured o walang estruktura ay kadalasang impormal ang paraan ng pagtatanong at may layuning_______. A. Halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey B. Mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy panayam C. Upang galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam D. Batay sa husay ng pagpili ng representatib ng buong populasyon o sampling 17. Isang pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa. A. Structured Interview C. Nakabalangkas na obserbasyon B. Dokumentaryong Pagsusuri D. Panayam o Interbyu II. Isa-isahin ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik. 18. Ginagamit ang pamamaraan ng pananaliksik na ito, kapag nangangailangan ng field study gaya ng etnograpiya. Ito ay pagmamasid ng mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng pag-aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos, at iba pa. A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Nakabalangkas na obserbasyon B. Panayam o Interbyu D. Structured Interview 19. Sa bahaging ito ng metodolohiya, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan nng pananaliksik. Ito ay tinatawag na_____. 20. 21. 22. 23. 24. 25. 26. 27. 28. 29. A. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos C. Paraan sa Paglikom ng Datos B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik D. Paraan sa Pagsusuri ng Datos Nilalaman naman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos. Maaring gumawa ang mananaliksik ng dayagram upang maipakita ang mga hakbang sa pangangalap ng datos. Ito ay proseso ng tinatawag na______. A. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos C. Paraan sa Paglikom ng Datos B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik D. Paraan sa Pagsusuri ng Datos Ilalagay sa bahaging ito kung paano ang gagawing sistematiko ang presentasyon ng datos para sa mas madaling interpretasyon at pagsusuri, itinuturing na pinakahuling bahagi ng metodolohiya na______. A. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos C. Paraan sa Paglikom ng Datos B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik D. Paraan sa Pagsusuri ng Datos Sa presentasyon ng Datos, mahalagang gawin muna ang proseso ng tabulasyon o pagsasaayos ng impormasyong nakalap. May mga pangunahing hakbang sa pagsasaayos nito MALIBAN sa____. A. Paglikom at pagbilang ng mga bumalik na datos mula sa ipinamahaging talatanungan B. Transkripsyon ng naganap na pakikipanayam C. Pag-sasaayos ng mga tala mula sa obserbasyon D. Bibliyograpiya Itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Nagpapakita ng kontribusyon ng mananaliksik sa pag-unlad ng kaalaman. Ito ay kilala sa tawag na_______. A. Metodolohiya C. Bibliyograpiya B. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik D. Pangangalap ng Datos Sa presentasyon ng datos, ginagamit sa biswal na presentasyon ng mga numero o bahagdan na maaaring magpakita ng kabuuang padron, ugnayan o kalakaran batay sa uri nito, ito ay ang______. A. Graph at chart C. Line Graph B. Tallying D. Bar Graph Bahagi sa presentasyon ng datos, kadalasang nagpapakita ng mga datos na nasa iba’t ibang kategorya o kaya ay paghahambing, tinatawag itong______. A. Graph at chart C. Working Tables B. Pie Graph D. Bar Graph Nagpapakita ng bahagdan o pagkakahati ng bawat bahagi. Ang paraan na ito ng presentasyon ng datos ay kilala sa tawag na_____. A. Graph at Chart C. Line Graph B. Pie Graph D. Bar Graph Sa pagsisinop ng tala at Bibliyograpiya, kadalasang ginagamit ang estilong APA. Ano ang ibig sabihin nito? A. American Psychological Association C. American Psychologist Association B. America Psychological Association D. America Psychology Association Kapag gumagamit ng pormat na APA, sinusunod ang pagkilala na nasa loob ng mismong texto o in-text citation kung saan tinutukoy ang awtor at taon ng pagkalathala na nangangahulugang______-. A. Ang apelyido ng awtor at taon ng publikasyon ay nasa loob mismo ng teksto B. Paggamit ng panaklong kung saan kadalasang nakapaloob ang pangalan ng awtor at ang pahina ng aklat kung saan sinipi o nakuha ang impormasyon C. Direktang sipi at paraphrase na nagbibigay ng impormasyon D. Wala sa nabanggit Sa estilong MLA, ang pagbanggit at pagpakilala sa akda ng iba ay isinasagawa sa sariling pananaliksik sa pamamagitan ng parenthetical citation o nangangahulugang______. A. Ang apelyido ng awtor at taon ng publikasyon ay nasa loob mismo ng teksto B. Paggamit ng panaklong kung saan kadalasang nakapaloob ang pangalan ng awtor at ang pahina ng aklat kung saan sinipi o nakuha ang impormasyon C. Direktang sipi at paraphrase na nagbibigay ng impormasyon D. Wala sa nabanggit 30. Ang KABANATA I. Ang Suliranin at Sanligan Nito, may mayroong bahagi ng papel-pananaliksik na natutukoy mula sa bawat antas ng proseso tulad ng sumusunod: A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik, Lokal at Populasyon ng Pananaliksik B. Paraan sa Paglikom ng Datos at Paraan sa Pagsusuri ng Datos C. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral D. Lagom, Resulta at Diskusyon 31. Para sa KABANATA II. Metodolohiya at Pamamaraan, mayroong bahagi ng papel-pananaliksik na natutukoy mula sa bawat antas ng proseso tulad ng sumusunod: A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik, Lokal at Populasyon ng Pananaliksik B. Paraan sa Paglikom ng Datos at Paraan sa Pagsusuri ng Datos C. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral D. Lagom, Resulta at Diskusyon 32. Ang pag-aalis o pagdaragdag ng salita o pangungusap, pag-aalis o paglilipat ng talata ay isang proseso ng rebisyon na tinatawag na___________. A. Note Taking C. Proofreading B. Editing D. Rough Draft 33. Ito ay may kinalaman sa mga pagkakamaling gramatikal, tipograpikal at pagbabantas. Kinakailangan din tingnan ang wastong baybay at tamang gamit ng bawat salita bilang proseso ng rebisyon na tinatawag na__________. A. Note Taking C. Proofreading B. Editing D. Rough Draft 34. Kung sa presentasyon ng datos ay karaniwang sinasagot ang tanong na “ano”, ano naman ang sinasagot ng intepretasyon ng datos? A. Bakit C. Kailan B. Saan D. Sino III. Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit , metodo at etika sa pananaliksik. PAKSA: ANO ANG ANTAS NG INTEGRASYON NG TRANSPORMATIBONG EDUKASYON SA PAGTUTURO NG PANANALIKSIK SA FILIPINO? (1) Tatalakayin sa kabanatang ito ang mga disenyo at paraang ginamit sa pangangalap ng datos upang alamin ang antas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino. Makikita rin sa kabanatang ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon, pamamaraan, instrumentong ginamit sa paglikom ng mga datos at paraan ng pagsusuri sa mga ito. (2) Ang pag-aaral ay nasa disenyong deskriptib-kwantitatib sapagkat sinukat nito ang antas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at Deskriptibo sapagkat inilarawan ang mga antas na ito. Gayundin, inilarawan kung ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa kanilang pagtuturo (3) Ang mga tagatugon ng pananaliksik ay nagmula sa Kagawaran ng Filipino sa ilalim ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro, Pamantasan San Luis na nagtuturo ng asignaturang Filipino 2(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) sa ikalawang semestre ng taong pampaaralan 2010-2011. Kinabibilangan ito ng 21 na guro, dalawang lalaki at labinsiyam na babae, na bumubuo sa kabuuang bilang ng kaguruan ng Kagarawaran ng Filipino. (4) Gumamit ng talatanungan para sa mga guro na nagtuturo ng pananaliksik na siyang nagtasa sa antas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa kanilang pagtuturo ng asignatura. Gayundin, katulad na talatanungan ang ipinamahagi sa mga mag-aaral na sumukat sa anatas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon batay sa kanilang persepsiyon sa pagtuturo ng kanilang mga guro. (5) Bilang panimula, isinagawa ng mananaliksik ang reliability test ng mga instrumentong ginamit sa pananaliksik. Sa hanay ng mga mag-aaral, humingi ng pahintulot ang mananaliksik sa ilang mga guro upang payagang mamahagi ng talatanungan sa kanilang mga klase. Sa hanay naman ng mga guro ay nagpadala ang opisina ng Paaralang Gradwado, Vice President for Academic Affairs ng University of the Cordilleras at Department of Humanities ng Benguet State University upang pahintulutan ang mananaliksik na magpamahagi ng talatanungan sa mga gurong nagtuturo ng pananaliksik. (6) Upang makuha ang sagot sa antas ng interpetasyon ng traspormatibong edukasyon sa nilalaman at pamamaraan ay ginamit ng mananaliksik ang weighted mean at ginawang salalayan ang sumusunod na istandard at deskrisyon sa pagbibigay ng interpretasyon. VALUE 4 RANGE 3.25-4.00 DESKRIPSYON Lubos na lubos Ang integrasyon INTERPRETASYON Palaging inilalangkap ang mga element ng transpormatibong Edukasyon sa nilalaman at Pamamaraan ng pagtuturo ng Aralin. 35. Batay sa talata 1, ang tinutukoy na Kabanata ay ______. A. Kabanata III. Resulta at Diskusyon B. Kabanata IV. Kongklusyon at Rekomendasyon C. Kabanata I. Ang Suliranin at Sanligan Nito D. Kabanata II. Metodolohiya at Pamamaraan 36. Para sa talata 2, ipinahihiwatig ang disenyo na tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik at pamamaraan naman kung paanong mabibigyang katuparan ang disenyo na_________. A. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik C. Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral B. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos D. Paraan sa Pangangalap ng Datos 37. Muling balikan ang talata 3, mapapansin na nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok/tagatugon ng pananaliksik. Inilalagay ito sa bahaging_______. A. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik C. Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral B. Kasangkapan sa Paglikom ng Dat D. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos 38. Sa talata 4, inilahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong ginamit na talatanungan. Ito ay ginagawa bago ang pangangalap/paglikom ng datos.Ito ay nasa prosesong_______. A. Paraan sa Paglikom ng Datos C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos B. Paraan sa Pagsusuri ng Datos D. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik 39. Taglay ng talata 5, ang mga hakbang, plano at proseso sa pagkuha ng datos. Maaaring gumamit sa paglalahad ng dayagram. Ito ay nasa antas ng proseso na_______. A. Pagsusuri ng Datos C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos B. Paraan sa pangangalap ng Datos D. Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral 40. Sa talata 6, nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang estadistikal na pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Ang pinakahuling proseso na ito ay tinatawag na_____. A. Pagsusuri ng Datos C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos B. Paraan sa pangangalap ng Datos D. Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral 41. Batay sa pag-aaral, nais hanapin ng mananaliksik ang solusyon sa_______. A. Kahalagahan ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa pagtuturo ng pananaliksik sa Filipino B. Antas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa pagtuturo ng pananaliksik sa Filipino C. Salik ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa pagtuturo ng pananaliksik sa Filipino D. Epekto ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa pagtuturo ng pananaliksik sa Filipino 42. Sa kabuuan ng pag-aaral, naging batayan sa pagbuo ng modelong pampagtuturo na inaasahang makatutulong sa pagbuo ng programang ekstensyon sa Kagawaran ng Filipino. A. Pagsusuring nahalaw mula sa pagsusukat ng mga datos B. Makabuluhang pangangalap ng impormasyon C. Mabisang pagkuha ng mga tagatugon D. Wala sa nabanggit IV. Suriin ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng isang pananaliksik. 43. Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at kabuluhan, ngunit lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito sapagkat________. A. Ang Pilipinas ay isang lipunang dumaranas ng mahabang kasaysayan ng pananakop at ngayon ay dinadaluyong ng globalisasyon B. Nanatiling bansot at nakaasa ang mga siyentipikong pananaliksik ng iba’t ibang larangan sa mga banyagang kaalaman C. Nananatiling hamon para sa mga Pilipinong iskolar at mananaliksik ang pagbuo ng kalinangan sa pananaliksik D. Lahat ng nabanggit 44. Makabuluhan ang naging pagninilay ni Dr. Bienvenido Lumbera(2000), ang tuluyang nagbunsod ng desididong pagkiling niya bilang iskolar na itanghal ang wikang Filipino bilang______. A. Maka-Ingles na pananaliksik sa iba’t ibang larangan at disiplina B. Internalisasyon ng Pananaliksik ng mga Pilipino C. Maka-Pilipinong pananaliksik na nasa wikang Filipino man o Ingles D. Wikang Pambansa ay wika ng marurunong at wikang hindi naghihiwalay sa intelektuwal na sambayanan 45. Mahalagang tungkulin din ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro, na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng maka-Pilipinong pananaliksik na nangangahulugang_______. A. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik B. Komunidad ang mayroong problema na kailangang bigyan ng solusyon C. Komunidad ang nagsisilbing tagatugon o respondent D. Wala sa nabanggit 46. Batay sa kalagayan at mga hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik ay ang Patakarang Pangwika sa Edukasyon, alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa patakaran na ito? A. Pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa B. Pagpapanatili ng pag-aaral ng Filipino sa pinakamataas na antas ng edukasyon C. Umunlad ang araling makabansa sa iba’t ibang larangan dahil sa wikang banyaga D. Gamitin ang wika sa mataas na uri ng pananaliksik sa iba’t ibang disiplina 47. Kinakailangan natin ang Internalisasyon ng Pananaliksik sapagkat______. A. Mababang pagtingin sa mga journal ng pananaliksik B. Dahil sa daluyong ng globalisasyon C. Pagpapahusay ng mula sa mga bansang mauunlad ang pananaliksik D. Lahat ng nabanggit 48. Para sa mga gabay sa pamimili ng paksa at pagbuo ng suliranin sa pananaliksik, may mga gabay na tanong na dapat isaalang-alang ito ay ang mga sumusunod MALIBAN sa_____. A. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa? B. Paano lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw? C. Ano ang maaaring pakinabang ko sa pananaliksik? D. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman? 49. Malinaw na ang intelektuwal na gawain ay hindi pansarili lamang, bagkus ay kailangang iugnay ito sa pangangailangan ng bayan, ito ay ayon sa pananaw na si_______. A. Rosario Torres Yu C. Rosario Tarris Yoe B. Rosary Torre Yow D. Rosary Rorris Yu 50. Ayon sa proponente ng Sikolohiyang Pilipino, “ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin, ito ay walang iba kundi si______. A. Virgilio Enriquez C. Virgilio Gonzalo B. Virgiloi Enriquez Gonzalo D. Virgilio Enriquiz